Nakatulog si Bob sa dibdib ko. Nakahiga ako ngayon sa kama ko at padapa rin siyang nakatulog sa dibdib ko. Kanina pa kami naglalaro. I’m telling him about things na para bang maiintindihan niya na lahat. I was just looking at the ceiling while caressing my son’s back.
Naalala ko bigla ang mga salitang sinabi sa akin ni Mama. Na-guilty talaga ako sa mga sinabi ko. Wala naman na kasi talaga kaming balita kay Eirah Bennisse, ilang buwan na rin. Bakit pa ba sila umaasa na babalik siya?
May posibilidad na kung babalik man siya ay may nabago na. Kasi nga wala permanente sa mundo.
Pero…
Hinihila ko ba talaga pababa ang kapatid ko?
Bakit hindi ko na lang ba kasi siya suportahan sa babaeng mahal niya katulad nang pagsuporta niya sa career ko?
I sighed. Ang sama ko na sigurong kapatid sa kaniya.
Napatingin ako sa may pintuan nang bigla itong bumukas. Natigilan pa ako nang makita ko si Keith doon.
Yes, Keith Louisse Armalana, he was smiling while looking at me. Napangiti na rin ako sa kaniya.
“It’s you. Come,” yakag ko sa kaniya. Hindi naman na ako tumayo dahil nasa dibdib ko si Bob. Lumapit naman siya sa akin. Naupo siya sa gilid ng kama.
“Kamukha niya talaga si Dad,” sabi nito. Natawa naman ako sa sinabi niya.
“Yeah,” sagot ko na lang. Bigla akong nakaramdam ng ilang.
Hindi ko maiwasang mapalunok nang bigla kong maalala ang boses at pati na rin ang message ni Martines Rocha sa akin. Hindi ko pinahalata kay Keith ‘yon. Naramdaman ko lang ang mga kamay niya na dahang-dahang hinawakan ang kamay ko. Bigla namang nag-init ang mukha ko.
Narinig ko na naman sa aking isipan ang mga salitang iyon ni Martines. Bakit ba ang kulit ng utak ko?
Umalis ka sa isipan ko!
Napangiti na lang ako habang nakatingin ako sa magkahawak naming mga kamay. I really can’t believe this.
“D-Do y-you really l-love me?” paninigurado ko pa sa kaniya.
“Yeah, I wanted to marry you, Mikai,” he said. Bigla na lang siyang may kinuhang maliit na box galing sa kaniyang bulsa niya.
Sa itsura pa lamang ng box ay alam ko na kung ano ito.
My mouth parted. The. Hell.
“Take this, Mikai,” sabi niya. He opened the box for me. Hindi na nga ako nagkamali kung ano ang loob niyon.
A ring.
Yes, singsing.
Parang tutulo naman na ang luha ko. Keith is my dream man ever since… now, I really have him. He’ll marrying me. Sobrang bilis lang ng pangyayari.
Ang saya ko.
Dahan-dahan niyang isinuot sa akin ‘yon. Napasinghot-singhot na lang ako. Nang ma-isuot niya na sa akin ang singsing ay tumabi siya sa amin ng anak niya. Tiningnan ko lang ang singsing na nasa ring finger ko. Ang singsing na sinuot niya sa akin. “It really looks good on you,” mahinang sabi niya sa akin.
Dahil traydor na naman ang utak ko ay bigla ko na namang narinig ang boses ni Martines Rocha at sinasabi niyang maganda ako.
Hindi ko na lang pinansin. Tumingin lang ako sa kaniya na sa may gilid ko. Tumabi na nga siya sa akin. Nakatingin din siya sa singsing na suot ko na ngayon.
Ang guwapo rin talaga ni Keith Louisse. Siya pa rin ‘yong Keith na nakilala ko.
Siya pa rin ‘yong Keith na minahal ko.
Nang mapansin niya na nakatingin ako sa kaniya ay sa akin na siya bumaling. Tiningnan niya ako ng diretso sa mga mata ko.
“Nasabi ko na ba sa iyo na maganda ka?”
Parang kinilig naman ako sa sinabi niya ngunit naudlot iyon.
‘Ang ganda mo lang’.
Bakit ba nagpapansin na naman si Mr. Rocha sa utak ko?
Umiling naman ako sa kaniya. “Actually, hindi mo talaga ako pinapansin no’n. Parang hangin lang ako sa iyo kung magkakasalubong tayo,” sabi ko.
Totoo ang sinabi ko. Hindi niya naman ako pinapansin kapag nagakakasalubong kami sa Tastotel University.
Papansinin niya lang ako kapag gusto niya ng s*x.
Bigla tuloy akong nag-doubt kung mahal niya ba talaga ako. Pero…
Bigla ko rin narinig sa utak ko ang boses ni Fabella, iyong sinabi niyang mahal naman talaga siya ni Adam, in denial lang talaga ‘to.
What if pareho lang sila ng case ni Adam? What if matagal na rin siyang may feelings sa akin tapos in denial lang talaga siya?
It’s possible.
“Really? I’m sorry for that. Hindi ko alam,” halos pabulong na sabi niya. Natawa na lang din ako sa sinabi niya.
“Ano ka ba, okay na iyon,” mahinang sabi ko rin. Baka rin kasi magising ko si Bob.
“Let’s get married,” he said. Nanlaki pa ang mga mata ko nang bigla niyang ilapit lalo ang mukha niya sa akin at hinalikan ako.
Sobrang tagal na simula nang mahalikan ko ang kaniyang mga labi.
Ngayon masasabi ko na na-miss ko ang kaniyang labi sa labi ko. Ilang minute lang iyong halik niya sa akin pagkatapos ay hinalikan niya ako sa noo. Hinalikan niya rin sa noo si Bob na nakadapa lamang sa may dibdib ko. Hindi ko maiwasan ang mapangiti. ‘
“I wanted to settle down with you,” he whispered into my ears. Ipinatong niya rin ang kaniyang braso sa amin.
“Me too,” sagot ko sa kaniya.
I am really happy. Hindi na talaga mapaglagyan ang tuwa sa aking dibdi—
“You’re not marrying Keith, Mikai”
Damn.
Hindi ko naman napansin na nakatulog na rin pala ako habang katabi namin si Keith. Ngunit pagmulat ng mga mata ko ay wala na si Bob. Wala rin akong katabi na Keith.
Bigla akong nakaramdam ng kaba. Mabilis akong bumangon.
“Keith!” I shouted. Pero walang sumagot sa akin.
Maraming bagay ang pumapasok sa utak ko na sana ay hindi mangyari. May usapan kami. Papakasalan niya rin ako.
Napatingin pa ako sa daliri ko nang maalala ko ang singsing. Nandoon pa ‘yon.
Kinalma ko lang ang sarili ko. Hindi gagawin ni Keith ang nasa isip ko.
Na itinakas niya si Bob sa akin.
May tiwala ako na hindi niya gagawin iyon. Pero hindi ko maiwasang isipin.
Napatunayan ko naman iyon nang makita ko si Keith na tumatawa sa may living room kasama si Bob. Napangiti ako. Natigilan ako at pinanood lang sila.
Nilalaro ni Keith ang anak ko.
Bob seems to be happy with his father.
I just made the right decision.
“Ma’am, may tao po sa labas.”
Natigil lang ako nang lumapit sa akin ang isa sa mga kasambahay namin. Tumango naman ako sa kaniya.
“Nandito ba si Mama?” I asked. Umiling naman siya sa akin.
“Wala po, kakaalis lang,” sagot niya. Tumango naman ako.
Baka bisita lang ni Mama.
Ako na ang humarap sa sinasabi niyang tao sa labas.
Hindi na ako lumapit sa mag-ama para malaman nilang gising na ako. Nagdecide na lang ako puntahan ‘yong taong sinasabi na nasa labas.
Baka amigas lang ni Mama—
Natigilan ako.
Malayo pa lang ay nakilala ko na kaagad ang lalaking natanawan ko. Kahit naman nakatalikod siya sa akin ay nakilala ko pa rin ito.
“Martines Rocha…” mahinang bulong ko pa. Napamura na rin ako. Lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kaniya. Kahit naman hindi niya ako lingunin ay alam kong siya si Mr. Rocha.
Naalala ko lang ang sarili ko na tinitingnan ang matikas niyang likod habang naghahanap ng damit sa closet niya.
Sana pala’y hindi na ako lumabas. “What are you doing here?” tanong ko sa kaniya nang makalapit ako. Mabilis niya naman akong nilingon.
“Hi, Mikai,” bati nito. Ngumiti pa siya sa akin. Iyong ngiti niya…
Parang kakaiba.
Kakaiba talaga.
Hindi pang-aasar or what. May hindi ako matukoy sa mga ngiti niya ngayon.
Pinigilan ko ang sarili ko. Sinabihan ko ang sarili ko na kumalma at huwag magpadala sa kahit na anumang sabihan niya.
“What are you doing here?” tanong kong muli sa kaniya.
“You aren’t answering my calls,” sabi niya sa akin.
Malamang!
“I blocked your number. Hindi ka na dapat tumatawag sa akin,” taas-noong sabi ko.
Kumunot lang ang kaniyang noo. “Why did you do that?”
“Isn’t it obvious? I am pushing you away,” diretsong sabi ko.
Ito talaga ang tamang gawin. Kailangang mawala na ang koneksyon naming dalawa. I am marrying the man that I loved.
He clenched his jaw. “You’re not—”
Kung puwede lang takpan ang bibig niya ay ginawa ko na!
Itinaas ko naman ang kaliwang kamay ko upang makita niya ang singsing na suot ko.
“I am going to marry the father of my child, the love of my life. I am asking you to stay away from me. s*x lang naman ang lahat ng ‘yon. Hanggang doon na lang ‘yon.”
Saan ba ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin ‘yan?
Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung nahahalata niya ba.
He smirked. “Okay,” tipid niyang sabi. Hindi ko naman maiwasan ang mapabuntong hininga.
Buti na lang ay hindi talaga siya mapilit!
Tinalikuran niya na ako. Bigla akong nakaramdam ng lungkot hindi ko alam kung bakit.
Akala ko’y tinalikuran niya na akong tuluyan ngunit bigla siyang humarap muli sa akin. He pulled me closer to him. Binigyan niya ako ng mainit na halik.
Heto na naman. I should push him, but I kissed him back instead. I even wrapped my arms on his nape! Nang unti-unting lumalayo ang labi niya sa labi ko ay parang tanga akong sumusunod. I don’t know.
I hate myself for this.
Nagbaba ako ng tingin sa kaniya. Magkalapit pa rin ang aming mga mukha. “See you at the photoshoot,” he said under his breath.
Pagkatapos niyon ay binitiwan niya na ako. Tinalikuran niya na rin ako pagkatapos.
Papasok na sana siya sa kotse niya pero hindi ko napigilan ang sarili ko na tawagin siya. “Wait!” I called him. Nilingon niya naman ako.
My mouth parted. Why is he so handsome? OMG.
“Casual lang sa photoshoot, please,” I said to him. Aaminin ko na medyo labag sa loob ko. Hindi ko alam kung bakit.
“If that’s what you want, Mikai,” he said. He even grins at me. Pinanood ko lamang siya na pumasok sa kotse niya at pinaandar niya ito paalis.
Napakagat-labi naman ako.
Damn. Ano bang mayroon sa Martines na ‘yon?
Huminga ako ng malalim. Kinalma ko ang sarili ko. Everything will be alright. I know that.
Hindi mapilit si Martines so iyong halik niya kanina ay ang huling halik.
Goodbye kiss?
OMG. Bakit parang may parte sa akin na tumututol?
“Who’s that?”
Halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita. Nandito pa rin kasi ako sa kinatatayuan ko nang umalis si Martines Rocha. Hindi pa rin ako pumapasok sa loob ng bahay.
Nang lingunin ko naman ito ay nakita ko si Keith. “Where’s Bob?” I asked. Sana naman ay kararating niya lang at hindi niya nasaksihan ‘yong paghahalikan namin ni Mr. Rocha.
“Nasa maid,” sagot niya sa tanong ko. “Who’s that?” tanong niyang muli sa akin.
Lumapit na lang ako sa kaniya nang may ngiti sa labi. “Wala iyon, nagkamali lang ng bahay,” pagsisinungaling ko sa kaniya.
Bakit ako nagsisinungaling? OMG.
Ayaw ko naman sabihin sa kaniya kung sino iyon. But I know, I have an idea that Keith knew who is Martines.
I mean, Martines family owns the Zaminican Hotels, and Zaminican Hotels is a good friend with A. Company or often called as Armalana company.
Iyon lang ang alam ko. Hindi ko sigurado kung partners ba sila pero naririnig ko dati na magkasundo raw ang dalawang kompanya.
Pero bigla ko na lang naalala nag mga masasamang titig ni Martines kay Keith no’ng gabi ng graduation ko.
