Nag-presinta si Keith na ihatid ako sa araw ng photoshoot ko sa beach. At ngayon na iyon. May tao pa rin na patuloy na naglalaro sa isipan ko.
Isa lang naman ang nasisiguro ko. Magkikita kami ngayon. Pero sana lang, totoo iyong pagsang-ayon niya sa akin na kaswal lang kami.
Naramdaman ko pa rin ang matinding kaba. Hindi na ako tumanggi kay Keith. Hindi naman kailangan.
"I'll be there. I'll wait for you till the photoshoot is over," Keith said.
Naptango na lang akon kasabay ng aking paglunok. “Let’s go?” Pinilit kong ngumiti sa kaniya.
He smiled at me too. Hindi ko naman maiwasang matigilan kasi ibang ngiti ang nakikita ko.
Martines…
Pumasok na kami sa kotse niya, siya ang magda-drive— of course.
Sa labas lang nakatuon ang atensyon ko. Patuloy rin ang aking pagbuntong hininga. “Are you okay?” he asked.
Napansin niya ang mga buntong hininga ko.
“Oo naman,” sagot ko na lang.
Pero ang totoo niyan ay hindi ako okay. I should be okay, but I couldn't be okay. How? If there's a person, a man who doesn't want to get out of this f*cking mind.
I felt that this doesn't seem right. I mean, iyong kasal pero kasi this is what I really wanted noon pa.
Ang mahalin ni Keith.
Ang pakasalan ni Keith.
Hinawakan niya ang aking kamya habang nagmamaneho siya. Nilingon ko siya. Nginitian niya lang ako. Ngumiti na lang din ako sa kaniya.
Alam ko sa sarili ko na peke ang mga ngiting iyon.
“Okay lang ba sa iyo na dumaan muna tayo sa bahay ni Sael?” he asked.
"Misael Consejo?"
"Yes."
Tumingin muna ako sa suot kong wristwatch bago tumango. “Sure, hindi naman ako male-late,” sabi ko pa sa kaniya at ngumiti.
Actually, maaga pa nag kami kung mabilis kaming makakapunta roon.
Tumango siya sa akin. “Why are you so sad?”
“I am not sad, may mga bagay lang ako na iniisip,” sabi ko sa kaniya.
Naramdaman ko na naiilang na siya sa akin. I don’t want him to feel that. Pakiramdam ko rin na malamig ang dating ko sa kaniya, pati na rin ang aking mga sagot.
“Smile,” sabi niya. Agad ko namang ginawa. Sinubukan ko na maging totoo ang ngiting iyon.
I sighed.
Papasok na kami ngayon sa subdivision kung saan nakatira si Misael Consejo. Hindi ko lang talaga maiwasang mapalunok dahil dito rin naman sa subdi na ito nakatira si Martines Rocha.
Madadaanan pa nga namin ang bahay nito. Hindi ko naman maiwasan ang mapalunok nang matindi. Mabagal lang ang patakbo ni Keith ng sasakyan. Nakita ko si Martines Rocha na nasa labas ng kaniyang bahay at may kausap na babae. Napansin ko na nagkakatawanan ito.
OMG. What the hell.
My heart is beating so fast. Ibig sabihin ay wala pa siya sa location pero hindi iyon ang iniisip ko ng malalim ngayon.
Kundi iyong kasama niya na babae… and to the f**k—I mean fact that they’re laughing. They look happy.
Hindi ko pinahalata kay Keith medyo naiinis ako. Tumigil na ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Misael Consejo. Lumabas kami pareho ni Keith ng kotse niya, ako naman ay hindi naiwasan ang tumanaw sa bahay na nadaanan namin. May kalayuan na rin at hindi na tanaw sa kinatatayuan ko ngayon si Martines Rocha at ang babaeng kasama niya.
“Congrats sa inyo.” Napatingin na lang ako kay Misael. Kaming tatlo ay nasa labas na ng bahay nila.
“Para saan?” lutang kong sagot sa kaniya.
Keith looked at me. "Marriage."
“O-Oh, yeah, right! Oo nga!” sabi ko na lang. Tumango sila pareho sa akin.
Ang lutang ko. Malamang ay tungkol nga ‘yon sa kasal namin ni Keith. Yes, tuloy na ang kasal na iyon. Buo na ang desisyon ko.
Para sa anak namin…
May pinag-usapan lang ang dalawa. Labas naman na ako sa usapang iyon. Hindi rin iyon nagtagal at pagkatapos lang ng ilang minuto ay natapos ang pag-uusap nila.
Nagpaalam na kami sa kaniya but Misael called me. Nauna na si Keith na bumalik sa kuotse. Hinarap ko lang si Misael.
I raised my left eyebrow. "Why?"
Bigla siyang ngumisi sa akin. “I wanted to thank you…”
"For what? Thank you, saan?"
Nagtaka ako lalo kasi wala naman akong ideya kung bakit siya sa akin nagte-thank you.
“Sa pagpapapunta sa amin sa Cebu,” sabi niya sa akin. Hindi ko maiwasang matawa sa sinabi niya sa akin.
Tama ba ang narinig ko? Sila Kit na kapatid ni Keith ay gusto na akong lunurin dahil sa pagpapapunta ko sa kanila sa Cebu tapos sa kaniya nagpapasalamat pa siya?
"What? Seriously?" I asked.
“Yeah,” nakangiting sagot niya sa akin.
“Bakit naman?” tanong ko sa kaniya.
“Kasi sa Cebu ko siya unang nakita,” sabi niya. Natigilan naman ako. “Male-late ka na sa photoshoot mo, pasok na rin ako,” sabi niya.
Sinong siya naman ang tinutukoy niya?
Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon. Medyo natawa lang talaga ako kasi nga nagpapasalamat pa siya sa akin sa ginawa kong iyon taon na ang lumipas.
Bumalik na lang ako sa kotse. “Sinong na-meet ni Misael sa Cebu at nagpapasalamat siya sa akin?” tanong ko sa kay Keith pagpasok ko.
"I don't know, but I guess, si Hanna."
Hanna?
“OMG, Seriously?” ‘di makapaniwalang tanong ko. Tumango siya sa akin.
May kakilala akong Hanna and galing talaga siya ng Cebu. Relative ko siya, actually. Siya iyong pinuntahan ng Tito ko sa Cebu para kunin at pag-aralin dito.
"Yes," sagot niya.
“Nandito na iyon sa Tastotel, ah?”
“Oo. Matagal ko nang napansin na may something sa kanila ni Misael pero hindi naman na ako nagtanong,” sabi niya. Gulat pa rin ako. Ang liit lang talaga ng mundo.
Dito na iyon nag-aaral. Hindi naman kami madalas mag-usap ni Hanna pero nagpupunta siya sa bahay minsan. Nangangamusta, gano’n. Hindi rin naman kami close na dalawa. Doon siya sa poder ng Tito ko nakatira kasama ‘yong mga kapatid ni Welix na hindi ko rin naman ka-close.
"Unbelievable," I mumbled.
"Yes."
Natahimik naman kami pagkatapos niyon hanggangs sa makarating kami sa beach. Ang beach ay nasa labas na ng Tastotel City pero mabilis pa rin naman kaming nakapunta roon dahil hindi naman ganon ka-traffic ngayong araw at oras.
Hindi na kami inabot ng oras upang makarating doon.
I was actually thinking about Martines and iyong babaeng kasama niya. Ngayon na nandito na ako sa beach. I am sure na hindi pa dumadating si Martines dito kasi busy siya makipaglandian sa babaeng kasama niya.
Sabi ko na nga ba’t s*x lang iyon.
Iyon tapos na talaga.
Pero bakit parang tutol ako?
Hindi! I imagine things.
Kung ano man ang nangayri sa amin ni Martiens Rocha ay tapos na. I bitterly smiled.
"Oh, Mr. Armalana."
Nanlaki pa ang mga mata ni Madam Eva nang makita kung sino ang kasama ko. Kung sino ang taong hawak-hawak ang aking kamay.
Nandoon din si Fabella na may mga inaayos na mga gamit. Nagtama ang mga mata namin pagkatapos ay nginitian niya lang ako. I smiled back.
“Hi, Miss Eva,” bati naman pabalik ni Keith. Nakipagbeso muna kami kay Madam Eva.
“What is the meaning of this?” tanong ni Madam Eva sa amin.
Natawa na lang din ako. “We’re getting married,” sabi ko. Napatili na lang si Madam Eva sa tinuran ko.
HInatak niya ako at niyakap. “For real? I am so happy with you, girl!”
“Hindi kaya masisira ang career ko rito?” biro ko pa. Okay lang sa akin. Nakuha ko naman na si Keith. Parang kahapon nga lang ay napakaimposible sa akin n amamahalin ako pabalik ni Keith. Pero ngayon? Magpapakasal na nga kami!
Pero…
Bigla ko na naman naalala si Mr. Rocha. I sighed.
“Hindi.” Imbes na si Madam Eva ang sumagot ay si Keith. Parang siguradong-sigurado pa nga ito. Napairap na lang din ako.
Alam ko na iyon. Natawa naman si Madam Eva. “Okay na okay lang! Suportado mo ba ‘tong pagmo-modelo ni Kai?” Bumaling naman si Eva kay Keith.
Tumango naman si Keith. There's a smile on his face, he really looks handsome, but I guess…
I mean, K-Keith is really handsome. Everybody knows that. I mentally sighed. Hindi ko lang talaga maiwasan ang isipin si Martines Rocha, medyo may inis at parang babaliktad na naman ang sikmura ko kapag maaalala ko iyong nakita ko kanina.
“Of course, Miss Eva. I'll be there for her no matter what she wants to do,” sabi nito. Tumingin pa siya sa akin at saka ngumiti.
Napangiti na lang din ako. Napahawak pa ako sa braso niya. Ang guwapo din talaga ni Keith. I l-love him. I still do. Hindi naman ako papayag magpakasal sa kaniya kung hindi ko siya mahal.
May impact pa rin siya sa akin. I f-feel that.
Here we go again. Nasa utak ko na naman ang sinabi ni Martines. Bakit ba hindi mawala ang sentence na ‘yon sa utak ko?
“Napaka-supportive naman pala nitong magiging asawa mo,” sabi na lang ni Madam Eva. Nagkaroon pa muna kami ng usapan tungkol trabaho.
Hindi ko naman naiwasan na magtanong kay Madam Eva tungkol kay Marines. Ilang minute na kami rito at malapit nang magsimula ang shoot pero wala pa ring dumadating na Martines.
Sakto no’n na nagpaalam si Keith na may kukunin lamang sa kaniyang kotse. “Madam Eva, nasaan si M-Mr. Rocha?” I asked.
Her forehead creased. Humarap siya kay Fabella. “Hindi mo ba sinabi kay Kai iyong tungkol kay Mr. Rocha?” Madam Eva asked to Fabella. Natigilan naman si Fabella. Napakunot na lang din ang aking noo.
Anong tungkol kay Martines?
Bigla akong nakaramdam ng kaba. Tumingin naman ng diretso sa akin si Fabella. “Sorry, nakalimutan kong sabihin sa’yo. Pinalitan na siya since babalik na siya abroad.” Hindi ko naman maiwasan ang mapa-nganga.
“Yeah, alam mo, girl. Suwerte ka ro’n, kasi ang totoo niyan. Siya talaga ang nagpumilit na kumuha ng mga litrato mo. He postponed all of his major events and other projects to come to Tastotel City and serve as your photographer,” sabi naman ni Madam Eva.
“Tutal, wala naman na si Mr. Rocha, gusto ko lang magsalita tungkol sa kaniya.” Napatingin kami kay Fabella nang sabihin niya iyon. She shrugged. “No’ng nag-aaral pa ako sa Tastotel University, nakita ko na siya. Hindi kami nagkausap pero nakita ko siya. Hindi ka pa yata umuuwi, Mikai,” sabi niya. Tumingin pa siya sa akin.
“And then?” interesado namang tanong ni Madam Eva.
“And then, napadaan ako sa dean’s office. Nakita ko siya roon. Unfamiliar siya sa akin kaya na-curious talaga ako sa kaniya. I found out na ikaw pala ang hinahanap niya sa Tastotel University, kaso nag-drop out ka no’n, ‘di ba? Bigla ka na lang nawala kasi that time,” mahabang paliwanag niya.
Umalis ako ng Tastotel, almost four years na or lagpas. Malapit na nga rin pa lang mag- four si Bob.
“Bakit naman daw hahanapin?” tanong naman ni Madam Eva. Hindi ako makasagot. Plus, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong i-reak sa mga sinabi niya. Nagulat din ako kaya tahimik na lang muna ako.
“I don’t know but I swear si Mikai talaga ang hinahanap no’n,” sabi niya. “Kahit taon na rin ang lumipas ay hindi ko nakakalimutan ang mukha niya. Ang guwapo niya, ‘di ba? Ang ganda rin ng katawan. Akala ko pa nga no’ng una ay model mo, Madam Eve.”
“Hay naku, hinihikayat ko nga iyon, eh. Kaso ayaw,” sagot ni Madam Eve. “Hindi raw kasi iyon ang gusto niya. Mas gusto niya pa raw talaga ang maging isang photographer kaysa maging isang modelo.”
“Sabi rin sa akin ni Kit, iyong kapatid ni Keith. Mabait daw ‘yan, mayaman, nag-iisang anak daw ng mga Rocha. If I am not mistaken, Martines Rocha Jr. ang pangalan niyan ‘di ba?”
“Yes, Junior nga ‘yan si Mr. Rocha.”
Silang dalawa na lang ang nag-uusap. Hindi kasi ako sumasagot. Nakikinig lamang ako sa kanila.
“Alam mo po yata Madam Eva kung bakit niya kin-ancel lahat para lang makita si Mikai,” nakangising tanong ni Fabella kay Madam Eva. Napalunok naman ako.
Hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong isagot. Nagugugulat pa rin ako.
Ang bilis na naman ng t***k ng puso ko. Talaga bang nagpunta si Mr. Rocha sa university para lang makita a—
‘I’ve always wanted to do this.’
Bigla ko na lamang narinig ang boses niya, pati na rin ang mga ngisi niya nang sabihin niya sa akin iyon sa restroom while he’s cupping my breasts. Doon unang may nangyari sa amin.
I gulped.
“Well, ang alam ko lang talaga ay kin-ancel niya ang lahat para nga lang sa ilalabas na magazines. Hindi naman na ako nagtanong dahil baka mapasama lang ako kay Mr. Rocha, kilala ko siya bilang magagalitin at napakaikili lamang ng pasensya.”
“T-Talaga? H-Hindi h-halata.” Nagsalita na ako.
Totoo naman, parang masayahin nga talaga siya at kalmado lang. During s-s*x, a-ayon medyo gigil. Iyon lang talaga ang alam ko.
“Nakasama ko ‘yan dati sa launching ng DDMI Group. Nagkaroon ng aberya no’n. Nagalit ‘yan ng sobra, as in, girls! Nagwala ‘yan do’n, pinagmumura niya rin iyong mga tatanga-tangang staffs in English,” sabi nito.
Napakunot naman ang noo ni Fabella. “Madam Eve, hawak din ba ng mga Rocha ang DDMI Group, ‘di ba po?”
“Yes, sila na ang nagma-manage no’n since um-ayaw si Emelinda, iyong pinsan ni Martines Rocha Sr. na kapatid naman ni Joemar Pedrin, ang CEO and founder ng DDMI Group no’ng 90’s. Namatay siya no’ng 2000. Ipinangalan kay Emelinda at sa mga anak niya ang lahat kaso ayon tumanggi sila ng asawa niya at ibinigay na lang sa pamilyang Rocha ang DDMI Group,” pahayag ni Madam Eva.
Medyo hindi ako familiar sa mga pangalan na nabanggit kaya napatanong na lang din ako. “Sino po si Emelinda?”
“Si Emelinda Pedrin-Callabañes, nag-aaral din yata sa Tastotel iyong anak no’n, ano nga ulit pangalan?”
Napanganga ako. As in nganga. Hindi ko naiwasan.
Eirah Bennisse Callabanes…
OMG! Seriously?!
“Namatay na rin si Emelinda years ago, ‘di ba?” tanong naman ni Fabella. Tumango si Madam Eva.
“Yes. Namatay na siya sa sakit na cancer,” pagsang-ayon ni Madam kay Fab. Hindi na lang din ako nakasagot.
Kung gano’n, Tito ni Eirah si Joemar Pedrin na pinsan naman ng tatay ni Martines Rocha… it means. MAGPINSAN SI EIRAH AT MARTINES?!
P*TANGINA? IS THIS FOR REAL? OMG! I couldn’t believe it.
Sobrang liit lang ba talaga ng mundo?
Napatikom na lang ang aking bibig.
“Narinig ko rin po before na matapos mamatay ni Emelinda ay pinakasalan daw ni Mr. Callabañes ‘yong kapatid?”
Naguluhan ako sa tanong na lumabas sa bibig ni Fabella.
“Oo, history repeats itself,” sabi ni Madam Eva at napaismid pa. Napakunot na rin ang noo ni Fabella at parang naguluhan din sa sinabi ni Madam Eva.
“What do you mean by history repea—”
Hindi na natapos ni Fabella ang sasabihin niya nang biglang dumating ang isa sa mga staff. “Madam, nandito na po iyong photographer kasama po iyong dalawa pa pong models, halos magkasabay lang po ng dating. Magsimula na raw po kaagad,” sabi nito. Napansin ko naman si Keith na nasa may bandang likod lang ng staff.
He really looks handsome.
But…
Those enticing curves and seductive eyes...
Martines.
I mentally sighed.
Ngumiti na lang din ako kay Keith.