Chapter 3
Bakit niya ginawa 'yon? Bakit niya kailangang gawing malalim ang lahat.
His actions are confusing... even his words. Pati na ang kilos ng mga tao sa paligid ko, para silang may napapansin na hindi ko maintindihan. Am I too slow o baka assuming lang talaga ako?
Two days pala simula nang magkakilala kami.
He's the mayor.
At hindi maganda ang unang araw namin.
Three different reasons pero hindi ko pa rin mawari kung bakit malaki ang impact niya sa akin.
"Sai? Ikaw ba 'yan?" si Auntie Seah. Lumabas siya mula sa kusina, hawak-hawak ang isang tasa.
"Ikaw nga," sagot niya rin sa sarili. Naglakad patungo sa direksyon ko habang iniinom na ang kung anong laman ng tasa.
"Gising pa pala kayo, Auntie." Tumango siya at umupo sa sofa, sa tabi ko.
"Bakit hindi ka pa tulog?" tanong niya.
Napalabi ako at marahang kinakagat ang dila ko. Nag-iisip na ako ng maaaring palusot. I don't want to tell anyone about Isaac's confusing action.
"Jetlag lang, Auntie." Kumunot ang noo ni Auntie Seah sa sagot ko. Mukhang hindi kumbinsido.
"Akala ko ba na Casa is your home? Ngayon ka lang 'ata nakaramdam ng jetlag," Napalunok ako.
"Iba na ang ngayon Auntie. Dati every six months ang uwi ko. Ngayon ko lang nasubukan ang maghintay ng dalawang taon bago umuwi," palusot ko. Napatango siya at mukhang kumbinsido na. Inilagay niya ang kamay niya sa buhok ko at hinaplos ito.
"Umakyat ka na sa itaas. Dadalhan na lang kita ng gatas para makatulog ka." Tumango ako. Tumayo na sa sofang kinauupuan ko at naglakad na patungo sa hagdan paitaas.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad akong umupo sa kama ko. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang f*******: app ko.
"Pakshet..."
Kung mamalasin ka nga naman ay pangalan pa niya ang unang makikita mo. Naka-tag kasi sa amin ang ilang mga litrato na nakuhanann kanina.
Isagani Saldivar tagged you in a photo.
She's a Dujerte. Welcome to San Jose del Monte, young lady.
Isaiah Saldivar tagged you and 6 others in a photo.
Dujerte and Saldivar, what a good relationship.
Marami na agad ang nag-comment. Mga pamumuri sa first family at sa pamilya namin. Marami rin ang nagagalit dahil bakit daw nagagawa pang magsaya ng Saldivar sa gitna ng malawakang korapsyon at paghihirap ng Pilipinas.
Pero kahit na anong mga komento ang nababasa ko ay hindi ko pa rin maiwasang mapasulyap sa mga larawan na naka-post.
Magkatabi kami sa mga larawan. He's tall and masculine. Unlike me na hanggang leeg lang at soft.
Pero bakit ko ba napapansin ang katangian niya? The hell I care. He's nothing, but a super creepy guy. Pero bakit ako nangingiti? Interesado ba ako sa kan'ya o attracted?
"Sai, gising ka pa ba?" Nang marinig ko ang boses ni Auntie Seah ay agaran kong inilagay ang cellphone ko sa ilalim ng unan.
"Yes, Auntie. Gising pa po. I am waiting for the milk po," sagot ko.
Ngumiti siya at lumapit sa side table ko. Doon niya inilapag ang isang plato na naglalaman ng baso ng gatas.
"Anong tinitignan mo diyan sa iyong telepono, Sai? Parang aligaga kang tinago 'yan kanina," usisa niya. Pilit akong ngumiti at umiling.
"Hindi po. Wala po ito, Auntie. Natuwa lang po ako sa mga litratong nakapost sa f*******:," palusot ko naman.
