CHAPTER THIRTY FIVE

1370 Words
Hindi na nakipagkita si Zeth sa kanya ng mga sumunod na araw. Somehow she felt relieved of not seeing him again. Kung natauhan ito o naawa sa kanya ay hindi niya alam. Marahil ang nauna. Narealized siguro nito na hindi na nito dapat pag-aksayahin ng oras ang isang tulad niya because karma has already made its way to get to her. She is in misery more than enough. More than anyone could ever imagine. Sana maging daan ang huling pagkikita nilang iyon para matuldukan na ang mapait na kwento ng kanilang nakaraan. She knew, she won't be able to forget everything, to forget him.. but somehow, she will be able to breathe and live after telling him all those words she kept in her heart in the past eight years. Hindi man lahat nasabi niya, pero para sa kanya, sapat ng nalaman nitong pinagsisisihan niya ang lahat at nagdurusa rin siya sa mga taong nagdaan. "Drey, si Aling Rosing nasa telepono." Hangos na dating ni Becky. "Hindi mo daw sinasagot ang cellphone mo. Sa tono ng boses niya, mukha yatang may nangyari!" Pakiramdam niya nawalan ng kulay ang kanyang mukha ng marinig ang sinabi nito. Wala sa sariling ibinaba niya ang hawak na tray sa kitchen counter at natatarantang lumabas para sagutin ang telepono. Her hand were trembling and so her voice. "Y-Ya.. Anong nangyari?" "D-Drey.. si Daisy.." Iyon lang ang tanging nasabi nito, pero sapat na iyon para manginig ang buo niyang pagkatao. "N-Nasaan kayo ngayon?" "N-Nasa saint Joseph medical Center. Tinawagan ako ni--" Hindi na niya pinatapos ang sinabi nito. Ibinaba niya ang telepono sa cradle at natatarantang pumunta sa kanilang locker room para kunin ang kanyang bag. "Isinugod daw si Daisy sa ospital. Ikaw na ang magsabi kay ma'am Jela na umalis ako, Beck." sabi niya ng madaanan si Becky. Mababakas rin sa mukha nito ang pag-aalala ng tumango. "Oo, ako ng bahalang magsabi mamaya kapag dumating siya. Sana okay lang si Daisy." Sana nga... Iyon din ang taimtim niyang panalangin habang sakay ng tricycle papunta sa sinabing ospital ni Yaya Rosing. Her heart is beating loudly against her chest. Sa takot, sa pag-aalala at sa kaba. Habang nasa daan, hinaluglog niya ang kanyang bag at kinuha ang kanyang cellphone. Palagi niya iyon inilalagay sa kanyang bulsa habang nagtatrabaho siya doon sa coffee shop. Ngayon lang niya iyon naiwan sa kanyang bag. And of all time, ngayon pang muling inatake si Daisy. Halos isang taon ng hindi ito inaatake. Anong nangyari? Did she forget to take her medicine? Did she stressed herself? May ginawa na naman ba itong nakakapagod sa skwelahan? She open her phone, ang balak niya ay tawagan si Yaya Rosing. Hindi na siya makapaghintay na makarating pa doon para malaman kung ano na ang kalagayan ng kapatid ngayon. She is already dying from fear. Nakita niyang may nakarehistro doon na eight miscalls. Lima mula kay Yaya Rosing and the other three is from an unknown but the same number. Hindi na niya iyon pinagtuunan ng pansin. She immediately dial Yaya Rosing number, ngunit napamura na lamang siya ng mamatay ang kanyang cellphone bago pa man nagring ang kabilang linya. "s**t!" She look at her phone. Its battery was empty. Mariin nalang niyang ipinikit ang kanyang mga mata sa naramdamang dismaya. Of all time, bakit ngayon pa siya na low batt kung kailan kailangan na kailangan niya! Pagkarating pa lamang nila sa harap ng ospital ay nagmamadali na siyang bumaba kahit hindi pa tuluyang tumigil ang tricycle. "Dahan-dahan lang iha dahil baka madisgrasiya ka." Narinig niya pang saway ng driver sa kanya, pero hindi na niya iyon masyadong binigyan ng pansin. Matapos na iabot ang singkwenta pesos rito ay nagmamadali na siyang tumalikod. "May sukli ka pa--" Pero tuloy-tuloy na ang kanyang takbo papasok. Diretso siya sa information counter at nagtanong. Nang sabihin ng nurse kung saan dinala si Daisy ay mabilis din niya itong tinalikuran at tinungo ang lugar na sinabi nito. Ang emergency room. Lakad-takbo ang kanyang ginawa. At kahit na nanginginig ang kanyang mga tuhod ay pinilit niya iyon igalaw. Kita na niya ang emergency room ng bigla siyang napatigil at mula sa kinatatayuan ay kumunot ang noo. Hindi lamang si Yaya Rosing ang naroroon. Beside her, leaning on the wall is the man she thought she would never see again. Bakit naroroon si Zeth? "D-Drey..." Mula sa pagkakaupo sa naroroong bench ay tumayo ito. Nakita niya rin ang pagdiretso ng tayo ni Zeth saka idinako rin ang tingin sa kanya. Nagsalubong ang kanilang mga mata, but it was just for a brief seconds. Nagtataka siya kung bakit ito naroroon, pero hindi iyon ang importante sa mga sandaling iyon. Tinakbo niya ang pagitan nila ni Yaya Rosing. "Ya anong nangyari?" She asked urgently. Halos mangiyak-ngiyak ito ng hawakan ang kanyang kamay. She then shake her head after. "H-Hindi ko rin alam. Ang sabi ni Zeth, bigla nalang daw namutla at hindi makahinga si Daisy, at pagkatapos ay hinimatay." Saglit niyang ini-angat ang mga mata sa lalake. "Tinawagan ka daw niya, pero hindi mo sinasagot." So the unknown number on her misscalls was his. "Ilang ulit na rin kita tinawagan, pero hindi mo rin sinasagot. Kaya sa telepono na ng coffee shop ako tumawag." "Nasa bag po kasi ang cellphone ko, nakalimutan kong ilagay sa bulsa nang maging busy sa coffee shop." Paliwanag niya. "Kumusta na daw po si Daisy?" "Hindi pa lumalabas ang Doctor buhat ng pumasok sila sa ER." Si Zeth ang sumagot. Muli na naman niyang idinako ang mga mata rito. She wanted to ask him the question of why he was there? And why he was with Daisy when she fainted, pero hindi na niya nagawa ng marinig ang pagbukas ng pinto ng emergency room at makita ang Doctor. Nagmamadali silang lumapit rito ni Yaya Rosing. "K-Kumusta po ang kapatid ko?" Agad niyang tanong. Sa kaibuturan ng kanyang puso, naroroon ang piping hiling na sana ayos lang ang lagay nito. Dahan-dahan na tinanggal ng Doctor ang facemask nito. At ewan niya kung bakit siya kinabahan ng makita ang malalim nitong pagbuntong-hininga. "Hindi maganda ang kundisyon ng kapatid mo ngayon dahil tuluyan ng nabara ang ugat na nagsu-supply ng oxygen sa kanyang puso. I suggest to bring her in Manila for urgent operation. Doon.. dahil kumpleto ang padilidad para sa mga pasyenteng may sakit sa puso. And we need to do that in this very hour. The heart attack that happened to your sister is fatal, and I don't think she can make it till tomorrow if we won't take her to Manila and do the operation ASAP." Kung hindi lang dahil kay Yaya Rosing na nasa kanyang tabi at hawak siya ay baka kanina pa siya napadausdos sa sahig. She can't feel her feet on the floor. Her body is trembling uncontrollably. Her mind immediately wander to that scene, eight years ago. Ganitong-ganito rin iyon. Ganitong-ganito rin ang nangyari ng kapwa binawian ng buhay ang kanyang Mama at Papa. Thinking of it made her mind went blank. Nanlalamig siya sa sobrang takot. "Ayusin ninyo na ang dapat ayusin Doc, dadalhin namin siya sa Manila." Mariing sabi ni Zeth. Ngunit gahibla nalang ang boses nitong iyon sa kanyang pandinig. "Nurse, pakisabi sa Driver na ihanda nila ang ambulance, may pasyente tayong ita-transfer sa--" "No.. not by ambulance. Bring her to the rooftop. We will take her using a chopper." "I'm sorry to say this attorney Miranda, but the hospital chopper is currently at Santa Inez. Tinawagan kami kanina para tumulong na madala rito sa ospital ang mga biktima ng nangyaring landslide. We don't have a choice but to use the--" "Wala akong sinabi na ang hospital chopper ang gagamitin namin Doc. I knew someone who own one. I will call him, kaya ihanda ninyo na si Daisy ng madala na namin sa Manila." With those commotion, nanatili lang siyang walang imik. She was not herself the whole time. Pakiramdam niya, lumipad ang kaluluwa niya sa kawalan. It was Zeth who arranged everything. It was him who was on her side while they are transferring Daisy to Manila. Ito.. na sa buong biyahe nila ay hindi binitawan ang kanyang kamay. "Daisy will going to be alright." Anas nito at niyakap siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD