Chapter 4
Tumitig siya sa akin at mas lumawak ang ngisi. "Hindi ko alam eh. Hindi naman ako 'yon para makilala ko."
Nakuyom ko ang kamao ko. Parang gusto kong hubarin ang sapatos ko at ipukpok sa ulo ni Lawrence.
"Ha? Sinungaling ka talaga! Umihi ako kaya hindi nila ako napansin. Fake news."
"Ha? Doon 'yong CR, oh. Baki---Aray!" Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya nang apakan ko ang paa niya.
"Baluga ka kasi. Ipapahiya mo pa ako." Umirap ako at hinatak siya paupo.
"Wala naman pa lang tinataguan si Sai," nakangising saad ni Kuya Isagani kay Isaac. Tinapunan ako ng tingin ni Isaac pero nag-iwas ako ng tingin.
"Edi wala. At saka tigilan niyo na nga siya. Look, kasama niya ang date niya. I think nakaka-istorbo na tayo," sagot niya.
"Tapos na. Nasira niyo na ang date namin ni Sai," madramang sagot ni Lawrence. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya.
"Ganoon ba? Saluhan niyo na lang kami. Kami na ang magbabayad ng pagkain niyo. Okay lang ba 'yon sa'yo, Isaac?" Tumango ito. Agad komg inilingan si Law.
"Pero baya---asdfghjlk" Agad niyang tinakpan ang bibig ko. Malapad na ngumiti sa mga Saldivar.
"Sure. Kakilala niyo naman si Sai 'di ba?" Pinilit kong kumawala pero idiniin niya pa ang kamay niya sa bibig ko. Ang alat!
"Oo naman. Itinuturing namin siyang nakababatang kapatid," sagot naman Isaac.
Hinatak na ako si Law. Kamalas-malasan ka naman at talagang lumipat pa si Kuya Isagani sa kabilang side para lang bigyan ako ng ng space malapit kay Creepy Guy.
Buti na lang at si Law ang tumabi kay Isaac. Dahil kung nagkataon ay hindi ko na alam ang ikikilos ko. Isaac is too... uncomfortable to be with. His eyes and his red lips are damn confusing.
Nag-umpisang maghain ng pagkain sa harap namin. Tulad ng napag-usapan ay naglapag si Kuya Isaiah ng pera pambayad sa kakainin namin. Dahil likas na kuripot si Law ay agad niya itong ibinulsa, na sa katunayan ay ako ang nagbigay ng pera sa kan'ya kanina. Kurakot!
"So, kailan nag-start ang relationship niyo?" Napaubo ako dahil sa tanong ni Kuya Isaiah. Agad akong inabutan ni Lawrence ng tubig.
"Hinay-hinay lang kasi, Chyrel. Ang puso." Tinanggap ko ang tubig, naging sunod-sunod ang pag-inom ko. Tinapik niya rin ang likod para matanggal ang tubig sa lalamunan ko.
"Okay ka lang ba, Sai?" dinig kong tanong ni Isaac. Tanging tango lang ang sagot ko.
"So, ayon nga. Kailan at paano nag-start ang relationship niyo?"
Tumikhim si Lawrence habang ako naman ay napalabi. "Classmate ko siya since Elementary School. At magkaibigan ang mga magulang namin dati pa lang. Crush niya ako dati pa, pero hindi niya alam na mas malalim pa ang nararamdaman ko. I courted her because I really love her. She's my everything and... my whole life. Tapos sinagot niya ako nakaraang taon." Tumitig ito sa akin, nagtama ang mata namin at malawak akong ngumiti rito.
Nagsisinungaling siya at alam kong ginagawa niya iyon dahil may naoobserbahan siya. Pero habang tinitignan ko ang mata niya ay ramdam kong totoo ang bawat salitang binibitawan niya. Sagad na sagad at nanunuot sa puso ko.
"Really? Stay strong. Sorry at marami kaming tanong, ah. Akala kasi namin ay single si Sai."
"Sana nga taken ko na lang siya, eh."
"Ha?" Napaharap ako sa kan'ya nang bumulong siya, sanhi para magtama ang labi namin.
"Ehem! Ehem! PDA. May single dito at may nasasaktan." Dinistansya ko ang sarili ko sa kan'ya.
Kumain na lang ako at nagkunwaring walang naririnig. Sumasagot lang kapag nagtatanong o kaya naman ay may pakisuyo. Naiilang ako sa presensiya ni Lawrence, maging ang tatlong Saldivar na nasa paligid namin. Feeling ko ay napakasikip ng pwesto ko.
"Excuse me. Washroom lang ako," saad ko at tumayo.
"Samahan na kita." Hinawakan ni Law ang braso ko pero agad ko rin iyong tinanggal.
"Kaya ko na. Again, excuse me." Hinayaan niya na ako. Binilisan ko ang paglalakad patungo sa washroom. Pagpasok ay agad ko itong ni-lock. Napahilig ako sa pader dahil sa labis na kaba.
Humarap ako sa salamin, hinilamusan ang mukha gamit ang mga kamay ko. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin, ilang beses akong napalunok nang makita ko ang kakaibang panlasa ng mata ko.
Look so uncomfortable and irritating. Lawrencius Adams' accidental kiss. It's a big deal, not because I have feelings for him. Big deal 'yon sa akin dahil kakaiba ang halik na 'yon. Parang may kuryente ng pait at pananabik.
"Hindi. Mali ka ng iniisip. Magkaibigan lang kayo at sigurado akong aksidente lang ang lahat," bulong ko sa sarili ko habang hinahaplos ang labi ko.
Nag-vibrate ang phone ko. Nag-pop up sa chathead ko ang mukha ng hindi ko inaasahang tao. Isaac a.k.a Creepy Guy.
Isaac Saldivar
Nasa labas ako ng female washroom.
Chyrel Joy Dujerte
Bakit?
Isaac Saldivar
Wala. Pagbuksan mo na ako.
Chyrel Joy Dujerte
No. Mayor ka, kaya dapat alam mong hindi pwede ang lalaki sa washroom ng babae.
Isaac Saldivar
I am impatient, honey. Don't start, let me in and talk. And look who's talking, you just made an embarassing moment weeks ago.
Hindi na ako nag-reply. Binuksan ko ang pinto. Diretso siyang pumasok sa loob at sumandal sa lababo habang nakacross arm.
"Ano bang sadya mo?"
"Wala. Masarap ba ang kiss ng boyfriend mo?" nakangisi niyang tanong. Umirap ako.
"Aksidente lang 'yon," sagot ko.
"Kahit na. That's PDA. Sa susunod ay pakakasuhan ko na lahat ng mahuhuli kong mag-Public Display of Affection," seryoso niyang saad.
"Abusado ka sa katungkulan mo."
"Kung pagiging abusado ang solusyon. Gagawin ko." Napakuot ang noo ko dahil sa pagbulong niya. Hindi ko narinig.
"Anong sabi mo?"
"Wala. Hinihintay ka ng boyfriend mo. Bilisan mo na." Tumalikod siya at dumiretso palabas ng washroom.
Pero ako lang ba o nagseselos siya? Pero sabagay, bakit siya magseselos?
Nag-retouch na ako at lumabas. Dumiretso ako sa tabi ni Lawrence na kasalukuyang nakikipagkwemtuhan kila Kuya Isaiah at Isagani.
"Oh, ngayon ka lang? Nauna pang bumalik sa'yo si Isaac." Napalabi ako at nag-umpisa na ulit sa pagkain.
"Nag-retouch pa," sa huli ay sagot ko matapos maubos ang steak ko.
"Oo nga pala, Sai. Sinong magsusundo sa'yo? Aalis na rin kasi ako at hindi na makakasama pa sa'yo. May text si Mom na umuwi na raw si Ate Gracie."
"Ah, commute. Busy si Kuya Sean, eh." Napanguso si Law sa sagot ko. Halatang nag-aalala at guilty.
Bumaling siya kay kuya Isaiah at Isagani. "Pwede bang makisuyo, mga Bro? Kayo na sana ang maghatid kay Sai. Hindi kasi ako kampanteng uuwi siya mag-isa, dami pa namang nakaaligid sa Casa Dujerte."
