KABANATA 17

2108 Words
KABANATA 17 Cousins Friday morning, tapos na akong nakapaghanda ng gamit. Napagdesisyunan naming Friday sa ugma ang byahe, wala kaming class schedule sa Friday. Para mahaba-haba na rin ang preparation namin at maka-gala sa kanilang lugar at sa plantation. Tinawagan ako nii Ellie at sinabuhang papunta na raw ang van ni Gino sa amin at naroon na rin ang apat. Tinulangan ako ni Luke, siya na ang nagdala ng isang malaking back pack. Nakabusangot ito habang nag hihintay kami sa labas. "Really Arielle? Four boys?" Busangot nito at tinignan ako ng masama. Tinignan ko siya at ngumiti. "Why? Dad already knew them." Kumunot ang noo nito. "Then he agreed to this? You know tito, he's strict when it comes to this." Humarap ako sa kanya na nakahalukipkip. "Aren't you happy? You know this is what I want when I was a kid. And now, I have my freedom you should be happy." Bumuga ito ng hangin at marahang tumango. "Fine. Are you sure hindi na ako sasama?" Inirapan ko ito at nakita ko ang pag ngiti nito. "It's just a group project. Mababait naman sila and you already knew Bailey and Ellie." "But the other two…" hindi na niya tinuloy ang sasabihin niya dahil may tinanong ito uli. "Magkakilaka kayo ni Oliver?" That caught me off guard kaya napatoon ang attention ko kay Luke na sobrang seryoso. "Why?" "Kumakalat sa campus, you know Oliver is really popular to the girls." Hinawakan nito ang ulo ko at ngumiti pero seryoso pa rin akong tinignan. "He's a playboy, Arielle. And he's two years older than you. I don't want you close to him." Umiling ako. "We're just friends." Kahit napipilitan lang si Oliver na maging friends kami dahil tinuturuan ko siya. Tumango lang ito at bumuntong-hininga. Maya-maya ay dumating na ang white van ni Gino, si Luke na ang naglagay ng bagahe ko sa likuran at nakita ko rin ang iilang kagamitan. Natawa ako ng makita ko ang maleta ni Ellie. "Magbabakasyon ka, Ellie?" Natatawang sabi ko habang sinarado ang pintuan ng van bago nagpaalam kay Luke at kumakaway ito. Umirap ito. "Syempre no, this is a vacation ala project. I heard may cold spring doon!" Ellie shrieked. Nasa likuran ako nakaupo, kami ni Ellie ang naroon at ang tatlong boys ay nasa harapan. They want us to have a huge space dahil baka gusto naming matulog. At nakita ko rin ang driver nila Gino wearing a white polo at mukhang bata pa dahil sa makisig nitong katawan. Habang nasa byahe kami ay panay kwento naman si Ellie tungkol kay Lucas. Kaklase at kasamahan ni Luke sa basketball, kaya nakilala ni Luke si Ellie dahil lagi daw si Ellie nakaaligid sa court during practice nila. I never seen Lucas, si Kevin at Lance pa ang nakilala ko noon which is hindi na kami masyadong nagkikita dahil hindi na bumibisita sa akin si Luke. We also ate snacks na dala ni Bailey, pansin ko kay Bailey ay mahilig mag food trip, sabagay Bailey's mom is a chief sa isang malaking restaurant dito. Naalimpungatan ako ng maramdaman ang pag-galaw ng sasakyan dahil sa lubak-lubak na daan. Napalingon ako ay nakatulog na rin si Ellie sa tabi at nasa bintana ang mukha. Ang tatlong lalaki naman ay natulog na rin, napagod yata kakanuod ng movie dahil yung tv sa itaas mg van ay nagpalatuloy pa rin at malapit na sa ending. Napanguso ako, tinulugan talaga nila? Nasa ending na oh! Napansin ko sa labas na puro maliliit na bahay at halos malawakan na rice fields. Nakakamamgha! Noon sa tv ko lang makikita, ngayon nasa harapan ko na! Nang nagising na ang lahat ay huminto kami sa isang napakalaking gate na may nakalagay na Marasigan's Farm sa itaas. May tinawagan si Gino at agad bumukas ang gate. Napanganga kami ng mapansin ang white house. Sa lahat dito sa kanilang lugar, mapapansin mo kaagad ang bahay ni Gino dahil sa sobrang laki at lawak. Makikita mo na sa labas ang bahay nila kung gaano ito kalaki. Their house is like a modern with a bit of vintage theme. Sa labas ay puro puti ang kulay, pagkapasok mo sa loob ay puro kahoy ang gamit. Even their floor is wood but well polished, halatang mamahalin. I can see rattan chandelier, it is like made of wooden chandelier pero sobrang galante tignan. "Feel at home!" Ani Gino at ngitian kaming lahat. Napansin kong isang katulong lang ang sumalubong sa amin. "Nasaan parents mo tol?" Takang tanong ni Alex habang lumilingon sa paligid dahil parang tahimik naman. "Wala dito, nasa manila. But my brother is here. I just called him, nasa plantation siya." Sabi nito at iginaya kami sa room namin. Tinulungan pa kami ng mga lalaki na ipasok ang bags namin ni Ellie sa isang napakalaking room. There are only one bedroom, "Wow! Ang ganda!" Manghang sabi ni Ellie nang binuksan ang napakalaking kurtina at hinawi iyon to reveal a beautiful scene. Tumabi ako kay Ellie at binuksan ang pintuan para sa terrace. Makikita ang malawak na bukirin at puro mga taniman ang nasa baba, may iilan ring trabahante ang naroroon para diligan ang tanim. It looks like peanuts. Lumabas na kami ni Ellie ng may kumatok na katulong ni Gino para bumaba at kumain ng lunch. "Gusto niyo bang magpahinga muna o pupunta tayo sa farm?" Tanong ni Gino sa amin habang kumakain sa hapag. It is not too big, tama lang ang laki ng mesa sa mga seven or eight ka-tao. "It's still early, tsaka gusto rin namin gumala muna. Right girls?" Alex winked at us. Magkatabi sila ni Bailey at nasa unahan nanin nakaupo si Gino katabi ang katulong nila dahil laging may pinapakuha si Gino at magkatabi naman kami ni Ellie. "Yeah, first time ni Arielle nito no. Kaya dapat sulitin." Ellie said, tumango ako at mahihiyang ngumiti. Susulitin ko talaga, minsanan lang to. Tumango si Gino. "Good! Una muna tayo sa plantation dito sa bahay, tapos sasakay tayo kaagad sa pick-up namin para puntahan na ang coconut trees at iilan pang mga taniman na kailangan natin." Aniya. He's really rich! Parang haciendero ang dating ni Gino sa pangingin ko, but not an older version. "Gusto niyo mag swimming? May cold spring dito!" Tumili si Ellie at nakipag-apir naman si Bailey at Alex sa narinig. "Gusto namin yan!" Ngisi ni Bailey. "Dadaan tayo muna sa bayan, tatanong kung magkano ang mga pamilihan ngayon tapos yun na ang susundin natin na price, tapos cold spring kaagad tayo." As planned, nag pack kami ni Ellie ng iilang damit. Medyo maliit na backpack lang ang dala ko, enough for an extra dress. Suot ko na ang swimsuit sa ilalim ng racerback crop top shirt ko at shorts. Pinahiram rin ako ni Ellie ng sumbrero baka mainit daw at mabilad ang mukha namin pupunta sa plantation. Si Ellie naman ay nakadress, at nasa ilalim na rin ang swimsuit niya. Even the boys are ready, with their shorts at sando. Nasa likuran ng bahay nila ang kanilang sasakyan at madadaanan pa namin ang kanilang farm dito. May iilan ring mga trabahante na binatabi ni Gino. "Wow, ang ganda talaga dito." Manghang sabi ni Ellie habang tinitignan ang taniman ng mga tomato at may ready to harvest na kaya maganda tignan ang mapupulang tomato. Ang tatlong lalaki ay nasa unahan na, kami naman ni Ellie ang nahuli dahil nasasama ako sa kanyang picture. "Ellie, Arielle, dito!" Tawag ni Alex at Bailey habang kumakaway sa left area ng farm nila Gino. May pinipitas silang kung ano at kinakain. Kahit maputik at naputikan na ang tsinelas ko ay pumunta pa rin ako, kahit si Ellie ay nagrereklamo dahil madumi na ang kanyang tsinelas. "What's that?" Takang tanon ko habang may nginuya si Alex. Binigyan ako ni Bailey at agad akong umiling. Kita ko ang pagkunot ng noo niya. "I'm allergic." Sabi ko at ngumiti, bahagyang nagulat ito sa sinabi ko at binigay niya iyon kay Ellie na kakarating lang galing sa picture taking. Dumating rin si Gino at naki-usap na siya ang mag drive, kaya agad kaming sumakay sa pick-up niya. Nasa likod ang dalawang lalaki dahil gusto nilang makahinga ng sariwang hangin, at nasa loob kami ni Ellie. Magkatabi kami sa front seat, mabuti naman at kasya kami. Lagi akong napapatingin sa bintana, kulang nalang ay idikit ko ang mukha ko sa salamin. Napansin yata iyon ni Gino kaya binuksan niya iyon at tumambad sa akin ang sariwang hangi dito sa bukid. I like it here. Maliliit na bahay uli ang nakita ko pero bahay raw iyon sa kanilang mga trabahante. Nakakagulat ang kalakihan ng lupa ni Gino, sobrang yaman nila talaga. Maya-maya ay huminto kami sa isang maliit na bahay-kubo, parang resting place ito dahil masyadong open at upuan at mesa lang ang naroon. Pinark ni Gino ang pick-up sa tabi ng bahay-kubo kaya kami nagsibabaan. It's already one o'clock in the afternoon, kaya sobrang init. Mabuti nalang talaga may sumbrero ako. Napatingala kaming apat sa nagtataasang mga coconut trees at sobrang dami, halatang sinadyang tinanim dahil naka-allign ito. Sobrang lawak ng taniman nila! "Grabe, ang dami!" Manghang sabi ni Bailey at tumango si Alex. "Doon tayo!" Turo ni Gino sa kabilang lote na may greenhouse at sa labas nito ay may iilang lettuce. Ano ba dito taniman nila Gino? Sobrang dami at iba't-ibang mga prutas at gulay. "Ito ang harvest nila Manong. Pina-harvest ko na sa kanila. Is this enough?" Tanong ni Gino at tinuro ang sampung sako ng coconuts. Tumango kaming apat, parang sobra na nga eh, ang dami na. Pero mas okay na yung sobra kesa sa kulang, marami rin kaming gagawin gamit ang coconuts. "Kuya!" Tawag ni Gino sa dalawang lumabas sa green house. Napatingin ang dalawa banda sa amin at maya-maya pa ay lumapit na ang isa. "Oh my, ang pogi!" Bulong ni Ellie at impit na tumili, sinisiko ako nito saking bewang kaya natatawang umiling ako. Lumapit sa amin ang isang lalaki, nakahubad at moreno dahil sa pagbibilad mg araw. His hair looks messy pero sobrang attractive sa kanya, he really looks like Gino with their long nose and really dark brown eyes. His bother has an intense look habang si Gino ay tahimik pero sobrang soft ng expression niya. "Adonis!" Bulong uli ni Ellie sa tabi ko. Which is true, his body is really firm and has muscles may abs pa ito at sobrang higpit ng bicips niya which meron rin kay Gino but Gino's a little inches short compare to his kuya. "Guys! Meet my kuya Shawn." Pakilala ni Gino, nagbatian ang mga lalaki at kumaway si Ellie sa tabi ko, ngumiti lang ako sa kanya ng napatingin sa akin. "Ya, this are my classmates. This is Alex, Bailey, Ellie and Arielle." Tumango ito at ngumiti. "I'm sorry, I can't greet formally. My hands are dirty." "It's okay!" Ngisi ni Ellie kaya siniko ko ito. Her voice changed, sounds like cringey to me. My eyes drifted to a man walking towards us, kakalabas rin niya sa Green house nila Gino. Seryoso itong nakatingin sa amin… akin. Napatingin ako sa kaniyang katawan at umiwas ng tingin. He's also topless! Nanalalaki ang mata ko sa nakita, bakit nandito si Oliver?! Why is he here? "Oliver, tapos na ba sa loob?" Tanong ni kuya Shawn sa paparating na Oliver. Narinig ko ang pagsinghap ni Ellie, pati rin siya ay nagulat sa presensya ni Oliver. "Pakilala mo naman si Oliver sa kanila." Ngiti ni kuya Shawn sa amin. "Parang kilala na yata nila, kuya." Nahihiyang sambit ni Gino. "Kilala na namin, pero bakit nandito si Oliver?" Takang tanong ni Ellie at tumango rin si Bailey at Alex na maguguluhan. "Well, Gino's my cousin." Sabi ni Oliver habang nakatitig sa akin. Doon na ako napanganga sa sinabi niya. "Oliver's staying here, tinutulungan niya ako maayos ang makina sa loob para wala nang problema pagka-alis ko. Uuwi rin naman siya" Sabi ng kuya ni Gino na nakapag hinga sa akin ng maluwag. "I can stay here, so I can help them." Sabi ni Oliver sa amin pero nakatitig lang ito sa akin. He looked at me from head to toe at naitago ko ang isang paa ko sa likod dahil hiya, baka maputik ang paa ko. My body stiffed. It's unexpected na cousin sila ni Gino at Oliver. Pero napaka-unexpected na nandito siya ngayon! Kahit ramdam ko ang kalabit ni Ellie ay hindi ko siya ko siya pinansin at nakatuon lang ang attensyon ko kay Alex na nagsasalita, dahil ramdam na ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin. Last time we talked ay sobrang awkward, kaya manigas ka diyan. Hindi kita papansinin. - - -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD