005

2082 Words
Chapter 5 "Sai." "Sai?" "Sai!" Nawala ang malalim kong iniisip nang marinig ko ang malakas na pagtawag sa akin, si Mama. "Po?" walang muwang kong sagot. "Sabi ko ay tulungan mo kami nila Autie Seah mo sa paghahanda ng hapag kainan. Para kapag tapos na kausapin ng Papa mo si Mayor ay okay na ang lahat," paliwanag ni Mama at tumango na lang ako. "Lutang ka 'ata," puna ni Mama at pinaningkitan ako ng mata. "Sorry po, 'ma." Tumango lang si Mama at naglakad na pabalik ng kitchen. Agad naman akong sumunod. Lumapit ako sa kitchen counter. Binitbit ko ang mga babasaging plato at naglakad papuntang long table kung saan dapat nakalagay ang mga plato. "Hala!" hiyaw ko nang muntik ko nang mabitawan ito. May tatlong plato ang dumulas kaya nahulog ito sa sahig, sanhi para mabasag ito. Mabuti na lamang at mahigpit ang kapit ko sa iba. "Naku. Anong nangyari, Sai?" Dinaluhan ako ni Mama at Autie Seah. Agad nilang pinakuha sa ibang kasambahay ang mga platong hawak ko. "Okay lang po ako," mahina kong saad. Bumagsak ang tingin sa kamay kong dumudugo dahil sa daplis ng nabasag na piraso. "Anong okay? Tignan mo, dumudugo!" pagalit na saad ni Mama. Pinisil niya ang sugat ko, napakagat na lang ako sa labi ko nang kumirot ito. "Halika ka nga rito at nang magamot natin yan, baka maimpeksyon." Iginaya ako ni Mama patungo mula sa kitchen sink at marahang hinugasan ang aking kamay. "Ano ba kasing iniisip mo? Kanina ka pa tulala. Una ay 'yong ilang beses kitang tinatawag pero wala ka pa lang muwang. Tapos ngayon ay nakabasag ka pa ng pinggan. Okay ka lang ba? Kanina ka pa kasi tulala simula nang umuwi kayo ni Mayor." Bumitaw ako sa hawak ni Mama. "Okay lang ako, 'ma." Ngumiti ako. "Hindi nga, okay ka lang ba talaga? O baka naman..." Napangisi si Mama at tinitigan ako ng mata sa mata. Tinitimbang ang bawat kilos at ekspresyon ko. "Mama, 'wag ka ngang kung anu-anong iniisip. I am just thinking about Isaac kasi baka siya ang mapagalitan ni Papa dahil sa paglampas ko sa curfew." "Wala akong sinsabi, 'yan nga ang dapat kong sasabihin pero inunahan mo na ako. Defensive, nakapaghahalataan ka." Umiling ako. Dumating naman si Ajntie Seah na may dalang medicine kit kaya nabaling doon ang atensyon ni Mama. Pero totoo naman ang sinabi ko. Nag-aalala lang ako kasi baka siya ang mapagalitan dahil sa paglabag ko. Knowing my Dad, wala siyang sinasanto. Palabiro pero istrikto at walang makababali sa kahit na anong batas niya. "Sa susunod mag-ingat ka, Sai. Magagalit na naman ang Papa mo kapag nakita 'yang sugat mo. Ni lamok nga ay hindi niya pinapadapo sa'yo," sermon ni Auntie Seah at saka inabot kay Mama ang bandage. Nilapat naman ni Mama ang bandage sa medyo nakabuka kong sugat. Napangiwi ako nang dumikit ito sa balat ko, sumabit. "Huwag ka na tumulong sa amin sa paghahanda. Baka mas malala pa ang makuha mo diyan. Maupo ka na lang muna sa sala at hintayin ang Papa mo." Tumango na lang ako. Umupo na lang muna ako sa sofa at nilibang ang sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng libro. "Sai, anong nangyari sa kamay mo?" bungad ni Papa, nakatitig sa bandage. Galing siya sa labas at marahil ay tapos na sa pakikipag-usap kay Isaac. "Wala 'to, Papa. Nadaplisan lang dahil nabasag ko 'yong pinggan." Tumango si Papa at mukhang satisfied na sa sagot ko. "Mag-ingat ka sa susunod." Maglalakad na sana siya papuntang Dining Area nang magkasalita ang kakapasok lang na katiwala. "Nas----" "Sir Cairo, aalis na raw po si Mayor Saldivar." Nanlaki ang mata ko sa narinig. Hindi pa pala siya nakakauwi! Makikita ko pa ulit siya at makakapagpaalam. "Sabihin mo ay hintayin niya muna si Josephine bago siya umalis." Tumango ang katiwala. Ako naman ay bahagyang napangiti. "Nasaan ang Mama mo, Sai?" "Nasa Dining, 'pa. Naghahanda po ng hapunan. Kanina pa nga po kayo hinihintay ni Ma-----" "Nandiyan ka na pala, Cairo. Halika na, baka lumamig pa ang Sinigang na luto ni Auntie Seah," si Mama. "Mama, nasa labas pa po si Mayor." Ako na ang nagsabi bago pa sabihin ni Mama. Agad na sumilay ang nakakalokong tingin ni Mama. "Ganoon ba? Dapat ay imbitahan natin siya. Parang napaka-disrespectful naman kung hahayaan natin siyang umuwi." Napangiwi ako. "Pero 'ma, sabi ni Isaac kanina ay hinihintay siya ni Tita Grace sa bahay." Bahagyang natawa si Mama. "Malay mo naman..." "Tumigil na kayo. Hayaan nating si Isaac ang magsalita ukol diyan. Mabuti pa't lumabas na muna tayo. Pinaghihintay natin si Isaac," pagputol ni Papa sa hahaba pang usapan namin ni Mama. Wala kaming nagawa ni Mama kun'di ang sumunod na lang sa kan'ya palabas. Paglabas namin ay nakita namin si Isaac na nakasandal sa kan'yang kotse. Marahang hinahaplos ang kan'yang pang-ibabang labi. Sinalubong kami nito ng tingin, bumati at ngumiti. "Good evening po," magalang nitong pagbati. "Magandang gabi rin, Mayor. Kung hindi ka pa uuwi, nais ka naming imbitahan sa dinner namin." Agad na umiling si Isaac. "Salamat po, Tita. Pero naghihintay na rin si Mama at mga kapatid ko sa akin. Bukas na po kasi luwas nila Isagani at Isaiah papuntang Maynila. Si Papa naman po ay uuwi na rin po sa Malacañang. Last dinner na po namin na magkakasama kasi matatagalan na po ulit ang balik nila," paliwanag ni Isaac. "Gan'on ba? Sige. Mag-ingat ka," si Papa. "Mauuna na ako sa loob, may uutos lang ako kay Auntie Seah." Tumalikod na siya at pumasok sa loob, hindi na hinintay ang pag-alis ni Isaac. "Sayang naman, hijo. Ma-sa-sad si Sai kasi hindi ka niya makakasabay. Pero, 'di bale, kapag naman naging mag-asawa na kayo ay lagi na kayong sabay kumain," mapaglarong saad ni Mama. Nanlaki ang mata ko at agad na nag-init ang pisngi ko. "Mama!" saway ko. Napahagikgik si Mama. Ako naman ay agad nag-iwas ng tingin sa nakamamanghang titig ni Isaac. "Sige na nga, mauna na ako. Pumasok ka na agad pagkatapos, Sai. Goodbye, Lovebirds!" huli niyang pang-aasar at saka sumunod na sa loob. Pag-alis ni Mama ay agad na natahimik ang paligid. Sinadya kong hindi siya pukulan ng tingin, naiilang ako sa mga sinabi ni Mama. "Pumasok ka na," pagbasag niya ng katahimikan. Napatingin ako sa kan'ya, nakangiti ito. "Ha?" "Nagpaalam ka na kanina. Pumasok ka na sa loob para kumain," saad niya. "Hindi pa ako gu----" Natawa siya nang biglang tumunog ang tiyan ko. Parang kumukulo at umaangal na dahil sa gutom. "Gutom ka na kaya pumasok ka na. Aalis na ako pagkapasok mo." "Per---" "Huwag ka na mangatwiran, Sai. Mas magaling ako mangatwiran kasi mas bata ka sa akin at mas matanda ako sa'yo." Napanguso ako at bahagyang tumango. "Oo na, at saka nine years lang kaya ang tanda mo sa akin. Makabata naman 'to!" Nangingiti siyang napailing. "Mas matanda pa rin ako sa'yo at totoo namang mas bata ka sa akin. Kaya sundin mo na 'ko at pumasok ka na. Aalis na rin ako." Kumaway na lang ako sa kan'ya at ngumiti. "Bye, Mayor Isaac." Tumalikod na ako at akmang papasok na nang magsalita siya. "Goodnight. I'll text you if I have some time. Pangalawang ba-bye na 'to." Umabot sa tenga ko ang halakhak niya. Pero hindi na ako lumingon at sumagot pa. Lihim na lang akong napangiti. Dumiretso ako sa dining area. Sinalubong ako ng ngiti ni Mama. Agad niyang inilahad ang pwesto sa tabi niya para doon umupo. "Ang tagal mo namang makipag-usap," ani Papa habang kumakain. "Huwag ka na nga makialam sa kanilang dalawa, Cairo. Nagpaalam lang naman ang anak mo. Big deal?" Umirap si Papa. "Big deal," maikling usal ni Papa. Agad siyang sinamaan ng tingin ni Mama kaya nagkunwari na lang siyang kumakain. "Kumain ka na, Sai. Huwag mo na pansinin 'yang Papa mong palaging may topak." Hinainan na ako ni Mama ng pagkain. Naalala ko ang sinabi ni Isaac kanona, "I'll text you if I have some time." Hindi ko maiwasang mapangiti habang kumakain. "Bakit ka nangingiti, Sai?" Puna ni Papa. Napalabi ako at umiling. Agad kong tinapos ang pagkain ko, baka kasi nagtext na si Mayor... baka lang. Agad na sumama ang tingin ni Papa sa akin, naningkit ang mata. Buti na lang at agad siyang tinampal ni Mama. "Mama, Papa. Akyat na po ako," pagpapaalam ko. Humalik ako kay Mama at Papa. Ramdam ko ang nag-oobserbang tingin ni Papa sa akin, tinatantya ang bawat kilos ko. "Mabuti pa nga at nang makapagpahinga ka. Huwag kang magpupuyat," makahulugang sagot ni Mama. Napatango na lang tuloy si Papa, kasi nga Mama is the real boss! Umakyat na ako sa taas. Agad akong nagshower at nagpalit ng pantulog. Pagkatapos ko mag-shower ay humilata na ako sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag. Nang makita kong drain ito ay ni-charge ko 'to agad, naghintay lang ng ilang saglit at saka binuksan. Sumabog ang samu't-saring notification at chats. Napasimangot ako nang makitang galing lang 'yon sa mga kaklase ko noong Senior High at iba pang ka-schoolmate ko. Agad ko itong pinatay at pabagsak na ibinaba sa gilid ng kama. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng inis. Bakit ba ako naiinis? Wala naman akong dapat ikainis 'diba? Oo, wala! Pero nakakainis pa rin! Napabuntong hininga ako sa pagtatalo ng isip ko. Tumalikod na ako sa cellphone ko at humarap sa pader. Niyakap ko ang teddy bear na nakuha ko kanina mula sa Red Ribbon. "Are you a boy or a girl?" tanong ko sa teddy bear na wala namang pag-asang magsalita. "Uh. Parang ang weird kung tatawagin kitang teddy. Well, I'll suhgest some name and you will be the one to choose which name fits you." "Chylen? Maganda 'yon. Malapit sa name ko!" Napanguso ako. Ayaw niyang sumagot, baka ayaw niya. "Chilver?" Walang sagot. Ayaw rin 'ata. "Chinalexi," banggit ko. Napabusangot ako, ayaw pa rin talaga! Napanguso ako. Biglang may pumasok na pangalan si isip ko. "Isai?" Napansin ko ang bahagyang pagningning ng mata nito. Mukhang 'yon na nga ang pangalan niya, Isai! "So, you're Isai! Bagay na bagay sa'yo!" Natutuwa kong saad at ngumiti. Yayakapin ko sana ito nang biglang tumunog ang phone ko. Tamad kong inabot ang cellphone. Napabusangot ako nang makitang wala namang nagpop up na chat head. Inilibot ko ang tingin sa cellphone ko. One message from +639********* From: +639********* Good evening. This is Isaac. Save my number. Kusa akong napangiti nang makita kong siya ang nag-text. Napakagat ako sa pag-ibabang labi ko, hindi ko maiwasang magpagulong-gulong sa kama. Ang puso ko... Binago ko muna ang pangalan niya sa contact ko. +639********* to Mayor. To: Mayor Good evening, Mayor. From: Mayor Sorry, ngayon lang. Slightly busy due to responsibily, I hope you understand. To: Mayor It's fine, Mayor. From: Mayor Okay. Dead Conversation! To: Mayor Anong sinabi ni Papa kanina? Pinagalitan ka ba niya? I am so sorry for being stubborn. From: Mayor Nah. We've just talk about politics and business. And if he scolded me, it's fine. Well, my fault. To: Mayor Thank you nga pala sa kanina, Mayor. Hindi ko alam na may lugar pa lang ganoon kaganda at katahimik. From: Mayor Oum. You want to go there again? To: Mayor Yes. Pero mukhang hindi na mauulit 'yon, makakasuhan ako ng trespassing kapag pumasok ako doon. From: Mayor You can. To: Mayor How? You'll give me a free pass? I feel so special, Mayor HAHAHAHA. From: Mayor No. I have another way. To: Mayor How? From: Mayor Just date me. And you'll enter my paradise. Unlimited pa. Nabitawan ko ang cellphone ko sa gulat. Napaawang ang labi ko. Sinubukan kong kusutin ang mata ko. Naramdaman ko ang malakas na pagtibok ng puso ko, sobrang bilis. From: Mayor Nandiyan ka pa ba? Kahit na nginginig ang mga daliri ko ay dinampot ko ang cellphone ko mula sa lapag at nagtipa para makapagreply. To: Mayor Ha? From: Mayor Nabibingi ka pa rin kahit sa text? HAHAHAHA. To: Mayor I saw what you've texted. But I don't understand what you are pointing. From: Mayor Hmm. I said date me. Hangout with me and let me take care of you. Bumilis na naman ang tipok ng puso ko. Sinubukan ko pang intindihin pero isang tanong lang ang pumapasok sa isip ko. He wants to date me? Is he flirting with me? Ano bang gusto niyang palabasamin? From: Mayor Date me, Sai. Privately.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD