CHAPTER THIRTY SIX

1211 Words
It was a crucial moment for her. Maghahating gabi na pero hindi pa lumalabas ang Doctor mula sa operating room. They've been inside for almost seven hours now, and there's still no news of how's Daisy right now. And it's slowly killing her. Kanina pa siya lutang sa kawalan. Her mind is in chaos and her heart is barely hanging on her chest. Kung may sakit nga rin siya sa puso, baka nasa operating room na rin siya sa mga oras na iyon. Tinakpan niya ang kanyang mukha ng kanyang mga palad. Since earlier, she was already sitting on that bench outside the operating room, hindi na siya umalis doon, dahil bukod sa hinihintay niya ang paglabas ng Doctor, hindi rin siya sigurado kung makakatayo siya nang hindi mabubuwal. Hinang-hina na siya. She can feel it from her ice cold hand and from her trembling knees. "Here.. try to drink this." Mula sa pagkakayuko ay ini-angat niya ang kanyang tingin. Ang unang nasilayan ng kayang mga mata ay ang styro cup na may pangalang hot chocolate na nakalagay. And from there, she roam her eyes upward. Sa brasong humahawak sa cup na iyon at diretso na iyon sa mukha ng may-ari. "You never had any bite since earlier. Uminom ka muna kahit ito lang para malamnan ang sikmura mo kahit papano." She winced and swallowed. Umiwas siya ng tingin pero tinanggap rin ang iniaabot nito. "Salamat." Mahina niyang sabi. Zeth walk towards her side, and sit beside her. May nilagyan lang itong espasyo sa pagitan nila. In his hand was also a styro cup with a coffee name on the outside and its store name. Her mind was too occupied about Daisy condition, magkagayon man, hindi niya winalang pansin ang presensiya nito mula pa kanina. While she was sitting at that bench, nakatayo naman ito at nakasandal sa pader, silently waiting like her. Hindi ito nagsalita buong oras. Tahimik lang din ito gaya niya. Siguro dahil alam nitong hindi naman siya nito makakausap ng maayos dahil windang ang buo niyang pagkatao. Or maybe.. he really doesn't want to talk to her. Nang maramdaman niyang lumabas ito kanina, akala niya umalis na ito. But he didn't. Oddly, he came back with a hot chocolate for her, and for the first time since earlier, he talked and sit beside her. Naaawa siguro ito sa kanya kaya hindi siya iniwan. "You don't need to stay with me here Zeth. Ako nang maghihintay sa Doctor kaya pwede mo na akong iwan." Sabi niyang hindi tumingin rito. Ramdam niya ang pagbaling ng tingin nito sa kanya, and even the furrow of his brows. Pero imbes na tingnan ito, she look at the cup she's holding and brought it to her lips. "Paluwas na rin naman siguro si Yaya Rosing kaya--" "I'll stay Drey." Putol nito. Puno ng kaseryosohan ang boses. "I won't leave you here alone." Muli na naman siyang napalunok. Hearing those words from him, felt as if a large hand is squeezing her heart. In a time like this, he was the last person she did imagined to be on her side. But he was here. And never wanted to leave her side. At sa totoo lang, sobra siyang nagpapasalamat dahil doon. Kung wala ito kanina, at ngayon, baka ang tanging nagawa niya nalang ay umiyak sa isang tabi. She was grateful but.. it wasn't his responsibility to stay here. She darted her eyes on him and tried to plaster a smile. "I appreciate your kindness, Zeth. And I will be forever grateful for what you did for Daisy, pero masyado ka nang naabala at ayoko nang madagdagan pa iyon. I can take it from here, kaya pwede ka ng umalis." Sinalubong nito ang kanyang tingin. Seryoso ang mukha nito, and his eyes were unreadable. "I am already entangled in this situation, kaya mananatili ako rito hanggang umayos ang lagay ni Daisy. Don't worry.." bumaling ito pagkunwa'y dinala ang cup sa bibig. He take a sip and look infront. "I am doing this for her." Isa pa iyon sa ipinagtataka niya. Paano nito nakilala si Daisy? Did they met by coincidence? "Daisy is a fighter, malalampasan niya ang lahat ng ito for sure." Dugtong pa nito. Muli niyang dinala ang cup sa bibig. The way he talked, mahihinuha niyang hindi iyon ang unang pagkakilala ng dalawa. At hindi pa siya nakakapagtanong kung paano at saan ito inatake. "If you won't mind, pwede ko bang malaman kung paano kayo nagkakilala ni Daisy?" Coincidence lang ba o sinadya mong lumapit sa kanya dahil sa galit mo sa akin? Gusto sana niya iyon idugtong. But she kept her mouth shut. Sapat na malaman niya ang iilang detalye. "I met her by coincidence. May kaibigan ako sa pinapasukan niyang skwelahan, I visited and happened to cross path with her." "Kailan ka bumisita?" "Three days ago." "How did you end up bringing her to the hospital? Bumisita ka ba ulit sa skwelahan niya kanina?" "Yes, sinundo ko siya." What? Kunot noo siyang bumaling na naman rito. "Sinundo?" "When we met, we really had a great conversation, and I made a promise to her. Na babalik ako para bumisita ulit. My plan was to treat her lunch. Hindi ko alam na masama na pala ang pakiramdam niya nong nasa restaurant kami. Nagulat nalang ako ng bigla siyang hinimatay." "Why do you need to treat her lunch? You just met her coincidentally, right? A-Alam mo ba na kapatid ko siya?" And because you knew, you planned to used her to get even? Iyon lang ang tanging dahilan na naisip niya, dahil wala na namang rason para bumalik pa ito just to treat lunch to someone he just met. "Yes, I knew. I saw her with you at the coffee shop." Hindi makapaniwalang nagtiim ang kanyang mga labi. "But cast that dirty thoughts on your mind." Matigas nitong sabi as if nabasa nito ang nilalaman ng utak niya. "I didn't have an ill intention when I approached her. Mabait si Daisy at masayang kasama. It was the reason why I came back and wanted to treat her to lunch." Tumiim ang labi niya. "I didn't say anything. Why did you eagerly explained as if you're guilty?" "Dahil alam ko kung ano ang tumatakbo diyan sa utak mo." Nagpalatak siya. "Oh, hindi ka lang pala isang magaling na abogado ngayon, you can also read minds now. You never ceased to impress me." She said mockingly. God, she can't believe that they are arguing in a time like this. "It's not mind reading. It's just that I knew you. Sadly, you haven't change at all." And you did, so much. Mapait niyang naisip. Hindi na siya nagsalita pa. Hindi na niya gustong humaba pa ang kanilang argumento. She won't win anyway. Knowing him, gagamitin lang nito ang kasalanan niya laban sa kanya. Isa itong magaling na abogado di ba? Binabawi na niya ang sinabi niya kanina na nagpapasalamat siyang naroon ito. Yes, she's grateful that he brought Daisy to the hospital. Habang buhay na niya iyon tatanawing utang na loob, pero ang pananatili nito doon ngayon na kasama siya, she hated it. So much that if she wasn't just in a difficult situation and if it wasn't for Daisy, pinalayas na niya ito doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD