CHAPTER TWENTY TWO

1581 Words
Dahil wala na namang hinihintay na kamag-anak pa, isang linggo lang ang itinagal ng lamay. Sunod-sunod niyang pinahid ang kanyang luha habang lihim na minamasdan mula sa di kalayuang ang unti-unting pagpasok ng kabaong ni nanay Zeny sa huli nitong hantungan. Maraming tao ang nakilibing. Halos mapuno ang sementeryo, at karamihan ay mga taga looban. Wearing a white shirt, she saw Zeth infront of the crowd. Hawak nito ang gilid ng kabaong. Malayo man siya, hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang mapula at namamaga nitong mga mata. He also lose weight. Mahaba na ang balbas at bigote, at medyo magulo ang buhok. She bit her lip hardly. Gustong-gusto niya itong lapitan, yakapin at damayan sa sakit na nararamdaman nito, pero hindi niya magawa. "Kung may natitira ka pang kahit konting konsensiya, tigilan mo na ang pagpunta rito. Ipinapaalala mo lang ang gabing iniwan ko si inay para puntahan ka. Para ano? Para patunayan sa mga kaibigan mo na ganoon mo lang ako kadaling napasunod sayo? Na ganoon ako kabaliw sayo?" Sarkastikong nitong sabi. Kahit mariin na siyang ipinagtabuyan nito ng hapong iyon sa punerarya, hindi iyon naging hadlang para pumunta siya ngayong nasa bahay na ng mga ito ang labi ni Nanay Zeny. She wanted to be there, not just to comfort him, but because nanay Zeny has a big part on her heart. "Z-Zeth.. pumunta ako rito para kay nanay Zeny." "Why? Dahil nakokonsensiya ka na pinaglaruan mo lang kaming dalawa? Alam mo bang nagkunwari siyang maayos na ang pakiramdam niya, para lamang mapuntahan kita?" Napayuko siya. She already knew that painful truth, sinabi na ni Froi. "I-I'm sorry, Zeth.. I'm sorry." Pumiyok na ang boses niya. "Hindi na maibabalik ng sorry mo ang buhay ng nanay ko. Umalis ka na rito, at huwag ng bumalik pa. Itinuturing kong isang bangungot ang pagkakakilala ko sayo." It hurt... So much.. pero nilunok niya nalang ang sakit na iyon. Zeth need her. Sa ngayon, ito ang mahalaga sa kanya. Higit pa sa sarili niya. "Zeth, please, hayaan mong--" Nagtangka siyang lumapit at abutin ito, pero marahas nitong iniwas ang kamay nito at matalim siyang tiningnan. "Ano ba ang hindi mo maintindihan hah?" Lumakas na ang boses nito. Kaya napatingin na sa kanila ang mga taong naroroon. "Gusto mong malaman ang nasa isip ko? Oo! Galit ako sayo, galit na galit ako hindi lang dahil pinaglaruan mo ang damdamin ko, kundi dahil ikaw ang dahilan kung bakit namatay si inay! Kaya kung may natitira ka pang kahihiyan sa sarili mo, umalis ka na! Umalis ka na!" Pagkasabi niyon ay marahas siya nitong tinalikuran. Naiwan siyang nanlalamig doon sa kanyang kinatatayuan. Ramdam niya ang tanaw ng mga tao. But she didn't dare to roam her eyes. If they are sympathizing her or blaming her too, like Zeth.. hindi niya alam. Marahil ang huli. Dahil kahit siya mismo ay labis niyang sinisisi ang kanyang sarili. Itinuon niya muli ang tingin sa kumpulan ng mga taong ngayon ay unti-unti nang nagsisialisan. Ang iba ay marahan pang tinapik ang balikat ni Zeth bago umalis. Ilang sandali lang, mga malalapit na kaibigan nalang nito at ni nanay Zeny ang naiwan, tulad nina Aling Norma, Mang Carding, at sina Froi. Nakatayo ang mga ito sa harap ng nitso kung saan tinatabunan na ng tuluyan ng mga sepulturero. SA pagkawala ni Nanay Zeny, tila nawalan na rin ng ganang mabuhay si Zeth, tila tuluyan na itong nawalan ng direksyon. Hindi na ito pumasok sa klase nito kahit ilang linggo na buhat ng mailibing si nanay Zeny. "Baka pwede mo siyang kausapin, Drey.. pinuntahan ko siya kahapon, sabi niya, hindi na siya papasok. Nakakapanghinayang kung gagawin nga niya talaga iyon. Malapit na kaming grumadweyt, dalawang buwan nalang. Kinausap ko siya, pero tila buo na talaga ang desisyon niya. Ayaw niyang makinig. Drey, sinisira na niya ang buhay niya. Kaya sana, kausapin mo siya, baka sakaling makikinig siya sayo." Umiwas siya ng tingin. "I doubt that, Carl.. alam mo kung gaano kalaki ang galit niya sa akin." Mahina niyang sabi. Bumuntong-hininga ito. "Hindi ko rin siya masisisi kung bakit siya nagkaka-ganoon. Mahal na mahal niya ang nanay niya. Nagtatrabaho at nag-aaral siya ng mabuti dahil pangarap niyang mabigyan ito ng maginhawang buhay, ialis sa squatter area na kanilang tinitirhan. Ngunit hindi pa man ay kinuha na si Aling Zeny ng panginoon. And God only knows how painful is it for Zeth right now. Sana lang may nakakaramay siya ngayon, he badly need someone on his side." She winched. She also want that someone to be her. Pero alam niyang hindi pwede, hindi maaari. Zeth hated her so much that if only strangling her to death is not a crime, siguro ginawa na nito. "I hope you