Chapter 8
"I will. At sa pagbabalik ko, tatanggapin ko ang lahat ng sugat at sakit para sa'yo."
Hindi na naman ako patutulugin ng mga sinasabi ni Mayor. Hindi ko kasi maintindihan ang ibig niyang sabihin, basta ang alam ko'y bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig ang mga sinabi niya.
"Two weeks..." pagbibilang ko gamit ang kamay ko. Eksaktong labing-apat na araw mula ngayon.
Labing-apat na araw pa ang hihintayin ko bago ko maintindihan ang lahat. Labing-apat na araw bago ko mabigyan ng ibig sabihin ang pagkabalisa ko tuwing kausap ko siya.
---
Maaga akong nagising dahil sa tawag ni Mama. Nagsabi lang siya na mamayang gabi ang uwi nila dahil may kailangan pa silang puntahan na tao ni Papa. Ayan tuloy, nawala bigla ang antok ko at pinili na lang bumangon para makapagsepilyo.
Kasunod ng tawag ni Mama ay ang request video call naman nila South, Miles at Law. Tinapos ko muna ang pagsesepilyo bago sagutin ito.
Unang tumambad sa akin ang mukha ni Miles na nakaayos na at nakasimpleng pambahay. 'Di tulad namin nila Law at South na bagong gising lang.
"Goodmorning!" bati ni Miles.
"Oh, Mildred Ester, bakit ang aga-aga'y nambubulabog ka?" si South na halatang nakahiga pa sa kama at nakapikit ang mata. Halatang inaantok pa siya at wala pa talagang balak na bumangon.
"Oo nga, Mil. Ang aga pa," gatong ko naman. "Tignan mo nga si Law, ni hindi pa makapagsalita sa kaantukan."
"Na-miss ko lang kayo! Lalo ka na Sai! Iba rin pala kapag may taga-saway rito sa grupo. 'Yang si Law, may hang-over pa 'yan kaya 'di makadilat at makapagsalita," walang preno ang pagkekwento ni Miles. Ang laki ng buka ng bibig niya at kulang na lang ay tumalsik ang laway niya.
"Ha? Nag-inom kayo kagabi?" aktibong tumango si Miles.
"Bakit?"
"Oh, edi kasiyahan at para damayan ang friend nating broken hearted! Iyak-iyak pa 'yan kagabi kasi raw---"
Pinutol siya ni Lawrence, "Miles, shut up."
Natahimik naman si Miles. Mukhang napagtanto niya na hindi na gugustuhin pa ni Law na malaman ko ang nangyari kahapon. Parang bigla tuloy akong na curious.
"Miles..." Napanguso si Miles nang tawagin ko ang pangalan niya. Ibig sabihin lang n'on ay gusto kong ituloy niya ang sasabihin niya dapat kanina.
"Huwag mo na itanong, Sai. Ako na magkekwento. Ganito kasi 'yon, broken hearted kasi ako kahapon. Oo 'yon! Umiiyak ako tapos sinasabi kong Tangina, pre, ang sakit. Ako 'yong nandoon pero sa iba nakatingin 'yongmata niyang kumikislap. Kakakilala niya lang doon pero ako nandito na ako simula pa lang!" Hindi ko mapigilang matawa sa kwento ni South, maging si Miles ay nakitawa na lang din.
"What's funny?" biglang tanong ni Lawrence. Mula sa screen ay kitang-kita ko ang pagkaburyong. Palibhasa'y may hangover pa at kulang sa tuloy.
"Ano ka ba, Law? Siyempre nakakatawa nga si South kahapon kasi lasing na lasing siya tapos nakalumpasay sa labas ng club tapos umiiyak," saad ni Miles at humagikgik.
"Walang nakakatawa roon. He's hurt because of someone... very close to her. He can't say his feelings for that girl kasi takot siyang masira 'yong pinangalagaan niyang friendship," naiinis niyang saad. Napa-ow na lang kami sa sinabi niya.
May pinaghuhugutan ba 'yong bestfriend ko? Parang mas apektado pa siya kaysa kay South.
"Okay lang ako, Law. Medyo masakit lang naman," si South.
"Kahit na. Mukha bang ayos 'yon? You're laughing because he's crying in pain," mapait siyang ngumiti nang tignan kami sa camera.
"Aminin mo nga sa akin, Law. Ikaw 'yong broken hearted 'no? Hindi si South 'yon!" Binasa niya ang pang-ibabang labi.
