Chapter 2
Hindi ako makapaniwala sa nangyari kahapon. At mas lalong hindi ako makapaniwala na ang tulad ni Creepy Guy ang nanalong Mayor ng SJDM.
Well, I am not against him. It's just so unbelievable. Tandang-tanda ko pa ang mga salitang binitawan niya noong una kaming magkita.
"Saan ka pupunta, babae ka?! You need to pay for this, kinuha mo ang puri ko!"
Daig niya pa ang baliw sa pagbibitaw niya ng mga salita. Dinamay niya pa ang walang muwang na puri para sa kaabnuyan niya. Hindi siya mukhang seryoso at parang takas mental ang datingan. Ang layo ng dating niya sa pustura ni Vico Sotto!
"Chyrel, kakain na tayo." Umawang ang pinto ng kwarto ko. Nakasilip doon si Mama at nakangiti.
"Yes, 'Ma. Susunod na po ako," sagot ko naman. Narinig ko na ang pagsarado ng pinto ng kwarto ko.
Agad na akong tumayo at dumiretso sa banyo para magmumog at magsepilyo. Hindi ko na pinalitan ang suot kong oversized-shirt at pajama. Tulad ng sinabi ko ay bumaba na ako at pumunta sa hapag kainan.
"So, kamusta ang tulog? Hindi ka naman ba namamahay?" bungad ni Papa at sinalubong ako ng halik sa noo.
"Siyempre hindi, Papa. Casa is my home!" masigla kong sagot.
"Good for you, Sai. Oh, ayan at kumain ka na. Auntie Seah cooked for you at habang kumakain magkwentuhan tayo about your party last night."
Umupo ako sa harapan ni Mama at dalawang silya lang ang layo mula naman sa kinauupuan ni Papa. Nagsimula na akong magpaabot ng iba't-ibang ulam at sinangag.
"Nag-enjoy ka naman ba sa party mo?" agad na tanong ni Mama. Tumango na lang ako bilang sagot. Pero mukhang hindi nakuntento si Mama sa naging sagot ko kaya marami pa siyang tinanong.
"How about the Saldivar, hija?" tanong ni Papa nang ibaba niya ang tasa ng kan'yang tsaa. Sa wakas ay nagsalita na rin si Papa.
"Good. They are kind and genuine. Lalo na si Tita Grace na buong gabi akong kinausap at tinanong about sa papasukan kong University at course na kukunin," sagot ko.
"Nang sinabi kong Business Administration ang kukunin ko ay hindi niya na po ako tinigilan. But, I enjoyed her company. She's very smart and a lot of tips about studying Business Administration," dagdag ko pa.
Napatango naman si Papa. "Well, Grace is a business woman. All of her son are successful. And she's craving for a daughter na lilinya sa kan'ya. Mukhang sa'yo niya nakita ang sarili niya." Ngumiti lang ako.
"Eh, sa mga anak niyang Saldivar? May natipuhan ka ba?"
Napaubo si Papa sa tanong ni Mama. Ako naman ay halos mabulunan. Binigyan agad ako ng tubig ni Auntie Seah.
"Josephine!" tanging naisigaw ni Papa pero tinawanan lang siya ni Mama.
"What? Tinanong ko lang siya, Cairo. 'Wag mo nga akong taasan ng boses at nakita mong ilang dipa lang ang layo natin," natatawa pero nakataas na kilay na usal ni Mama.
"Sorry na Josephine. Nabigla lang ako." Napabuntong hininga na lang si Papa.
"Chyrel," tawag ni Mama.
"Po, Mama?"
"Tinatanong kita kung may natipuhan ka ba sa mga Saldivar. Kahit crush lang. Malay mo lang naman, Saldivar pala ang nakatadhana sa'yo," parang teenager na saad ni Mama. Halatang Kinikilig pa.
"Wala po, 'Ma. Masyadong malayo ang age gap namin ni Creep---este ni Kuya Isaac. At mas lalo pong malayo ang gap kay Kuya Isagani at Kuya Isaiah," diretsahan kong sagot. Napasimangot naman si Mama.
