"Nagkita kami kanina ni Carlo sa canteen, hindi pa rin daw pumapasok si Zeth."
Banggit ni Lila habang naglalakad sila sa pasilyo patungo sa laboratory building.
Hindi siya nagsalita. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. She knew that already dahil naitanong na niya kanina sa isang kaklase nito na nasalubong niya.
Its been three days mula nong manggaling siya sa bahay nito. She knew that it's imposible for him to listen to her, but somehow she was hoping that he will come back into his right senses.
But seems like he didn't. Hindi na nga talaga siguro ito babalik sa pag-aaral.
And it added more on the guilt she's feeling. Dahil sa kanya kaya namatay si nanay Zeny, dahil rin sa kanya kaya nasira ang buhay ni Zeth.
"Nakakapanghinayang talaga. Malapit na silang grumadweyt, and Zeth is one of the candidate for Suma c*m Laude. Kung hindi siya makakapag-exam sa pre-final at final, mawawalan ng saysay ang lahat ng pinaghirapan niya sa loob ng ilang taon."
Tumigil siya at walang emosyon na bumaling rito.
"It's all my fault. It happened because of me. Kasalanan ko ang lahat."
Malungkot itong tumingin sa kanya. "Don't blame yourself, Drey. Walang may gusto na mangyari ang lahat ng ito. Well.." nagkibit balikat ito. "Maliban nalang kina Marga and Vera. Maybe they are in joy right now, lalo na si Marga. Maybe she's celebrating knowing that Zeth hates you so much."
Wala siyang pakialam sa nararamdaman ng mga ito patungkol sa kanya. They could hate her to death for all she cares!
They are seeing each other at the classroom, pero kahit pakitang-tao ay hindi na nila ginagawa. Sa tuwing magkikita sila o magkakasalubong, they acted as if they don't know each other.
"She like Zeth." Patuloy ni Lila. "Kung tutuusin, kasalanan nila ito. Sila ang nagpumilit sayo na papuntahin si Zeth sa gym ng gabing iyon. Why you need to take all the blame?"
Mapait siyang napatiimbagang. Dahil siya naman talaga ang may kasalanan. Siya ang nagsimula ng lahat. Siya ang mayabang na nakipagpustahan sa mga ito. At dahil doon, marami ang nadamay. May nasaktan. At ang masakit, nawala ang taong itinuring na niyang ina.
"Naroon na daw sa lab si Prof." Sabi ng kaklase nilang nagmamadaling dumaan sa kanilang gilid.
Kaya ang ibang mga kaklase nila ay nagmadali na rin. Nalakad-takbo na ang mga ito. Kilala kasi na istrikto ang guro nilang iyon. Binansagan pa nga nilang professor sungit.
"Magmadali na rin tayo, Drey, mahirap ng masabon ni Professor sungit." sabi ni Lila.
Hinawakan nito ang braso niya at hinila.
Ngunit kapwa sila napatigil ng sa pagbaling nila ay nakita nila si Zeth, kasama si Carlo at dalawa pang kaibigan nito na naglalakad din sa parehong pasilyo at ngayon papasalubong sa kanila.
Naramdaman niya ang biglang pagpisil ni Lila sa kanyang braso. Pero hindi siya natinag. Bagkus, ipinagpatuloy niya ang kanyang paghakbang. Sumunod naman ito sa kanya.
They walk on the right side of the hallway, samantalang ang grupo ni Zeth ay sa kaliwang bahagi.
Mariin siyang napalunok. Ramdam niya ang mabilis na t***k ng kanyang puso habang papalapit sila ng papalapit sa isa't-isa.
Pero tulad ng hangin, kapwa silang umaktong hindi nakita ang isa't-isa. They walked past at each other. Tiim ang mga labi at diretso lang ang mga mata ni Zeth ng dumaan sa kanyang gilid.
She did the same. She did what she had promised. Ang ituring na hindi nila kilala ang isa't-isa kapag nagkasalubong.
Although it hurts so much, she endure the pain. She must to. Ang importante ay pumasok na ito ngayon. Iyon lang naman ang tanging hiling niya. Ang kanyang tanging pakiusap. Kung hindi na siya nito mapapatawad habang buhay, maluwag sa dib-dib na niya iyon tatanggapin.
"Drey, si Zeth.. pumasok na!"
Ewan niya kung sa galak o dahil wala lamang masabi si Lila kaya iyon ang naibulaslas nito ng medyo makalayo na silang dalawa.
"Hmm.. I saw him. And I'm glad he did. Halika na.." pilit na ngumiti niyang sabi.
And she plaster that smile the whole time they are inside the laboratory. Isinantabi niya ang sakit sa kanyang puso at pinanaig doon ang kasiyahan sa nakitang pagpasok muli ni Zeth sa klase nito. Kahit paano, kahit konti, nabawasan ang guilt na nararamdaman niya.
Seeing him moving on and continuing living his life is all that matters to her.
Hindi na muli sila nagpang-abot o nagkasalubong sa mga dumating na araw. Sa parte niya, sinadya niyang umiwas sa mga lugar na pwede silang mapagkita.
Tinupad nito ang hiniling niya. Kaya nararapat lang na tuparin rin niya ang kanyang pangako.
Isa't kalahating buwan na rin lang naman at magtatapos na ito. And after he graduate, she knew, he will never going to set foot on that school, not... until she was there.
>>>
"Kumusta na kayo inay? May maganda po akong ibabalita sa inyo, bumalik na po si Zeth sa pag-aaral. Matutupad pa rin ang pangarap ninyo para sa kanya. Medyo bumalik na rin po ang pangangatawan niya. Kaya huwag na po kayong mag-alala pa sa kanya."
Nakangiting sabi niya habang nakatingin sa puntod ni Nanay Zeny, partikular sa pangalan nitong nakasulat sa lapida. Sa gilid ay nakapatong ang bulaklak na dala niya at ang kandilang sinindihan niya.
"Alam kong hindi na niya ako mapapatawad kahit na kailan. Pero okay lang po iyon sa akin. Tanggap ko, dahil napakalaki ng kasalanang nagawa ko sa kanya. Sana kayo inay... napatawad ninyo na ako."
Ilang saglit pa niyang minasdan ang puntod bago nagdesisyon tumayo at umalis. She can't stay there any longer, dahil baka magpang-abot sila ni Zeth.
Although memoryado na niya ang oras ng pagdalaw nito doon, hindi pa rin siya pwedeng makampante. He could change his schedule anytime.
"Hindi po ako pwedeng magtagal inay, kaya aalis na ako. Pangako po.. babalik ako sa susunod na araw."
Tatalikod na sana siya ng bigla siyang matigilan ng maramdamang tila may bultong nakatayo sa kanyang likod.
Oh, God.. huwag naman si Zeth...
Taimtim niyang hiling. Hindi siya nito pwedeng makita doon. Hindi sila dapat magpang-abot.
But seems like her prayers was a bit too late, dahil ng humarap siya, ang walang emosyon nitong mukha ang nasilayan ng kanyang mga mata.