001

2618 Words
Chapter 1 Dinampot ang phone ko nang tumunog ito. Lumabas ang pangalan ni Mama sa caller ID, agad kong nilagay ang earphone sa tenga ko. "Yes, 'Ma? Nandito na kami sa bandang Tungko," agad kong sagot. ["Bilisan niyo na. Your Papa Cairo is waiting for you, Chyrel. Ingat kayo pauwi.] "Sige, 'Ma." Ibinaba ko na ang tawag at sumandal sa bintana. Ilang minuto pa ay nakaramdam ako ng kiliti sa bandang pantog ko. "Matagal pa ba ang biyahe, Kuya Sean?" tanong ko sa driver ko habang nagpipigil ng ihi. May halong inis dahil sa pagsakit ng pantog ko. "Sige, Ma'am. Tigil po muna tayo sa Starmall," saad niya kaya mapatango na lang ako. Ayoko na magsalita dahil sa sobrang pagkaihi. "Ma'am Chyrel, dito na lang ako maghihintay sa kotse. Itatawag ko na rin po kila Ma'am Josephine na huminto po tayo rito." Ipinarada niya ang kotse. Pagkahinto sa garage ng Starmall ay bumaba na ako at patakbong pumasok sa loob ng mall. Pero dahil dalawang taon pa simula nang pumunta ako rito sa San Jose del Monte ay hindi ko na matandaan ang pasikot-sikot dito. Mukhang naliligaw pa nga ako. "Pakshet, nasaan naman ba ang pesteng restroom na 'yan?!" Inis akong luminga-linga. Pilit na hinahanap ang pasilyo ng restroom. "Ayon!" Kulang pa ang pagningnging ng mata ko para i-describe ko ang nararamdaman ko nang makita ko ang salitang 'restroom' na nakaturo sa isang pasilyo. Agad akong tumakbo papunta doon. Sakto naman na walang tao kaya pumasok na ako sa isang bukas na pintuan doon. Hindi ko na nga nagawang tignan kung panlalaki ito o pambabae. "Shet, this is heaven!" nasabi ko na lang at pumasok na sa isang cubicle. Itinaas ko na ang laylayan ng suot kong dress at umupo sa inidoro. Nangingisay pa ako at nakaramdam ng kaluwagan sa pantog at puson ko. "Thank, God! Nakaraos din," bulong ko sa sarili nang mai-flush ko na ito. Inayos ko na rin ang damit ko, nilabas ko na rin ang powder at brush ko para makapagretouch. Lumabas ako at agad na napasigaw dahil sa nasaksihan. "Pakset! Anong ginagawa mo?!" sigaw ko. Agad na inayos ng lalaki ang kan'yang pantalon. Nang magloading naman sa utak ko kung anong ginagawa niya ay agad akong napatalikod. Nakaharap na ako ngayon sa pinto ng cubicle house. Kahit na malamig naman dito ay nararamdaman ko ang pamamawis ng kamay ko. "Mygosh ka, Kuya! Bakit ka naman kasi nandito?! My virgin eyes!" litanya ko. Narinig niya naman ang pagpalatak nito at mahihinang halakhak. "Ikaw ang dapat kong tanungin niyan. Bakit ka nandito sa male's restroom?" Nanlaki ang mata ko sa tinuran niya. Napatingin ako sa pinto ng restroom. Nakita ko roon ang blue sticker na letrang 'M' na kasama. Napakamot na lang ako ng ulo ko dahil sa kahihiyan. "Sorry po..." tanginang nasabi ko. "Sabihin mo, Miss at magpaliwanag ka kung bakit nandito ka sa restroom namin. Balak mo bang mamboso?" Napakunot ang noo ko. "Hoy! Judgemental ka, ah! Sino ka ba para i-judge ako? At saka wala akong pakialam sa'yo!" pagalit kong asik. "Talaga?" parang nagdududa niyang tanong. "Oo at gwapo ka. Pero hindi kita type 'no!" asik ko. Mas lumawak ang ngisi niya. Naglakad na siya palapit sa akin, ako naman ay unti-unting napapaatras. Napapalunok na ako dahil sa sobrang kaba. "Hoy! 'Wag ka ngang lumapit! You're so creepy!" sigaw ko nang maramdaman kong wala na akong aatrasan pa. Napakapit na lang ako sa pader. "Really? Natatakot ka o baka naman kinakabahan ka... sa akin?" mayabang niyang usal. Tumaas ang kilay ko sa kayabangan niya. Ang yabang niya dahil palibhasa'y gwapo siya. Hindi ko naman alam na may ganitong kayabang na nilalang pala na naninirahan sa San Jose del Monte. "Aminin mo na kasi. Stalker kita kaya nagplano kang sundan ako rito sa restroom para bosohan mo. Bakit mo nga ba kailangan pang bumoso? I'll be glad to give you what you want," bulong niya sa tenga ko. Ilang boltahe ang dumaloy sa katawan ko. "Ano ba..." Tumigil na siya sa pagcorner sa akin at ipinako ang titig niya sa mata ko. "Tumigil ka nga." Kinuha ko ang panahon na nakatitig siya at agad ko siyang tinulak palayo. Nagkaroon ng kaunting awang kaya tinangka kong lumusot sa braso niya pero mahigpit niya itong nahawakan. "Saan ka pupunta, babae ka?! You need to pay for this, kinuha mo ang puri ko!" "Hoy! Ang kapal ng mukha mo, Kuya! Makasabi ka naman ng kinuha ang puri!" Tinulak ko ulit siya at inapakan ang paa niya. Agad niyang ininda 'yon at hinawakan ang paa niya. "Damn you, woman. 'Di mo lang talaga kilala kung sino ako!" galit niyang saad. Umirap ako. "Buti nga sa'yo, creepy guy! You look twenty-eight pero kung makasabi ka ng kinuhanan ng puri! Hoy, kahit na anong gwapo mo, creepy ka pa rin!" Tumalikod na ako. Dinig na dinig ko ang pag-inda niya ng sakit dahil sa pag-apak ko sa paa niya. "Huwag na huwag ka na magpapakita sa akin, babae ka! Lagot ka sa akin at papalayasin kita rito sa San Jose del Monte. And I am only twenty-seven!" Nilabas ko ang dila ko at bumelat. "Tsh, makaalis na nga. Inabala mo pa ako, creepy guy! So, paano? See you around, Kuya!" huli kong sinabi at saka lumabas ng Male's restroom. Pinaparinig ko pa sa kan'ya ang mala-demonyo kong halakhak. "Oh, Kuya Sean! Akala ko sa kotse ka maghihintay?" "Medyo tagalan po kasi kayo, Ma'am Chyrel. Baka naligaw ka na rito, eh." Kumakamot pa siya sa ulo niya. "Daan muna tayo sa cake shop, Kuya Sean. Bibili lang ako para kila Mama," suhestiyon ko. Tumango naman siya. Sinamahan naman ako ni Kuya Sean na pumunta sa cake shop. Bumili lang ako ng two-layer black forest cake at lumakad na rin kami papuntang paradahan. Pagkasakay namin ay narinig ko pa na itinawag ni Kuya Sean kay Mama na nasa biyahe na ulit kami pauwi sa Casa Dujerte. "Marami bang tao sa Casa ngayon, Kuya Sean?" "Marami. May open party kasi mamaya para sa pagbabalik mo. Pero bukas ay sigurado akong may private dinner ang Dujerte kasama ang mga Saldivar," sagot niya. "Saldivar? The family of politicians? That's the surname of President Ismael. Oh, you mean Kuya Isaiah and Kuya Isagani?" tanong ko. Nakatagilid ang ulo para makapakinig. "Oo, tinulungan kasi ng Dujerte ang mga Saldivar noong eleksyon, kasi nga tumakbo bilang Mayor ng San Jose del Monte ang bunsong Saldivar. So, bilang balik ay nagpasya silang maging business partners." Napatango na lang ako. "Well, wala na naman akong dapat alamin kasi hindi ko naman ang tinutukoy mong bunsong Saldivar. Si Kuya Isagani at Kuya Isaiah lang ang kilala ko," sagot ko naman. Napabuntong hininga na lang ako at muling sumandal sa bintana. Tinanaw ko ang mga matatayog na gusali. Halatang bago lang ang mga ito dahil matingkad pa ang mga pintura. "Two years ago, may mga puno pa natatanaw. Pero ngayon ay puro gusali na lang. I mean, ganito na kasi ang view sa Manila. Akala ko maiiba kapag nandito na ako sa SJDM," saad ko. "Nandito na tayo sa Casa," sabi niya. Hindi binigyang pansin ang sinabi ko. Nagkibit balikat na lang ako at tinanggal ang seatbelt ko. Umusog na ako at bumaba na. Sinalubong kami ng mga kasambahay at iba pang katiwala ng aming mansyon. Nangunguna na ang Mayordoma naming si Auntie Seah, ang mama ni Kuya Sean. "Welcome back to Casa Dujerte, Ma'am Chyrel," bati ng mga katiwala. Ngumiti naman ako at binati rin sila isa-isa. "Sai, baby! Welcome back!" Nang marinig ko ang tawag na 'yon ay otomatiko akong napalingon sa pintuan ng aming kabahayan. Nandoon si Mama at Papa. Si Papa ay nanatili lang sa may hagdanan at si Mama naman ay nakaamba na ng yakap habang tumatakbo palapit sa akin. Agad kong sinalubong si Mama ng yakap. Hinalikan niya ako sa noo at marahang hinaplos ang aking likuran at batok. "After two long years ay nakabalik ka na rin sa Casa. Sigurado akong matutuwa ang mga bisita kapag nakita ka nila, dahil ang Princess Diana ng San Jose del Monte ay nakauwi na." Muli niya akong mahigpit na niyakap. Niyaya niya ako na lumakad papunta sa loob. Nandoon pa rin si Papa sa hagdanan at nakangiti. "Hi, Papa. I miss you po!" "I miss you too, Sai. Pero mas mabuting mag-ayos ka na. Sorry to say pero hindi ka makakapagpahinga ngayon araw dahil may welcome party ka mamayang gabi at bukas ay may dinner tayo with Saldivar. They want to finally meet you, hija." "Binanggit nga po sa akin ni Kuya Sean, Papa. Dapat po pinabukas na lang, I thought that I can spend my time with you po ngayong araw," saad ko. "Ofcourse makakasama mo kami. Kaya nga tinapos mo agad lahat ng requirements mo at hindi na um-attend ng graduation para makauwi rito. Mahaba pa ang panahon, sa ngayon ay haharapin mo muna ang mga taga-Casa," paliwanag ni Papa. Pumasok na kami sa loob ng mansyon. Dumiretso kami sa kusina para mananghalian, pasado alas dose na at wala pa akong kain. Habang nasa kusina ay nakapagkwentuhan kami. Naikwento ko rin ang pagbabagong napansin ko rito sa San Jose del Monte at ipinaliwanag na ang mayor na pinalitan ng bundong Saldivar ang siyang nakaisip na gawing makabago ang itsura ng SJDM. "So, anong plano ng bunsong Saldivar? Well, for sure na nasa kan'ya ang expectation, his father is a good President!" untag ko. Nagtanguan sila Mama at Papa, sumasang-ayon sa sinabi ko. "Well, he's also a good leader. Isa pa may edad na rin siya para mapagpasiyahan ang pamamalakad niya," sagot naman ni Papa. "Oo nga, he's 27!" sabi naman ni Mama na ikinagulat ko. Hindi ko alam na ganoon pala kabata ang bagong Mayor ng San Jose del Monte. Nang matapos kumain ay napagpasyahan nilang ituro na lang dalhin ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Katulad noon ay ganoon pa rin ang ayos ng kwarto ko, kulay peach pa rin at nakaayos sa paraang nais ko. "You should sleep, alam kong napagod ka sa biyahe. Alas siyete pa naman ang umpisa ng welcome party mo, at papaakyatin ko naman si Auntie Seah mo para gisingin ka," ani Mama. "At oo nga pala, dadaan dito si Tita Mariella mo para ayusan ka. Siya rin kasi ang may dala ng susuotin mo," dagdag pa niya. Tumango na lang ako at nahiga na. Narinig ko ang pagsarado ni Mama ng pinto. Umakyat naman ako sa kama ko, pinadaan ang kamay ko sa mga unan at kumot ko. Ilang saglit lang ay ipinikit ko lang ang mata ko at hinayaan ang sarili na makatulog dahil sa pagod. Naging ako kinahapunan. Nag-umpisa na akong maghanda para sa pagtitipon mamaya. Humarap ako sa salamin matapos kong maisuot ang dalang gown ni Tita Mariella. Bumagay sa morena kong kulay ang pink na gown. Ganoon din ang mga kulay pilak na mga alahas. "Ang ganda mo pa rin talaga, hindi kumukupas. Kamukhang-kamukha mo talaga si Mama Josephine mo. Parang carboncopy!" Natawa na lang ako sa pambobola ni Tita Mariella. Ilang beses kong iniikot ang sarili habang nakatingin sa salamin. "Halika na at bumaba na tayo. Sigurado akong naghihintay na sa'yo ang mga bisita." Inalalayan ako ni Kuya Sean pababa ng hagdan. Sakto naman na pababa na kami nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. "Let's all welcome! The princess of Casa Dujerte and my only daughter, Chyrel Joy Dujerte." Naglakad na kami papunta sa garden. Sa pagkakataon na nakalabas ako ay si Papa na ang escort ko. Hawak niya ako sa likuran ko. Ngumiti naman ako sa kanila. Nag-umpisang magpatugtog ng mga classic songs. Nagkasiyahan na ang mga bisita habang ako naman ay tahimik lang na nakaupo sa gilid. Nilaro ko na lang ang kuko ko. "Hi, Miss. May I have this dance?" Isang kamay ay lumahad sa harap ko. Itinaas ko ang ulo ko upang tignan kung sino ang naglahad niyon. Halos manlaki ang mata ko nang makita ko kung sino iyon. Sinubukan kong umatras pero nakaupo nga pala ako. Buti na lang at napakapit ako sa kan'ya. "Creepy guy!" tanging naibulalas ko dahil sa kaba. "Mukhang gulat kang makita ako rito, babae. Mukhang itinadhana talaga na magkita tayo," mayabang niyang saad. "Bakit ka ba nandito? Hindi ko naman alam na imbitado ka," asik ko. "Magtatanong ka na lang ba talaga? Tignan mo, oh. Ang daming naghihintay kung maisasayaw ba kita. 'Wag mo akong ipahiya," aniya. "Tss," tangi kong nasabi at tinanggap ang nakalahad niyang kamay. Hinatak naman niya ako papunta sa gitna. Nagbago ang tugtog. Naging love song ito. Isa-isa na rin dumami ang magkakapareha at napalibutan na nila kami. "Look at me, woman." Ngumisi. Tinitigan ko naman siya. Mata sa mata. Pero sa huli ay nairita ako sa nakakaimbyerna niyang ngisi. "Hindi ka ba nagagwapuhan sa akin?" tanong niya. Nakangisi pa rin. "Hindi," tinatamad kong sagot. "Unbelievable. Hindi mo talaga alam kung sinong kasayaw mo ngayon," bulong niya pero sapat na para marinig ko. "Gwapo ka pero wala akong pakialam sa'yo. You're face is so common, maraming gwapo sa Manila na mas dapat tilian." Nag-iwas ako ng tingin. Napailing siya sa naging sagot ko. "Damn, Manila girl. You're making me insane. Can you look at me?" "Ano ba..." angal ko nang hawakan niya ang mukha ko para iharap sa kan'ya. Nagtama ang paningin namin. Ipinako niya ang tingin sa akin. Ganoon din ako, sinubukan kong mag-iwas muli ng tingin pero parang may kung anong humihila sa akin papunta sa mata niya... at labi. "You're a weird girl... a poison... a wound..." isang bulong ang nagmula sa kan'ya. Pero hindi ko narinig. Natapos ang tugtog at naging rock ang kanta. Nagsipulasan na rin ang mga taong pumapalibot sa amin. Sumakit na rin ang paa ko kaya inihatid niya ako sa upuan. Lumapit naman sina Mama at Papa, kasama pa ang nakatatandang babaeng Saldivar at ang mga panganay na sina Kuya Isagani at Kuya Isaiah. Nakangiti ang mga ito sa amin. "Chyrel, hindi ko naman alam na kakilala mo pala ang lalaking 'yan," bungad ni Papa. "Sir Cairo, hindi niya po ako kilala. We just met this morning po. Hindi ko naman alam na siya pala ang heiress ng Casa," sabad ni creepy guy. " 'Di bali at ipapakilala na lang kita sa kan'ya," sagot naman ni Papa. Muli naman akong binalingan ni Papa. "Hija, I want you to meet our business partner, the Saldivar. Kilala mo naman na ang Tita Grace mo, lalo na ang Kuya Isagani at Kuya Isaiah mo. Pero batiin mo pa rin sila at magpasalamat sa bukas na pagtulong sa atin." "Magandang gabi po. Ako po si Chyrel, Sai na lang po," bati ko naman. Ngumiti sila sa akin at niyakap ako isa-isa. "Nice to meet you again, Sai. Still beautiful," bati naman pabalik ni ate Grace. "Oo nga pala, wala si Tito Ismael mo. Alam mo naman at busy siya sa bansa. Hindi rin 'yon pwedeng umalis ng Malacañang." "And lastly, I want you to meet the youngest family member of Saldivar and the mayor of the SJDM, Isaac," sambit ni Papa. Napalunok ako at napako ang tingin sa kinaroroonan ng hintuturo ni Papa. Pakshet! Nakaturo siya kay creepy guy! Ngumisi si creepy guy sa akin at lumapit. Natulala na lang ako sa harapan niya. Sa huli ay inilahad niya na lang ang kamay niya. "It's nice to meet you, Chyrel Joy Dujerte. I am Isaac Saldivar and welcome to San Jose del Monte, lady." "H-Ha? M-Mayor?" nauutal kong tanggap sa kamay niya. "The sweetest and sexiest Mayor in town," saad niya at kumindat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD