"Hoy Drey! Nandito ka lang pala. Kanina ka pa hinahanap ni Sir Andro. Ano ba ang ginagawa mo rito?"
Napapitlag siya sa biglang pagsulpot na iyon ni Stephanie. Bago siya lumgingon, marahan at palihim muna niyang pinahid ang kanyang mga luha.
She wanted to run away, she wanted to hide, pero alam niyang hindi niya iyon maaaring gawin. May trabaho siyang naiwan sa loob, and she just can't leave because of personal reason, because of her pain. Hindi mapapakain ng nakaraan ang kanyang pamilya.
The guilt and the pain is still there, it always has been. Pero nasa realidad siya ng buhay. And she just can't run away or hide dahil nakatalaga sa trabahong iyon ang buhay ng kapatid niya.
Tumayo siya at hinarap si Stephanie. She then plaster a smile.
"M-Medyo sumakit kasi ang ulo ko kaya nagpahangin muna ako sandali."
Damn! Bakit kailangang pumiyok ang boses niya?
"Iyon nga ang sabi ni sir Andro, kaya nga sobra siyang nag-aalala sayo. Iyan na nga ba ang sinasabi ko sa halos wala ka ng pahinga eh. Baka mamaya niyan magkasakit ka na."
"M-Medyo okay na naman ako kaya huwag mo na akong alalahanin." Sabi niyang sinimulang ihakbang ang mga paa.
"Oh saan ka pupunta?"
Lumingon siya. "Babalik na sa loob. Di ba sabi mo hinahanap ako ni Andro?"
"Oo nga, pero kung hindi mo talaga kaya.. pwede ko namang ipaliwanag na--"
"Kaya ko na." Putol niya saka pinilit na muling ngumiti.
"Sigurado ka? Alam mo namumutla ka at--"
"K-Kulang lang ito sa lipstick." Biro niya kasabay ng mahinang tawa.
Pero hindi nito sinakyan ang biro niya.Nanatili ang tiim nitong titig sa kanya.
Ilang sandali pang nanatili ang mga mata nito sa kanya bago ito bumuntong-hininga. Bagama't tila hindi pa rin kumbinsido, wala na naman itong idinugtong pa. Bagkus humakbang ito palapit.
"Sabay na tayong pumasok."
Marahan siyang tumango. "Hmm..."
ISANG malalim na buntong hininga muna ang kanyang pinakawalan bago siya kumatok sa pintuan ng VVIP room kung saan naroroon sina Andro.
She try so hard to calm herself. Nagdesisyon na siyang tapusin ang kanyang trabaho para sa gabing iyon kaya kailangan niya iyon panindigan.
She don't know if Zeth was still inside, pero ipagsasalamat niya ng labis kung umalis na ito.
But as she open the door, mukha nito ang unang nasilayan ng kanyang mga mata. Napahigpit tuloy ang hawak niya sa alak na dala.
"Drey..."
Agad na tumayo si Andro ng makita siya. He immediately went after her.
"Akala ko umalis ka na. How are you? Are you feeling better now?"
Mababakas sa boses nito ang pag-aalala.
Pinilit niyang balewalain ang presensiya ni Zeth na noo'y tila wala rin namang pakialam sa presensiya niya. He's busy flirting with the sexy woman beside him.
Itinuon niya ang atensyon kay Andro at ngumiti rito.
"I'm fine now. Dala ko na ang alak mo." Sabi niyang ipinakita pa rito ang bote ng Whiskey sa kamay.
Nagpatiuna na siyang humakbang papunta sa couch. Sumunod naman ito na inalalayan pa siya para umupo.
Instinctively, she raise her head to look at Zeth, pero gaya kanina, abala ito sa katabi nito.
"Now that my favorite person is back, tuloy ang party!" Masiglang sabi ni Andro na ikinabaling ng mga kasama nito sa kanilang direksyon.
Including Zeth.
But he just look at them with emotionless eyes. Ni hindi siya nito tinapunan ng tingin.
Hindi man siya kumportable sa presensiya nito, okay na rin iyong tila hindi nila kilala ang isa't-isa. After all, it was what they promised to each other.
Nagulat lang ito kanina kaya siya sinundan. At kaya siya nito kinausap dahil lamang sa kuryosidad. Nothing more.
"Let me..."
Inagaw niya mula sa pagtatangka sana ni Andro na maglagay ng alak sa baso nito.
"Trabaho ko ito." Mapaglaro niyang sabi.
"Hindi ako pumupunta rito dahil gusto kong pagsilbihan mo ako. You always knew the reason why I keep coming back here, Drey."
Namumungay ang mga matang sabi nito.
"But I'm willing to wait. Hindi naman kita minamadali." Bahagya na itong tumawa kapagkuwan. Inangat nito ng konti ang hawak na baso. "Knowing you, I know you will insist to pour me a drink, you will insist that it's your job.. kaya heto.. pour me this drink for now, Drey.."
"O-Of course Andro. It's my pleasure.."
Nakangiting sabi niya bago inangat ang bote at lagyan ng laman ang baso nito.
"Hmm.. I like that too. Pwede bang lagyan mo rin ng alak ang baso ko Drey? Nakakainggit kasi si Andro."
Natigilan siya sa biglang pagsalita ni Zeth. Nang bumaling siya, naka-angat na sa ere ang kamay nitong may hawak na baso.
Mariin siyang napalunok.
"Don't worry, malaki akong magbigay ng tip."
Para lamang mapatiim-bagang ng marinig ang idinugtong nito. Clearly, he is insulting as well as mocking her.
But she kept that to herself.
Akala pa naman niya, buong gabi nilang ituturing na parang hindi nakikita nag isa't-isa. What the f**k happened?
"Pwede naman ako ang maglagay ng alak sa baso mo, kung papayagan mo ako, Attorney Miranda." Sabi nung babaeng katabi nito na sinabayan pa ng matamis na ngiti.
But Zeth remain his serious eyes on her.
"I want her." Tiim nitong sabi. "You won't mind right, Andro?" Baling nito kay Andro.
Andro look at her. "Well, si Drey ang-"
"Siyempre naman attorney Miranda. Why not?" Agap niya. She fake a smile after. "Excuse me Andro.."
Hawak ang bote ng whiskey ay tumayo siya. At dahil nasa kabilang bahagi ito ng couch, kinailangan pa niyang tawirin ang kanilang pagitan.
Nang nasa harap na siya nito, ini-angat niya ang hawak at dahan-dahan na nilagyan ang basong hawak nito. With her, not looking at him. With him, looking intently at her.
Alam ng Diyos kung gaano niya pinigil ang kanyang kamay na huwag manginig.
Matapos iyon ay bumalik rin siya agad sa tabi ni Andro. Ngumiti siya rito at muling nilagyan ang baso nito not minding Zeth, still looking at her. Darkly this time.
It was the first and last shot Zeth asked to pour from her, hindi na ito umulit. Hindi niya alam kung uminom pa ito matapos iyon o hindi na dahil naging abala na siya kay Andro. O mas tamang sabihin na sinadya niyang abalahin ang sarili sa lalake para maiwasan si Zeth.
"B-Bakit ba kasi ayaw mo pa a-akong pakasalan.. p-pakasalan mo na kasi ako, Drey. I-If you marry me, y-you don't need to pour liquor to anyone in this club anymore. A-Ako nang bahala sayo at sa pamilya mo. You will have everything..."
Lasing na sabi ni Andro. Pagewang-gewang ito habang alalay ng bodyguard nito palabas sa club.
Nakasunod sila rito. Siya, ang manager nila na si Arielle, at si Zeth.. nakaabrisiete rito ang babaeng kasama nito kanina na noo'y lasing rin.
He was silent the whole time.
Nang makarating sila sa labas, naroroon ng naghihintay ang SUV ni Andro kasama ang Driver.
"A-Ano ang sagot mo, Drey?"
Tumigil si Andro sa pintuan ng sasakyan at tiningnan siya.
"Andro, sinabi ko na kanina na--"
She stopped as silhouette of Zeth and the woman, who he's with earlier cross her line of vision.
Patungo ang mga ito sa isang sports car na kaka-park lang sa harap ng mga ito.
They both go inside. At segundo lang ay wala na iyon sa kanilang paningin.
Inalis niya sa sarili ang tila kirot na naramdaman sa isiping may kasama itong ibang babae at itinuon ang atensyon kay Andro, na noo'y nakatulog na at inaalalayan na ng bodyguard nito papasok sa loob ng sasakyan nito.
Matapos na magpaalam ay umalis na rin ang mga ito. Pumasok na rin ulit sila ni manager Arielle sa loob.
Ito para asikasuhin pa ang iilang customer na naiwan. Siya.. ay para kunin ang mga gamit niya para umuwi.
Tapos na ang trabaho niya since umuwi na si Andro. Kung baga sa sales.. nakatoka na siya kaya pwede ng umuwi.
Matapos magbihis at magpaalam kay Stephanie ay lumabas na siya bit-bit ang isang paper bag kung saan niya inilagay ang damit na ginamit sa pagsisilbi.
Papara na sana siya ng taxi, nang walang ano-ano ay makarinig siya ng ugong ng paparating na sasakyan. At segundo lang ay nakatigil na sa kanyang harapan ang isang bughaw na Mustang.
Teka....
Kumunot ang kanyang noo.
'Hindi ba iyon ang sasakyan na sinakyan nina--
Hindi pa man niya natapos ang naisip, bumukas na ang pinto ng sasakyan.
At wala siyang nagawa kundi ang mariin na mapalunok ng makitang bumaba si Zeth mula doon.