“Saan ka pupunta?”
Nakasalubong ko ang kapatid ko paglabas ko ng bahay. “Supermarket, mago-grocery ako, sama ka?” tanong ko. Napansin ko naman na natigilan siya sa sinabi ko. “Oh, bakit?”
Nagpapalatak na lang siya. “Wala. May naalala lang ako.”
“Don’t tell me si Eirah ‘yan?” natatawang tanong ko sa kaniya. Ano naman ang sinabi ko para maalala niya na naman si Eirah?
“Si Eirah nga,” sabi niya. Hindi ko naman naiwasan ang mapangiwi. Pero bigla kong naalala ang tungkol kay Eirah. Sa nalaman ko kahapon kina Madam Eva.
“Tungkol nga pala kay Eirah…” panimula ko. “Ano nga ulit ang apilyedo niya?”
Napataas siya ng kaliwang kilay sa akin. “Interested, huh? Eirah Bennisse Callabañes-Serratore ang full name.”
Napangiwi na naman ako sa sinabi niya. Ang yabang pa nang pagkakasabi niya sa akin. Parang kasal na talaga at dala-dala na niya ang apilyedo namin.
Sasabihan ko sana siya na huwag mag-assume pero naalala ko iyong sinabi sa akin ni Mama tungkol nga sa Kuya ko at kay Eirah Bennisse, hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang buong istorya. Masyado akong naging mapanghusga. Lalo na kay Eirah Bennisse.
Pero sa sagot niya. Callabanes nga talaga ang dalaga.
“Ano name ng Mama niya?” tanong ko pa.
“Emelinda.”
Confirmed.
Magpinsan nga talaga si Eirah at Martines!
Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa mga nalaman kong ‘to.
“Uh, kilala mo ba ang mga Rocha?” I asked.
“Yeah,” tipid niyang sagot sa akin. Tumango na lang ako sa kaniya.
Sinuri ko na lamang ang aking kapatid. Mukhang aalis din siya, baka sa trabaho niya. Sa The Consejo’s.
“Alis ka na? Sabay na ako.”
Sumang-ayon naman siya sa akin. Mabilis niya naman akong na-ihatid sa supermarket. Ako talaga ang nagpresinta na mag-grocery ngayon. Gusto ko rin lumabas para makapag-isip-isip ng kahit kaunti lang tungkol kay Mr. Martines Rocha.
Dalawang araw na ang nakakalipas simula nang mangyari ang lahat sa beach. Nawalan din naman ako ng balita sa kaniya.
Paano ako magkakaroon ng balita sa kaniya, eh, naka-block pa rin ang number niya sa akin. Pangalawa ay pinagtabuyan ko pa siya. Baka nakabalik na siya abroad at hindi na babalik dito.
Hindi na kami muling magkikita.
Ginusto ko ‘to, ‘di ba?
Wala sa sariling napatingin ako sa daliri ko kung saan nakalagay iyong singsing na binigay sa akin ni Keith.
Kasal na namin sa susunod na linggo. Lahat ay inaayos na ngayon, dapat ma-excite ako katulad nila Keith pero hindi ko magawa.
Guilty.
‘Yan ang nararamdaman ko. Nagi-guilty talaga ako na ipinagtabuyan ko si Martines. Na sinabi ko na wala akong pakialam kung maniniwala siya o hindi. Kasi hindi naman iyon totoo.
Gusto ko siyang makita ngunit mukhang malabo na.
Pinilit kong ngumiti. Ito ang gusto ko kaya naman ay paninindigan ko talaga ito.
Papakasalan ko si Keith kasi mahal ko siya. Mahal ko si Keith.
Si Keith lang ang mahal ko.
Nang mabili ko na ang lahat ng kailangan kong bilihin sa supermarket ay nagdecide ako na magpunta na muna sa pinakamalapit na coffee shop doon habang naghihintay ako na sunduin ng driver namin.
Tahimik lang naman ako habang iniinom ko ang uri ng kape na in-order ko. Doon na muna ako sa loob ng coffee shop nag-stay. May mga table naman doon.
Natigilan lang ako nang bigla na lang tumili iyong mga babae sa table na malapit sa akin.
“Mga Gaga! Narinig niyo na ba ang balita?!”
“Ano bang balita bukod sa magpapakasal daw si Mikai at Keith?” sabi naman no’ng isa. Hindi ko maiwasan ang manlaki ang mga mata. Alam na yata ng buong mundo na magpapakasal kami ni Keith. Napabuntong hininga na lang ako.
Wala na talagang atrasan ito.
“May nakapagsabi sa akin na nasa beach daw ngayon si Art Dana!”
“Sinong Art Dana? Iyong nasa medicine department?”
Hindi ko naman na dapat sila pansinin pero sobrang lakas lang talaga ng mga boses nila kaya hindi ko maiwasan.
“Oo, iyon nga! Magkasama raw kasi sila no’ng poging photographer, Martines yata ang pangalan, girl!” sabi naman nito. Nagulat na lang ako sa sarili ko nang bigla akong mapatayo dahil sa narinig ko.
What the—
Nakaramdam ako nang matinding inis dahil sa narinig ko.
“Bakit daw sila magkasama? Ang bitin, girl!” sabi pa ng isa.
“Nagde-date ba sila?” sagot na naman ng isa. Hinihintay lang ang sasabihin ng babaeng mukhang chismosa.
Napakuyom naman ang mga kamao ko.
Seriously? Nagde-date?! Bakit ba ako ganito maka-react?
Bakit sila magkasama sa beach? Sa dati bang beach?
“Mg gaga! Hindi nagde-date! Muntik na raw malunod ‘tong si Martines! Buti na lang daw ay nandoon si Art Dana kaya—”
Hindi ko na hinintay na magpatuloy sa pagsasalita ang babae. Tumakbo na ako papalabas ng coffee shop.
Pero saang beach ba? Baka doon sa dati lang!
Sakto na may dumaan na taxi kaya naman sumakay naman ako kaagad. Sinabi ko kung saang beach ako pupunta. It just a guess pero sana ay tama ako.
Tumango naman siya sa akin. “Manong, pakibilisan,” sabi ko sa kaniya. Namamasa rin ang mga palad ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa mga narinig ko. N-Nalunod?
Bakit ba siya muntikan nang malunod? Hindi ba siya marunong lumangoy o kaya…
OMG. K-Kasalanan ko ba?
Iniwan ko na rin ang mga groceries ko. Bahala na, hindi rin naman ako mapapakali hangga’t hindi ko nakikita na maayos ang lagay ni Mr. Martines.
Rinig ko ang bawat pagpintig ng ugat ko sa ulo. Pati na rin ang pagtibok ng aking puso. Sobrang lakas at sobrang bilis. Parang hihimatayin ako anumang oras.
“Sige po,” sabi ni Manong taxi driver. Wala pa mang isang minuto ay napansin ko ang panaka-nakang pagtingin sa akin ni Manong.
Kinabahan din ako sa mga titig niya. Baka kasi may gawin siyang hindi maganda sa akin.
“B-Bakit p-po k-kayo ganiyan makatingin?” tanong ko sa kaniya.
“Ikaw ho ba ‘yong may bill board dati?”
Hindi ko naman inaasahan ang tanong niya. Tumango naman ako sa kaniya. “A-Ako po ‘yon kaso mga four years ago na rin po halos, bakit po?” tanong ko sa kaniya.
Napangiti siya sa akin. “Nagkita na ho ba kayo ni Sir Martines?” tanong niya. Napanganga naman ako. Hindi ko alam kung anong salita ang dapat na isagot sa kaniya.
Tumango lamang ako.
“Mabuti naman po kung gano’n. Siya na po kasi ang may-ari ng kompanya kung saan ho ako nagta-trabaho, tinanong ka niya sa akin no’ng naging pasahero ko ho siya.”
Hindi na naman ako nakasagot.
“Alam niyo ho ba na napakabait niyang tao. Marami siyang naitulong sa amin, lalong-lalo na sa pamilya ko. Pinag-aaral niya rin po ang mga anak ko, hindi na ho kami mahihirapan ng asawa ko kakaisip sa magiging tuition ng mga anak namin. Hindi ko na rin ho siya masyadong nakikita ngayon. Iyong inatasan niya lamang po ang namamahala sa kompanya namin. Kapag nagkita ho kayo ulit sabihin mo ho sa kaniya na sobra-sobra talaga ang pasasalamat ko sa kaniya hanggang sa mamatay ako.”
Napakagat lamang ako ng aking mga labi. Hindi na naman ako nakasagot. Kaya pala siya namamasada rin ng taxi dahil may-ari rin siya ng isang taxi company.
Ganoon ba talaga siya kabait? Sobrang bait niya ba talaga?
Bakit pa ba ako magtatanong? Sinaktan niya ba ako? Hindi. May masarap pa nga siyang dulot sa akin, eh. Wala rin naman siyang sinabi na ikakasakit ko.
Pero ako?
Bigla akong natigilan. Baka, may nasabi ako. Baka nasaktan ko na siya. Paano nga kung hindi lang libog ang nararamdaman niya sa akin?
ANO PA BA?!
Na-gets ko naman ang sinabi sa akin ni Manong driver. Ibig sabihin lang niyon ay no’ng naging pasahero niya si Mr. Rocha ay nakita niya iyong billboard ko before at tinanong ako nito sa kaniya?
Ibig din bang sabihin ay sa bill board niya ako unang nakita?
Wait, mamaya ko na isipin ‘yon. Kailangan ko na munang makita si Martines na okay bago mag-isip ng kung ano-ano.
“Manong, pakibilisan pa po,” sabi ko sa kaniya. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa beach. Ibinaba niya lang ako sa gilid ng kalsada. Parang may nakalimutan naman ako bigla. Mamaya ko nba lang aalalahanin.
Nagsimula na akong maglakad papasok pa sa may beach. Sana lang talaga ay dito sa beach na ito ang tinutukoy. Nagulat naman ako nang bigla na lang may bumangga sa akin.
Pareho kaming nagmamadali kaya pareho rin kaming napaupo sa buhanginan. Napahawak kami pareho sa mga ulo namin dahil doon nagtama. Medyo malakas din ang impact.
Nakaramdam nga ako ng hilo tapos parang nakakita ako ng mga ibon. Totoo pala ‘yon?!
I mean, iyong kapag nauuntog ka. Parang may mga ibon na magsisiliparan pa-ikot sa ulo mo.
Anyway, naunang tumayo sa akin iyong nakabanggaan ko at inilahad niya sa akin ang kamay niya. Nag-angat naman ako ng tingin at nakita ko ang isnag babae. “Hi, sorry, nagmamadali kasi ako,” sabi niya sa akin. Kinuha ko lang ang kamay niya at nagpatulong na tumayo.
“Okay lang, nagmamadali rin kasi ako. Kilala mo ba si Martines Rocha?”
Nakahawak pa rin ako sa may ulo ko, sa may bandang noo at parang may bukol na roon.
Mabilis naman siyang tumango sa akin. “I am Art Dana. Yes, nandito siya. Nandoon siya sa clinic, doon”— sabi niya at itinuro ang direksyon–“he’s fine and awake, muntik na kasi siyang malunod kanina. Puntahan mo na lang siya. I really need to go.”
Naalala ko naman ang pangalan na iyon. Iyon ng apala iyong pangalan na nabanggit kanina. And ngayon ko lang nalaman na may malapit pa lang clinic dito.
“Salamat, salamat talaga,” sabi ko sa kaniya. Napahawak pa ako sa magkabilang balikat niya. Hindi ko na alam kung sa pagturo niya ba ng direksyon ako nagpapasalamat o sa pagligtas niya kay Martines.
Narinig ko rin kanina sa mga babae bago ako umalis na kung wala raw ang babaeng ito ay malamang nalunod na si Martines.
“It’s okay.” She smiled. “Kapag nasa clinic ka na, put some cold compresses on your forehead,” tukoy niya sa noo ko.
Pagkatapos niyon ay nilagpasan niya na ako. Napakurap-kurap pa ako ng ilang beses pero sinunod ko na lang din ang itinurong direksyon sa akin ng babaeng iyon na may pangalang Art Dana.
Ini-imagine ko si Martines na nakahiga sa hospital bed at nagpapahinga pero sabi naman ni Art Dana ay gising siya.
Dali-dali akong pumasok sa loob nang may kaba pa rin sa dibdib ko. Kanina pa ‘to. Ramdam ko pa nga rin ang pamamasa ng mga palad ko.
Napabuga lang ako nang malakas na hangin nnag makita ko siya. Mali iyong imagination ko na nakahiga siya at nagpapahinga.
May bintana malapit sa sulok ng clinic. Nakatingin siya roon at may hawak-hawak siya na cup of tea or coffee, I don’t know basta may hawak siya no’n sa kanang kamay niya at mukhang kalmado lang siya.
Tiningnan ko naman siya ng maigi. Nakasuot lang siya ng puting damit at puti rin na pajamas. All in white siya, pakiramdam ko ay isa siyang anghel na bumaba sa langit.
Ang pogi niya talaga, hindi mababago na mayroon din siyang mala-anghel na mukha. “Martines,” tawag ko sa kaniya. Hindi niya naman ako nilingon. Pero sigurado akong narinig niya ako.
I gulped. Hindi kaya multo na lang siya? Or galit siya sa akin? Bakit hindi niya ako pinapansin?
Dahan-dahan akong humakbang papalapit sa kaniya. Napahawak pa ako sa dibdib ko. May bagay akong gustong gawin, at kanina pa rin talaga gustong sumabog ng aking dibdib sa kaba at pag-aalala ko sa kaniya.
“Martines,” tawag kong muli sa kaniya. Ngunit hindi niya pa rin ako pinapansin.
“Martines…”
My voice broke. Nang makalapit ako sa kaniya ay agad akong nagpunta sa harapan niya. May distansya naman siya sa may bintana. Kaya kaysa pa rin ako. Nasa pagitan na ako ngayopn ni Martines at ang bintana. Diretso lang sa labas ang tinigin niya. Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.
Hindi niya ako pinansin…
I bit my lower lip. Dahan-dahan akong yumakap sa kaniya. Hindi niya naman ako pinigilan. Hindi rin siya natinag.
Pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat.
“M-Martines…” I started sobbing. Sa totoo lang ay kanina ko pa talaga itong gustong gawin. Kanina ko pa gustong umiyak. No’ng nalaman ko pa lang na muntik na siyang malunod ay gusto nang tumulo ng aking mga luha.
Naramdaman ko na gumalaw ang kaliwang braso niya kung saan ay may hawak-hawak siyang cup. Naramdaman ko rin na inilapag niya ito sa may mesa sa bandang kaliwa niya. Ngayon ko lang din napansin na may mesa nga pala roon pero hindi na importante.
Patuloy pa rin ang paghikbi ko habang nakayakap sa kaniya. Basa na nga ang damit niya dahil sa mga luha ko.
“Why are you crying?” seryosong tanong niya lang sa akin.
“N-Nag-aalala ako,” I cried.
“This is wrong,” sabi niya. Lalo lang akong napaiyak. Humawak siya sa magkabilang braso ko na nakayakap sa kaniya. Alam ko na ang sunod niyang gagawin, tatanggalin niya ito upang kumalas ako. Napahigpit lang ako ng yakap sa kaniya at isiniksik na lang ang aking mukha sa may leeg niya. This time, I guess, he’s the one who will push me away.
But I was wrong.
Humawak lamang siya roon at pagkatapos ay niyakap niya rin ako nang mas mahigpit.
“If this is wrong, why it feels right?” he asked. Hinalikan niya na ako nang paulit-ulit sa aking ulo.
Lalo lang akong napaiyak. Oo nga, kung mali ‘to… bakit…
“I feel the same way. Pakiramdam ko tama ito…”
“Because it is…