"Heto Daisy, kumain ka ng marami hah.. huwag kang mahiya. Magmula sa araw na ito, ito na ang magiging bahay mo. Ituring mo na rin ako na mama mo, okay ba iyon sayo?"
"Opo.."
Nagtiim ang kanyang mga bagang ng sa pagbaba niya ng hagdan mula sa ikalawang palapag ay narinig niya ang sinabing iyon ng kanyang Mama.
They are at the dining room having their breakfast, kasama ang kanyang Papa at ang ipinakilala nitong anak kagabi na hindi niya halos matandaan ang pangalan.
Oo nga pala.. Daisy.. kasasabi lang ng ina.
And looks like her mom is already fond of her. Or maybe she is just trying to make her father stay.
Wala naman siyang pakialam sa desisyon ng mga ito. Oo, medyo nasaktan siya kagabi ng malaman na may anak sa labas ang kanyang Papa. But it was just for last night. Ngayon, wala na siyang maramdaman. Sinikil na niya ang kanyang damdamin. Inisip at inaasahan na rin naman niya iyon. Kaya wala na siyang pakialam.
Mas inaalala niya pa nga ang nangyari sa kanila ni Zeth kagabi at ang posibleng galit nito sa kanya. She tried to call him last night after he left, ngunit hindi nito sinagot. She texted him, ngunit hindi ito nag reply.
Galit nga marahil ito sa kanya.
Who would not be? After finding that it was all just a game?
Kailangan niya talaga itong makausap para ipaliwanag ang lahat. Para humingi ng tawad. Tatanggapin niya ang galit nito kung sakali.
Kung hindi nga lang masyado ng gabi kagabi, pupuntahan niya ito sa bahay ng mga ito, but it was late last night. At inisip niya rin na hayaan na muna ito. Maybe by now, he's not that mad anymore.
"Oh, Drey iha, halika, mag-almusal ka muna bago pumasok."
Tatalikod na sana siya ng marinig ang boses ng ina, kaya napilitan siyang tumigil at humarap sa mga ito.
She heave a sigh. Idinako niya ang mga mata sa kanyang Papa na noo'y tahimik lang na naka-angat rin ang tingin sa kanya. And even Daisy.
She darted her eyes back on her mother. And as she look at her eyes, she realized that she's not really faking her happiness or her smile. Talagang masaya ito. Kita niya iyon sa kislap ng mga mata nito. Talaga ngang ang Papa niya ang lahat-lahat para dito. Ang Papa niya ang kaligayahan nito. Kaya hindi na siya makikipagtalo pa rito nang may kinalaman sa ama.
As long as she's happy, then it's fine to her.
"Late na po ako Mama, kaya sa school canteen nalang." mahinang sabi niya.
"Then, sa dinner nalang. Magpapaluto ako mamaya kay Rosing. Umuwi ka ng maaga."
"I'll try, but I won't promise. May practice po kami mamaya. Hindi ko alam kung anong oras matatapos." Excuse niya kahit ang totoo ay wala naman.
Tinanggap na niya sa sarili ang ama at ang anak nito, para sa kanyang Mama. Pero hindi pa rin siya nakakalimot. Malinaw pa rin sa kanyang isip ang mga araw na iniwan sila nito para sa ibang babae.
"Aalis na po ako." Paalam niya at muling tumalikod.
"Drey, iha.."
Tumigil siyang muli ng marinig ang boses ng kanyang Papa. But she didn't bother to turn and look at him. Hinintay niya lang ang kung ano man ang sasabihin nito.
"Nasa ATM mo na ang allowance mo. If you need anything, sabihin mo lang."
Nagtiimbagang siya. Mahigpit na napahawak sa kanyang bag.
Akala niya wala na siyang nararamdaman. Akala niya naisikil na niya ang kanyang damdamin, but she was wrong. So wrong. Dahil sa mga sandaling iyon, dama niya ang pait.
Pera lang ba ang katapat niya? Pera lang ba ang kaya nitong ibigay sa kanya?
Hindi iyon ang higit niyang kailangan. Ang kailangan niya, ay ang pagmamahal at atensyon nito. Ang pagmamahal na tulad ng ibinigay nito kay Daisy.
She wanted to blurted that out, pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang lumabas na naglilimos siya ng pagmamahal at atensyon. It was the last thing she will do in her entire life.
"Aalis na po ako."
Hindi pa rin lumilingon na sabi niya.
Diretso at tuloy-tuloy ang ginawa niyang paghakbang hanggang sa makarating siya sa naghihintay nilang pick up sa garahe.
>>>
Tamang-tama na nagsisimula na ang pagtawag sa pangalan ng dumating siya sa kanilang classroom. She walk towards her seat. Sa gilid ng kanyang mga mata kita niyang nakangisi si Vera. Marga is in her raised brows, nakangisi rin ito na tila nang-uuyam. Si Jayla naman ay tahimik lang.
Nilagpasan niya ang mga ito as if wala siyang nakita at dumako na sa tabi ni Lila.
"Nasabi mo ba ang lahat kay Zeth kahapon?" Agad na bulong nito.
Umiling siya. "Hindi ko nagawa, pero..."
"Lilianna Prayco.."
Kapwa sila napabaling at napa-angat ng tingin sa kanilang professor.
"P-Present Sir.." Lila stammered.
"Andreanna Monteville.."
"Present Sir.."
"Luisa Fernando.."
The roll call continue.
"Akala ko ba kakausapin at sasabihin mo na sa kanya ang lahat kahapon, bakit hindi mo nagawa?" Muling bulong nito.
"A-Alam na niya ang lahat, Lil.."
"W-What? Ang sabi mo, hindi mo nasabi--"
"Hindi sinasadyang nalaman niya. Kagabi sa gym. He heard everything bago ko pa man siya nakausap at naipaliwanag sa kanya ang lahat."
"Gym? Pumunta ka sa gym kagabi? Doon mo ba balak sabihin sa kanya ang lahat? And how did he accidentally heard--"
"Miss Prayco and miss Monteville, are your attention in my class? Dahil kung wala, maaari na kayong lumabas para makapag-usap kayo ng maayos doon sa labas."
Kapwa sila napadiretso ng upo at kagat-labing itinuon ang atensyon sa kanilang professor sa harap.
Ilang saglit pang nanatili ang mga mata nito sa kanila bago muling tumalikod at itinuloy ang isinusulat sa blackboard.
"Mamaya ko na sasabihin.." mahinang sabi niya na hindi inaalis ang tingin sa harap.
>>>
"Those b***h!"
Hindi napigilang mura ni Lila matapos niyang sabihin ang nangyari kagabi.
Lunch break ng mga sandaling iyon, at matapos na mananghalian sa canteen, doon sila nagpalipas ng oras sa likod gaya ng palagi na nilang ginagawa.
"Ang sama talaga ng mga impaktang iyon! I'm sure, plinano nila ang lahat! Kung maririnig nga naman ni Zeth ang lahat bago mo sabihin, alam nila na mas lalo iyon magagalit. And because he's mad, he won't be able to hear you out. Alam nila na totohanan na ang relasyon ninyong dalawa at hindi iyon kayang tanggapin ni Marga, kaya gumawa sila ng paraan para magalit si Zeth sayo."
"Kasalanan ko rin. Hinayaan kong maghari ang pride ko kaya nakipagpustahan ako kina Marga. But it already happened. I already hurt Zeth feelings. Ang tanging magagawa ko nalang ngayon ay kausapin siya at humingi ng tawad."
"Pero mukhang hindi siya pumasok ngayon. Narinig kong sinabi nung teammate niya sa Coach nila na absent si Zeth."
Ipinagtaka niya iyon. Hindi ugali ni Zeth ang lumiban sa klase, at sa practice ng mga ito.
Busy kaya ito? Oo nga pala, naalala niya, may inaayos nga pala itong sasakyan. And he is rushing it. Iyon marahil ang dahilan kaya absent ito.
She still not convinced though. Hindi niya gustong isipin na kaya ito absent dahil sa nangyari kagabi o kaya naman ayaw siya nitong makita.
Kailangan niya na talaga itong makausap. Mamaya pupuntahan niya ito sa bahay ng mga ito, o kaya naman sa shop ni mang Carding pag tapos na ang kanilang klase.
"Afternoon class na, bumalik na tayo sa room." Sabi ni Lila matapos tingnan ang wristwatch nito.
Tumayo ito at isinukbit sa balikat ang bagpack.
She did the same. Ilang saglit lang ay makaagapay na silang naglalakad pabalik ng kanilang classroom. And while Lila eyes was on the pathway, siya naman ay patingin-tingin sa paligid. Umaasam na makikita si Zeth o kaya naman kahit si Carlo o kaklase nito para makapagtanong siya.
Ngunit nakarating nalang sila sa building ng kanilang classroom ay wala siyang nakita alin man sa mga ito.
"Guys narinig ninyo na ba ang balita?"
Wala pa ang kanilang professor para sa afternoon subject ng dumating sila sa kanilang room, kaya abala pa ang iba sa pagkwekwentuhan. Ang iba naman ay nakatutok sa kanya-kanyang cellphone.
"Galing ako ng gym. At isang malungkot na balita ang narinig ko mula sa teammates ni Zeth."
She halted her step when she heard his name. Dumako ang kanyang mga mata sa kumpulan ng kanyang mga kaklase kung saan narinig niyang binanggit ang pangalan ni Zeth.
Pumasok sila ni Lila. She acted as if she didn't hear anything, lalo na at nasa kanya ang mga mata nina Vera at Marga.
"Kaya pala wala siya ngayon, namatay pala ang nanay niya."
Muntik na siyang mawalan ng balanse nang marinig ang idinugtong nito.