"Naku, hindi ako pwede. Siningit ko nga lang 'tong last bonding namin bago ako lumuwas pa-Maynila. Mag-iimpake na kasi ako mamaya, alam mo naman," sagot ni Kuya Isaiah.
"Ako rin, bro. Hindi ako pwed----" Magsasalita sana si Kuya Isagani pero pinutol na ni Isaac ang sasabihin niya.
"Ako na," sabad nito naa hindi kami tinitignan. Napangisi si Kuya Isagani habang si Kuya Isaiah naman ay bahagyang natawa.
"A-Anong sabi mo, Mayor?" ani ko.
Itinagilid niya ang kan'yang ulo at minasahe ang leeg. "Sabi ko, ako na. Ako na ang maghahatid sa'yo, Chyrel."
"Alam kong busy ka, Mayor. 'Wag na," pag-angal ko.
"No. May naka day off ako ngayon. Nasa office naman ang secretary ko at tatawag 'yon kung may problema sa city hall."
"Pero---"
"Ako na ang nagpresinta. Tinatanggihan mo ba ako, Sai?" Pinagtaasan niya ako ng kilay. Agad akong umiling. "Hindi naman pala. Ako lang ang free at madisiguro ko naman sa boyfriend mo na nasa mabuting kamay ka. I am harmless."
Bumuntong hininga ako. "Okay," sa huli'y sagot ko.
"Ayon naman pala. So, settled na? Basta Isaac, ah. Ingatan mo ang girlfriend ko," si Law at saka ngumisi.
Tinapos na namin ang pagkain. Kasalukuyan na kaming naglalakad patungong parking area. Si Law ang may bitbit ng box na nakuha namin sa Red Ribbon, ibinigay niya na ito sa akin at hindi inangkin pa. Malamang ay nakonsensya siya sa pagiging kurakot niya.
Nang makarating kami sa kinaroroonan ng kotse ni Isaac ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Kinuha naman ni Isaac ang box mula kay Law at nilagay ito sa backseat.
Ibinaba niya ang bintana sa side ko para makausap ko si Law at makapagpaalam.
"Ingat ka, ah. Pakisabi na rin kay Tita Josephine na miss na miss ko na ang luto niyang Sinantomas. Kita na lang ulit tayo sa August."
"Sige."
Lumapit ito sa akin at bumulong, "Ingat kayo ng crush mo, Sai. 'Wag ka masyadong kiligin, mas priority niyan ang mga San Joseños kaysa sa'yo."
Sinamaan ko siya ng tingin at kinurot sa pisngi niya. "Ang cute mo talaga, Law!"
"Mahal mo naman." Pinitik ko ang ilong niya. Sinamaan niya rin ako tingin.
"Hindi pa ba tayo aalis?" Biglang singit ni Isaac. Mahina namang tumawa si Law.
"Aalis na pala kayo. Naiinis na 'yong crush mong seloso. Possesive pala ang type mo," bulong niya.
"Ano 'di pa ba? Tagal naman na usapan 'yan. Parang hindi na magkikita," pagpaparinig pa ni Isaac.
"Okay na, bro. Ikaw na bahala sa girlfriend ko, ah. Mayor ka pa man din at kuya ka niya kaya ingatan mo 'yan. Mahal na mahal ko 'yan." Tamad lang na tumango si Isaac.
Tinapik nila kuya Isagani at Kuya Isaiah ang balikat ni Isaac. Kumaway naman sila sa akin.
"Ingat kayo, ah." Itinaas na ni Isaac ang bintana at binuksan ang aircon. In-start niya na ang kotse at pinaandar ito palabas ng parking area.
Mabagal lang ang andar namin dahil medyo traffic. Pareho kaming hindi nagsasalita sa gitna ng biyahe. Naging busy na lang ako sa pagkalikot ng cellphone ko, nagkukunwaring busy.
"Gaano na kayo katagal n'ong lalaki kasama natin kanina?" Napabaling ako sa kan'ya nang basagin niya ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Napalabi ako. "His name is Lawrence. At hindi ko siya boyfriend, he's just being playful. Childhood bestfriend ko siya."
"Talaga? Pero hindi 'yon ang nakikita ko sa kan'ya." Diretso siyang nakatingin sa daanan.
"Yup. Bestfriend ko lang siya. And he's very fond of me. Lumaki kaming sabay kaya alam kong mahal na mahal niya ako," sagot ko.
"Paanong pagmamahal ba ang tinutukoy mo? As a friend?" Napabuntong hininga ako at tumango. Hindi na siya muling nagsalita, nakita ko na lang sa side mirror ang pagsulyap niya sa akin at paglandas ng dila niya sa kan'yang pang-ibabang labi.
"Saan 'to? Hindi rito ang daan pa-Casa," asik ko nang makita kong lumihis siya ng daan. Hindi na pamilyar sa akin ang lugar.
"Alam ko," maikli niyang saad. Sumulyap sa akin at muling tumingin ulit nang diretso.
"Iuwi mo na ako," maotoridad kong saad. Pero nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho.
"Sabing i-uwi mo na ako! Natatakot na ako sa'yo!" Nag-umpisa akong magwala nang maabot namin ang isang daan na sobrang dilim at walang gaanong tao. "Tatawag ako kay Mama at Papa! I-uwi mo na ako!"
Agad niyang hinablot ang cellphone ko nang tangka na akong magda-dial. "Stop being stubborn, Sai. Hindi ko gagawin ang bagay na iniisip mo. I am harmless. You're crazy."
"What?! I am crazy?! Eh, malay ko ba kung may balak kang masama. Abussive Mayor!" Bigla niyang inihinto ang kotse. Muntikan na akong mauntog, buti na nga lang at naka-seatbelt ako.
"I said stop being stubborn! You're so loud and hysterical. So, ngayon... bumaba ka." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Pinapababa niya ako, marahil ay iiwan niya ako rito dahil sa pagkainis sa akin.
"A-ano?"
"Sabi ko bumaba ka. Gusto mo bang ihulog pa kita para bumaba ka?" Dahil sa banta niya ay agad kong tinanggal ang seatbelt ko at bumaba.
Pero imbis na nakakatakot dilim, ay mga nagliliparang alitaptap ang sumalubong sa akin. Sinundan ko ito hanggang sa tumambad sa akin ang isang maliwanag, maberde at magandang kapatagan. Napalilibutan ito ng mga kabundukan na siyang kulay luntian din.
"Sabi ko naman sa'yo, I am harmless. I am not a fool dahil isa akong Mayor. Hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira ng tiwala ng iba." Nakasunod pala sa akin si Isaac. Mula sa likod ay kita ko rin siyang nakatitig na kulay luntiang kapaligiran.
"Nasaan ba tayo?" mangha kong tanong.
"Nasa Saldivar Hills. This is private property of my family, ito ang pinakamahalagang property ng great grandfather ko." Napatango ako.
Naglakad siya palikod. Hinubad ang kan'yang jacket at inilatag sa damuhan.
"Umupo ka muna rito," tawag niya sa akin. Tumango ako, lumapit sa kinaroroonan niya at umupo sa nakalatag na jacket sa damuhan.
"Ang ganda 'no? Parang ikaw." Natameme ako at tumitig sa kan'ya. Ngumiti lang siya at naglipat ng tingin.
"Bolero ka, Mayor. Kahit na mas bata ako sa'yo ng siyam na taon, 'di hamak na mas wais ako sa'yo." Natawa siya sa sinabi ko.
"Hindi naman kita binobola. At saka makasabi ka naman ng siyam na taon, hindi naman halata na 27 na ako. Para ngang magkasing edad lang tayo!" tugon niya.
"Papanoorin ba natin ang sunset, Mayor?"
"Kung gusto mong maghintay, bakit hindi? Kaso walang pagkain dito, baka gutumin ka."
"Okay lang, Mayor. Kakain na lang ako sa Casa pagkauwi. Busog pa naman ako, ang dami niyo kasing in-order kanina," sagot ko habang bahagyang tumatawa.
Hindi na siya muling sumagot pa. Hanggang sa pagpatak ng alas sais ay nanatili siyang tahimik habang pinapanood akong masayang nakatingin sa papalubog na araw at unti-unting pagdilim ng kalangitan.
"Mayor, tignan mo ang araw. Parang ikaw." Kumunot ang noo niya.
"Bakit?"
"Ikaw ang simbolo ng bagong umaga ng mga San Joseños at bilang sunset na siyang magtatapos ng kahirapan." Kusang lumabas iyon sa aking bibig. "Na parang buhay, buhay ng San Jose del Monte."
Nang tuluyang lumubog ang araw at lumitaw ang buwan ay nagpasya nakaming umalis sa lugar na iyon. Pasado alas otso nang makarating kami sa arko ng Barangay Bagong Buhay B.
"Bakit hindi ka mapakali?" tanong ni Isaac. Marahil ay napansin niya na hindi na ako mapakali sa inuupuan ko.
"Eight ang curfew ko."
"Alright. Kakausapin ko na lang si Tito Cairo ukol dito. Don't worry, sasabihin kong sinama kita sa Saldivar Hills." Kahit na aligaga pa rin ay tumango na lang ako.
Eksaktong 8:30 PM nang makarating kami sa harap ng Casa. Hinarang kami ng guard. Ibinaba ni Isaac ang salamin para sabihing nasa loob ako ng naturang sasakyan.
"Kakarating niyo lang Ma'am Sai? Lagpas na po kayo sa curfew niyo," puna ng isa sa mga guard.
"Sorry po. Kakausapin ko na lanng po si Papa tungkol dito." Tumango siya at pinapasok kami.
Itinigil ni Isaac ang kotse sa harap ng mansyon. Doon ay nakasalubong na si Mama na may pag-aalala sa mukha at si Papa na nakabusangot na. Bumaba na ako, sinalubong ako ng yakap ni Mama.
"Bakit ngayon ka lang, Sai? Uwi ba 'yan ng matinong babae?" bungad na panermon ni Papa habang yakap ako ni Mama.
Sasagot na sana ako nang sumabat si Isaac sa usapan, "Sorry po Tito, Tita. Hinintay po kasi namin ang sunset sa Saldivar Hills."
Napangiti si Mama at bahagyang sinundot ang bewang ko. Halatang may kung ano na namang iniisip na kamalisyosohan, "Ikaw 'nak, ah. Speed din." Napailing na lang ako.
"Ganoon ba? Sige. Sumama ka sa akin sa office ko at mag-usap tayo. May itatanong lang ako. Hintayin kita d'on," seryosong saad ni Papa at umalis na.
"Totoo ba, Isaac? Magkasama kayo ni Saisai ko?"
"Opo, Tita." Kinilig na naman si Mama. Parang teenager. Napakamot na lang si Isaac sa ulo niya.
"Naku, gusto mo bang dito na lang kumain pagkatapos ng pag-uusap niyo ng future Papa mo---I mean Papa ni Sai?"
"Huwag na po, Tita. Hinihintay rin po ako ni Mama, eh. Sorry po," pagtanggi ni Isaac.
Nakasimangot na tumango si Mama. "Sige, maiwan ko muna kayo. Sumunod ka na sa loob, Sai."
"Sige po," sagot ko naman at agad siyang tumalikod at naglakad papasok ng mansyon.
"So, paano? Susunod na ako sa Papa mo at ipapaliwanag ko pa kung bakit ginabi ka. So, friends?" Inilahad siya ang kamay niya.
Ngumiti ako. "Yup, friends." Tinanggap ko ang kamay niya. "Ang swerte ko naman, kaibigan ko ang Mayor ng CSJDM."
Natawa siya at bahagyang umiling. "Asawahin mo na rin kung pwede."
"Ha?" tanong ko dahil hindi ko narinig ang sinabi niya.
"Wala. Sabi ko, goodnight." Napatango naman ako at ngumiti.
"Sige. Goodnight, Mayor. Thank you." Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Tumalikod na ako. Pumasok ako sa loob ng mansyon. Pero bago ko isarado ay kumaway muna ako rito at saka ngumiti.