Chapter 7
Hinatak niya ako pababa, pero hindi kami tumuloy palabas ng mansyon. Bagkus ay dinala niya ako papunta sa kusina kung saan kasalukuyang nagtitimpla ng kape si Auntie Seah.
"Auntie," tawag ko.
Humarap naman sa akin si Auntie Seah. "Oh. Sai at Mayor Isaac." Mukhang gulat pa siya nang makita kami.
"Aalis po kami, Auntie," pagpapaalam ko. Otomatikong napatingin siya sa kamay ni Isaac na nasa pulso ko.
"Aalis? Ayos ka na ba? You look so pale, Sai. At isa pa, alam ba 'to ng Mama Jo at Papa Cai mo? Alam mong sa akin ka ibinilin ng mga magulang mo."
"I am fine, Auntie." Sinalat muna ni Autie Seah ang ulo't leeg ko para i-check kung maayos ang kalagayan ko. Nang masigurado niyang okay naman ako ay tumango na siya.
"At ikaw, Isaac?"
Tumikhim si Isaac. "Kung 'yong tungkol po kay Tito Cairo and Tita Josephine, opo... Auntie Seah. This friendly date is safe and clear. I will not disrespect Sir Cairo's will." Tumango naman si Auntie Seah kahit na nag-aalangan pa rin siya.
"Friendly Date," naguguluhan niyang tanong. Napakunot ang noo niya at halatang nagtataka. Kasi nga friendly date.
"Ah. Yes, Tita. Mayor Isaac is my friend, we're friends!" Napangiwi si Auntie, halatang hindi kumbinsido. Pero wala na rin siya nagawa kaya pumayag na lang siya.
"Sige, Mayor. Basta iuwi mo siya na walang galos," paalala ni Auntie at muling bumalik sa ginagawa, pero muli siyang humarap.
"Paano ang kape niyo?" tanong niya. Napanguso ako. Oo nga naman at sayang ang kape.
"Palagay na lang sa refrigerator, Auntie. I'll drink that for my midnight snack."
"Ganoon ba? Sige. Lumarga na kayo at mag-ingat," muli niyang paalala. Yumakap muna ako sa kan'ya bago kami umalis.
Muling hinawakan ni Isaac ang pulso ko. Pinilit ko 'yon tanggalin pero masyadong mahigpit ang hawak niya. Hindi na ako nakaangal kaya nagpahatak na lang ako sa kan'ya sa palabas ng Mansyon.
Nang makarating na kami sa labas ay nandoon ang kotse niya. Doon ay nagkaroon na ako ng pagkakataong alisin ang kamay niya. Agad niya naman akong sinamaan ng tingin.
"Why are you always trying to remove my hand from your wrist?"
"Masakit kaya. Ang bigat ng kamay mo, Mayor. Tapos ang higpit pa ng hawak mo," reklamo ko.
"Masama bang hawakan ka? I just want to hold you. Next time, kamay mo na ang hahawakan ko."
Natulala ako sa sinabi niya. Ilang segundo akong nag-isip bago magsink-in sa akin ang sinabi niya. "Hoy, Mayor! Anong sabi mo?! At bakit mo naman hahawakan ang kamay ko?"
"Umalis na tayo. Mag-to-tour pa tayo. Malaki-laki ang CSJDM. Sakay na," usal niya. Wala akong nagawa kun'di sumakay na lang. Pumunta siya sa kabilang side para.
Padabog akong sumakay. Ni hindi man lang ako pinagbuksan, ungentleman!
Pinaandar niya na ang engine. Masama pa rin ang tingin ko sa kan'ya. Lalo na nang mag-play ang rock, naghehead bang pa siya habang nagmamaneho.
"Stop that, Mayor. Baka ma-aksidente tayo. At saka bakit ba ganiyan 'yong kanta, I want sweet songs."
"Hindi, tayo maaksidente. Chill ka lang, bebe. At saka, maganda naman, ah. Ayaw mo ba sa rock?"
"Not that ayaw. Mass gusto ko lang 'yong sweet. Magaan 'yong ambiance pero masarap magdrama. You wouldn't understand because you're a boy and I am a girl."
"Pareho talaga kayo ni Mom. Kaya siguro siya sobrang fond sa'yo." So, boto sa akin si Tita?
"Well. We're girls," saad ko.
"But you're different. Very different... damn different..." bulong niya. Pero sapat pa rin ang lakas para marinig ko.
Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Walang nagtangkang magsalita. He's busy driving and I am busy watching the views.
"What song do you want?" biglang tanong niya.
"Ah. Sad Song by We the Kings." Binuksan niya ang phone niya, may kung ano siyang hinahanap. Saktong paglapag niya ay ang pagtugtog ng paborito kong kanta.
You and I,
We're like fireworks and symphonies exploding in the sky.
"With you, I'm alive...
Like all the missing pieces of my heart, they finally collide," pagsabay ko sa pangalawang linya ng kanta.
Like all the missing pieces of my heart, they finally collide.
So stop time right here in the moonlight,
'Cause I don't ever wanna close my eyes.
"Your voice is maganda. You sing?" Napatingin ako sa kan'ya, ngumiti at sinenyasan sila ng 'slight' gamit ang daliri ko.
Without you, I feel broke.
Like I'm half of a whole.
Without you, I've got no hand to hold.
Without you, I feel torn.
Like a sail in a storm.
Without you, I'm just a sad song.
I'm just a sad song.
"Saan ba tayo pupunta? Parang ang layo ng biyahe, ah."
"Hindi na surprise kapag sinabi ko sa'yo." Nagmake face siya.
With you I fall.
It's like I'm leaving all my past in silhouettes upon the wall.
With you I'm a beautiful mess.
It's like we're standing hand in hand with all our fears upon the edge.
"You know Gracie Adams, right? Sabagay, paanong 'di mo makikilala? Aside of being an actress, future sister-in-all mo nga pala 'yon." Napataas ang kilay ko.
"Haha. Nakakatawa ka, ang issue mo. At oo, ka-close ko nga 'yon. Bakit mo natanong, crush mo?" Umirap siya.
"Nah, not that. I just want to ask if she's taken." Nanlaki ang mata ko. Indenial pa, crush naman talaga niya.
"Oo, taken! Kaya wala kang pag-asa d'on," asik ko.
"Tumahimik ka nga. Mas maissue ka nga sa ating dalawa. Tinatanong ko lang, because she's very familiar," paliwanag niya.
Binigyan ko siya ng hindi naniniwalang tingin. "Weh? Sa ganda n'on hindi mo crush? At saka, Mayor ay natural lang na pamilyar. Eh, artista 'yon, eh!"
"Lol. Not like that. Parang nakita ko siya sa isang party. And maybe it's a party of politicians, hindi naman ako pumupunta sa ibang party. Except yours, Sai." Hindi ko alam kung kikiligin ako sa kan'ya. Pero alam kong hindi tungkol sa akin ang ibig sabihin, it's about Ate Gracie.
"What do you mean, Mayor?"
"Well, your future sister-in-law has a secret relationship with a politician." Sa mga narinig ko, sigurado akong may basehan siya. After all, he's a Mayor, he won't do anything that will make him bad.
Hindi ko tuloy maiwasang maging tahimik habang nasa biyahe kami. Kaya ba nagkakaroon ng problema ang pamilya ni Law ay dahil may karelasyon siyang politiko?
"Sai?" si Isaac. Malumanay ang tono niya at pinupukaw ang atensyon ko.
"Bakit, Mayor?"
"You're thinking about my theory? Sobrang lalim ng thoughts mo. Hindi mo manlang napansin na tumigil na tayo."
"Ah. Sorry. Nandito na pala tayo?" Tumingin ako sa labas. Katulad ng property ng Saldivar na pinagdalhan sa akin ni Mayor kahapon, damuhan din ito. 'Yon nga lang ay mas malawak ito at halos maabot na ang ulap sa taas ng lugar.
"So, gusto mo bang makatuntong sa d**o o titignan mo na lang mula rito sa bintana?" Lumawak ang ngiti ko. Tinanggal ko ang seatbelt ko at nauna pang bumaba sa kan'ya.
"Woah," mangha kong reaksiyon nang makatapak ako sa damuhan.
I started to ran and jump like a kid. Kulang pa ang salitang pagkamangha para ma-i-describe ko ang nararamdaman ko habang nakatingin sa labas. This view is very satisfying.
"Where are we?" tanong ko sa kan'ya nang makita kong tumabi siya sa akin at nakitanaw din.
"Nasa property ko. I bought this for my future family." Napatingin ako sa kan'ya nang banggitin niya ang future family. Kusa akong napapangiti sa simple niyang mga salita.
"Ikaw ang pangatlong babae na dinala ko rito." Sumama ang mukha ko. Pangatlo lang?
"So, who's the first and the second one? Swerte naman nila."
"The first one is my Mom. Bata pa lang ako, pangarap ko na 'tong bilhin. Lagi kasi akong sinasama ng great grandfather ko sa lahat ng bundok na alam niya kapag binibisita ko siya. And this one is my favorite among those mountains. Pagkabili ko rito, dinala ko na agad si Mama rito," nangingiti niyang kwento.
Biglang lumamig ang hangin. Parang sinasabing 'wag ko nang ituloy pa ang gusto kong itanong. "S-so, if your Mom is the first one, who's the second one?"
Napako ang tingin ko sa mukha niya. Para akong kakapusin ng hininga habang tinitignan ang pagmumukha niyang dati'y kinaiinisan ko pa.
"Si Lai, my first love, my everything, my queen, my world, my life. Pero dati 'yon... Siya 'yong taong akala ko makakasama ko hanggang dulo." Nanatili siyang nakatingin sa kalangitan. Seryoso ang mukha niya at walang bahid ng sakit, but his eyes are telling me how painful it is.
Parang may kung ano sa puso ko ang gustong sumabog. Ako ang nasasaktan para sa kan'ya at hindi ko alam kung naaawa ba ako sa kan'ya o... He's a very tough mayor, still serving despite of those conflicts.
"But she left me for her passion. I understand her side. Mahal ko siya ng mga panahon na 'yon, at kasiyahan niya lang ang gusto ko," dagdag niya pa.
Kahit na parang may bumara sa lalamunan ko ay nagawa ko pa ring magsalita, "Do you still love her, Mayor?"
"Hindi na. Masasabi kong naka-move on na ako. At alam ko ring nakamit niya na 'yong bagay na gusto niya. She's now a diamond and she's shining... without me," nakangiti niyang saad at tumingin sa akin.
"I don't care about what happened in the past, Sai. At saka friendly date natin 'to, hindi 'to open forum," pabiro niyang saad.
Nagkwentuhan kami habang nakatanaw sa kalangitan. Nakaakbay siya sa akin, na parang walang nangyari kanina. "Ang mahalaga talaga ngayon ay ang future. Future kasama ang mahalagang babae ngayon sa buhay ko."
Umalis muna siya saglit para sa isnag tawag, pedo agad din siyang bumalik. Pasado alas kwatro nang yayain niya akong pumunta pa sa pinakamataas na bahagi ng bundok.
"Hala." Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang mga nagliliwanag na palamuti at pasabit. Sa gitna ay ang pabilog na lamesa na may nakahaing pagkain.
"Maaari ba akong maging escort mo, kaibigan?" Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Natatawa ko itong tinanggap, agad niya akong inakay palapit sa lamesa at pinaghatak ng upuan. "Sit down, Sai my friend."
"Mauubos ba natin 'to?" nag-aalangan kong tanong habang nakatingin sa sangkaterbang pagkain na nasa harapan namin. Ni hindi ko nga alam anong dapat unahin sa dami.
"Kung hindi, ipapauwi ko na lang sa bahay para hindi sayang. Kumain ka ng marami at lilibutin pa natin ang SJDM." Tumango ako at nag-umpisang maglagay ng pagkain sa plato.
Nagkaroon kami ng kwentuhan habang kumakain. He's very genuine and pure, his laughs are true. Mas nararamdaman kong nagiging comfortable na ako sa kan'ya. Well, mukhang mali ako ng pagkakadescribe sa kan'ya noon about sa pagiging weird, blackmailer, annoying at arogante siya.
"Bakit ka tulala, Sai? Iniisip mo na naman si Lawrence 'no?" nakataas ang kilay niyang paratang.
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Bakit ba laging nasisingit ang bestfriend ko, ha? Crush mo talaga si Ate Gracie, 'no?"
"Okay. Oo na. Hirap talagang makipagtalo sa babae." Nagmake face ako at isinubo ang huling kutsara ng kanin na nasa plato ko.
"Uminom ka na. Bilis!" Agad niya akong pinatayo at hinatak papunta sa gilid ng bundok.
Gabi na pala, wala ng araw at tanging mga bituin na lang at malaking buwan ang makikita sa langit. Pero mas kapansin-pansin ang maliwanag na City Lights.
"This place is very lit, Mayor. Ang dami ko pa palang hindi alam tungkol sa San Jose del Monte."
"San Jose del Monte is the Rising City. Not only in it's economy but also in Mystery," aniya.
"Sabi mo ililibot mo pa ako sa San Jose del Monte." Napalabi ako at marahang minasahe ang palad ko.
"I am just waiting for you. For you to be ready." Hindi ko alam pero biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Walang masabi. Abnormal!
Napabuntong hininga siya at walang anu-ano'y tinalikuran ako. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod na lang hanggang sa makarating kami sa kinaroroonan ng kotse niya.
"Let's go." Pinaandar niya ang kotse palayo ng bundok. Hanggang sa makalabas ng tunnel ay nakadungaw pa rin ako sa tuktok ng bundok kung saan kitang-kita ang pagiging pantay ng lupa at ulap.
"Saan tayo?" tanong ko. Tumingin muna siya sa side mirror bago ako binalingan.
"You don't want issue, right? Mag-ro-roadtrip tayo. We can't stay to a certain place, other people might cause us and make some chismis."
Pinaharurot niya ang kotse. Binuksan niya ang bubong ng kotse, mapalad na rin kami't hindi umuulan. Mas masarap magroadtrip sa malamig na gabi.
"You have shades there, Mayor?" Hindi siya sumagot, bagkus ay inabot na lang sa akin ang shades na nakatabi sa kotse niya.
Tumayo ako at hinayaang sumayaw ang buhok ko. Despite of having a commercial status, you can still feel the coldness and freshness of air in San Jose del Monte.
"Enjoying, huh." Hindi ko siya pinansin. Dapat ko lang namang i-enjoy ang friendly date namin.
"Siyempre! This friendly date is very lit!" Umasim ang mukha niya at sinamaan ako ng tingin.
"What are you enjoying, Sai? The view or to be with me?" Agad akong napabaling sa kan'ya. Hala ano 'yon? Tama ba ang pagkakarinig ko? Totoo ba?
"Ha?"
"Wala. Just take care of yourself habang malayo ako. Mag-aalala si Kuya Isaac kapag napahamak ka." Ah, kuya. At bakit siya aalis?
"Bakit ka aalis? Matagal kang mawawala, Mayor?" naguguluhan kong tanong.
"I'll be gone for 2 weeks. Conference meeting," sagot niya. Wala naman akong magagawa kaya kusa na lang akong napatango.
"Ah. Ingat ka, Mayor."
"I'll be back," sabi niya habang diretsong nakatingin sa daanan.
"Kaya nga sabi ko ay mag-enjoy ka. Maghihintay ako." Napalabi ako at bumaba ang tingin sa kamay ko. Mas bumigat ang puso ko dahil sa lamig ng hangin sa patuloy na mabilis na pag-andar ng kotse.
Hindi ko na tuloy alam kung paano titimbangin at tatapusin ang araw na 'to. At mas lalong hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko sa kan'ya. Is this attraction, interest, like or love?
"We're finally here to our last destination, Sai." Hindi ko siya magawang tignan.
"Hey. Sabi ko naman sa'yo na babalik ako 'di ba. Akala mo naman mamamatay na ako." Pinalo ko ang braso niya.
"I know. Wala lang mangtitrip sa akin na gurang pero isip-bata in two weeks. Sa totoo nga ay masaya pa ako kasi walang mambibwiset sa akin," pagsisinungaling ko.
"Sure ka diyan?" tanong niya habang tumataas ang kilay.
Bumaba ako sa kotse, malawak na kapatagan ang sumalubong sa akin. I'm too confuse, ano ba 'to?
"Nag-enjoy ka ba sa friendly date natin, friend?" Tinulak ko siya at tumakbo. Napahiyaw ako nang magsimula rin siyang habulin ako, wala na akong nagawa kun'di ang takbuhan siya.
Nang mapagod kami at kapwa kaming napasandal sa kotse. 'Di ko tuloy mapigilang matulala sa dami ng bituin sa kalangitan.
"Look, Mayor! May shooting star." Napatingin siya sa kalangitan at napangiti.
"Mag-wish tayo," pagkasabi niya n'on ay napapikit na lang ako.
Sana malaman ko na kung ano ka at sino ako sa puso ng isa't-isa. How can I find out this feeling kung dalawang araw pa lang simula nang makilala ko ang tunay na ikaw?
Nagkatinginan lang kami at nagngitian. Nagyaya na akong umuwi dahil pasado alas onse na rin. Sinalubong ako sa Casa, hindi na tinanong mga katiwala kung saan ako nanggaling nang makilala nila si Isaac.
Sinalubong ako ni Autie Seah, nakamake face na siya at nakataas ang kilay. "Oh, kamusta ang friendly date?"
"Auntie naman..."
"Huwag mo kaming biguin, Sai. Pinagkakatiwalaan ka ng buong Dujerte," nang sabihin niya 'yon ay agad tumalikod.
Namuntawi ang katahimikan sa pagitan namaing dalawa nang umalis si Auntie Seah. Mukhang nakuha niya ang nais sabihin ni Auntie.
"So, see you after two weeks, Sai?" Pilit akong ngumiti at tumango.
"Ingat, Mayor. Please, come back." I want to know my real feelings for you.
Hindi siya sumagot. Nginitian ko siya, kumaway at saka tumalikod.
"I will. At sa pagbabalik ko, tatanggapin ko ang lahat ng sugat at sakit para sa'yo." Bumilis ang t***k ng puso ko. I just want to admit that in just two days, I realized how attracted he is and I am slowly falling for that.