Kung meron man siyang isa pang tao na hindi niya gustong makaharap bukod kay Zeth, yun ay walang iba kundi si Marga. Ang mga ito ang kahuli-hulihang nilalang na nanaisin sana niyang makita at makaharap.
Ngunit pinaglaruan na naman siya ng malupit niyang kapalaran. Hindi lang si Zeth ang nakaharap niya, ngayon pati si Marga.
May hinala na siyang kaya naroroon si Zeth ay dahil nalaman nitong doon siya nagtatrabaho. Of how he knew, it was still a puzzle to her, dahil kagabi.. or to be exact, kaninang madaling araw lang sila nito muling nagkita.
If he did a little investigation about her, he was quick, huh?
He was also quick to call Marga.
And speaking of the b***h, kailan pa nagsimulang nagkamabutihan ang mga ito?
Hearing her say she misses him, and seeing them this close, mahihinuha niyang matagal ng nagkikita ang mga ito. O baka nga may namamagitan na sa mga ito ngayon, judging by their actions. She remember how Marga like Zeth back then. Handa itong hamakin ang lahat.
But its not her business anymore. Kung ano man ang namamagitan sa mga ito ngayon, wala na siyang pakialam. Just that.. she hopes that they won't be able to see each other.
But as they are here now, wala siyang choice kundi harapin ang mga ito gaano niya man ka ayaw.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, why here? Kung hindi mo pa gustong gamitin ang office mo, may coffee shop naman sa ibaba ng building, you could have your coffee there. Anyway, since you really waste your time coming here, marahil may espesyal na dahilan ka. Masarap siguro ang kape nila rito, am I right?"
"I can say it is. Why don't you try it for yourself."
She heard Zeth baritone voice.
Mariin siyang napapikit. She tried her hardest to act cooly when she heard Marga call her. Siya.. dahil wala na naman siyang iba pang kasama doon.
She put the tray on the counter, at dala ang maliit na notepad at ballpen ay bumalik siyang muli sa mesa ng mga ito.
Marga is on her back from her. Abala ito sa pagpili sa menu na hawak nito, while Zeth raise his head to look at her as she is approaching.
"I forget to tell you Marge, maliban sa masarap nilang kape, may isa pang dahilan kaya dito ako pumunta imbes sa coffee shop sa office building. I saw an acquaintance here. Someone you knew too." sabi ni Zeth na ang tiim na mga tingin ay nasa kanya.
Marga follow his stares puzzlingly. Dahan-dahan itong lumingon. At ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata nito ng makita siya.
"D-Drey?"
Halos hindi iyon lumabas sa bibig nito. Her smile immediately faded. Ang pumalit ay pamumutla. It was as if she had seen a ghost.
"Good morning ma'am, welcome to Julie's. May I have your order?"
She recited the usual words they say to their customers.
Marga is still speechless. Nanatili ang mga mata sa kanya na tila hindi pa rin ito makapaniwalang nakita siya.
Alanganin itong ngumiti kapagkuwan saka bumaling kay Zeth. "My... I didn't expected this." sabi nitong tila hindi alam kung ano ang ire-reaksyon.
Tumayo ito, and to her surprised, she hug her.
"God, its been a long time. Masaya akong nagkita tayong muli."
Kung hindi niya lang ito kilala, baka naniwala na siyang sincere ito sa sinabi. But she knew her, and she can feel it, she's still the same Marga she knew eight years ago. Ramdam niya iyon sa klase ng yakap na ginawa nito sa kanya. And the way she smile at her after. Kitang-kita niya na hindi iyon umabot sa mga mata nito.
She is thinking that not because she had a grudge or ill feelings towards her, inisip niya iyon dahil iyon ang nakikita niya sa mga mata nito. The fire of hatred.
"Paano kayo ulit nagkita Zeth? Dito ba sa coffee shop?" Baling nito kay Zeth na pinasigla pa ang boses.
Zeth darted his emotionless eyes on her. Hinihintay niya nalang na sabihin nito na sa club sila nagkita kagabi.
"We saw each other last night." Sagot nitong nanatili sa kanya ang tiim na mga tingin. "And yes.. dito kami nagkita. I called you because I thought you both want to see each other. You're friends back then. Hindi ba magandang reunion ito?"
Marga smile sweetly. "Yes, definitely Zeth. We had a little bit misunderstanding before we parted ways eight years ago, and I never had the chance to express my heartfelt apology. Sana kalimutan na natin iyon. We're just young and immature back then, right Drey?"
She winced.
Kalimutan? Sana ganoon lang iyon kadali. How will she able to forget when it haunted her even in her sleep? Ang ginawa nito, at higit sa lahat, ang ginawa niya.
Madali dito, dahil hindi naman ganoon kalaki ang kasalanan na nagawa nito, but her? Dadalhin na niya iyon hanggang sa araw ng kamatayan niya.
