Napatili ako. "MARTINES!" Siya nga talaga! "Yeah, it's me," sagot niya. "So, do you want to go Valle Gulch with me?" he asked. Agad naman akong napatango. Lumipat na ako sa passenger's seat. Doon na ako dumaan mismo sa gitna. Hindi niya pa naman pinapaandar ang sasakyan kaya yumakap na muna ako sa kaniya. "I missed you." "Three days lang 'yon." Pa'no niya nasasabi 'yan? Okay lang sa kaniya?! "Kahit na. Hindi ka man lang tumawag sa akin, akala ko nga hindi ka na babalik. Ikaw ba? Hindi mo ba ako na-miss?" Marahang natawa si Martines. He caressed my hair and kissed me on my temple. I missed that laugh. "Na-miss kita nang sobra. I apologize for not calling you," he said. "Hindi ko pala kaya." Napakunot naman ang noo ko. Ano ang ibig niyang sabihin na hindi niya kaya? Umayos na ako n

