"Good morning 'te."
Bati sa kanya ni Daisy ng umagang iyon. Nadatnan niyang nasa kusina na ito at abala sa paghahanda ng kanilang almusal. She's already in her school uniform.
Kahit papano, sa kabila ng may sakit ito ay pumapasok ito sa skwelahan. It was what she wanted kaya pinagbigyan nila ni Yaya Rosing sa kondisyon na hindi ito pwedeng mapagod.
It happened once. Ang pangalawang atake nito ay nangyari sa paaralan. At iyon ang pinakamalala sa mga naging atake nito. She was in grade five then and as a child, natural lang na makipaglaro ito. But it almost cost her her life.
Kaya nagdesisyon siya noon na patigilin muna ito ng pag-aaral.
It was not the only reason, lumipat rin sila ng tirahan ayon na rin sa advice ng Doctor. Daisy need a peaceful and clean environment. At yung una nilang nirentahang apartment ay nasa isang maingay at magulong lugar. Not to mention the pollution around the City that surely will added trigger to Daisy's condition.
Lumipat sila sa Buenavista. Isang bayan na tahimik at malayo sa polusyon. Doon na rin siya naghanap ng trabaho.
After Daisy had recovered. Sinabi nito na gusto nitong mag-aral ulit na pinagbigyan naman nila ni Yaya Rosing.
She don't want her to think that she's already incapable and useless just because she's sick. Sa kabila non, gusto niyang ma-experience pa rin nito ang buhay na tulad ng mga kaedad nito. Just that.. its with limitations.
"Magandang umaga, Daisy, yaya Rosing." Baling niya rin kay yaya Rosing na noo'y naglalaba sa labas na kanugnog ng kanilang kusina.
Kapwa siya minasdan ng mga ito.
"Papasok ka na ba? Teka.. Mag-almusal ka na muna." Sabi nito habang nakatingin sa unipormeng suot niya sa pinagtatrabahuhang coffee and snack shop.
"Oo nga te, malapit ng maluto itong sinangag." Dugtong naman ni Daisy.
She plaster a smile. "Hindi na. Late na ako. Hindi ninyo kasi ako ginising ng maaga eh." She said playfully.
"Kuu.. paano ka namin gigisingin kung alam naming pagod at puyat ka. Dapat nga nagpapahinga ka pa eh."
"Ya, tuwing weekend lang naman ito. Maayos naman ang tulog ko tuwing weekdays kaya okay lang ako. Sige po, aalis na ako. Ikaw Daisy hah, huwag kang magpapagod sa skwela." Paalala niya.
"Oo 'te. Alam ko."
Nagmamadali na siyang pumunta sa kanto at doon nagbantay ng masasakyang tricycle papunta sa Julie's. The name of their coffee and snack shop.
It was just a twenty minutes ride. At nang dumating siya ay abala na ang lahat kaya nagmadali na rin siya.
"Pasensiya na, na-late ako." Bulong niya sa kasama niya na si Becky at tinulungan na itong ayusin sa tray ang mga order ng customer at tiningnan isa-isa sa resibo ang mga table number.
"Sus, kung makahingi ka ng pasensya para namang ilang oras kang na-late , eh sampung minuto lang naman. Ako na ang magdadala nito sa table 10.." sabi nito at iminuwestra pa ang hawak na tray. "Ikaw na doon sa table 8. I'm sure, magiging maganda ang umaga mo pag nakita mo ang customer na iyon." Lumapit ito sa bandang taynga niya. "Ang pogi." bulong nito.
Becky look at her playfully. Kumindat pa ito bago lumabas ng kitchen counter.
Umiling-iling nalang siya sa inakto nito. Bit-bit ang tray para sa table 8 ay lumabas siya. And as always, as what they usually do, nakahanda na ang kanyang ngiti habang papalapit sa naturang mesa. Para lamang unti-unting maglaho ng makita kung sino ang nakaupo roon.
She immediately halted her step.
In that table for two, kampanteng nakaupo ang isang hindi niya inaasahang bulto na abala sa laptop sa harapan nito.
Si Zeth!
She swallowed hard. Biglang napahigpit ang hawak niya sa dalang tray.
Ano ang ginagawa nito doon?
Bigla, parang binayo ang kanyang puso. Is he there coincidentally or sinadya talaga nitong pumunta dahil nalaman nito na doon siya nagtatrabaho?
"Oh ba't ka nakatigil diyan? Na engkanto ka rin sa kagwapuhan niya noh?" Bulong ni Becky ng madaanan siya. "Ngayon lang siya napadpad dito sa Julie's. Bago kaya siya dito sa Buenavista?"
Hindi siya sumagot. She just remain her stare at him. Nasa laptop pa rin sa harap ang atensyon nito. Seems like he's really busy with something.
She swallowed again. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga kamay sa hawak na tray.
"P-Pwede bang ikaw nalang ang magdala nito sa kan--."
"Becky, ipinatatawag ka ni ma'am Jela sa office niya. May importante daw siyang sasabihin."
Kapwa sila napabaling kay Ellyn. Kasamahan din nila doon. Ang tinutukoy nito ay ang may-ari at manager na rin sa kanilang pinagtatrabahuhan.
Tumingin muna ito sa kanya bago sinagot si Ellyn.
"Okay, dalhin ko lang ito sa kusina." Sabi nito na ang tinutukoy ay ang hawak na tray. "Sa tingin mo, ano kaya ang importanteng sasabihin ni ma'am Jela?" Bulong nito.
Alanganin siyang ngumiti. Wala rin siyang idea.
At dahil ipinatawag ito, wala siyang naging choice kundi ang siya mismo ang magdala ng order ni Zeth. Hindi niya rin pwedeng pakiusapan si Ellyn dahil ito ang tumatao sa cashier.
'Trabaho ito Drey, you need to focus'
Bulong niya sa isip.
At isiniksik niya na rin na marahil walang alam si Zeth na doon siya nagtatrabaho.
Kagabi lang sila nagkita kaya imposible na malaman na nito ang mga bagay na may kinalaman sa kanya. And beside, he wouldn't be interested in her, right?
Isang malalim na hininga muna ang kanyang pinakawalan bago inihakbang ang paa papunta sa mesa nito. And like how she treated their customers, ganoon din ang ginawa niya rito. Trabaho lang, walang personalan.
So she plaster a fake smile.
"Good morning Sir, welcome to Julie's." Sabi niya, pagkunwa'y dahan-dahan ibinaba sa harap nito ang mug ng kape at snack na inorder nito.
Mula sa laptop ay ini-angat nito ang tingin sa kanya. Lihim niyang ikinataas ng kilay ang makitang wala man lang ni katiting na gulat sa mukha nito na makita siyang naroroon.
So, ibig bang sabihin, alam nito na nagtatrabaho siya doon?
"Enjoy your coffee, Sir." Dugtong niya saka agad na tumalikod.
She need to do that bago pa ito magsalita at mang insulto gaya ng ginawa nito kagabi.
She went directly on the kitchen. Ipinagsalamat niya ng labis na hindi siya pumalpak at pumiyok ng magsalita sa harap nito. Nanginginig pa man din ang kanyang kamay kanina ng ibaba niya ang kape sa harap nito.
Kung maaari lang sana, doon nalang siya sa kusina hanggang sa maubos nito ang kape nito at umalis. But she can't do that. May mga ibang customer na kailangan niyang pagsilbihan, and Becky hadn't return yet kaya wala siyang pagpipilian.
At mukhang wala namang planong umalis agad si Zeth. Sa tingin nga niya, may hinihintay ito doon. A client perhaps.
Itinuring niya nalang itong hangin na hindi nakikita habang nagsisilbi siya sa ibang customer. Bagama't hindi siya kumportable dahil pakiramdam niya, nakamashid ito sa bawat kilos niya ay pinilit niya nalang na huwag pansinin.
"Enjoy your coffee, sir." nakangiting sabi niya sa customer na kakasilbi niya lang.
Hawak ang tray ay muli na naman siyang bumalik sa counter top para kunin ang order ng sumunod na customer.
"Zeth...!"
She heard a cheerful voice calling him. At boses iyon ng babae.
Tama nga ang hinala niya. He is waiting for someone.
"Kanina ka pa? Hmm.. why here? Pwede naman tayo doon nalang sa office mo magkita. I already told you yesterday na tapos nang ayusin ang magiging opisina mo. Nakapag-usap na ba kayo ni Dad?"
Dinig na dinig niya ang sabi ng babaeng kausap nito. Hindi sa gusto niyang makinig, but there was something in the woman that caught her attention.
Ang boses nito...
Parang pamilyar...
Parang kay....
'Oh God, please don't do this to me..
"Hindi pa kami nakapag-usap. Ikaw na muna ang tinawagan ko."
"Oh, I'm glad you did it. I am missing you bad, alam mo ba iyon?"
Mariin siyang napalunok.
Hindi!
Hindi maaari ito!
It can't be her... It can't be...
Marga!