Idinako niya ang mga mata kay Zeth, ganoon pa rin ang reaksyon nito. Tiim pa rin ang mga titig.
Lihim siyang napalunok bago na ibinaling muli ang tingin kay Marga.
"Hindi mo na kailangan mag-alala. Kinalimutan ko na ang lahat ng bahagi ng nakaraang iyon."
Walang emosyon niyang sabi. Sa gilid ng kanyang mga mata kita niya ang pagtiim ng mga labi ni Zeth.
"Ahm," she roam her eyes around. "Maraming customer, pwede ko na bang makuha ang order mo?"
Nagpalatak ito. "Oh, isa pa ito sa ikinagulat ko, seeing you working here as a.. server.."
Hindi niya alam kung dapat ba siyang mainsulto nang masdan siya nito mula ulo hanggang paa.
She wonder now, base sa reaksyon nito at ni Zeth pagkakita sa kanya na nagtatrabaho, hindi ba kumalat sa buong skwelahan ang nangyaring pagbankrupt ng pamilya nila noon?
Hindi na niya alam, dahil hindi na siya pumasok pagkatapos na mailibing ang kanyang Mama at Papa. Lumipat rin kasi sila ng tirahan.
Windang na windang siya noon sa lahat ng mga nangyari. Namatayan ng magulang, nawalan ng mga ari-arian, naiwan sa poder ang kapatid and she was just nineteen years old. She was so lost that time na kahit ang tanungin si Lila ay hindi na niya naisip na gawin pa.
"Anyway, isang carrot cake lang sa akin at isang fresh pineapple juice."
Tumango siya pagkatapos ay bumalik na sa kitchen counter. She prepare her order. Tamang-tama naman na bumalik na si Becky kaya ito na pinakiusapan niyang mag-serve sa mesa ng mga ito.
"May girlfriend na pala.." nakanguso nitong sabi ng bumalik.
Hindi na siya nagtanong dahil may hinala na siya kung sino ang tinutukoy nito.
She pretend to be busy. Iisa lang ang hiling niya para sa araw na iyon. Ang umalis agad ang mga ito.
>>>>
Suot ang isang tight fitting hi-waist jeans at t-shirt na puti na ibinuhol sa likod ay magiliw siyang nagsisilbi sa mga customer ng club kung saan siya nakatoka.
Sa loob ng ilang buwan niyang pagtatrabaho doon, nasanay na siya sa ingay, sa gulo, sa usok at sa mga ilaw na patay-sindi.
It's Saturday night. Inaasahan na nila na mas marami ang customer sa gabing iyon kaysa kagabi.
"Psst! Drey! Drey!"
Sa kalagitnaan ng ingay, narinig niya ang tawag ni Stephanie. Nang iangat niya ang tingin ay nakita niya ito sa kabilang bahagi. She is blurting something, pero dahil sa ingay ay hindi niya iyon marinig. Ang tanging naiintindihan niya lang ay ang kumpas ng kamay nito na itinuturo ang ikawalang palapag.
She nodded immediately. Hindi na nito kailangan lumapit para ipaalam sa kanya ang ibig nitong sabihin. Alam na niya ang tinutukoy nito lalo na ng makitang papunta si Mae sa kanyang direksyon. Ito na ang papalit sa toka niya.
Bitbit ang isang bote ng whiskey, dahan-dahan siyang umakyat at tinahak ang itaas na bahagi papunta sa kwartong nakasanayan na niyang pagsilbihan tuwing biyernes at sabado ng gabi. Ang VVIP room kung saan umookupa sina Andro.
Kumatok siya at bago niya iyon buksan ay inihanda na niya ang isang matamis na ngiti.
Ngunit napakunot-noo siya nang sa pagbukas niya ng pinto ay nadatnan niyang tahimik sa loob. Not the usual scene she used to everytime Andro and his companion was there. Maingay na at naghaharutan sa mga babaeng kanya-kanyang katabi. But right now, it was silent and he's... Alone..
Nakaupo ito at nakatalikod sa direksyon ng pinto.
She walk slowly towards him.
"A-Andro?" She called.
But when he turned his face to look at her, she was taken aback.
"Z-Zeth?"
Nanlalaki ang mga matang anas niya.
"W-What are you doing here? N-Nasaan si Andro?"
Tumiim ang labi nito ng marinig ang binanggit niya. Kung malamig na ang mga titig nito kagabi at kanina sa coffee shop, mas malala ang ngayon. Hindi iyon nakayang itago sa kabila ng dim ang liwanag ng ilaw sa loob.
"Come here, Drey. Huwag kang magulat diyan na parang nakakita ka ng multo. Don't expect Andro to come anymore, dahil hindi siya makakarating. And as to your question of what am I doing here, my answer is simple. I came here to have fun, at binayaran ko na ang serbisyo mo para aliwin ako, according to rules. You're mine the whole night. Kaya lumapit ka dito sa tabi ko."
Mariing utos nito na nagpalunok sa kanya ng mariin.