"Hindi naman malayo ang age gap mo kay Isaac Saldivar, hija. Nine years is okay. Hindi ka naman minor para maging bawal, sadyang malayo lang ang age gap niyo."
"Josephine..." tawag ni Papa. "Huwag mo na tanungin si Chyrel ng mga gan'yang bagay. Maybe, she's not yet ready for commitment."
"Hmp. Nagtatanong lang naman ako! And look, Isaac is very fond of her. Nakita mo ba 'yong tingin niya kay Chyrel? Something is... wrong." Napakunot ang noo ko. Wala namang mali at mas lalong hindi fond ang tamang term para doon, kun'di pang-iinis.
Sure akong hindi ako papasa sa mga standard ng kahit sa sinong Saldivar. At hindi ko naman din type ang kahit na sino sa kanila. Well, Isaac is in the highest peak among those three Saldivar, gwapo at talaga namang nadagdag sa kagwapuhan niya ang pagiging leader.
Napabuntong hininga ako. Ayoko naman na isipin ang kahit na sino. Umuwi ako rito para mag-enjoy at hindi para maghanap ng lalaki.
"Maybe, like Tita Grace ay nagkecrave din siya for baby sister. Kinakausap din naman po ako ni Kuya Isaiah at Kuya Isagani, pero kapatid lang po ang turing nila sa akin," paliwanag ko.
Napasimangot na naman si Mama. "Pero ma----"
"Josephine. Let her eat. 'Wag mo na siyang ipilit doon. At ikaw Chyrel, sige na't kumain ka na," pagputol ni Papa sa sasabihin ni Mama.
"Sige na nga. 'Di bali na. Oo nga pala, may dinner tayo with Saldivar mamaya," saad ni Mama.
Napaubo. Bakit ba naman kasinsa lahat, ang Saldivar pa. Ayoko na nga makita ang mga mata ni Creepy guy. He's like a ghost, sending shivers.
"Ah, sige po," kunwareng walang pakialam kong saad at nagkibit balikat. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Nang matapos ay nagpaalam na muna ako para makaligo.
"Anak, bakit hindi ka pa rin nakaayos? Naghihintay na ang Papa mo," bungad sa akin si Mama nang sumilip siya sa kwarto ko.
Nakakalat pa kasi ang mga damit ko at kunwareng nahihirapan sa pagpili ng maisusuot.
Pero ang totoo ay ayoko lang makita si Creepy Guy. Naaalala ko na naman ang pagtapak ko sa paa niya, lalo na ang mga nakakainis niyang ngisi. Dagdag mo pa ang nakakapanukso niyang mata. God, I hate him.
"I can't decide what to wear, Mama."
Lumapit siya sa akin at tinignan ang kabuuan ng aking silid. Napailing na lang siya sa nakikita niyang estado nito.
"Ang g**o ng kwarto mo dahil lang sa paghahanap ng damit? At bakit hindi ka makapagdecide ng susuotin?" puno ng pagtataka niyang tanong.
"Look, Mama. Walang bagay sa akin," sagot ko na ikinataas ng kilay niya.
Nag-umpisa siyang maghalungkat. Mula sa ilalim ay may hinatak siyang damit. Iwinagayway niya ito sa ere na parang tinatanggal ang lukot at pinapagpag.
"This is perfect!" hiyaw niya habang pumapalakpak.
Napakamot na lang ako sa noo ko nang ilahad niya ito sa akin. Talaga naman, oh! Ayoko na nga magpunta doon, eh!
"At isa pa, bakit ka nahihirapan pumili? Lahat naman ng damit babagay sa'yo kasi magaling ka magdala. Pwera na lang kung..." Makahulugan akong tinignan ni Mama. Sinusuri ang kabuuan ko.
"Kung ano, 'Ma?" nagtataka kong tanong. Hindi mawari kung anong gusto niyang iparating.
"Aha! Gusto mong magpaganda sa harap ng isa sa mga anak na lalaki ng Saldivar, 'no?!"
