KABANATA 18

2349 Words
KABANATA 18 Jealous and Worried Kinarga na nila ang mga buko sa likuran ng pick-up ni Gino, habang naghihintay matapos ay nakita ko si Oliver na papalapit sa akin, nagsusuot na ito ng kulay puting tshirt bago makalapit sa akin. "Why are you here?" Tanong ko at umiwas ng tingin. I can even smell his perfume from here, sobrang bango! Kahit pawisan kanina ay sobrang bango niya pa rin. "Ayaw mong nandito ako?" Malumanay niyang tinanong iyon, na para bang nasaktan sa tinanong ko kanina. Napahalukipkip ako at tumayo ng matuwid dahil nakahilig ako sa isang punuan. Si Ellie kasi ay gumala saglit sa loob ng green house. I want to come too, pero parang may pumipigil sa akin. I don't know why. "Hindi naman sa ganun." Umiwas ako ng tingin. "I'm sorry, I'm acting immature last time." Bulong ko, I was too complicated to think of anything. Ang alam ko lang ay ganito ang pakikitungo niya sa akin dahil pinilit ko siya, kahit ayaw niya sa akin ay pinipilit ko rin. "You said you wanted us to be friends…" sabi niya kaya ako tumango at hindi pa rin makatingin sa kanya. Nakatuon lang ang atensyon ko nina Alex at Bailey tinutulungan ang mga trabahante sa pagkarga ng mga harvested coconuts. "If ayaw ko, hindi ako um-oo sayo, but look? I wanted us to be friends also, Arielle." Seryosong sabi niya kaya napaangat ang tingin ko sa kanya. Kumalabog ang puso ko when our eyes meet, sobrang seryoso niya. "I want to get to know you more." He said without interrupting our stares. Pero nawala lang ang titigan namin dahil kay Gino. "Tara na! Tapos na, punta na tayo sa bayad." Sabi ni Gino ng nakalabas na sa green house kasama si Ellie at nakita ko ang saya ni Ellie habang hawak hawak ang phone. Marami yata siyang picture, gagawa na naman yan ng album sa social media. "San kayo?" Tanong sakin ni Oliver. "Sa bayan, tatanong kami kung magkano ang bentahan ngayon sa mga prutas at coconut. Tapos pupunta kami sa cold spring. Sama ka?" Sagot ni Gino nang nakalapit sa amin. "Sure, why not." Ngisi ni Oliver at unang sumakay na sa likod ng pick-up at sumunod na rin sila Bailey at Alex. Nakita ko ang saya ni Bailey nang nalamang sasama sa amin si Oliver. Tinawag na rin ako ni Ellie na sasakay na kami. Maingay ang nasa likuran dahil sa tawanan at asaran. Si Ellie naman ang maingay sa amin sa loob at hindi rin namin mapigilang tumawa ni Gino dahil sa kwento ni Ellie. Masyadong tahimik si Gino sa school, pero maingay rin pala siya kapag magkakilala kayo. Sabay na kaming bumaba lahat at dala na ni Ellie ang dslr niya para pang gamit sa documentation. Si Gino na ang nagtatanong ng price, tutal kakilala naman niya ang kanyang pinatatanungan dahil suki na nila ito sa kanila. Nilapitan ni Oliver si Ellie na busy sa pagkukuha ng video at picture. "Ako na, para masama ka sa documentary niyo." "Thank you!" Pasasalamat ni Ellie at binigay sa kanya ang dslr. Seryoso si Oliver habang kinukunan kami, napapalingon ako sa kanya at napanguso ng mapansin nasa akin nakatuon ang camera. Tulad nga ng sinabi ni Gino, magtatanong kami sa ilang tindera kung magkano ang binebenta nila. Kaya nagtatanong rin ako kasama si Ellie. Kahit nahihiya ako sa pakikipag-usap ay kinakaya ko. I will always learn. "Tara na! Ten pesos ang pinakamura, yun na ang price rin natin ilagay sa buko." Ani Alex nang nagtanong sa isang matandang lalaki na nagtitinda rin. Tumango kami, ang gusto ni Gino hindi na kami magbayad para makapagsave kaming lahat. Siya na bahala, hindi naman siya mawawalan ng kita. Mas mabuti nga sa kanila nag harvest para mas mapipili ang magandang quality. "Tara na sa cold spring." Sabi ni Gino at pinaandar ang sasakyan, tumigil muna kami sa isang tindahan para bibili ng pagkain baka magugutom mami doon habang maliligo. Ang tatlo na ang bumili dahil sila lang ang bumaba, kumatok pa si Oliver at tinanong kung ano ang gusto namin. Nang nakarating na kami sa cold spring na sinabi ni Gino ay namangha ako. Medyo kaunti lang ang tao, public itong cold spring na to at may bayad kapah gusto mong mag cottage. The water is really blue, may iilang tumatalon pa na mga teenagers sa isang bato at nagka katuwaan sa malayo. Nag park si Gino malapit sa gate mismo ng cold spring dahil wala rin namang masyadong sasakyan. Sa harapan mismo ng cold spring ay may karatulang 'Libuacan' Sinabi rin sa akin ni Gino, dahil libre lang ito ay may mga tourists na papunta kung saan, pero kapag dadaan dito ay naliligo muna. Pagkapasok namin ay may iilang babae sa baba ng spring ay napapatingin sa banda namin at ngumingisi, napatingin ako kung sino ang tinitigan ng iba ay si Oliver na nasa gilid ko at tinitignan ang buo ng spring. Nakapunta na kaya siya dito? Malamang, Arielle! Taga dito si Gino eh, lagi yan nagpupunta dito. "Maliligo ka?" Tanong ni Oliver sa akin. Nakakita kami ng pwesto sa di kalayuan ng spring. Malaki kasi ito at pahaba, mas maraming tao doon sa harapan ng gate, at iilan lang ang lumalangoy dito dahil masyadong malalim pero may maakyatan naman dahil may ladder. "Yeah." Tumango ako at tinignan ang bangin sa pwesto namin, medyo mataas ito at sa baba ay may lupa kaya doon na lang kami sa kabilang side tatalon dahil nakita namin may isang tali sa malaking kahoy. At may iilan ring kabataan na kasing edad lang yata namin ay doon tumatalon. Naglatag kami ng isang malaking mat para doon uupo, hindi na kami mag cocottege. More like picnic style ang ginawa namin, tinulungan ko na rin silang ihanda ang pagkain. Nakahubad na ang apat, dahil gusto nang makaligo at si Ellie naman ay hinubad ang dress niya just to reveal her two piece. Halos lahat rin dito ay nag two piece, yung iba ay mga turista kaya hindi na kami masyadong mahihiya kapag magsusuot rin kami. "Hoy! Ano ba yan, Ellie! Bakit ka naghuhubad sa harapan namin?!" Bulyaw ni Bailey at tinakpan ang mata. Nakita ko rin pano umiwas ang tingin nina Alex at Gino, Oliver naman ay tahimik na kumakain. "Ano naman? Eh sila nga kulang nalang maghubad. Sa akin pa kayo nagrereklamo?" Maarteng sabi ni Ellie at tinuturo ang isang grupo ng mga kababaihan na medyo malapit sa amin. Totoo nga, their swimsuits are too small, mas elegante nga kay Ellie tignan dahil yung pangbaba na niya ay mukhang shorts at sa pang-itaas ay mukhang sports bra pero matatawag pa rin ito na swimsuit. Hindi na nagsalita si Bailey at inirapan si Ellie na pumunta sa kabilang side para doon kumapit sa tali at tumalon. Napatili pa ito bago mahulog sa tubig. "Come on! It's refreshing!" Tawag niya sa amin sa babae at lumalangoy na ito. Hindi ko mapigilang ngumiti at tumayo. Tumayo na rin si Bailey, Gino at Alex, napatili pa ako ng tumakbo sila sa pwesto namin at doon tumalon sabay-sabay. Natakot ako doon baka mahulog sila