KABANATA 19 More than that "Okay na kayo ni Oliver?" May halong pang asar ang boses ni Ellie habang tinatanong iyon bago kami makapasok sa kwarto. "We're already friends." Giit ko at humiga sa kama. Gumalaw pa ito ng bahagya dahil umupo si Ellie sa tabi ko. Nakauwi na kami bandang hapon sa cold spring dahil nilalamig na raw sila at gustong matulog dahil ngayong araw lang rin kami nakarating dito. Nakatulog ka agad ang mga boys sa kabilang kwarto habang si Gino naman ay sinasamahan ang kuya niya sa bayan dahil may gagawin. Oliver already left, pumunta sa bahay nila dito sa Surigao malapit lang rin sa bayan ang sa kanila. Sabi niya sa akin ay may ancestral house sila dito galing sa kanyang great grandma, ang mga katulong nalang ang namamalagi doon. Pero minsan ang mom ni Oliver ay