Napanganga na lang ako sa naisip niya. Iba rin talaga ang imagination ni Mama, akala mo'y teenager.
"Ano bang sinasabi mo, 'Ma? Hindi, ah! Parang mga kuya ko na 'yon," pagtanggi ko. Pero mas lumawak lang ang ngiti ni Mama at parang kinikilig.
Marahang sinundot ni Papa ang gilid ng bewang ko. Patuloy pa rin sa pang-aasar, "Defensive mo naman, 'nak. Aminin mo na kasi na may natitipuhan ka rin sa Saldivar. Sino ba? Attorney Isagani, Archtect Isaiah, o baka naman... si Mayor Isaac."
Napailing na lang ako at natatawa pa sa kakulitan ni Mama. Kahit kailan talaga, simula bata ako ay makulit na siya. Ngayong dalaga na ako ay mas kumulit pa siya at lagi akong hinahanap ng lalaking irereto sa akin.
"Naku, 'Ma. Mag-aayos na ako, tama na 'yan. Puntahan mo na si Papa sa baba at baka ma-beast mode at walang makausap, alam mo naman na lagi kang gustong makita 'non," saway ko.
Tinulak ko na siya palabas ng kwarto ko. Hindi pa rin siya tumitigil sa pangungulit at pang-aasar. Hanggang sa makalabas na siya at tuluyan kong maisara ang pinto.
Tss. Makikita ko na naman si Creepy Guy! Siguro nga ay kailangan ko na talagang tanggapin na lagi ko siyang makikita dahil hindi lang basta magkaibigan ang pamilya namin, siya rin ang Mayor!
Inumpisahan ko na ang pag-aayos. Ilang minuto lang ang ginamit ko para makatapos. Agad na akong lumabas ng kwarto ko dala-dala ang pouch ko.
"Ang tagal naman ni Chyrel, bakit? Palobo gown ba ang susuotin niya?" dinig kong reklamo ni Papa habang nasa hagdan ako.
"Ano ka ba, Cairo? Dalaga na ang anak mo, sa susunod ay magdadala na 'yon ng boyfriend niya rito. Kailangan maaga mong tanggapin para hindi ka makaramdam ng pagkamiss kay Chyrel."
"Anong boyfriend ang sinasabi mo, Josephine? Dadaan muna sa akin lahat ng manliligaw diyan. Pagpupunuin ko ng tubig ng pool gamit ang baso!"
"Grab----"
Naputol ang usapan nila nang makita ako. Napapalakpak si Mama dahil sa tuwa. Habang si Papa naman ay tinaasan ako ng kilay, nagsusungit na naman.
"Oh. Tignan mo ang anak mo, Cairo. Hindi ba't sobrang ganda niya? Manang-mana sa akin 'di ba? Kan'yang edad din ako noong niligawan mo ako!" Umirap si Papa.
"Tigilan mo nga 'yan, Josephine. Pinagsibak din ako ng kahoy ni Dad! At saka, hayaan mo ang anak mong i-enjoy ang buhay niya," saad naman ni Papa.
"Oo na! Puro pangaral!" pagmamaktol ni Mama kaya niyakap siya ni Papa. "Mahal mo naman," dagdag pa ni Mama.
"Oh, halika na't baka hinihintay na tayo ng Saldivar sa Hacienda. Naku, ayokong paghintayin ang mga magiging balae ko!"
"Josephine!"
"Mama!"
"Ay! Masiyadong highblood, ah. Halina kayo," saad ni Mama at nauna na.
Nagkatinginan naman kami ni Papa at sabay napailing. Marahil ay parehas din kami ng naiisip. Ngayon ay sigurado akong kay Papa ko namana ang ugali ko.
Sumunod na kami ni Papa sa labas. Sakto naman na pumarada sa harap namin ang sasakyan naming kotse. Siyempre, si Kuya Sean ang driver.
Umupo kami ni Mama sa likuran at si Papa naman ang nasa unahan katabi si Kuya Sean. Mahigpit naman ang hawak ni Papa na kahon, naglalaman kasi ito ng mamahaling inumin na inangkat pa namin mula sa Agateyo Corporation.
Naging tahimik ang biyahe. Lumagpas ng kalahating minuto ang biyahe dahil medyo malayo-layo rin itong Hacienda Saldivar.
Bumukas ang malaking gate ng Hacienda Saldivar. Mula sa loob ng kotse at nakadungaw sa bintana ay kitang-kita ko ang malalagong halaman. Mga rare ang halaman, 'di tulad ng sa Casa Dujerte na puro rosas ang laman.
Huminto anv pagpapaandar ni Kuya Sean sa tapat ng isang malaking kabahayan. Higit na mas malaki pa ang Mansyon dito sa Hacienda kaysa ng nasa Casa.
Bumukas ang pinto ng kotse. May naglahad ng kamay sa akin, agad ko itong tinanggap.
"Welcome to Hacienda Saldivar!" bati ng sa tingin ko'y katiwala dito sa Hacienda.
Pinalilibutan pa kami ng maraming babaeng kasambahay at mga nakaitim na mukhang mga body guards.
"Ako si Francisco, ako ang tagapagsilbi ni Mayor Isaac Saldivar. Inutusan niya ako para salubungin ka rito," pagpapakilala nito na nginitian ko lang.
Sumenyas siya ng pitik, sumunod agad sa kan'ya ang ilan sa mga kanina'y nakapalibot sa amin.
"Enjoy the party, Miss Chyrel." Pinakawalan na ako nito at nagbow.
Sinalubong naman kami nina Tita Grace, Kuya Isaiah at Kuya Isagani. Lahat sila ay binati ako at niyakap.
"Welcome to Hacienda, hija! Sana ay masiyahan ka dahil ipinalinis ko pa ang mansiyon at hardin dahil hinihintay ko talaga ang pagdating mo," si Tita Grace.
"Grace, nasaan ang mahal na Presidente at ang bunsong Saldivar?" singit ni Mama.
"Nasa kwarto pa ang dalawa at nahuli sa pag-aayos. Hindi bali't pababa na rin ang mga 'yon," paliwanag naman ni Tita Grace.
"Grace, salamat sa pag-imbita sa amin dito sa Hacienda. Ito nga pala ang aming regalo." Inilahad ni Papa ang kahon. Malugod at may ngiti iyong tinanggap ni Papa.
"Naku, sigurado akong matutuwa si Ismael sa regalo mo. Halina kayo sa aming hapag kainan upang matikman niyo na ang pagkaing ipinahanda ko," pagyayaya ni Tita Grace. Wala naman kaming nagawa kung hindi ang sundan na lang siya.
Tumambad sa amin ang samu't-saring pagkain. Para kaming nasa pista. Pinaupo ako ni Tita Grace sa tabi niya dahil gusto niya raw na siya mismo ang magsilbi sa akin.
"Natutuwa talaga ako at nakauwi ka na rito sa San Jose del Monte. You're very intelligent and I am glad na may nakilala akong babae na lilinya sa akin. Well, 'yong mga panganay ko kasing lalaki ay tumaliwas ng daan sa akin at si Isaac naman ay si Ismael ang sinundan," paliwanag niya.
"Malay mo naman, Grace. Maging tunay mo siyang anak kapag..." singit ni Mama.
"Kapag ano, Josephine?" natatawang usal ni Tita Grace.
"Malay mo may matipuhan si Chyrel sa isa sa mga anak mo." Lahat kami ay napaubo sa sinabi ni Mama. Si Tita Grace naman ay parang natutuwa pa sa sinabi ni Mama, pero hindi naman siya sumagot.
"Oh, ayan na pala ang mga politician," puna ni Papa.
"Good evening, Dujerte. Masaya ako at pinaunlakan niyo ang imbitasyon ng pamilya ko," bati nito sa amin.
Agad akong tumayo at binati si Mr. President, "Good evening po, Mr. President. I am Chyrel Dujerte po."
"Ikaw pala ang tagapagmana. Napakagandang bata ay kaya naman pala," may diin niyang saad. Hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin o baka guni-guni ko lang.
Pero mukhang hindi lang ako ang nakapansin dahil lahat sila ay napatigil sa pagkain para sulyapan ako. Ito na naman ang mga tingin nila. Hindi ko maintindihan at para bang may ipinahihiwatig. Malalim ang naging paglunok ko.
"Maupo ka na at ipagpatuloy ang pagkain. Mag-usap-usap tayo habang nagsasalo-salo. Tama ba, Isaac?" Kumunot ang noo ni Creepy Guy nang balingan siya ni Mr. President.
"Yeah," tamad niya na lang na usal at naglakad palapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko, kumuha ng pagkain at nag-umpisa na sa pagsubo.
Pero ilang saglit lang ay bumaling siya sa akin at ngumiti. "It's nice to see you again here, Weird Girl." Napataas na lang ang kilay ko.
"Tss. Don't call me like that, Mayor," mahinahon kong saad. Pinipilit na hindi ilabas ang kagaspangan ng ugali ko.
"Why Mayor? You can call me Creepy Guy."
"Tss," nasabi ko na lang para putulin ang pakikipag-usap ko sa kan'ya. Kainis!
Humalakhak si Mr. President. Parang natutuwa sa paraan ng pakikipag-usap sa isa't-isa.
"Natatandaan ko sa inyong dalawa, Isaac at Chyrel, ang sarili ko at si Grace. Diyan din kasi kami nagsimula."
"Ismael, stop teasing them. Baka mahiya si Chyrel. Bakit hindi na lang natin pag-usapan ang pagiging Batch Valedictorian ni Chyrel?" saway ni Tita Grace.
Tumango naman sila Papa at nag-umpisa na sa pagkekwento tungkol sa akin. Ako naman ay tumahimik na lang, ganoon din si Creepy Guy na mukhang pinapakiramdaman lang ang kilos ng iba.
Nagpalit pa ang topic sa business at politics kaya tanging ang matatanda na lang ang nagkaintindihan.
Pero katulad ng napag-usapan, natapos ang salu-salo ng alas onse. Ramdam ko na ang pagod at antok ng katawan ko. Pero nilalabanan ko dahil medyo na-delay si Kuya Sean at wala pa para sunduin kami.
"Magpaalam ka na sa First Family, Chyrel," utos ni Papa. Agad naman akong yumakap sa kanila. Pwera kay Isaac na nakacross arm pa. Hindi ko siya niyakap, nagbow na lang ako bilang paggalang.
"Alis na po kami, salamat po." Tumalikod na sana ako pero biglang nagsalita si Creepy Guy. Napapikit na lang ako dahil sa inis.
"So, ako hindi mo yayakapin?"
Wala akong nagawa kun'di humarap na lang. Nagtatawanan na si Kuya Isaiah at Isagani habang tinatapik ang balikat ni Creepy Guy.
"Psh. Again, where's my hug?"
"Ha?" Naguguluhan at kinakabahan ako.
"I said where's my hug? I am the Mayor, and I can't wait," maotoridad nitong saad.
Wala akong nagawa kun'di yakapin ito. Ilang segundo lang ay bumitaw na ako at tumalikod para sana lumakad na dahil tinatawag na ako nila Papa. Pero agad niyang hinatak ang kamay ko at niyakap. Marahang hinahaplos ang aking likod.
"Too short. Ganito dapat ang yakap kapag aalis. This is the respect that I want," bulong niya habang yakap pa rin ako.
Bumitaw siya at tumalikod na. Pero muling humarap na may ngiti sa labi, "Goodnight, Chyrel. Sleep well, sweet dreams."
Hindi lang ako, kun'di maging si Mama, Papa, ang mga Saldivar at ang mga katiwala ay nagulat sa ginawa ni Isaac. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko, ramdam ko pa rin ang yakap niya dahil sa amoy niyang kumapit sa damit ko.
Hindi ko alam kung paano ko nagawang makapaglakad at makasakay dito sa kotse namin. I am still confuse and breathless. And my heart...
"Goodnight, Mayor. Sleeptight, creepy guy."