“I see,” napatango-tango siya sa akin. Lumapit siya sa akin at in-akbayan niya ako. Napangiti na lang din ako.
I like what he just did.
“Nakita ko iyong magazines mo. Congrats,” saad niya sa akin. Hindi pa rin mawala ang ngiti ko habang tumatango.
Bakit ngayon na naka-akabay siya sa akin ay nakaramdam ako ng kakaiba? Na pakiramdam ko may mali?
Iyong mga ngiti ko, unti-unti nang nagiging peke.
I’m still thinking of that guy.
Martines Rocha…
Pakiramdam ko ay bumabaliktad ang sikmura ko.
“Yeah. Ang ganda ko, ‘di ba, mas maganda kay Eirah Bennisse.” I smirked.
“Oo naman maganda ka. About Eirah, you know her too?” tanong niya. Tumango naman ako. Malamang kilala ‘yan ni Keith dahil nahuli ko silang magkasama sa café sa tapat ng Armalana building. At malamang sa malamang ay naglalandian.
“Oo, may pagka-malandi iyon. Nilandi ka rin niya ‘di ba?” sabi ko at natawa. Dahan-dahan naman siyang lumayo sa akin at hinarap ako.
Nakakunot na ngayon ang noo niya sa akin. I suddenly remember my brother telling me that Eirah didn’t flirt with Keith. May mali na naman ba akong sinabi?
Iyon ang alam kong nangyari. Naglalandian sila kaya sila magkasama no’n.
“I don’t know what you’re talking about,” sabi niya.
Oo, sinabi ko na baka mas higit na malandi kay Eirah Bennisse pero hindi pa rin mawawala ang katotohanang nilandi niya si Keith!
“Then, bakit kayo magkasama sa café sa tapat ng building niyo?”
“Pumunta ka sa building namin?”
Natigilan ako. “Hindi, napadaan lang ako,” I said. Which is a lie, siya talaga ang pinunta ko no’n para silipin siya. Tingnan kung anong ginagawa niya.
Speaking of ginagawa, ano kaya ang ginagawa ni Martines ngayon? Namamasada ba ng taxi niya?
Wait, bakit na naman napunta kay Martines Rocha ang usapan?
“Okay. Ang totoo, malaking tulong sa akin si Eirah Bennisse. Humingi kasi ako sa kaniya ng pabor months ago. Hindi ko ba sa iyo nasasabi ang tungkol sa kapatid namin ni Kit?”
Dahan-dahang lumaki ang mga mata ko.
“Kapatid mo si Eirah?!” hindi makapaniwalang tanong ko. Natawa naman siya sa akin. Inilapit niya naman ang kaniyang mukha sa akin at binigyan ako ng mabilis na halik.
“No. Nahihirapan kasi kaming makausap ‘yong taong kumupkop sa kapatid namin— she’s a girl by the way. Half-sister namin siya ni Kit and godmother ni Eirah Bennisse iyong kumupkop sa kapatid namin. So, si Eirah ang naging susi,” sabi niya.
Napanganga naman ako. All this time ay mali ako ng pagkakaintindi sa nakita ko?
“I am very thankful to her,” he added.
Napalunok na lang ako.
Pero nagulat din ako sa sinabi niya na may half-sister siya. Dapat by this time ay kalat na ang news na iyon.
“A-ah… yeah. Anyway, iyong tungkol sa kasal. Kailan?” pag-iiba ko sa usapan. Nakaramdam ako ng hiya. Maling-mali talaga ako kay Eirah Bennisse! Pero ayon naman aksi ang nakikita ko sa kaniya at ng iba.
“Mag-uusap daw si Tita Karen and ang parents ko muna. I am actually suggesting to marry you now,” sabi niya.
Napanganga ako. “Like, right now?” I asked.
He held my waistlines. I gulped. I straightly look at him.
Seryoso ang mga tingin niya sa akin.
Ito ang gusto ko kaya naman bakit parang mali?
I bit my lower lip. “Yes. Right now. Do you want to? Mauna na ang kasal?” he asked. Napalunok naman ako kaagad.
Gusto kong pumayag pero; "I wanted this to be memorable, so I guess we should prepare for this wedding if it’s okay with you," I said to him. Pakiramdam ko palusot iyon pero may parte rin talaga sa akin na gusto ko talagang paghandaan.
“Of course,” sabi niya. He kissed me on my lips after.