Sila Keith ang nag-assign kung sino ba ang magiging make-up artist ko ngayon sa kasal ko. Mabilis silang nagtawag. I have suggested na si Madam Eva bago ang kasal pero kasi bigla niyang kin-ancel kagabi. Sa hindi ko malaman na dahilan. Tinawagan ko siya pero hindi niya man lang sinasagot. Maski si Fabella ay hindi rin sinasagot ang tawag ko. Sabi ni Keith, huwag ko na raw paka-isipin. I sighed. At ngayon, oras na lang ang hinihintay bago ang kasal namin. Sa totoo lang ay namamasa ang aking mga palad. Hindi ko alam. Tahimik lang ako at ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi talaga ako masaya sa mga nangyayari. I was wearing a blue silk robe habang inaayusan ako ng make-up artist na 'to. Lahat talaga naka-ayos na. Ang mga guest din ay nagsisidatingan na. Hindi ko lang talaga maiwasan na