could talk to him. Maaaring galit siya sayo, pero minsan minahal ka niya. Masasabi kong sobra-sobra. Kaya bakasakaling matutunaw niyon ang galit na meron siya sa puso niya. Pre-final exam namin next week, kapag hindi niya na-take iyon, hindi siya maka-qualified for the final exam next month. All his effort and sacrifices will be a waste. I already tried my best, it's your turn now, Drey. At sana makikinig siya sayo." Hindi na siya sumagot. Sa kaibuturan ng kanyang puso, alam niyang malabong mangyari iyon. Galing na mismo sa bibig ni Carlo. Hindi nga ito nakinig rito na kung sabagay ay matalik na magkaibigan ang mga ito. Paano pa sa kanya na siyang may kasalanang kung bakit namatay si nanay Zeny at kung bakit miserable ang buhay nito ngayon? But despite of that thought, despite of that truth, natagpuan niya pa rin ang sarili na tinatahak ang iskinitang papunta sa looban. Alam niyang hindi ito makikinig sa kanya, alam niyang magmakaawa man siya, hindi niya ito makukumbinsi. Pero traydor ang kanyang mga paa, lalo na ang kanyang puso. Hindi niya mapigilan. The talk she had with Carlos yesterday made her miserable the whole night. Hindi niya pwedeng hayaan nalang na sirain nito ang buhay nito. Sirain dahil sa kagagawan niya. Kaya imposible man, naroroon siya ngayon sa harap ng bahay ng mga ito. Hoping at least he will open the door and see her. Ngunit nakakailang katok na siya sa pintuan ay walang Zeth na bumubukas ng pinto. She wonder now if he's inside, baka wala. O baka ayaw lang talaga nitong pagbuksan siya. Tiningnan niya ang kanyang wristwatch, alas nueve ng umaga. Hindi na siya pumasok sa klase niya, dahil priority niya ngayon ang makita at makausap ito, kahit saglit lang. "Drey?" Napabaling siya. "Naku.. mabuti naman at naparito ka." Parang nakakita ng Anghel na sambit ni Aling Norma. Lumapit pa ito ng ilang hakbang sa kanya. "Magandang umaga po Aling Norma.." bati niya. "S-Si Zeth po?" Alanganin niyang tanong. Nakita at narinig nito ang lahat ng mga sinabi ni Zeth noong huli siyang pumunta roon, kaya hindi niya matantiya ngayon kung ano ang iniisip nito patungkol sa kanya. Malalim itong bumuntong-hininga saka idinako ang mga mata sa pintuan. "Malamang tulog pa. Madaling araw na ng inuwi ni Froi. Wala ng gabi na hindi naglalasing ang batang iyan. Kagabi, tinawagan siya ng bar diyan sa kanto, nakatulugan na niya doon ang kanyang kalasingan at sabi nung manager, muntik pang mapaaway. Hindi na talaga namin alam kung anong gagawin sa kanya. Mula ng mamatay si Zeny, parang nawalan na ng direksyon ang buhay. Sinusubukan namin na kausapin ni Froi, pero ayaw makinig. Kausapin mo siya, Drey. Ibalik mo siya sa dating masiglang Zeth na kilala namin." Dumako rin ang kanyang mga mata sa pinto. "Ayaw niya akong makita, Aling Norma." "Pero nandito ka, dahil nag-aalala ka, hindi ba?" She winced. Hindi lang dahil nag-aalala siya kaya siya naroroon.. she was there because it was what her heart is pushing her to do, she was there because she misses him so much. "Hindi iyan naka-lock." Sabi nitong tinutukoy ang pinto. "Pumasok ka na sa loob. Kausapin mo siya kapag nagising. Hangad kong mahimasmasan na ang kanyang isip. Saan man si Zeny naroroon ngayon, tiyak hindi niya nagugustuhan itong ginagawa ni Zeth." Magulo at maraming kalat ng basyo ng alak sa sahig ng pumasok siya sa loob. Hindi lang iyon, nakakalat rin sa kung saan-saan ang iilang t-shirt at pantalon nito, pati na ang tsinelas at sapatos nito. She roam her eyes around. Ang gulo ng bahay na iyon, ang lungkot. Hindi tulad noong buhay pa si nanay Zeny na maayos at puno ng sigla ang buong loob. It was here where she felt that she was loved. It was here where she felt how to be a daughter. Dito... Dito sa bahay na ito, na kahit iilang beses niya pa lang napuntahan ay mainit siyang tinanggap, buong puso siyang minahal. Sa bahay na ito niya nakita ang liwanag na kailan man hindi niya nakita sa kanilang bahay. This was the house, where she finally felt that she was home.. Ngayon, iglap lang... Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Damang-dama niya ang sakit. Damang-dama niya ngayon ang kahungkagan. She misses her.. she misses nanay Zeny so much. Napahikbi siya. She came there in the hope to talk to Zeth. Ngayon alam na niya ang pakiramdam nito. Yes, she was hurting since nanay Zeny passed away, pero mas lalong sakit ang nararamdaman niya ngayon naroroon siya sa loob. Naaalala niya ang lahat, ang masasayang mga sandali. And it pains her to death. Ano pa kaya si Zeth, na buong buhay ay nakasama ito? "Hindi ba sinabi ko nang ayaw na kitang makita, ano ang ginagawa mo rito?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD