CHAPTER TWENTY NINE

1241 Words
Inalis niya sa isip ang posibilidad na may naiwan ito kaya ito bumalik. As she look at his deep and serious eyes looking at her, alam niya na siya ang pakay kaya ito naroroon. Mas lalo iyon nadepina ng makitang humahakbang ito patungo sa direksyon niya. She is panicking inside, pinilit niya lang na huwag ipahalata at huwag itong pansinin. With trembling legs, she step to the side and wave immediately when she saw a taxi coming. Ngunit biglang hinawakan ni Zeth ang kanyang kamay at ibinaba iyon. Maang siyang napabaling dito. What the hell is he doing? Pinipilit na nga niyang umiwas para hindi sila magpang-abot, why did the hell he came back?! "A-Anong ginagawa mo?" Tanong niya na ang isip ay nasa kamay nitong hawak ang braso niya. Tiim siya nitong tiningnan. Ngunit hindi niya mabasa ang nilalaman ng mga mata nito. "I came back, because I forgot to give you the tip I promised." Bigla siyang natigilan. Ano daw? Lihim siyang nagpalatak. So, he came back to mock her. Pero hindi niya ito papatulan. Sa lahat ng pinagdaanan niya, marami siyang natutunan, one of those things she learned is how to control her temper. She look at him and plaster a smile. "How thoughtful of you Atty. Miranda. Pero hindi mo na ako kailangan bigyan, isang shot lang naman iyon. Besides I had enough from Andro. Excuse me.." Pinilit niyang ihakbang ang mga paa paiwas dito at mabilis na pinara ang isa na namang taxi na nakita niyang paparating. But to her rage, muli na naman nito pinigilan ang kanyang kamay. And when the taxi stopped infront of her, sinabihan nito ang driver na hindi siya sasakay. "Sasakay ako san--" pero mabilis na ito umabante ng makitang may pasahero sa di kalayuan. "What the hell are you doing?!" Galit niyang baling kay Zeth. "Saan ka umuuwi? Ihahatid kita." Kalmado nitong sabi. Nagpalatak siya. "At bakit mo iyon gagawin? Kasama ba iyan sa sinasabi mong tip na ibibigay mo sa akin dahil sinerbisyuhan kita kanina?" Tumiim ang tingin nito. "Kung iyan ang gusto mong itawag doon, then it is. So I think its settle. Halika na." But she refused. "Don't bother, Mr. Miranda. Kaya kong umuwi mag-isa." Nagtagis ito ng bagang. "You really have the guts. Hindi mo ba kailan man naisip na maaaring ikapahamak mo ang pag-uwi ng mag-isa sa ganitong oras? It's already two o clock in the morning!" Ano bang pakialam nito? "Kung may mangyari mang masama sa akin, then its already out of your concern. Not because we're an acquaintance, kargo mo na ako. Wala kang responsibilidad sa akin, Atty. Miranda. Now if you'll excuse me, kailangan ko ng umuwi. Pagod ako at inaantok." Nilagpasan niya ito at sinubukang magbantay ulit ng taxi. But then he followed her. "I told you ihahatid kita!" She close her eyes and count to ten. Hindi niya talaga maintindihan kung ano ang gusto nito. She turned, trying so hard to keep her patience. "Look Zeth.. I tried so hard to avoid us meeting each other again. So why are you doing this? When as far as I remember, ikaw ang nagsabi na ayaw mo nang magkrus ang landas natin sa hinaharap? And that.. if we managed to see each other again, just pretend that we don't know each other. Kaya bakit mo ito ginagawa? Nakalimutan mo na ba ang ginawa ko? Napatawad mo na ba ako?" Nagtagis ito ng bagang. "It's nothing to do with our past. Ayoko lang na may makitang babae na umuuwi ng mag-isa sa ganitong oras. For me, it's really not safe." "Cast your worries aside. I've been doing this since eight years ago. Thankfully, buhay pa naman ako." Nang makita niyang may paparating na taxi, halos takbuhan niya ang daan at pinara ito. Hindi na niya binigyan ng pagkakataon si Zeth na habulin siya. When the taxi stopped, she immediately open the door and went inside the back seat. Saka lang siya nakahinga ng maluwag ng nagsimula iyon tumakbo. Nakita niya pa sa gilid ng kanyang mga mata si Zeth na nakasunod ang tingin sa kanila. Bumaling siyang muli sa harap. Matapos sabihin sa driver ang address na kanyang uuwian ay marahan niyang isinandal ang ulo sa headrest ng upuan at ipinikit ang mga mata. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. But one thing for sure, she can feel the beating of her heart already in her throat. Sa gulat. Sa kaba. Sa takot. At sa kahihiyan. How dare her asked him if he already forget everything she did... Asked him if he already forgive her. Ang kapal talaga ng mukha niya. Paano nito iyon magagawa kung siya nga sa sarili ay hindi niya makalimutan ang kanyang mga ginawa? Kung siya nga mismo ay hindi niya mapatawad ang kanyang sarili hanggang ngayon? "Oh, iha.. dumating ka na pala?" Bahagya pa siyang nagulat ng sa pagpasok niya sa kanilang apartment ay madatnan sa maliit nilang sala si Yaya Rosing. "Gising pa kayo 'Ya?" Tanong niya. "Nakatulog na ako. Nagising lang dahil nakaramdam ng pagkaihi." Minasdan siya nito. "Magpunas ka na at matulog na rin. Alam kong pagod at puyat ka." She nodded gently. Gusto niyang sabihin na hindi lang ang isip at katawan niya ang pagod, kundi pati na ang kanyang puso't kaluluwa. But she kept her mouth shut. Wala na siyang lakas para magkwento pa rito. She's so tired and all she want is her head on the pillow and her body on their bed. Marahil bukas, mailalahad niya rito ang lahat ng nangyari ngayong gabi. Matapos na magpunas ng sarili at magbihis ng pantulog ay tinungo na niya ang kanilang kama. Daisy is already sleeping soundly on the bed. Napakahimbing ng tulog nito na parang wala lang dinaramdam. Or maybe she's just trying to pretend that she's okay even if she's really not. Ito ang dahilan kung bakit naroroon siya sa club at nagtatrabaho. At konti nalang ay matutupad na niya ang pangarap niya para rito. Ang maipagamot niya ito at mapaopera. Daisy has a hereditary heart condition. Hula niya namana nito iyon sa nanay nito, since ang alam niya, sakit sa puso ang ikinamatay ng babae. It was when Daisy was eight years old, when the symptoms show. Sumakit ang dib-dib nito at noong dalhin nila sa ospital, doon nila nalaman na may sakit ito sa puso. At that time, it was risky for her to have an open heart surgery. Hindi pa sigurado kung kaya ng katawan nito dahil bukod sa napakabata pa nito, mahina rin ang immune system nito. And not just that, the bigger problem they faced is their lack of money. Hindi lang iilang libo ang kailangan nila, but hundred of thousands. probably million. Iyon ang dahilan kung bakit hindi pa niya ito napapaopera. In those six years, she did everything. Work hard. Lahat na yata ng trabaho ay napasok na niya para lamang makapag-ipon. Pero sa tuwing ay nauubos rin tuwing sinusumpong ito. Daisy had lived in medication since she's eight. At gusto na niyang tumigil ito sa kakainom ng mga gamot. At ang tanging paraan lamang ay ang maoperahan ito. Iyon ang dahilan kaya pikit-mata siyang pumasok sa club. And she's almost there. Konti nalang. Inayos niya ang kumot sa katawan nito saka dahan-dahang humiga sa tabi nito. Lumapit siya at marahan itong niyakap. "You will be okay soon. I promise you that." She gently whisper and close her eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD