NAPANGITI si Yuan habang nakatingin sa planong inilatag sa kaniya ng espiya nila mula sa Dark Eagle. “Nakahanda na po ang lahat, Boss,” salubong sa kaniya ni Jet dahil pababa na siya para sumakay ng sasakyan niya. Dala nila ang buong Black Dragon dahil ito na ang pagkakataon nila para makuha ang Dark Eagle. “Let’s go,” aya niya rito nang makasakay na sila ng sasakyan. Pupunta pa sila ng Port of Hong Kong, sa may Kowloon Peninsula dahil isa sa mga warehouse na naroon gagawin ang transaksyon. Binigay rin nito sa kanila ang mapa ng lugar at kung saan sila tatambay at kung paano nila palilibutan ang lugar. Hindi nawawala ang ngiti niya habang nasa biyahe sila dahil totoong nae-excite siya sa mga mangyayari. Wala sa loob na kinuha niya sa tagiliran niya ang paborito niyang baril pagtapos a

