CHAPTER TWENTY FIVE

1398 Words
Mariin siyang napalunok saka mahigpit na napahawak sa strap ng kanyang bag ng matanto niyang si Zeth nga talaga ang kanyang kaharap. Her heart is beating loudly against her chest. Sa takot, sa kaba at sa uri ng damdamin na tanging dito lamang niya naramdaman. Umiwas siya ng tingin at di sinasadyang napadako sa kamay nitong may dala rin pumpon ng mga puting bulaklak. "B-Binisita ko lang si nanay Zeny." Sabi niya bago pa ito makapagtanong kung ano ang ginagawa niya doon. Naramdaman niyang idinako nito ang mga mata sa puntod ng ina, partikular sa bulaklak at kandilang hindi pa tuluyang nauupos. "I-I'm sorry. Hindi ko naman akalain na pupunta ka rito ngayon. H-Hindi naman ganitong oras tuwing pumupunta ka--" she close her mouth shut. Hindi na niya kailangan magpaliwanag, ang dapat na ginagawa niya ay umalis na bago pa siya nito ipagtabuyan. Bago pa siya nito sumbatan at pagsalitaan ng mga hindi maganda. "A-Aalis na ako." Nakayuko niyang sabi, saka pilit na iginalaw ang mga paa upang lagpasan ito. She was already a few step away from him, when she felt his hand on her wrist. She swallowed and close her eyes. Hindi niya alam kung bakit, pero ramdam niya ang pamilyar na sakit sa kanyang puso sa mga sandaling iyon. And that pain sent tears to her eyes. "Don't ever come in here--" "I-I'm sorry, pero h-hindi ko magagawa iyon." Agad niyang putol. Ang pagdalaw nalang doon ang tanging nagpapagaan sa loob niya, ipagkakait rin ba nito iyon? "Maniwala ka man o sa hindi, mahalaga at mahal ko si nanay Zeny, at kaya ako pumupuntang rito dahil sa dahilang iyon. So please, huwag mo akong pagbawalan. I will be careful in the future. I won't let our way to cross like this again. Just tell me what time you're going to come here, para hindi tayo--" "Damn you! Hindi iyon ang ibig kong sabihin!" Malakas nitong sabi na hinigpitan pa ang hawak sa kanya. Sa ginawa nitong iyon ay napalingon siya para tingnan ito. "Lumuwag na ba ng tuluyan ang mga turnilyo mo sa utak? This is a public cemetery! Ang tapang mo naman para pumunta rito ng mag-isa. Alam mo ba kung ano ang pwedeng mangyari sayo rito kung sakali, huh?!" He was in raged, she knew. But this time alam niyang hindi iyon dahil sa mga nagawa niyang kasalanan rito, kundi dahil nag-aalala ito sa kanya. And knowing that, feels like something is squeezing her heart. Nakuha pa nitong mag-alala sa kanya sa kabila ng ginawa niya rito. Ang sakit sa dib-dib. Nagsimulang manlabo ang kanyang mga mata. Kung kanina, nagawa niya pang pigilin ang kanyang mga luha, ngayon, kusa na iyon naglandas sa kanyang pisngi, making Zeth stand still. Agad niyang iniwas ang kanyang tingin. Ngunit alam niya, umiwas man siya, hindi na niya iyon maitatago. Nagtagis ito ng bagang. She saw that in the corner of her eyes. Binitawan siya nito. And when she raised her head to look at him again, he was already on his back from her. "Kung pupunta ka rito sa susunod, make sure to bring someone with you. Huwag kang pumunta rito ng mag-isa. That is.. if you value your life." Walang emosyon nitong sabi pagkunwa'y inihakbang ang mga paa at tinungo ang harap ng puntod ni Nanay Zeny. Minasdan niya ang likod nito. Alam ng Diyos kung paano niya pinigil ang sarili na tawirin ang kanilang pagitan at yakapin ito ng mahigpit. Pinigil niya, dahil alam niyang hindi niya iyon pwedeng gawin, hindi maaari. Wala siyang karapatan. Kaya imbes na gawin ang iniisip, unti-unti rin siyang tumalikod. Pinahid niya ang kanyang luha bago inihakbang ang mga paa, palayo sa lugar na iyon. Palayo rito. >>>> "Drey, salamat at nandito ka na.." Pagpasok niya sa kanilang bahay ay siya namang pagbaba ng kanyang Mama sa hagdan. Out of respect, lumapit siya rito at hinalikan ito sa pisngi bilang pagbati. "Good afternoon, Mama." Maikli niyang bati. Hindi na siya nagtanong kung saan ang punta nito. Because looking at her all dress up, naka-make up, naka-ayos ang buhok, at humahalimuyak ang pabango sa ere, alam na niyang may pupuntahan ito. At hindi lang iyon ang napansin niya dito, her aura is quite different. She's