"Oh, Drey.. nandito ka na pala."
Sabay-sabay na bumaling sa kanya ang kanyang mga kaklase.
"Hindi ba kayo na ni Zeth? For sure, alam mo na ang nangyari. Ano daw ang ikinamatay ng nanay niya?"
She was left there looking at them shocked. If it wasn't for Lila who immediately hold her arms, baka natumba na siya sa kanyang kinatatayuan.
"D-Drey.." anas ng kaibigan. Mababakas din sa boses nito ang pagkagimbal.
Pero wala iyon sa kalahati ng nararamdaman niya. Because right at that moment, she is trembling uncontrollably.
With no words came out from her mouth, she slowly turned. Naramdaman niya pa ang paghigpit ng hawak ni Lila sa kanyang braso, na tila gusto siya nitong pigilan sa ano man ang naiisip niyang gawin. Ngunit hindi na niya iyon binigyan ng pansin.
Wala sa sariling hinila niya ang kanyang kamay saka unti-unting inihakbang ang mga paa papunta sa pinto.
"Drey.." tawag muli ni Lila.
But she didn't bother to turn and look back. Tuloy-tuloy siya sa paglabas.
Ang kanyang mabagal na paghakbang ay unti-unting bumilis hanggang sa halos liparin na niya ang gate ng kanilang paaralan.
No... Hindi iyon totoo.. Hindi iyon pwedeng mangyari! Hindi si nanay Zeny!
Nagpara siya ng taxi. Sa sobrang panginginig ng kanyang kamay ay nahirapan pa siyang buksan ang pinto.
Hindi niya na matandaan kung nasabi niya sa driver ang lugar na kanyang pupuntahan. Maybe she does. Dahil tumigil iyon sa kalye kung saan naninirahan sina nanay Zeny at si Zeth.
Dumukot siya sa bulsa ng buong five hundred at ibinigay sa driver ng makababa siya. Hindi na niya inabalang hintayin ang sukli. Nagmamadali niyang tinahak ang iskinita papunta sa looban.
It was the usual crowded afternoon. Maingay at magulo, pero wala na doon ang buong pansin niya. Ni hindi na nga niya maramdaman ang kanyang mga paa sa lupa habang naglalakad-takbo.
And when she reach Zeth house, she swallowed hard. Tumigil siya sa di kalayuan habang wala sa sariling tiningnan ang mga taong nagtutulong-tulong na maglagay ng tolda sa harapang bahagi ng bahay ng mga ito.
Ang toldang paglalamayan at ang toldang nagpapatunay na totoo nga ang nangyari.
"N-No..." Umiling-iling siya. Her eyes started to watered. Ang kanyang mga tuhod ay unti-unting nawawalan ng lakas.
She wanted to step forward, pero hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa. Para siyang itinulos doon sa kanyang kinatatayuan.
She look at the crowd in the hope to see Zeth, pero hindi niya ito nakita. Ang tanging naroroon lang ay ang mga pamilyar na mukha ng mga kapitbahay ng mga ito.
"Drey!"
Idinako niya ang mga mata sa taong tumawag sa kanya. There, she saw Froi rushing towards her.
"Kanina ka pa?" Tanong nito ng makalapit.
"S-Si Zeth?" She asked with trembling voice.
Malungkot itong tumingin sa kanya.
"Nasa punerarya. Inaasikaso niya ang pagpapa-embalsamo kay Aling Zeny. Hindi ba siya tumawag sayo?"
She close her eyes in pain. Mas lalong nadepina ang sakit sa kanyang dib-dib. It feels like it was going to burst. Sunod-sunod na naglandas ang luha sa kanyang pisngi.
It hurt so much, hindi lang dahil sa pagkawala ni Nanay Zeny, pati na rin sa kaisipang hindi siya ang karamay ni Zeth ngayon. He didn't bother to call her. He didn't bother to tell her what happened, ganoon ba ito kagalit sa kanya?
She heard Froi deep sigh.
"Huwag mo siyang iwan, Drey.. kailangan niya talaga ng kasama ngayon dahil ang sarili niya ang sinisisi niya sa pagkawala ng inay niya."
Umangat ang tingin niya sa kaharap. Nagtatanong ang mga mata.
"B-Bakit naman sarili niya ang sinisisi niya?"
Froi licked his lips and look at her. Tila alinlangan pa ito kung sasabihin sa kanya o hindi. But at the end, he chose to tell her.
