Akala niya hindi ito titigil. Akala niya tuluyan na siya nitong tinikis. But he stopped and turn his gaze.
And the moment their eyes met, parang lahat ng sakit sa kanyang puso ay unti-unting naglaho.
"K-Kanina ka pa ba?" Mahinang tanong niya.
Hindi agad ito sumagot. He just stare at her. Kung ano ang naiisip nito ay wala siyang idea. But after a while, he nodded.
"Hmm, nandito na ako umpisa pa lang ng seremonya ng libing. Ikinalulungkot ko ang nangyari sa parents mo."
She bit her lip and nodded gently. Pilit niyang inaarok ang nilalaman ng mga mata nito, pero hindi niya talaga mabasa.
Yes, she saw sympathy, but other than that is blurry to her.
"Maraming salamat."
Gusto sana niyang itanong kung bakit hindi ito lumapit sa kanya, kung bakit hindi ito nagpakita sa kabila na naroroon pala ito, pero sinarili niya na lamang ang mga tanong iyon sa isip. She knew the reason well. The reason of him not wanting to see her. Kung hindi nga lang marahil dahil sa simpatya ay nungka siguro itong pupunta doon.
She heard him heave a sigh. Alam niyang magpapaalam na ito base sa reaksyon nito.
He plaster a plain smile.
"Kailangan ko nang umalis. Again, my deepest condolence."
'Huwag kang umalis, Zeth.. kailangan kita..'
God knows how much she stopped herself from asking him that. And instead of blurting those words her heart is screaming, marahan na tango nalang ang muli niyang ginawa.
"Maraming salamat ulit sa pagpunta."
He nodded. Isang sulyap pa ang ginawa nito sa kanya bago ito tumalikod at inihakbang ang mga paa.
She watched his back as he walk away. Kailan pa kaya mamamanhid ang puso niya sa sakit?
Bumangon ang pag-asa niya nang makita ito. Akala niya ang pagpunta nito doon ay isang senyales na may pag-asang mahanap nito sa puso nito ang pagpapatawad para sa kanya. Kahit kaunti lang. But she was wrong.
He really did came, but it wasn't because he wanted to comfort her. Not because she meant for him. Not because he wanted to be on her side. Pakikiramay at bilang respeto lang talaga sa namatayan ang dahilan ng pagpunta nito gaya ng kanyang mga kaklase at ka-eskwela.
He is so cold and distant like the old Zeth she knew. Lumala pa nga ngayon dahil sa kasalanang nagawa niya rito.
And as she realized that, nagising siya sa katotohanan na wala na nga talagang pag-asa na magkakaayos pa silang dalawa. Wala na.
Yung mga masasayang nangyari sa pagitan nila, parang panaginip na lamang ngayon.
"Drey.."
She felt Lila hand on her. Bukod kay Yaya Rosing, hindi rin siya nito iniwan.
"I'm okay, Lil. I will be okay." Anas niya puno ng sakit ang boses.
She gently wipe her tears as she watched Zeth back one last time.
>>
"Pagpasensiyahan ninyo na po ito Mang Nato. Hindi po ito ganoon kalaki pero makakatulong na po ito para mabawi ninyo ang sakahan ninyo mula sa pagkakasanla sa probinsiya."
Sabi niya sabay abot ng puting sobre kay Mang Nato. Ang kanilang family driver.
"Ma'am Drey--" alinlangan itong tanggapin iyon. "Pamasahe lang po at konting allowance ang kailangan ko. Hindi ninyo na po-"
Inabot niya ang kamay nito at inilagay doon ang sobre.
"Tanggapin ninyo na po. Kailangan ninyo ito para sa pamilya ninyo."
"Pero ma'am--"
Ngumiti siya. "Sige na po Mang Nato. Tanggapin ninyo na po."
Mababanaag pa rin sa mukha nito ang alinlangan. Pero ipinilit niya kaya napilitan itong tanggapin.
Kung tutuusin kulang pa iyon sa tagal ng serbisyo nito sa kanilang pamilya.
"Maraming salamat, ma'am Drey. Ang laking tulong nito pag-uwi ko sa probinsiya."
Tulad nito binigyan niya rin ang dalawa pa nilang katulong. Para makapagsimula rin at makahanap ng bagong trabaho.
At ang huli, ay si Yaya Rosing. Inabot niya rito ang sobre na para rito.
"Maraming-maraming salamat po sa lahat Yaya Rosing, sa pag-alaga at sa pagturing sa akin na anak sa loob ng labing siyam na taon. Minahal ninyo ako ng higit pa sa anak at tatanawin ko po iyon malaking utang na loob habang nabubuhay ako."
"Bakit sinasabi mo iyan sa akin, bata ka! At ano ito?" Tanong nitong nakatingin sa sobre sa kamay pagkunwa'y binuksan. And her brows furrowed.
"Liliitin na po ng bangko ang bahay na ito, at bankrupt na po ang kumpanya. Wala na rin po yung savings na inilaan ni Lolo sa akin. Hindi ko na po kakayanin na magpasweldo kaya--"
"Kaya paaalisin mo na ako?" Putol nito.
She bit her lips and bow her head. "A-Ayoko sanang mawala kayo, 'Ya. Pero--"
"Kung ayaw mo palang mawala ako, bakit ibinibigay mo to sa akin na parang pinapaalis mo na ako?"
"Wala na po kasing kasiguruhan kung saan--"
"Hindi ko kayo iiwan ni Daisy." Mariin nitong sabi.
Bigla siyang napa-angat ng tingin.
"Kayo na ang pamilya ko. Wala na akong ibang pupuntahan. Patay na ang kaisa-isa kong kapatid. Ang mga pamangkin ko naman ay hindi ko gamay."
"Pero 'Ya-- hindi ko pa po alam kung saan kami pupunta ni Daisy. Hindi ko pa alam kung ano ang kapalarang naghihintay sa amin dalawa."
"Sabay natin haharapin kung ano man ang kapalarang iyon. Magtulungan tayo. Itong perang ito.." inilahad nito ang sobre. "Gamitin natin para makapagsimula tayo."
Sunod-sunod siyang tumango. Her eyes starting to watered. Tinawid niya ang kanilang pagitan saka mahigpit itong niyakap.
Ang totoo, para siyang nabunutan ng tinik. Masaya siyang nagdesisyon itong huwag silang iwan. Kailangan nila ni Daisy ang gabay at pagmamahal nito. Dahil hanggang sa mga sandaling iyon, hindi niya pa alam kung ano ang kanyang gagawin.
Bago sila umalis ng tuluyan sa kanilang bahay, naghanap na muna sila ni Yaya Rosing ng apartment na kanilang malilipatan. It was a two bedroom apartment.
Ginamit niya ang natitirang pera mula sa pinagbentahan niya ng kanilang pick-up, mga alahas ng kanyang Mama at ang nakuha niya mula sa insurance ng kanilang SUV. It was also the money she used to pay their house helper at ang iba nilang mga bills. At ang natira nga ay gagamitin niya para magsimula silang muli.
Tumigil na rin siya sa pag-aaral. She need to do that kahit labag sa kalooban niya. Kailangan niyang maghanap ng trabaho bago pa man maubos ang natitira nilang pera. Saka na niya itutuloy ang kanyang pag-aaral kapag nakaluwag na sila at kung sakaling pwede sa kanyang schedule.
"I know you can make it. I am proud of you. Congratulations, Zeth."
Malamlam ang mga matang anas niya habang nakatingin sa litratong ipinadala sa kanya ni Lila.
Araw ng pagtatapos nina Zeth ngayon. At nagtapos ito na may mataas na karangalan.
Knowing that, she can now peacefully continue her life. Masaya na siyang tanawin ito mula sa malayo na unti-unti nitong natutupad ang pangarap nito at ni nanay Zeny.
If by chance, they will see each other again in the future, tutuparin niya pa rin ang kanyang pangako.
Na aakto siyang hindi sila magkakilala na dalawa.