"Aba'y ganoon ba? Ito at inumin mo na. Matulog ka na pagkatapos dahil madaling araw na rin at alam kong pagod ka sa dinner," saad ni Auntie Seah at itinuro nga ang kaninang baso na inilapag niya.
Nagpaalam na siya dahil kailangan niya na talagang matulog. Maaga pa ang gising niya bukas bilang Mayordoma ng Casa.
Inabot ko ang baso at napatitig sa gatas na laman nito. Napalunok ako at napahiyaw, "Dapak!" Muntikan ko bang mabitawan ang baso dahil sa paglitaw ng nakakainis na mukha ni Isaac sa gatas. Bakit ba naman kasi pati sa gatas siya pa rin ang naiisip ko?
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba. Mabuti na lang talaga at hindi ko nabitawan dahil maaari itong mabasag. Tulog na ang mga tao rito kaya sigurado akong magdudulot ng g**o 'yon.
"Ayoko na," usal ko at inilapag ang baso ng gatas sa platitong kanina'y kinalalagyan nito.
Kinuha ko ang phone para sana i-shutdown. Ngunit naramdaman o ang pag-vibrate nito, kasunod ay ang pag-pop up ng isang notification. Agad na nanlaki ang mata ko.
"Pakshet..."
Isaac Saldivar sent you a friend request.
✔Confirm ❌Delete request
Napakagat labi ako, hindi maintindihan ang matinding kaba na nararamdaman ko. Inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Iniisip kung ano ang dapat na gawin.
✔Confirm
Pinindot ko ito at diretsong pinindot ang power button para i-shutdown. Inilapag ko na ito sa tabi ng baso ng gatas.
Inayos ko na ang higa ko at binalot ang sarili ko sa kumot. Ipinako ko ang tingin ko ang tingin sa kisame, nakatitig sa mga nagniningning na bituin na nakakabit sa kisame.
"Bakit ka ba kinakabahan?
"Okay, he's the Mayor. Friend siya ng family mo, what's wrong?"
"Pero hindi maganda ang naging first encounter niyo! What's wrong with you, Sai?!" Nagtatalo ang isip ko. Nababaliw na ako kakakausap sa sarili ko.
It's just a goodnight, Sai.
Pero bakit masyado mong ginugulo ang sistema ko? I am good at academic pero slow ako sa mga pinapakita mo at ng mga tao sa paligid natin.
You're so confusing, Mayor.
Ilang linggo rin ang lumipas. Matapos ang gabing 'yon, hindi na kami muling nakapag-usap. Hindi na rin muling in-open up nila Mama at Papa ang tungkol kay Isaac, marahil ay nasaksihan naman nila ang nangyari noong partnership dinner.
At sa mga panahon na hindi ko siya nakikita, napagtanto ko ang isang bagay. Attracted lang pala ako sa kan'ya.
"Saan ka pupunta, Chyrel Joy? Sobrang maaga naman 'ata ng alis mo," bungad na tanong ni Papa nang makita niya akong naka-high jeans at croptop.
"Sa mall, Papa. Lawrence is on a trip po. Napadaan siya rito sa San Jose del Monte kaya kikitain ko po muna siya bago siya dumiretsong Pampanga," paliwanag ko.
"Dalhin mo ang Kuya Sean mo."
"No need, 'Pa. And Kuya is busy studying for his bar exam, I don't want to disturb him. So, commute na lang po ako."
"Edi dal---"
"Huwag na, Papa. Kaya ko na, I can take care of myself po. And besides, it's Lawrence." Napabuntong hininga na lang si Papa.
"Sige, just go home before eight in the evening. Tumawag ka nalang kapag pauwi ka na, ayokong magtawag ng rescue team para lang ipahanap ka sa buong San Jose del Monte." Tumango ako at ngumiti bago naglakad palabas ng mansyon.
Sa labas ng Casa ay nag-abang ako ng tricycle upang dalhin ako palabas ng Barangay Bagong Buhay B. Hindi naman ako nahirapang pumara dahil talamak naman sa lugar na ito ang tricycle. Sumakay ako sa loob nito.
Pagkalabas sa Bagong Buhay B ay naghintay naman ako ng taxi. Aligaga na ako at panay na ang tingin sa orasan. Late na kasi ako sa usapan at sigurado akong magagalit na naman si Law, allergic pa naman 'yon sa late.
Nang makapara na ako ng taxi ay binuksan ko ang phone ko dahil kanina pa ito nag-ba-vibrate.
Lawrencius Adams
I am already here, Sai. Nasaan ka na?
Hey.
Libre mo ako kasi late ka.
Legit na Pilipino ka talaga.
Tss. Late comer!
Please, reply. Tuloy pa ba?
Okay. Kapag 'di ka pa nag-reply, huwag na tayo magkita.
Tibay.
Chyrel Joy Dujerte
I am sorry. Commute lang ako at nasa tricycle ako kanina. Wait for me, on the way na.
Don't worry, ako na sagot sa breakfast at dinner.
Lawrencius Adams
Bakit ka nag-commute?
Chyrel Joy Dujerte
Kuya Sean is busy. And our family driver is with Mom.
Lawrencius Adams
K. Bilisan mo. Ayokong pinaghihintay. Gutom na ako.
Chyrel Joy Dujerte
Oum. See you.
Mabuti na lang talaga at walang traffic, naging mabilis ang biyahe. Nang makarating ako sa tapat ng Starmall ay agad akong nagbayad. Hindi ko na kinuha ang sukli at patakbong pumasok sa loob.
Chyrel Joy Dujerte
Where are you?
Lawrencius Adams
Red ribbon, bibili ako ng cake bread para sa sunod na biyahe. Tagal mo.
Hindi ko na siya ni-reply-an at sumakay na ng elevator papunta sa floor kung nasaan ang Red Ribbon.
"Law!" tawag ko nang makita ko siya mula sa labas ng Red Ribbon. Binalingan niya ako at nginisian.
Pumasok na ako sa loob at sinalubong siya ng yakap. Inakbayan niya naman ako pagkatapos.
"Ang tagal mo. Pero ayos lang naman, ikaw naman may sagot ng breakfast, lunch and dinner. Pero alam kung ano ang mas ayos?"
Napairap ako dahil alam ko na kung ano ang tinutukoy niya. "Oo na. Pumili ka na, baka masura pa ako sa'yo at bawiin ko lahat ng sinabi ko kanina."
"Tss. Oo na, ikaw na late tapos reklamadora ka pa," angal niya kaya kinurot ko ang braso niya.
"Heh. Manahimik ka diyan, Lawrencius," asik ko.
"Daldal at kulit mo. Paano ba kita natiisan?" umiiling nirong tanong sa sarili.
"Hoy! Mahal mo naman ako, 'no! 'Wag kang magdeny kasi huli ka na. Mahal mo talaga ako!" pang-aasar ko.
Natatawa akong tumingin sa kan'ya. Agad na napako ang tingin ko sa labi niyang nakaawang at sa mata niyang nakatitig sa akin. Napakunot ang noo ko at napakamot sa ulo.
Pumitik pa ako sa harap niya. Pero parang tulala lang siya. "Law? Okay ka lang? May madumi ba sa mukha ko? Baka pasukan ng langaw ang bibig mo."
Ilang beses ko pang ikinaway ang kamay ko sa harap niya. Nang-makarecover siya ay sunod-sunod ang naging paglunok niya.
"Bakit?" tanong niya.
"Kanina ka pa tulala. Halatang gandang-ganda sa akin." Ngumisi ako.
"Asa ka." Tumalikod siya at naglakad na patungo sa ibang lagayan. Dumadampot siya ng kahit na anong madaanan niya. Ang iba pa ay inabot niya na sa akin para bitbitin.
"Parang ang dami naman 'ata!" reklamo ko.
Humarap siya at itinulak ang noo. "Ikaw naman ang magbabayad. Mapera ka naman, 'wag ako."
"Demonyo ka..." bulong ko.
"Ano? May sinasabi ka?"
"Wala. Sabi ko bilisan mo na at nang makakain na, 10 na. 'Di pa ako nagbreakfast simula kanina," palusot ko.
"Tss."
Nang matapos siya ay lumapit na kami sa counter. Kinuha ko naman ang wallet ko sa bag para kumuha ng cash na pambayad.
"Ma'am, Sir, the total is P3, 500 pesos po." Inabot ko ang cash.
"And Ma'am and Sir, ito na po ang pinamili niyo. At bilang super cute couple niyo po, kayo po ang napili ng Red Ribbon para makatanggap ng freebies ngayon anniversary ng shop namin," dagdag pa ng kahera.
"Ha? Eh hindi----" May sasabihin sana ako pero agad akong nakaramdam ng kurot sa braso ko. "Aray!"
"Hala! Ano pong nangyayari?" Agad na nagpanic ang kahera.
"Wala 'yon, Miss. May sugat lang kasi ang girlfriend ko kaya um-aray siya. Tungeks kasi 'to eh, kung saan-saan sumasabit. At ibig pong sabihin ni baby ko na, hindi---po siya makapaaniwala na sa dami ng namimili ay kami pa ang napili."
"Ay ganoon po ba, Sir? Naku, bagay na bagay naman po kasi kayo. Halatang mahal na mahal niyo po si Ma'am," kinikilig na saad sa amin at ngumiti.
Umalis muna ang kahera para raw kunin ang freebies namin. Agad kong siyang kinurot sa tiyan.
"Aray, Sai! Walanghiya ka, kinurot mo abs ko. Ano na naman bang ginawa ko?"
"Hindi naman tayo mag-jowa! Niloloko mo si ate!"
Ngumisi lang siya. "Sayang naman 'yong libre. At saka 'di ka pa ba sanay na napagkakamalan tayong mag-jowa?"
"Hindi! Dinamay mo na naman ako sa kagaguhan mo. Timang ka talagag yawa ka!" nanggagalaiti kong saad.
Kukurutin ko ulit sana siya pero lumabas na ang kahera. Dala na nito ang isang malaking kahon na may balot na telang papel.
"Naku, bagay na bagay po sa inyo 'yang laman ng mga iyan. Stay inlove po!" saad ng kahera bago kami lumabas ng Red Ribbon Shop.
"Bwiset ka talaga." Dumiretso na kami sa Jollibee para mag-brunch. Sa dulo kami nag-pwesto para hindi makasagabal sa mga tao ang kahon na dala namin.
"Ikaw na um-order, Law. Ito pera." Inilahad ko ang cash sa kan'ya. Nagtaas siya ng kilay habang nakatingin sa inilahad kong pera.
"Bakit ako? Ikaw na," angal niya.
"Ayaw mo?"
"Ayoko." Ngumisi.
"Sige. Salamat na lang sa lahat." Umirap ako at akmang tatayo na. Pero agad niya akong hinatak upang umupo ulit.
"Oo na! Lakas mong mang-konsensiya!" Padabog niyang kinuha ang pera at tumayo.
"Yay! The best ka talaga, Law. Ikaw na bahala pumili, ah. Tapos 'wag mong kakalimutan 'yong float ko, ah! Thank you!"
"Oo na, pasalamat ka mahal kita."
"Ha? May angal ka?" tanong ko nang marinig ko siyang bumulong.
"Wala. Sabi ko sige. Aalis na ako, Ma'am. Nakakahiya naman kasi."
Kinuha ko ang phone ko at nag-text kay Auntie Seah na kasama ko ngayon si Lawrence. Nag-reply naman siya na nasabi niya na kay Mama at Papa. Pinasabi lang din niya na huwag kong kalimutan ang curfew ko.
Isagani Saldivar is with Isaac Saldivar
Hohoho! The sexiest mayor in town is in the mall!
Isaiah is with Isaac Saldivar and Isagani Saldivar
Starmall hopping while looking for someone. Nasaan ka na ba't hinahanap ka ni bunso. HAHAHAHA.
Nanlamig ako nang makita ko ang magkasunod na post ng mga panganay na Saldivar. Nasa Starmall sila, kasama si Creepy guy!
Pero bakit ba ako kinakabahan?! Wala naman akong ginagawang masama. At ano naman kung nandiyan si Isaac?
Isaac Saldivar
Panawagan: Kung sakaling makita niyo po kami sa Starmall, mabuti pong huwag na lang pansinin ang aming presensiya. Huwag kayong mag-alala San Joseños, dahil hindi kami nagpunta rito upang manghuli, nais lamang naming maglaan ng oras bago umalis at lumuwas pa-Maynila ang aking mga kapatid. Maraming salamat po!
Sakto naman na pagbaba ko ng phone ko ay ang pagkakagulo ng mga tao. Napuno ng ingay ang buong Jollibee. Parang dumaan ang isang artista.
"Hala, si Mayor! Totoo ngang nandirito siya!"
"Gwapo talaga ni Mayor!"
Sapat na ang narinig ko. Nandito nga ang Saldivar brothers, lalo na si Isaac. Badtrip! Pero ano bang pinag-aalala ko?!
"Omy! Nandiyan na!"
"Papasok na sila!"
Sa sobrang pagmamadali upang makapagtago ay napadapa na lang ako at nagtago sa ilalim ng lamesa. Nakita ko ang pagpasok nila, naghahanap ng mauupuan. Kinabahan pa ako dahil lumakad sila papalapit sa pwesto ko, buti na lang ay tumigil lang sila sa pwesto na nasa harapan ng kinalalagian ko. Napahinga ako ng malalim.
"Sai..." si Law. Nakatingin ito sa pwesto kosa ilalim ng mesa.
"Ano na namang kabalbalan 'to, Sai?" pabulong niyang tanong. Halatang nagtataka kung anong ginagawa ko sa ilalim.
"Shh. Manahimik ka, huwag na huwag mong babanggitin ang pangalan ko," mahina kong utos.
"Tss."
"Makisama ka na nga lang!"
"Ano ba naman kasi ang ginagawa mo diyan sa ilalim Chyrel Joy Dujerte? May pinagtataguan ka ba?!" Nanlaki ang mata ko nang pasigaw niya iyong sabihin. Kitang-kita ko ang pagkapukaw ng atensyon ng lahat ng tao sa Jollibee. Lalo na ang magkakapatid na Saldivar.
"Pakshet!" mahina kong mura at dahan-dahang umalis sa ilalim. Pilit ang ngiti ko sa lahat. Si Lawrence naman ay nakangisi kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Sai!" Pagkaway ni Kuya Isaiah nang makita ako. Napakamot na lang ako sa ulo ko sa pagkapahiya.
"Nandiyan ka pala. Bakit hindi kita nakita kanina?"
Tatango na sana ako nang biglang sumabad na naman si Lawrence, "Hindi. Nakita nga niyan kung paano kayo pumasok kaya mas mabilis pa sa alas kwatro ang pagtatago niyan. Kilala niyo ba kung sino ang pinagtataguan niya?"
Napanganga ako at hindi na makapagsalita pa. Otomatiko kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko dahil hindi lang naman ang mga Saldivar ang nakakarinig ng usapan namin. Maging ang lahat ng tao sa loob ng Fast Food Chain na ito.
Ngumisi si Kuya Isagani. Binalingan ng tingin ang naka-cross arm na si Isaac habang pinapanood ang usapan namin. Mayabang ang ngisi niya at talaga namang creepy.
"Ikaw Isaac? Kilala mo ba kung sino ang pinagtataguan ni Sai?"
Tumitig siya sa akin at mas lumawak ang ngisi. "Hindi ko alam eh. Hindi naman ako 'yon para makilala ko."