Tinignan ko ang camera nila Miles at South. Ni hindi sila tumutol o sumabat man lang. Ibig sabihin ay totoo! At kung totoo, kanino naman brokenhearted ang kaibigan ko?
"So, ikaw nga?" Napailing siya at patuloy na binabasa ang pang-ibabang labi.
"Hindi. Kanino namang kaibigan ako mabo-broken? Marunong akong mag-handle ng feelings ko. Sinasabi ko lang na huwag niyo tawanan si South," paliwanag niya. Napairap na lang ako. Ano bang pakiramdam ng lalaking 'to? Pinanganak ako kahapon?
"Ah, sige. Sabi mo, eh. Pero kung ako sa'yo, South ay dapat kang umamin sa babaeng gusto mo. Kung kayo talaga, malalaman niya ang kahalagahan mo."
Napapalakpak si Miles at South. "Wow, love guru! Saludo talaga ako kay Sai. Kulang talaga kapag wala si Sai, walang tagapayo. Kaya miss na miss ng isa diyan kahit na noong isnag araw lang sila nag-dinner."
"Ano?"
"Wala. Sabi ko miss na kita," nakangiting saad ni Miles.
Nag-umpisa na namang dumaldal si Miles. Kami namang tatlo ay masipag na nakikinig sa kaingayan niya. Nawala ako sa video call nang may magpop-up na chat at text.
From: Mayor
Busy?
Nakatulog ka ba kagabi?
Done eating?
Napahagikgik ako at napakagat sa labi ko. Concern ka ba sa akin, Mayor?
Isaac Saldivar
Hey.
You're online, busy?
Hey, I just want to talk with you bago mag-umpisa ang meeting.
Seen. Ouch.
Chyrel Joy Dujerte
Sorry, Mayor. Naiwan kong naka-on ang data ko and may kausap din ako.
Isaac Saldivar
Sino?
I mean is...
Nevermind.
By the way, goodmorning, Sai.
Kain na.
Chyrel Joy Dujerte
Goodluck, Mayor! See you soon.
Naghintay lang ako ng ilang saglit. Nang makita kong nagheart react na lang siya sa last message ko ay bumalik na ulit ako sa group chat namin nila Miles, South at Law.
Mildred Ester Salvador
@Chyrel Joy Dujerte
@Chyrel Joy Dujerte
@Chyrel Joy Dujerte
Hoy, babae! Bakit nawala ka?
Samuel Oscar Guevarra
@Lawrencius Adams
@Lawrencius Adams
@Lawrencius Adams
Lawrencius Adams
Wtf. Why are you mentioning me, South? I am here.
Mildred Ester Salvador
Bakit mo ba ni-me-mention si Lawrence? Si Law ba si Sai, ha? Bobo!
Chyrel Joy Dujerte
What's new? May kinausap lang ako.
Lawrencius Adams
Hulaan ko.
Mildred Ester Salvador
Wow, kilala. Pahigop ng tsaa. Ano bang klase ng lalaki 'yan? Tagapagmana? Badboy? Nerd?
Chyrel Joy Dujerte
Wala, ah! Malisyoso lang 'yang si Law. Parang kuya ko lang 'yon.
Lawrencius Adams
Kaya pala galit noong nagpanggap ako na boyfriend mo. Ganoon pala kagalit 'yong kapatid.
Mildred Ester Salvador
Ilang weeks ka pa lang diyan, ah! Aba, lakas ng kamandag ng Saisai namin!
Chyrel Joy Dujerte
Wala nga.
Oo nga pala, kakain na muna ako.
See you, guys!
Itinago ko na ang phone ko. Lumapit muna ako sa kalendaryo at minarkahan ang unang araw. Kusa akong napangiti nang mabilang na labing-tatlong araw na lang ang hihintayin ko.
---
Twelve. Eleven. Ten. Nine. Eight. Seven. Six. Five. Four. Three. Two. One. Bumaba na pala sa labing-dalawang ang araw na dapat kong hintayin.
"Bakit nagbibilang ka, Sai? Ngiting-ngiti ka pa diyan." Napalingon ako sa likuran ko. Nandoon si Mama na nakatayo sa may tapat ng pinto.
"Wala, 'ma," nangingiti kong sagot.
"Totoo ba, Sai? O ba binibilang mo lang ang araw kung kailan darating si Mayor galing sa meeting? Naku po, iba na 'yan," panunukso niya. Hindi ko alam kung bakit imbis na mainis ay mas nangingiti pa ako.
"Mama naman. 'Wag mo na ako tuksuhin. Magkaibigan lang kami. Okay lang naman na ma-excite kahit friends lang 'di ba? I am just feeling lucky kasi I respect their family," paliwanag ko.
"Ganoon ba? Ikaw ang bahala. Kung anong sa tingin mo, 'yon ang susundin namin. Hindi kita pipilitin na sabihin mo na agad ang nararamdaman mo. It's not hard to like a Saldivar, mahalin lang ang mahirap sa kanila. Kasi kapag inangkin ka nila, hindi ka na makakawala pa." Parang tumagos sa puso ko nang sabihin 'yon ni Mama, pero mas kapansin-pansin ang malalim na payo niya. Naranasan niya na ba? Nagmahal na ba siya ng isang Saldivar?
"Mama, okay lang ba na magkagusto sa taong hindi mo pa gaanong kilala? Like, you just met him," nahihiyang tanong ko.
"Oo naman. Mabilis magkagustope tapos kapag tumagal ay magiging love ba. You like him because you're interested to him. And you love him kapag kahit hindi ka na interesado sa kan'ya, makikinig ka pa rin. Bakit may nagugustuhan ka na ba?"
Napalabi ako. "Wala, 'ma. Kaibigan ko lang. And she can't admit the fact that she likes the guy."
"Ang masasabi ko lang ay kailangan niyang aminin. Tapos saka niya i-unlike. Mas madali mong makakalimutan kapag tinanggap mo. So, paano? Alis na muna ako," saad ni Mama at tumayo na. Kinindatan niya muna ako bago naglakad papasok ng kitchen area.
Bakit ba ako nagtatanong about love and like? 'Di ba pwedeng attracted lang o kaya nagagwapuhan lang?
From: Mayor
Are you busy?
From: Lawrence
Can we talk?
To: Mayor
Not really, Mayor. Kamusta na?
To: Lawrence
I am busy, Law. Kapag free na lang siguro ako. May pinapagawa kasi sa akin.
From: Mayor
Can I call? I am tired.
To: Mayor
Tired of what?
From: Mayor
Thinking about you.
From: Lawrence
Sige. Take care, Sai.
Napakagat ako sa labi ko. Hindi ko maiwasang ma-guilty at makonsensiya. Lawrence is my bestfriend, pero paano ko mapipigilan ang ganitong sitwasyon?
I know that Law will fully understand my feelings and thoughts. And Mayor Isaac... I want to know him more.
---
Minarkahan ko ang kalendaryo. Eksaktong sampung araw na lang bago umuwi si Mayor Isaac.
From: Mayor
Goodmorning. Another day of meeting.
To: Mayor
Goodluck, Mayor!
"Kain na, Sai. Mamaya na 'yan. Makakapaghintay 'yang cellphone mo, pero ang pagkain ay hindi." si Papa na humihigop ng mainit niyang tsaa.
"Teka lang, 'pa."
"Sai, tama ang Papa mo. Tama na 'yan. It's too early at babad ka na agad sa phone mo." Napanguso ako at sumunod na lang sa utos nila.
Malalaki ang naging subo ko. Naparami nga 'ata ang paglalagay ko ng kanin at ulam dahil busy akong ka-text si Mayor kanina.
"Hindi ka tatakbuhan ng pagkain mo, Sai. Hinay-hinay ka naman at baka mabulunan ka," saway ni Mama sa akin. Nginitian ko lang sila at pinagpatuloy ang pag-ubos ng pagkain sa plato ko.
"Busog..." Napadighay ako dahil sa kabusugan. Feeling ko rin ay maduduwal ako anytime. Hindi tuloy maiwasan ni Mama na punahin ang kilos ko. Natampal niya ang braso ko pero nagpeace sign na lang ako.
Agad na akong tumayo bitbit ang phone ko. Mabilis akong umakyat sa taas, ilang beses nila akong tinawag pero hindi na ako sumagot pa. Alam ko naman na alam na ni Mama kung bakit ganito ang kinikilos ko, malakas kaya ang Radar n'on.
From: Mayor
Can I call?
To: Mayor
Ha? Okay lang, Mayor. Boss ka, eh.
Mayor is calling...
Ang bilis ng pintig ng puso ko, parang sasabog. Ano ba itong nararamdaman ko?
["Hi, goodmorning."] Kagigising pa lang. Ang husky and uh, sexy...
"Goodmorning, Mayor..." bati ko sa maliit na tono. Bahagya siyang humalakhak.
["Done eating? Sorry, kagigising ko lang. Late na kasi natapos 'yong meeting kahapon.]
"Ah, yeah. Kakatapos lang kumain, Mayor. Ikaw po?
["Kumakain habang kausap ka. Vegetable salad and wheat bread. Uh, ten days na lang.]
"See you soon, Mayor. Ingat ka diyan, kailangan ka pa ng San Jose del Monte."] Pati ako. Hindi ko maiwasang mapakagat labi dahil sa naiisip ko.
["Ikaw? Hindi mo ba akong kailangan?"] Same thoughts, Mayor.
"Uh, inuutusan pa kasi ako, Mayor. Kapag may free time na lang ulit. See you soon, Mayor Isaac."
["Ah, wai---"] Bago pa siya makasagot ay ibinaba ko na ang tawag. Parang nanghina ang katawan ko at kusang bumagsak sa kama.
---
Nine days.
Isang araw pa lang ang lumilipas pero parang isang taon na. He keeps on calling me and I keep on texting him kapag may free time kami.
Tulad na lang kanina na umagang-umaga pa lang ay tumatawag na. Assuming na kung assuming, pero pwede naman akong mag-assume 'di ba? It's not a normal thing para sa magkaibigan. Pwera na lang kung ganito niya tratuhin ang lahat ng kaibigan niya.
From: Mayor
Goodnight, take care.
'Yan ang last text niya sa akin kanina. Simple lang pero ang lakas ng epekto. Mapapasabi ka na lang ng Attracted talaga ako sa lalaking 'to.
From: Lawrence
Sai...
I wsnt us to tslk.
Snswer my text, Sai.
Dsmn.
Anong problema na naman ng lalaking 'to? Ang daming typo, parang lasing.
Lawrence is calling...
"Law..." tawag ko nang sagutin ko ang tawag niya. Maingay ang paligid pero rinig na rinig ko ang mahihina niyang hagikgik.
["Hoy, P're! Haha. Sinagot mo rin. Akala ko nakalimutan mo ako, eh. Alam mo ba may ke-kwento ako. Haha. Hindi ka maniniwala kasi kahit ako hindi makapaniwala."] Sumisinok pa siya at naduduwal. Lasing ba 'to?
"Hoy, Lawrencius! Lasing ka ba?"
["Hindi, ah. Ako malalasing? Impossible! Malakas 'ata ako!"] sigaw niya pa sa linya. Nailayo ko tuloy ang phone ko.
"Huwag mo akong pinagloloko! Bakit ka lasing? Nasaan si South at Miles, bakit ikaw lang mag-isa?!"
["Hindi ko sila sinama. Baka kasi malaman nila kung kanino ako broken hearted. Baka malaman nilang kay Chyrel ako broken hearted tapos makarating pa sa kan'ya. Sakit n'on, p're!] Anak nang, sa akin? At saka ano bang pumasok sa utak nito at tumatawag ng nakainom. Lakas ng amats!
["Tangina, lagi na lang akong hindi pinipili. Anong silbi ng yaman ko kung hindi naman ako pinipili? Ebarg, p're. Ako 'yong nandito sa tabi ni Sai pero doon sa matandang Mayor siya attracted! May abs din naman ako, edad lang lamang sa akin n'on!]
"Hoy, Lawrencius! Tumigil ka na, sure akong pagsisisihan mo lahat kapag nagising ka kinabukasan."
["Hindi, ah! Mas pinagsisisihan ko pa na hindi agad ako umamin sa kan'ya. Lintik kasi, napakatorpe!"]
"Bakit ano bang gusto mong iparating kay Sai?" Sumakay na lang ako sa trip niya.
["Gusto kong malaman niya na mahal na mahal ko siya! Na kaya ko siyang palayain para sa ikasasaya niya. Pero sana huwag niya akong layuan kapag nalaman niya ang nararamdaman ko. Kasi, p're... ang sakit-sakit na."] Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Akala ko mababaw lang ang nararamdaman niya, at ngayon malalaman kong mahal na mahal niya ako.
["P're..."]
"Ano?"
["Pakisabi naman kay Sai 'yong gusto kong sabihin. Ayokong ako magsabi kasi masakit mabasted nang harap-harapan, eh.]
"Anong ipapasabi mo?"
["Sabihin mo ano..."]
"Ano?"
["Ano... basta ano..."]
"Anong ano nga?! Puro ka ano! Bibigwasan ka kita, Lawrencius!"
["Mahal kita, Sai. Mahal na mahal kita." ]