Last kiss… Iniwan niya akong luhaan sa silid na iyon. Iyong huli niyang sinabi—sobrang laki ng epekto sa akin. Naninikip na naman ang aking dibdib kakaiyak. Napahawak pa ako nang mahigpit doon. Hindi ko matanggap ang sinabi niyang LAST. Kasi ayaw ko, hindi ko matanggap na ‘yon na ang last. Siguro gano’n naman talaga—palaging may huli. Pero bakit nga rin ba talaga siya nandito sa araw ng kasal ko? Hindi ko talaga nabalitaan na inimbita namin siya. Hindi ko talaga alam… at hindi ko na rin alam ang dapat kong gawin ngayon. Napatingin na lang ako sa gown na aking susuotin. I tried to smile even it’s hard. Kailangan ko pa rin ipagpatuloy ‘to. I will marry him for my child. Maybe soon, in next life—Martines and I will cross paths again and we can be together. I sighed. Nag-ayos na lan