doon sa lupa at baka kung ano ang mangyari. Naramdaman ko ang paghawak ni Oliver sa braso ko, nakatayo na ito sa tabi ko habang tinitignan ako ng matalim. "Don't tell mag huhubad ka dito?" Mariing bulong nito sa tenga ko, kahit ramdam ko na mag tindigan ang balahibo sa batok ko ay kinalas ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at tinignan siya. "Yes, why?" Taas noong sambit ko kahit nanginginig na ang tuhod ko sa nakakalusaw niyang tingin. Ngumisi ito at hinawakan ang bewang at hinapit palapit sa kanya, napasinghap ako sa kanyang ginawa. Sobrang lapit na ng mukha namin! "A-ano ginagawa mo?" Nanginginig kong tanong sa gulat. "Nothing, just marking something." Ngisi niya at may tinignan sa bandang likod ko bago binitawan. Napatingin ako doon sa tinignan niya ay nakita ko ang tatlong lalaki na nakatingin sa banda namin at maya-maya pa ay doon tumalon sa tali at lumangoy papunta doon sa grupo ng mga babae, they're friends huh? Kahit naghaharumentado ang puso ko ay tinignan ko si Oliver na nakaupo na sa mat namin at tinignan lang ako. Umiwas ako ng tingin at hinubad ang racerback crop top shirt ko at tinabi sa aking bag. I didn't bother to remove my shorts dahil nahihiya ako, tinatali lang ang suot kong swimsuit at baka sa sobrang galaw ko ay baka matanggal. "s**t!" I heard him cursed pero hindi ko na pinansin. Umikot ako sa spring para makapunta doon sa may tali. "Come on, Arielle!" Natatawamg sigaw ni Ellie sa baba kaya ngumisi ako. "Are you sure gagawin mo 'yan?" Alalang tanong ni Bailey sa akin at nakita ko pano sinapak ni Ellie si Bailey. "Hayaan mo na, first time niya yan. Let her enjoy! Nandito naman tayo!" Umirap si Ellie at tumawa si Gino at Alex. Lumangoy sila palayo sa dako ko at doon pumunta sa may lupa at doon umupo para mabigyan ako ng space sa pagtalon. "Miss, kaya mo yan." Narinig kong may nagsalita sa likuran ko. Agad akong nahiya dahil sila yung dalawang lalaki na nakita ko habang nakahawak sa akin si Oliver sa bewang. "Go, Arielle!" Sigaw nina Bailey sa baba habang nakatingin sa akin at nagtataasan ng mga kamay. "Kaya kitang saluhin, Arielle! Kaso baka malunod mo ako pagtalon mo!" Pagbibiro ni Alex kaya napailing ako sa sinabi niya. Nakita ko rin na napatingin uli ang grupo ng mga kababaihan kanina sa kanila at lumingon sa akin parang kinikilatisan ako. "You can do it!" Sabi ng isang kasamahan ng lalaki, maputi ito kesa sa isa na moreno. Namumula na ang kanyang dibdib sa init. Dahan-dahan akong tumango at umatras, kahit first time ko ito I need to experience this! Kaya tumakbo ako patungo sa tali at kumabit napatali pa ako habang gumagalaw ang tali kaya nahulog ako sa tubig. Narinig ko pa ang tawanan nila Bailey sa ginawa ko, ang plano lang kasi ay humawak lang roon at ihuhulog ko na ang sarili ko sa tubig. Pero ginawa ko pa yatang unggoy ang sarili ko dahil ilang beses gumagalaw ang tali bago ko napagdesisyunan bumitaw. Agad kong naramdaman ang malamig na tubig sa katawan ko, hindi naman masyadong malalim ang natalunan ko pero para sa height ko ay hindi ko ma kayang abutin. Nanatili pa ako sa ilalim ng tubig at pumipikit para maramdaman ko ang lamig. It's refreshing! I can hold my breathe for awhile, sanay naman ako dahil lahi kong pinapractice ang breathing style sa bahay namin. Maya-maya ay naramdaman ko ang isang kamay na humihila sa akin, nataranta ako at hindi ko makita kung sino. Nakainom pa ako ng tubig dahil sa gulat at pilit hinihila ang braso ko, nang nakita kong si Oliver iyon ay huminahon ako pero agad kinabahan sa mukha niya. Galit na galit! "Oliver! Arielle!" Alalang tawag ni Ellie sa amin nang makalapit sa banda nila. Tumayo rin si Alex at Gino para tulungan maka-ahon si Oliver dahil pakiramdam ko ay nahihirapan siya kaninang lumangoy. Tinulungan ko rin siyang maka-ahon sa tubig. Pagka-ahon ni Oliver ay tinignan pa ako ng masama bago umalis at umakyat sa ladder. Tumabi sa akin si Bailey at tinignan ako. "Okay ka lang?" "Oo naman, anong nangyari doon?" Takang tanong ko at tinuro si Oliver na nagdadabog habang umalis sa pwesto namin. "Nako! Ikaw ba naman, sinong hindi mag-alala na walang Arielle na umahon? Kanina ka pa namin tinatawag!" Gigil na sambit ni Ellie at pinapalo ako pero mahina lang. "I'm sorry." "Hindi ka dapat sa amin nag sosorry Arielle. Kay Oliver." Sabi ni Alex ng seryoso at tumango si Gino sa tabi nito na pareho akong tinignan ng seryoso. Itinagilid ko ang aking ulo. Bakit naman? "Oliver can't swim, Arielle. He tried to save you, nag-alala rin yung pinsan ko." Sambit ni Gino. Nawalan ako ng dugo sa mukha, kaya pala parang nahihirapan siya kanina at pinipilit ko pang magmamatigas. Agad akong tumayo at umakyat sa pwesto namin. Nakita ko roon wala na ang tshirt ni Oliver. Napanguso ako, saan kaya nag punta yun? Kahit nilalamig ako dahil hindi man lang ako nakadala ng tuwalya o kahit na tshirt ko man lang sa pagmamadali. Nahihiya tuloy ako sa iilang taong napapatingin sa akin. Nailibot ko ng ang buong spring, pero wala akong makitang Oliver. Saan ba yun pumunta? Umuwi na? Mukhang walang tao rin sa sasakyan ni Gino. Bigo akong bumalik sa spring, napahawak ako sa aking braso dahil sa lamig. "Damn, girl." Napasinghap ako ng maramdaman ang tuwalya na nakatakip na sa akin, napilingon ako at nakita ko si Oliver na seryosong nakatingin sa akin. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa lapit ng katawan niya sa akin, ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya habang nakayakap para takpan ako ng tuwalya. "Oliver! Akala ko umuwi ka na." Gulat kong sambit pero agad napamulahan ng mapansin ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. "Why would I go home, when uou are here?" Seryoso pa rin ang mukha nito. Napahawak ako sa tuwalya at lumayo sa kanya. Nabitawan niya ako kaya umigting ang panga niya habang nakatitig sa akin. "I'm sorry, Oliver." Bulong ko nannakayuko. Hindi ko pala napansin na nakapaa lang ako habang naglalakad kaya madumi ang paa ko. Buntong-hininga hininga ito. "Why, Arielle? What did you do to me?" Napaangat ang tingin ko sa kanya at kumunot ang noo, pinagsasabi niya? Hindi ko siya ma gets. "I want to leave, but I can't. I can't leave you while everyone is staring at your body." Sabi niya. Napakagat ako sa aking labi at tinignan siya. What does he mean? "I'm damn scared and worried about your stunt back there!" Madiin nitong sabi kayan napayuko ako. I know, it's my fault. "I'm also jealous." Hinawakan nito ang baba ko at iniangat. Mas bumilis ang t***k ng puso ko ng mag tama ang tungki ng ilong naming dalawa. "I don't know what you did to me, you're always making me worried and jealous." Bulong niya sa akin. - - -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD