KABANATA 16

1097 Words
KABANATA 16 Little Mermaid KINABUKASAN ay maagang natapos ang klase, kasabay namin sa kotse sila Gino, Alex, Bailey, Ellie and Luke. Nakapagtataka naman dahil ngayon lang kami nagkasabay ni Luke maka uwi. Lagi kasi siyang wala at sa sobrang busy ay mahirap mahagilap sa school. "Luke, kamusta si Lucas?" Nakangising tanong ni Ellie habang papalabas ng kotse namin. Rinig ko ang kinikilig na tono nito habang nag tatanong. Who is Lucas by the way? Napahinto ako sa tono ni Ellie at napatingin sa kanya, ngayon ko lang narinig na ganoon mag salita si Ellie. Nakita ko pani ngumisi si Luke kay Ellie. "Bakit? Nagtataka nga 'yon bakit hindi ka pumupunta sa practice game." Ngiting aso ni Luke kaya naitagilid ko ang aking ulo ng makitang pumula ang mukha ni Ellie at umirap at lumapit na sa gilid ko. Ano kaya meron? Is it Ellie's crush? "Arielle, aalis uli ako. Iuuwi ko lang yung bag." Ani ni Luke kaya napakunot ang noo ko. Na naman? Lagi nalang umaalis ah? Laging nagmamadali. Minsan nakikita kong gabi na nakaka uwi at parang wala lang iyon kay nanny Lucy na mukhang sanay na. Ganun na ba ka busy ang mga seniors? Parang ayoko na mag third year ah. "Wow, ang laki ng bahay niyo!" Tuwang sabi ni Alex habang tinitignan ang fountain sa harapan ng bahay namin. Dad bought it from Greece noong may business siya doon. The fountain looks like na makikita mo sa mga Gods and Goddesses, may malaking poste ito na napapalibutan ng mga babaeng statue at may hawak na jar na doon lumalabas ang mga tubig. Sa harapan nito ay ang grand staircase na ng bahay namin at biglang bumukas ang double doors ng pumasok si Luke doon at sinalubong na kami ng mga katulong namin. "Is it me bakit ang daming katulong sa bahay ni Arielle?" Nagtatakang tanong ni Bailey habang nakatingin sa mga katulong namin na nag lilinis malapit sa front yard garden. Humalakhak si Ellie sa tabi ko. "Wait till you see their guards inside." Tama nga ang sinabi ni Ellie dahil sa living room nadatnan namin ang mga tauhan ni kuya Gerald. Napanguso ako, bakit nandito pa sila sa loob ng bahay naka tambay? Napatingin ako sa tatlong lalaki na nagulat sa nakitang iilang guards with their guns and uniforms. I'm still afraid of guns, pero sinasanay ko na ang sarili kong hindi matakot. Lagi kasi silang may dalang baril for our safety lalo na si kuya Gerald at dad na may laging armas sa likuran ng pants nila. Napanganga ang tatlong lalaki at si Ellie naman sa tabi ay naka halukipkip. "Ma'am, sa dining muna raw kayo sabi ng dad mo. Pababa na siya." Sabi ni Lory, isa sa katulong namin. Tumango ako sa sinabi niya. Sinamahan ko ang apat sa dining at nakahanda na nga sila ng pagkain doon for snacks. Puno ang lamesa namin kaya natakam ako. Si Ellie ay panay kuha ng pictures ng pagkain at napatigil ng nakarating na si dad. "Good evening, tito!" Masayang bati ni Ellie at nakipag beso. "Attorney!" Gulat na sambit ni Bailey sa tabi ko kaya napalingon si dad sa kanya na nagtataka. "I'm sorry po, good evening. Nakilala kita noon sa Manila, magkasama kayo ni dad sa isang kaso." Ngumiti si Bailey kay tito. "Bailey Cruz po, my dad is Will Cruz." Tumango si dad at kita ko ang galak sa mukha niya. Lumiwanag ito at ningitian ang lahat. "Yes, I knew him. Paki-kamusta ako sa dad mo." Sabi ni dad tumango si Bailey at lumapit sa akin. "Hindi mo sinabi si Attorney ang dad mo." Bulong niya kaya napailing ako Lumapit rin si Gino at Alex kay dad para magpakilala kaya ningitian lang sila ni dad at nagpapasalamat na nakapunta dito at iginiya sa mesas sila sa at doon kakain. They asked dad if I can come for our group activity at sinabing important ito dahil isang major subject. Laging kausap ni dad si Gino at tinatanong ng kung ano. Like, is the house safe? Nakaka sigurado ba ang siguridad? "It's okay tito, my house has a guard at pahirapan ang pagpasok doon dahil sobrang higpit. My house is big also po, each of them will have a spare room." Ani Gino sa magalang na boses, ang kanyang buhok ngayon ay nakababa dahil kaninang umaga naka-mohawk pa ito sa gel. "Pwede magkasama kami ni Arielle sa iisang room?" Sabat ni Ellie kaya natawa kaming lahat. Nang natapos na ang snack namin ay medyo gumabi na. Nasa labas na kami ng bahay at hinatid ko sa kabas kung saan nakaparada ang sasakyan namin. "Now we know bakit laking cave man itong si Arielle." Natatawang sabi ni Bailey kaya hindi ko mapigilang ngumiti. "Imagine, ang daming guards! Parang nasa presento." Ani Alex at nilingom ang paligid na nagkalat ng guards. "Parang castle nga eh, yung gate halos blocks. Hindi mo makita ang bahay kapag nasa labas ka." Umiiling na sabi ni Gino at ngumisi. Tumango ang tatlo sa sinabi niya. "I don't know why, but I feel Arielle is like a princess vibe." Ngisi ni Ellie at inakbayan ako. "Yes! Living in a castle, ang daming mga katulong, ang daming guards, with a protective father…" Hindi natapos ang sasabihin ni Bailey at pumagitna si Ellie. "Familiar story, A princess with no freedom. Ano bang disney princess 'yon?" Ellie asked sa kanila. "Little Mermaid." Ngumuso ako para nagpipigil ng ngiti. Gino and Alex snapped their fingers at tumango. "Ano nga uli ang pangalan ng bida? I forgot." Umiiling si Alex at nakita ko rin ang pagtatakda ng tatlo. "Arielle." They all looked amazed and confused at the same time. Parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "That can't be true right? You're like a modern princess right now!" Ellie looked stunned. Ngumisi ako. "Prince charming nalang kulang." I teased kaya nagtawaman kaming lahat. It ended so well, umuwi sila at hinatid ni manong Rene. Gino and Alex stayed in a boarding house dito sa Butuan City at hinatid ng door to door sina Bailey at Ellie since nasa sentro lang ang kanilang bahay. Nalaman ko rin na taga Gingoog si Alex kaya nag board rin. I chatted with them thank you at makapag handa na rin ng gamit for Friday. I'm so excited, it is my first time going out in my comfort zone, my home, with my friends and I'm happy to reach my freedom. It is really true, I'm just like Ariel from Little Mermaid. Same name, same goals just wanted freedom and friends, and to experience love. - - -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD