Chapter 6
To: Mayor
Seriously, Mayor? Stop pranking me.
From: Mayor
You're rejecting me, Sai. New style of rejection, huh.
You're giving me heartaches, young lady. Your newstyle is heartbreaking.
Bumilis ang t***k ng puso ko. Parang sasabog ito dahil sa kan'ya. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka nanakaw lang ang phone niya at pinagtitripan niya 'ko.
Is he serious? Lol, mag-iisang buwan pa lang simula nang magkakilala kami. At isa pa, hindi maganda ang naging umpisa namin. Imposible!
Magtitipa na sana ako ng mensahe. Pero sa huli'y pinili kong huwag na lang siyang reply-an sa last text niya. I left it hanging.
I badly want to sleep at isiping panaginip lang ang lahat. Hindi dahil ayaw ko kay Isaac, it's just that I am feeling guilty for rejecting him. So disrespectful.
Tumitig na lang ako sa kisame, iniisip pa rin kung totoo ba o hindi ang sinasabi ni Mayor. Pero sa lahat-lahat ng ito, isa lang ang sigurado ako, hindi ako patutulugin ng mga sinasabi niya. And I am attracted to the City Mayor, I know I am.
Nagising ako kinabukasan dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto ko. Paulit-ulit din ang tawag ng pangalan ko. Maybe, it's Auntie Seah or... my Mama.
"Sai, wake up," anang boses.
"Hmm," tanging nasagot ko. Ni hindi maidilat ang mata dahil sa puyat. Ramdam ko ang malaking kakulangan sa tulog ko.
Anong oras na ba 'ko natulog? 1? 2? 3? Hmm. I think 4 AM. Bukas na ang ilaw sa baba ng mga oras na natulog ako. Karaniwang gising ng mga kasambahay at katiwala.
"Gumising ka na diyan. Handa na ang pagkain," saad ulit ng isang boses.
Sinubukan kong muling idilat ang mata ko. Napaungot lang ako dahil sa bigat ng talukap ng mga mata ko.
"Sai! Wake up! Lalabas ka rito o papasukin kita diyan?" Oh, it's Mama!
Ngayon ay nakumpirma ko na, sure na akong siya 'yon. Auntie Seah will not give me some threats, she's a saint. Unlike Mama, I am her child but her rules are her rules!
"Mama!" sigaw ko nang maramdaman ko ang pag-angat niya ng comforter na nakabalot sa akin. Nananatili akong nakapikit pero paniguradong nakangiwi.
"Ikaw na bata ka! Nangangawit na lalamunan ko sa'yo pero hindi ka pa rin bumabangon!" Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko. Napatakip agad ako sa mata ko dahil sa pagtama ng sinag ng araw.
"Bumangon ka na diyan. 'Wag mo akong artehan dahil may aasikasuhin pa ako sa Galvez. Puyat ka kasi ng puyat, wala ka namang ka-chat!"
'Di mo sure, 'ma.
"Opo, Mama," tamad kong sagot. Nag-inat pa dahil sa bahagyang ngalay ng leeg, braso at likod ko.
"Siguraduhin mo lang, Sai. Lumamig na ang pagkain dahil sa'yo," pagalit na saad ni Mama.
Tumalikod na si Mama at naglakad pababa. Agad akong naghilamos at nagsuklay. Hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit, baka mamaya at magwala si Mama. Sumunod agad ako pababa.
Wala sila sa dining area, buti na lang at nakita ko si Auntie Seah na nasa dining. Nagpupunas siya ng long table at isinasalansan ang mga bagong biling prutas. Lumapit ako sa pwesto niya.
"Auntie, nasaan sila Mama?" tanong ko habang nakayakap.
"Naku, kagigising mo lang? Bago 'atang late ka ngayon," puna ni Auntie Seah.
"Sorry po. Sobrang pagod at puyat lang po. So, nasaan po sila Mama at Papa?" tanong ko.
"Nandoon." Itinuro niya ang pool area. "Malamig kasi doon kaya doon napili ng Mama mo. At saka bagong linis 'yan, pwede ka raw mag-swimming kung gusto mo." Kumalas na ako sa pagkakayakap at nagmano kay Auntie Seah. Naglakad na ako patungong pool area.
Agad akong nabasa ng mga umiikot na sprinklers. Lumapit si Mama sa akin at inabutan ako ng towel. Napasimangot at napangiwi siya nang makita ang suot kong pantulog.
"Goodmorning. Bakit hindi ka nagpalit?" Pilit ko lang siyang nginitian at nagpeace sign. Napailing na lang tuloy si Mama.
"Hindi bale na nga. Halika na at kumain na tayo rito. Nauna na kaming kumain ang Papa mo dahil luluwas pa 'yan pa-Manila after kumain. Ang tagal mo pa naman magising, dapat sana ay sabay-sabay tayo. Umupo ka rito sa tabi ko." Inilahad ni Mama ang upuan sa tabi niya. Doon ay pumwesto ako.
Si Mama ang naghanda ng pagkain sa plato ko. Pinagsalinan niya rin ako ng botomless cucumber bilang inumin.
"Habang kumakain tayo, ipaliwanag mo sa akin bakit puyat ka." Malapad ang ngiti ni Mama. Inuusisa ang bawat kilos at pagbabago ng ekspresyon ko.
"Wala, 'ma. Napagod lang ako sa lakad kahapon."
"Ah. Kaninong lakad, 'nak? 'Yong kay Law o kay Mayor Isaac? Dalawa 'yon, eh. Nalilito ako." Mahigpit ang naging hawak ko sa kutsara at tinidor na gamit ko.
"Josephine..." saway ni Papa.
"Ano? Nagtatanong lang ako. Bawal na ba malito ngayon?" Napailing na lang si Papa. Si Mama naman ay muli akong binalingan, "Sagutin mo ako, Chyrel Joy. Ano sa dalawa?"
Kinuha ko ang botomless cucumber na nasa harap ko at lumagok nito. Napalabi akong tinignan si Mama, parang hinuhuli niya ang mata ko.
"Si ano, ma..."
"Sino? Sabihin mo kay Mama, Sai."
"Pareho po, 'ma..." malumanay kong sagot. Napatango si Mama at tahimik na kinain ang bacon na nakalagay sa plato niya.
"Well. You say so," ngiting-ngiti niyang baling sa akin. Napakagat ako sa labi ko. "By the way, naipalinis ko na 'yang pool. You can swim habang wala kami ng Papa mo."
"Yes po. Mainit naman, eh."
"At oo nga pala, don't go outside Casa Dujerte. Baka bukas pa kami makauwi," bilin niya. Napanguso ako at bahagyang tumango.
"Take care of yourself, Sai. Pati ang puso..." napabaling ako kay Mama nang banggitin niya ang huling salita. Pero nang makita ko siyang nakafocus sa kinakain niya ay muli ko ring ibinalik sa plato ang tingin ko. Mukhang ako lang 'ata ang nag-iisip na double meaning 'yon.
Marami pa silang sinasabi at ipinapaalala. Tumango na lang ako sa lahat ng bilin nila. Hindi na ako nagsasalita kung wala naman silang tatanungin.
"Sige. Since tapos na kumain, maghahanda na kami ng Papa mo," si Mama. Pagkatapos kumain ay agad na naghanda si Mama at Papa para sa kan'ya-kan'ya nilang lakad.
Habang ako ay nagpahadaan ng pamalit kay Auntie Seah para makapag-swimming.
"Sai, naihanda ko na ang damit mo. Nasa banyo na." Nang marinig ko ang tawag ni Auntie Seah ay agad akong umakyat para makapagpalit ng damit.
Napanguso ako nang makita ang damit na inihanda ni Auntie Seah. Two piece na nakagantsilyo. Balak ko pa sana itong papalitan pero alam kong busy si Auntie Seah sa pag-aasikaso kay Mama at Papa. Kaya sa huli'y nagpasya na lang ako suotin ito.
Tinapalan ko na lang ng pantaas na see through off-shoulder na croptop ang suot kong upper bikini.
"Sai, we're leaving. Come here," boses ni Mama galing sa baba. Mukhang aalis na pala sila.
"Yes, 'ma."
Sinuklay ko muna ang buhok ko bago bumaba. Napa-oww si Mama nang makita niya ang suot ko. Si Papa naman ay napasimangot at parang nanggagalaiti.
"What are you wearing, Sai?" tanong ni Papa at inusisa ang suot ko.
"She's wearing a two piece," si Mama ang sumagot.
"Alam ko, Josephine. 'Wag mo ako pilosopohin," nanggagalaiting saad ni Papa. Napakagat labi ako dahil sa talim ng titig ni Papa. Hindi talaga siya sang-ayon sa ganitong damitan ko.
"Papa..."
"Ano? Suot ba 'yan ng matinong babae?" Otomatikong napataas ang kilay ni Mama.
"Anong gusto mong suoting ng anak mo? Saya? Hoy! Woman Empowerment na kami, 'no. Hindi na 'yan katulod ng panahon natin na pagsusuotin mo ng balot na balot. Kaloka 'to." Napahilot si Papa sa sintido niya, nagtitimpi kay Mama.
"Sige po, magpapalit na lang ako."
"Anong magpapalit? No! Hayaan mo 'yang Papa mo. Katawan mo 'yan kaya susuotin mo ang gusto mo," si Mama.
"Oo nga naman, Cairo. At saka mataas ang bakod natin, walang makakasilip diyan. Nasa bahay din naman si Sai at bantay namin. Ano ba't payagan mo na," nakisingit na si Auntie Seah.
Napabuntong hininga si Papa. "Fine," parang talong-talo niyang desisyon. "Just please, take care of yourself. Don't do something na ikapapahamak mo."
"Ayon naman pala," nang-aasar na saad ni Mama habang nakangisi kay Papa.
"Mga babae talaga, hindi nagpapatalo..." Natawa kaming tatlo. "Halika na nga, Josephine. Umalis na tayo. And Sai, makinig ka sa bilin namin."
Kumapit na si Mama sa braso ni Papa. Inakay na siya ni Papa palabas, pero bago sila makaalis ay kumindat sa akin si Mama. May sinambit pa siya pero hindi ko na naintindihan pa. Kumaway na lang ako bago umaandar palabas ng Casa ang kotseng sinasakyan nila.
Pumasok na ulit ako sa loob at tumuloy sa pool area. Medyo mainit na ang d**o at ang stepping stone. Pasado alas onse na kaya tirik na tirik na ang araw.
Kinapa ko muna ang tubig sa pool. Malamig-lamig pa dahil bago pa. At sa palagay ko ay lagpas ulo ko ang lalim nito. Higher than 6 feet I think.
Una kong nilubog ang paa ko. Makaraan ay tuluyan nang lumublob. Lumangoy-langoy ako at minsan ay floating. Ilang oras din nilagi ko sa pool. Anong oras na ba?
Naramdaman ko ang biglang pagsakit ng braso't paa ko. Ramdam ko rin ang unti-unting paglubog ko. Kahit na kinakabahan at nanghihina ay sinubukan kong lumangoy palapit sa gilid.
Nang makaratibg ako doon ay lumapit ako sa gilid para kumapit at makaahon. Nanginginig ang kamay ko at nanghihina ang braso ko.
Dagdag mo pa ang lamig na nanunuot sa balat ko dahil sa lamig ng tubig. Buti na lang at lumapit si Auntie Seah sa akin. Inabutan ako ng bath robe at mainit na kape.
"Oh, ayos ka lang ba? Bakit nanginginig tuhod mo?" tanong ni Auntie habang nakatingin sa tuhod ko.
"Wala, Auntie." Umupo ako sa malapit na folding chair. Doon ko ininom ang mainit na kape na inihanda ni Auntie.
"Alas dose na pala. Tumawag ang mama mo at tinatanong kung nakakain ka na raw ba. Sabi ko naman ay nakalublob ka pa," dinig kong sabi ni Auntie habang iniinom ko ang kape.
"Oo nga pala, sasabay ka ba sa aming mga katiwala sa pagkain o hahainan na lang kita rito?" tanong nito.
"Pahain na lang po ako rito, Auntie," sagot ko naman. Tumango si Auntie at nagpaalam na muna siya para maunang maihanda ang pagkain ko bago sila magsalo.
Pumasok na rin muna ako sa loob para kunin ang phone ko. Nang makita ko ang phone ko na nakalapag sa ibabaw ng side table ay bigla kong naalala ang text kahapon ni Isaac. Kusang napataas ang kilay ko.
Sabi ko na nga ba at nang-go-goodtime lang siya. Or maybe I am just his trip last night. Kasi, if you're really interested about someone else, kahit na ni-reject ko siya, he will still insist. Sa madaling salita, he's just bored.
Napangiti na lang ako ng mapait. Binitbit ko na ang phone ko pababa. Nakasalubong ko ang mga kasambahay na may bitbit na tray.
"Para kanino 'yan?" tanong ko.
"Para sa'yo, Ma'am Sai." Napanguso ako nang napansing masyadong madami 'yon. I am not fond of eating. Pero sabagay, it's just bowls of vegetable salads and some snacks.
Sumabay na sila sa akin papuntang pool are. Ipinalapag ko na lang ang pagkain ko sa mesang nandoon. Umalis din sila pagkatapos.
Nag-umpisa akong lantakan ang mga 'yon. Pakiramdam ko tuloy ay parang gutom na gutom ako dahil sa panghihina kanina. Muntikan na akong malunod!
Suspended in the air
I hear myself breathing
Hanging by a thread
My heart is barely beating
Ringtone 'yon ng phone ko. Lumabas ang mukha ni Mama bilang caller ID. Kita ko sa likod niya ang mga sapatos na gawa ng Galvez Enterprise.
["Kamusta naman diyan? Are you alone?]
"Yup. Currently eating, then swimming ulit after," sagot ko.
["Alam mo ba? May nalaman ako...] Bilis sumagap ng chismis ni Mama.
"Ano 'yon, 'ma?"
[Well, gusto ko lang sabihin na ang ganda mo. Itinaas mo ang bandera ng girl power. Ang sarap putulin ng buhok sa haba.] Natutop ang bibig ko sa sinabi ni Mama. Mukhang alam ko na ang tinutukoy niya.
"Mama..."
["Ang ganda mo talaga, 'nak. Manang-mana sa akin. Akalain mo nga naman, ni-reject ng maganda kong anak ang Mayor ng CSJDM. Iba rin."]
"Paano mo ba nalaman 'yan, 'Ma? At hindi ko siya ni-reject. Hindi lang ako nag-reply sa last message niya. It's different!" paliwanag ko.
["Ay, ghoster! Hindi na pala rejection tawag ng mga kabataan ngayon doon. Ghosting na pala."] Natawa ako sa sinabi ni Mama. Kahit kailan talaga ay ang galing niyang sumabay sa uso.
"Mama naman."
["Anong mama naman? Baka nakakalimutan mong Saldivar ang Mayor natin. He can get what he wants, so be ready."]
"Stop frightening me, 'ma. I am just his trip!" tugon ko.
["Mukha ko trip. Aminin man natin, mas maraming magagandang umaaligid sa mga 'yan. At ikaw, hindi tulad mo ang gagawin niyang trip. Lalo na't ginagalang ng mga batang Saldivar ang Papa mo."]
"Psh. Paasa."
["Ano kamo? Paasa? Bakit gusto mo na? Attracted ka na? Naku, kung ako sa 'yo aminin mo na 'yan habang maaga pa. I am your mother and I know the differest between interest and attraction. So, paano? See you tomorrow. Enjoy your date."]
"Ha? Date? Kani---- hello, hello?" Tumingin ako sa caller ID. Call ended na, binabaan na ako. Tss.
Binigyan ko na lang ng pansin ang pagkain sa harapan ko, "Ang dami talaga. Paano ko ba 'to uubusin?"
Pinatay ko ang phone ko at inilagay sa tabi ko. Nagpatuloy na ako sa pagkain. Una kong nilantakan ang Vegetable salad, nilagyan ko ito ng mayo at mustard. Pagkatapos ng Salad ay sinunod ko naman ang iba pang pagkain.
Nang makaramdam ng kabusugan ay nagpababa muna ako ng pagkain bago hinubad ang bath robe ko.
Hindi ko na pinakiramdaman pa ang temperatura ng tubig. Agad akong tumalon at nag-umpisang lumangoy. Nag-floating din ako, tumama ang nakakasilaw at nakakapasong init ng araw sa aking balat. Tinakpan ko na lang ang aking mata gamit ang aking braso.
"Suspended in the air... I hear myself breathing... Hanging by a thread... My heart is barely beating," pagkanta ko. Agad na pumasok ang malamig na hangin na nakapagpasayawa sa mga luntiang halaman.
"I haven't fallen yet... But I feel it comin'... Tell me would it be too much to ask... If you break it to me gently," pagpapatuloy ko pa. Nagpatuloy lang ako sa pagkanta hanggang sa matapos ko ang huling linya.
Nagsimula na ulit akong lumangoy at minsan ay umaahon para pumapak ng pagkain.
Muli akong bumalik sa tubig at lumubog sa ilalim. Lumangoy ako na parang sirena at mabilis na winawagwag ang aking binti. Pero ilang saglit pa ay naramdaman ko na naman ang pamumulikat ng paa ko. Ilang beses kong sinubukang lumangoy pataas pero lumulubog lang ako.
"Tu...long!" Unti-unting nauubos ang lakas ko. Hindi ko na maigalaw ang kamay at paa ko. Ilang beses kong sinusubukang umahon para humingi ng tulong.
Unti-unti kong naramdaman ang paglubog ko. Lumapat ang likod ko sa sahig ng swimming pool. Para na akong nabibingi, wala na akong maintindihan pa.
Pero hindi 'yon nagtagal, umaahon ako. May brasong sinusubukan akong iangat. Muling lumapat ang katawan ko, pero sa pagkakataong ito ay hindi na sa sahid ng pool, kun'di sa damuhan.
"Sai?! Naririnig mo ba ako?" Oo, naririnig kita! Pero sino ka ba? Kaninong boses na 'to?
"Isaac, jusko! Anong nangyari kay Sai?" si Isaac pala. Si Isaac! Pero bakit siya nandito? Siya ba ang nagligtas sa akin?
"Nalunod po. Sabi niyo po kasi ay nasa pool siya, pero wala siya. Nakita ko siyang lumulubog pababa."
"Ano ba 'to? Paano? Anong gagawin ko? Jusko, lagot ako kay Jo at Cai."
"Auntie Seah, pakikuha po ang bathrobe niya. I'll try to remove the water inside her nose and mouth." Biglang kumabog ang dibdib ko. Lumapat ang labi niya sa labi ko. Calm down, Sai! He's just saving you!
Ilang saglit pa ay naramdaman kong may kung anong bumara sa lalamunan ko kaya agad akong napaubo.
"Damn," rinig kong bulong niya at mahigpit akong niyakap. "Akala ko kung anong masama ang mangyayari sa'yo."
"B-bitiwan mo na ako. H-hindi ako makahinga." Agad siyang napabitaw sa akin. Pinalo ko ang dibdib ko at muling napaubo.
"Jusko po, Sai!" si Auntie Seah na kasalukuyang tumatakbo patungo sa direksyon namin. Hawak niya ang bathrobe at agad na inilahad sa akin. Isinuot ko naman ito.
Nagulat ako nang pukpukin ng pamaypay ni Auntie Seah ang ulo ko. "Ano ka bang bata ka?! Papatayin mo ba ako sa pag-aalala sa'yo? Kung hindi pa dumating si Mayor ay baka tegi ka na ngayon."
Napabaling ako kay Isaac. Hinahagod niya ang basa niyang buhok. Napansin ko naman ang basa niyang polo, mukha siyang basang sisiw.
"Tignan mo si Mayor. Mabuti pa't pumasok tayo at ipagtitimpla ko kayo . Ikaw naman, Sai, maligo ka at magpalit. Hanapan mo na rin si Mayor ng maisusuot sa drawer ni Cairo," bilin ni Manang na tinanguan ko.
"Mayor..." tawag ko. Nakuha naman niya ang ibig kong sabihin kaya tumayo na siya at sumunod sa akin.
"Uh. Salamat, Mayor. May utang na tuloy ako sa'yo," nahihiya kong saad. Hindi ko na hinintay ang sagot nito.
Hinatid ko siya sa kwarto nila Mama't Papa. Kinuhanan ko rin siya ng damit. Doon na rin siya naligo para makapagpalit.
Ako naman ay dumiretso sa kwarto ko. Kumuha lang ako ng simpleng bistida at naligo na. Nagsuklay lang ako ng kaunti at pinapatuyo na ang buhok ko nang may kumatok.
"Sai," si Isaac.
"Hmm?"
"Gusto kong pumasok."
"Ayoko," sagot ko. Narinig ko ang pagkainis niya, mukhang hindi siya natutuwa.
"May utang ka sa akin. Bayaran mo na," asik niya.
"Magkano ba?"
"I am not referring to cash, Sai. Just... let me in. Bago ko ipaalala sa'yo na tinanggihan mo ako sa date na inaalok ko." Napakagat labi ko. Blackmail!
"In," sagot ko.
Tumunog ang pinto, bumukas ito. Pumasok siya, nakapakrus na naman ang braso at masama ang tingin sa akin.
"Nice room. So girly and eye catching, tulad ng may-ari." Pinaikot niya pa ang tingin sa buong silid.
Pero tumigil siya at ipinako ang tingin sa akin. "Pwede akong maupo sa bed mo?" Conyo.
Tumango ako. Umupo siya doon ay nakangusong napatitig sa akin. Napaiwas na lang tuloy ako ng tingin sa pagkailang.
Kinuha niya ang unan at inamoy iyon. Napangiwi na lang ako. "Your soap's smell is mabango." Conyo na naman.
"Mayor, I can give you Bioderm if you want that smell. Huwag mo singhutin 'yang unan kasi may laway ko 'yan." Sumama ang mukha niya at agad na binitawan ang unan.
"Well, I am bored."
"Go home. At saka, bakit ka ba nandito? Wala si Papa rito. Pagtitripan mo na naman ako, Mayor." Nilawayan niya ang kan'yang pang-ibabang labi at mariin na tumitig sa akin.
"Hindi kita pinagtitripan. Ni-text kita last night pero ni-reject mo ako. Wala akong planong landiin ka, you can call it a friendly date! At kung hindi ako pumunta rito, baka nanghihingalo ka na diyan!"
Umirap ako. "Mayor, you're the Mayor and nine years older than me. You want some issue, huh. And stop tripping and flirting."
Tumaas ang kilay niya. "Flirting, huh. And issue, what? I am single and you're single. And... age doesn't matter. At sinasabi ko sa'yo, it's just a friendly date."
"No. Hindi ako pwedeng lumabas ng Casa."
He smirks. "Hindi ako pupunta rito ng walang alas. Nagpaalam na ako kay Tita Josephine, she said yes. Gusto mo pa ng proof?"
"Huwag na, Mayor. Mayor ka, oo na't may alas ka. So, kailan ang sinasabi mong friendly date?" In-emphasized ko pa ang salitang friendly na sinasabi niya.
"Ngayon." Nanlaki ang mata ko. Hindi makapaniwala.
"Hindi nga? Seryoso ka diyan? Ngayon talaga?" Bored siyang tumango.
"At saan naman tayo pupunta?" tanong ko. Malapad siyang ngumiti.
"Well, surprise and uh, I'll tour you to San Jose del Monte," sagot niya.
"Surprise and tour?" Ngumiti siya sa akin at tumango. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti rin at siyempre... kiligin.