Chapter 9
Hindi na tuloy ako mapakali dahil anytime today ay uwi na ni Mayor. Kanina pa nga ako pabalik-balik sa paglakad. Ano ba namang puso 'to! Ayaw tumigil sa pagtibok!
"Sai!" Napatingin ako sa monitor nang sumigaw si Law.
Kunot na kunot ang noo niya at mukhang kanina pa ako pinapanood. Pati tuloy si Miles na nagsusulat ng ipapasa niyang manuscript ay napatingin sa monitor. Same with South na ka-chat ang girlfriend niya habang naka-video call kami.
"Ha? Bakit?" tanong ko.
Sinamaan ako ng tingin ni Lawrence. "Hindi ka mapakali. Ano bang meron at kabadong-kabado ka? Are you waiting for someone? Hindi mo kasi naririnig na nagke-kwento ako regarding sa kalasingan ko noong nakaraang-nakaraang araw," pagalit niyang asik.
"Ha? Sorry. Ang tagal kasi tumawag ni Ma---Mama! Oo, tatawag si Mama!" Muntikan ko na talagang mabanggit si Mayor. Wala namang alam sila Miles at South tungkol doon.
"Sai. Uuwi na raw si Ma--- Hi, kids!" Nanlaki ang mata ko nang biglang pumasok si Mama. Muntikan niya na rin mabanggit si Mayor kung hindi niya lang nakita na ka-video call ko sila Miles.
"Hi, Tita! Akala ko nasa ibang lugar ka kasi tatawagan mo raw si Sai." Nagbigay ng nakalolokong tingin si Law. Si Miles naman ay nakasarado na ang laptop at humahagikgik. Nakikinig na siya sa usapan namin.
"Ha? Ah, oo! Tatawagan ko siya kasi nasaa labas ako kanina. Pero kakapasok ko lang. Oo ganoon 'yon!" Sumama ang mukha ko dahil sa hindi bentang palusot ni Mama. Halata namang hindi kumbinsido ang mga kaibigan ko.
Halatang nabalisa si Mama. Kay Papa lang kasi 'yon sanay sa pagsisinungaling. Pinanlakihan ko ng mata si Mama kaya dali-dali siyang lumabas ng kwarto ko.
"Mama pala, eh. Alam ko na tuloy saan nagmana sa kawalan ng talent sa pagsisinungaling si Sai," natatawang saad ni South. Pumapalatak pa.
"Heh! Totoo naman, ah. At ano nga ulit 'yong sinasabi mo, Law?"
"Galing mo rin, ah. Iba ka rin pala mag-iwas ng topic. Parang kanina hindi ka interesado sa kwento ko. Fake ka talaga," pag-ngingitngit niya.
"Psh. Mag-kwento ka na lang. Talak ka rin nang talak, eh. Bilis na!"
Sinamaan niya ako halatang pikon na pikon na siya sa ugali ko. Kung malapit lang ako sa kan'ya ay baka pinukpok niya na ako ng sapatos niya.
"Sabi ko salamat kasi tinawagan mo sila Miles at South para sunduin ako. Tapos pagtingin ko sa recent call ko, ikaw nasa unahan. Akala ko tinawagan kita habang lasing ako, tapos kung anu-anong sinasabi sa 'yo. Buti ipinaliwanag ni South na tinawagan ka ng manager," hindi ako nakasagot sa sinabi niya.
Napatingin ako kay South. Malalim ang iniisip niya at binabasa ang kan'yang pang-ibabang labi.
"Miles..." tawag ko.
["Oh, bakit? Gabing-gabi na, napatawag ka.] Halatang nagising lang siya dahil sa boses niya.
Knowing Miles, hindi siya 'yong tipo ko na nagpupuyat. Enough sleep is her asset for having a mirror skin. Walang skin care routine 'yan! At mukhnag naistorbo ko 'ata.
"Nakaistorbo ba ako?" Halata naman, Sai. Boba.
["Ah, no. Ano bang kailangan mo? Medyo late na rin kasi,"] pagtanggi niya sa ipinahayag ko. Nahihiya lang talaga siyang tanggihan ako, we're friends.
"Goodness, akala ko naistorbo kita. Can I ask a favor?" tanong ko.
["Hmm."]
"Pwede bang pakisundo si Law sa Hangout? He's drunk and a... mess. The manager called me kasi raw ako 'yong nasa emergency number ni Law. But, you know... I can't."
["Sige. I'll call South na rin. Mukhang broken hearted na naman si Lawrence,"] she emphasized the word 'broken hearted'. Halatang may malalim na ibig sabihin.
Nagpasalamat na lang ako at ibinaba ang tawag. Napabuntong hininga ako at hindi maiwasang mapakagat labi.
Mukhang ako lang ang walang alam sa feelings ni Law. I am insensitive towards his feelings for me. Nakakaguilty, lalo na't last night ay mas pinili ko si Mayor Isaac. Idinahilan ko kay Law na busy ako noong mga panahon na may lakas siya ng loob para umamin.
South is calling...
["Tumawag lang ako para sabihin na nasa kotse ko na siya. Buti na lang at nasa bahay ako ng girlfriend ko noong tumawag ni Miles,"] bungad sa akin ni South.
"How is he?"
["Sabi ng manager hindi ka naman daw niya tinawagan. Umamin ka nga, tinawagan ka ba ni Law na lasing? Well, hindi na nakakagulat. Tinangka niya rin na tawagan ka noong nakaraan, napigilan lang namin.]
So, ako lang pala talaga ang walang alam tungkol sa kan'ya. So, selfish and f*****g useless. What's new?
"He confessed his feelings for me and he said the he loves me as f**k. But, please... ang sabihin niyo na lang ay ang una kong palusot. I don't want him to think about me. Delete his recent message to me. I don't want to open up topic like this..." habilin ko. Narinig ko ang pabuntong hininga niya sa kabilang linya.
["I will. I am still waiting for Miles, on the way na raw siya.] Nakahinga ako nang maluwag. Naba-blangko ako dahil hindi pa rin nagsi-sink-in sa akin ang sinabi ni Law.
"Thank you," tangi kong naisagot.
["Pero pwede bang kapag 'wag mo siyang layuan? Hindi niya tinago ang feelings niya dahil torpe siya, kun'di dahil takot siyang mawala ka. Know his worth."] Hindi ako nakasagot sa sinabi ni South. Tama siya. Nakagat ko ang dila at loob ng pisngi ko. This is hard.
Ilang beses pa akong nagpasalamat sa kan'ya. Nang dumating si Miles ay nagbaba na siya ng tawag.
"Ah, oo. Tulog ka na raw sabi ng Manager. Bakit ka ba kasi nagpapakalasing? 'Di mo pa sinama sina Miles at South." Peke ang ngiting sinukli niya sa akin.
"May kainuman ako.Kaso iniwan ako rito tapos ako pinagbayad ng bills. Mga gago. Tapos ayon dinaya ako sa inuman kaya plakda ako."
Nagdadasal din ako nang araw na iyon na sana wala siyang matandaan sa mga pinagsasabi niya sa akin. He's my friend... bestfriend, alam kong alam niya kung ano ang sitwasyon ko ngayon. Friendship is the only thing that I can offer to him, we can be a good friends naman 'di ba?
Tumunog naman ang phone ko sa side table kaya nagpaalam muna ako at pansamantalang nag-off-cam.
"Ay, tae!" hiyaw ko nang makita nag-text si Mayor sa akin. Lagi naman siyang bumabati tuwing umaaga pero parang bagong-bago pa rin sa akin.
From: Mayor
g00dM0rN1nG, b4B3H
k41N k@ n4 pHo3sXc
3K4₩ L4nG z4p@7 n@
Kumunot ang noo ko sa message niya. Ang jeje tapos ang sakit sa mata. Kailan pa natutong maging ganito si Mayor Isaac?
To: Mayor
Ha? Seriously, Mayor?
Kailan ka pa natuto niyan?
From: Mayor
Oh, s**t.
The Dumbass Governor of Bulacan snatched my phone. Good things that I caught him on act.
To: Mayor
Okay.
Jeje ang Governor?
Weird.
From: Mayor
Natutunan niya sa ex niya. That dumbass na inlove pa rin sa ex niyang mas lalaki pa sa akin.
To: Mayor
Ah.
Kailan uwi mo, Mayor?
Kunwari hindi ko siya hinihintay ngayon. Tapos kunwari hindi ko alam na hindi ngayon ang uwi niya.
From: Mayor
Secret.
Surprise!
To: Mayor
Okay.
Haha. Walang sikreto na hindi nabubunyag. Joke.
Ingat, Mayor.
From: Mayor
Why are you keep on calling me Mayor?
I am not that old.
You're 18 and I am 27. Just call me Isaac. Kapag naging first lady ka na, hindi mo naman ako pwedeng tawagin na Mayor 'di ba.
To: Mayor
Hindi mo naman ako magiging first lady. Haha. Friends to first lady, speed.
From: Mayor
Wow. So, straight forward. Basted.
To: Mayor
Lol.
---
Kinahapunan ay panay ang tingin ko sa orasan. I badly want to see my... uh, crush. Yeah, Mayor Isaac Saldivar is my crush. Crush lang kasi siguro nagagwapuhan lang ako sa kan'ya, ideal kasi.
"Bakit tutok na tutok ka 'ata sa phone mo?" si Papa na hindi ko naman napansin na nasa likod ko na pala.
"Waiting for... someone's text. Friend's text po," sagot ko. Bumagsak ang tingin sa cellphone. Mayor Isaac is my friend, huh.
"You like him?" Agad akong napailing. Ang defensive ko.
Napangisi si Papa at napapailing. "Defensive. Wala akong binabanggit na pangalan. Pero nagconclude ka na agad. Bakit sino ba ang akala mong tinutukoy ko?"
Gulat ako. Papa is the proof of Sherlock Holmes. Sobrang observant niya, lalo na sa mga kilos ko.
"Ha? Wala po, Papa. I am just saying that, wala akong nagugustuhan ngayon. I am... fine." Napatango siya, lumapit at bahagyang ginulo ang buhok ko.
"Pinagkakatiwalaan kita, Sai. It's okay to enjoy your life with... him. Pero tandaan mo lang na... risky ang buhay mo dahil anak siya ng Presidente at Mayor siya. He's nice but so manipulative, so hard to escape. Saldivars are very hard to love..." Napabuntong hininga ako nang tuluyang makalayo si Papa sa pwesto ko.
The same with my Mom, pareho silang may payo kung gaano kahirap mahalin ang isang Saldivar. Ngayon ay iniisip ko kung nasubukan na ba nilang magmahal ng Saldivar.
"It's not hard to like a Saldivar, mahalin lang ang mahirap sa kanila. Kasi kapag inangkin ka nila, hindi ka na makakawala pa." Mama.
"He's nice but so manipulative, so hard to escape. Saldivars are very hard to love..." Papa.
Nawala lang ang isipin ko iyon nang tumunog ang phone ko. Parang doon na lang napunta ang atensyon ko nang makita kong si Mayor Isaac ang tumatawag.
Mayor is calling...
"Mayor?"
["Kamusta?"]
"Okay lang, Mayor."
["It's Isaac. We're friends, time to remove that formality. Haha."] Napangiti ako, pa-fall.
"Mayor is good for you. Kahit na sampung taon na ang lumipas at hindi ka na Mayor, tatawagin pa rin kita sa ganiyang paraan." Bahagya siyang humalakhak sa kabilang linya.
Hindi ko mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi ko. Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa pagkagat ko sa pang-ibabang labi ko.
["Hey. Still there?"] Hindi ko alam kung ako lang, pero parang ang lambing ng boses niya.
"Ah, yes. Nasaan ka na ba, Mayor?" tanong.
["Medyo malayo pa. Don't worry, dadaan ako diyan sa Casa Dujerte, pinapatawag ako ng Papa mo."]
"Mayor, may sasabihin ako pagdating mo rito," saad ko sa maliit na boses.
["Bakit hindi pa ngayon? I have free time naman ngayon."] Iniisip kong tumataas ang kilay niya habang sinasabi niya 'yon. Cute...
"Uh, okay."
["Pwede mo ba akong salubungin sa labas ng Casa? Well, kung gusto mo lang naman."]
"S-sure."
Nagsuklay lang ako at nagpabango. Agad na akong bumaba. Nasa sala si Mama na busy naman sa panonood ng Korean Drama kaya hindi ako napansin. Si Papa naman ay baka nasa office niya.
Naka-on-going pa rin ang call kay Mayor nang marating ko ang gate ng Casa.
"Ma'am, hindi raw po kayo pwedeng lumabas sabi ni Sir Cairo."
Hinarang ako ng guard, dahil sa bilin ni Papa na huwag akong palabasin. Pero sinabi kong bantayan na lang ako kung sakali. Pumayag na lang sila dahil nakita nilang hindi ako magpapapigil.
["Ayaw ka ba palabasin ng guard,"] tanong niya. Halatang concern sa akin as a friend.
"Ah, no. Nasa labas na ako, Mayor."
["Okay. Malapit na ako. Hintayin mo ako diyan."]
Mahigit labing limang minuto ang hinintay ko. Buti na lang at hapon na kaya malamig na ang panahon. Hassle naman kasi kung bilad sa araw.
"Mayor, nasaan ka na?"
Tagal, pa-miss masyado!
Another ten minutes, "Mayor... still there?"
["Ah, yeah. Malapit na talaga."]
"Kanina mo pa 'yan sinasabi, Mayor. Baka mahuli ako ni Papa rito sa labas at guard pa ang mapahamak," pikon kong asik.
["I am sorry, baby. Malapit na talaga ako."]
May dumating na pulang kotse, mukhang ito na 'yong kotse ni Mayor. Pero imbis na ma-excite ay mas umahon ang kaba sa puso ko. Aaminin ko ba talagang crush ko siya. Hind ba awkward 'yon? Hindi naman siguro.
"Wait, Mayor! Malapit ka na ba talaga? Teka aamin muna ako! Saglit lang!" aligaga kong hiyaw.
["Yeah, sure. Kayo na ni Lawrence mo? Ano?"]
"Hindi! Crush kita! Oo, crush kita. Ang weird pero crush talaga kita. Ilang weeks pa lang kita nakilala at two days pa lang tayo close pero crush na kita!"
["Ulitin mo nga ang sinabi mo."]
"Sabi ko crush kita. Mayor akala ko ba ako lang ang bingi sa ating dalawa? Bilisan mo na diyan at bumaba ka na riyan sa pulang kotse mo!" sigaw ko.
["But it's not mine. Hindi red ang kotse ko, Sai,"] he sound teaseful and disappointed.
"Ha? Eh, nasaan ka?" takha kong tanong.
["Nasa likod mo,"] nang sabihin niya 'yon ay otomatiko kong ibinaba ang phone ko at napatingin sa likod ko.
Oo nga. Nasa likod ko siya kanina pero ngayon ay nasa harapan ko na. Hawak niya ang phone niya at nakangisi. He looks so manly with his tuxedo. Gwapo...
"Hi," hindi matanggal ang ngisi niyang bati.
"Hello," balik kong bati sa maliit na boses. Napakagat sa labi para mapigilan ang ngiti. Umiwas ako ng tingin at bumagsak ang tingin sa sementadong daan sa labas ng Casa.
"Ngayon mo ulitin ang sinabi mo kanina. I want to hear it badly, Sai..."
------------
Mabilis ba masyado ang story? Sorry. Inaaral ko pa paano ang tamang maglilipat ng scene. I'll edit it kapag natapos ko na.
Happy Rainy Monday! Umuulan sa amin, sa inyo ba? Enjoy reading!