"Ang sabi kasi ng Doctor, maaaring nailigtas pa ang buhay ni Aling Zeny kung naitakbo lang ng maaga sa ospital. Iyon naman talaga ang plano ni Zeth kagabi, kaso hindi na natuloy dahil--" tumingin ito sa kanya. "Pinuntahan ka niya."
"A-Ano? A-Anong sabi mo, Froi?"
"Ilang minuto buhat ng umalis siya para puntahan ka saka naman inatake si Aling Zeny."
Namutla siya at napatutop ng bibig.
>>>
Wala sa sariling tinahak niya ang iskinita palabas ng looban. Kung nakapagpaalam pa ba siya kay Froi bago umalis ay hindi na niya alam. Ang tanging natatandaan at malinaw lamang sa kanyang isip ay ang sinabi nitong nangyari bago namatay si nanay Zeny.
"Hindi dapat sisihin ni Zeth ang sarili niya, dahil hindi naman niya kasalanan. Hindi naman niya alam na ang pagpunta niya sayo ang magiging mitsa ng buhay ng inay niya. Isa pa bago siya umalis, sinigurado naman ni Aling Zeny na okay na ang pakiramdam niya. At si Aling Zeny rin ang nagpumilit kay Zeth na puntahan ka dahil mukha ka raw may malaking problema."
She bit her lip hardly to suppress her cries. Hindi na niya maampat ang luha sa kanyang mga mata. It is falling endlessly.
And because of her endless tears, her vision started to get blurry, pero hindi siya tumigil sa paglalakad. She heard voices talking to her, she heard someone calling her name, pero hindi na niya pansin ang lahat ng iyon.
It's not Zeth fault. Hindi nito dapat sisihin ang sarili nito, dahil siya ang may kasalanan ng lahat.
If she didn't asked him to come to her at the gym last night, if she didn't rushed him, if she didn't listen to Marga and Vera, none of this would happened. Kung hindi ito umalis para puntahan siya, disin sana'y naitakbo nito ng maaga si nanay Zeny sa ospital. Kung nagawa nito iyon, she could have been alive now. But he didn't able to do it... And all because of her.
Kaya kasalanan niya ang lahat. Kasalanan niya!
Pinapunta niya si Zeth sa gym.
He chose to go to her, iniwan nito si Aling Zeny kahit na masama ang pakiramdam para puntahan siya.
If it wasn't because of her...
Mariin siyang napapikit. She was drained. She was in so much pain. Not just that.. Her conscience is eating her alive.
Sa kawalan ng lakas ay napaupo siya sa konkretong upuan sa gilid ng tindahan.
Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Gusto niyang puntahan si Zeth at damayan ito, but would he want to see her? Sa laki ng kasalanang ginawa niya rito, hindi na siya magtataka kung ipagtabuyan siya nito, o kahit ang kaladkarin.
But despite of that thought, she still found herself on the funeral home kung saan sinabi ni Froi na pinadalhan kay nanay Zeny.
"Anong ginagawa mo rito?"
A voice cold as ice thunder behind her back.
Unti-unti siyang lumingon.
Isang malamig na pares ng mga mata ang nasilayan niya ng lumingon siya. That cold stare made her shiver.
At hindi lang iyon, nakikita niya rin doon ang galit at pagkamuhi. If it was for her, then she deserve it.
"Z-Zeth.. I-I'm sorry.." napahikbi siya.
Gustong-gusto niyang takbuhan ang distansiya nila at yakapin ito ng mahigpit. But the hatred in his eyes made her stand still.
Malamig lang siya nitong tiningnan bago nilagpasan.
"Z-Zeth..."
"Umalis ka na." sabi nitong hindi lumilingon. "Hindi ko kailangan ang isang tulad mo rito."
Pagkasabi niyon ay muli nitong inihakbang ang mga paa papunta sa loob.
Hindi niya alam kung saan niya kinuha ang lakas para tawirin ang kanilang distansiya. Nang maabot niya ang likod nito ay buong higpit niya iyon niyakap.
"I'm sorry, Zeth.. I'm sorry.. patawarin mo ako." Puno ng pagmamakaawang sambit niya.
Naramdaman niya ang bahagyang pagkakatigil nito. Pero saglit lang iyon. Dahil maya-maya lang ay naramdaman niya ang paghawak nito sa palapulsuhan niya at sapilitan iyon na ialis sa baywang nito.
"Pinagsisisihan ko ang araw na nakilala kita. Umalis ka na at huwag ng magpapakita sa akin kahit na kailan." Matigas at malamig na sabi nito.
Initsa nito ang kamay niya, pagkatapos ay humakbang na papunta sa loob ng punerarya.