He left the next day. "Dapat maaga pa lang ay nakapagdesisyon ka na. Hindi 'yong sa mismong kasal ka pa aatras," sabi ni Mama sa akin. Nagpapalaman siya ng sliced bread. Si Bob naman ay karga-karga ni Nikolai, nandito kami sa dining area. We are eating our breakfast. "Ma, okay lang 'yon. Ang mahalaga hindi pa rin natuloy," saad ng kapatid ko. "Galit na galit ang nanay ni Keith. Puro raw kahihiyan ang dala mo," Mama said. Kay Kuya naman siya bumaling. "Oh, alangan namang hayaan ko lang? Nakipag-away pa ako ro'n pag-alis ni Mikai ng simbahan." "I know, Ma. Isa pa ako sa mga um-awat sa inyo," he said. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Ako na lang yata ang hindi pa tapos. Sila ay kanina pa. Nahuli naman kasi ang gising ko, eh. Hindi ko rin naman matawagan si Martines na nasa ibang bansa