glowing and her eyes is twinkling. Well, hindi na iyon nakapagtataka. Naging masigla ito mula nang bumalik ang kanyang Papa. "Good thing you're here. Lalabas kami ng Papa mo para mag-dinner. Ikaw na muna ang bahala kay Daisy hah?" Sabi nito saka umangat ang tingin sa itaas ng hagdan. Sinundan niya iyon ng tingin. There she saw her Father, holding Daisy's hand while going down the stairs. Walang emotion niyang tiningnan ang mga ito. Lalo na sa kamay ng mga ito na magkahawak. Hindi niya maiwasan ang makaramdam ng panibugho sa nakikitang senaryong iyon. When was the last time her father held her hand like that? Or did he ever did that? Did he ever carry her in his arms when she's little? Did he read her stories and sing her lullabies while putting her to bed? Ah, wala siyang matandaan. Hindi niya matandaan na ginawa nito sa kanya ang nakikita niyang ginagawa nito kay Daisy ngayon. But it's alright. She already accepted that long time ago. She accepted that her father loved her less. O maaari ngang hindi kailan man. And even with her mother, she didn't felt that kind of love. But it's okay, at least isa sa kanila ngayon ang masaya. Ang kanyang Mama. "Drey.. how are you? How's school?" Tanong ng kanyang Papa sa kanya ng tuluyan ng nakababa ang mga ito. "Okey naman Papa." Maikli niyang sagot sabay kibit ng balikat. "Me and your mom are going out tonight. Could you--" "Sinabi na niya sa akin. Don't worry ako nang bahala kay Daisy." Ngumiti ang kanyang Papa. Lumapit ito sa kanya at walang sabi-sabi siyang niyakap na ikinatigil niya. "Thank you, iha." Anas nito. "Thank you for understanding us through all these years. Babawi ako sa inyo ng Mama mo. Pangako." Napatingin siya sa dako ng kanyang Mama na noo'y abot taynga ang ngiti. Sa parte niya, hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. This is all new to her. That kind of scenery, hindi na iyon pumasok sa isip niya kailan man, judging by the way they lived since she's little. But maybe, it was not that too late. Baka pwede pa nilang bawiin ang mga panahong iyon na nawala sa kanila. Maybe all they just need is acceptance and forgiveness. And second chance too. "Gusto mo bang sa kwarto ko nalang ka matulog?" Tanong niya kay Daisy. Katatapos lang nilang maghapunan kasama si Yaya Rosing. Naiwan ito sa kusina para magligpit. Sila naman ni Daisy ay umakyat na sa ikalawang palapag. Kitang-kita niya kung paano namilog ang mga mata nito. Hindi marahil inaasahan ang narinig sa kanya. Magmula kasi nong dumating ito doon, pansin-dili niya ito. She treated her coldly at hindi halos na kinakausap. And she regretted those days as she look at her now. "T-Talaga ate Drey? Hindi ka magagalit?" She plaster a gentle smile and shake her head. Babawi siya ngayon. Babawi siya rito. "Siyempre hinde. O ano, gusto mo ba?" "Siyempre po. Noon ko pa iyon gusto eh." Inosente nitong sabi. Inilahad niya ang kanyang kamay. "Halika na.." Malapad itong ngumiti saka inabot ang kanyang kamay pagkunwa'y mahigpit iyon na hinawakan. And she did the same. Humakbang sila papunta sa kanyang kwarto na magkahawak-kamay and with Daisy twinkle eyes. Sa ibaba, dinig nila ang pagtunog ng kanilang telepono. At ilang segundo lang ay narinig nila ang taranta at nanginginig na boses ni Yaya Rosing habang tinatawag siya. "Ya anong nangyari?" Tinakbuhan niya ang pagitan ng barandilya sa ikalawang palapag at tinunghay ito sa ibaba na noo'y tila hindi na alam ang gagawin habang hawak ang telepono. When she didn't answer her, natataranta na siyang bumaba. "Ya! Anong nangyari?" Ulit niya. Bumaling ito sa kanya. At base sa ayos nito, alam niyang may nangyaring hindi maganda. "T-Tumawag ang mga pulis.." She ceased her brows. "Pulis? Bakit? A-Ano ang--" "Naaksidente at nahulog raw sa bangin ang sasakyan ng Mama at Papa mo.. at.. at.." Tila hindi nito iyon kayang dugtungan. And it added to her fear more. Nagsisimula na ring manginig ang kanyang mga kamay. "K-Kapwa daw hindi na nagawang isalba." Para siyang binagsakan ng langit ng marinig ang idinugtong nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD