Chapter 10
Hindi ako makapaniwala na nagoyo ako ni Mayor Isaac. Mukhang tuwang-tuwa pa siya dahil nauto niya ako. Uh, well... ako naman ay talagang uto-uto. Hindi ko maiwasang kabahan at pamulahan ng mukha. I just confessed to the City Mayor!
"Ha? Wala naman akong sinasabi, ah. Nag-iimagine ka 'ata, Mayor."
"I don't have any disorder para mag-imagine, Sai. I heard you... clearly," saad niya sa sigurado pero mayabang na tono. Arogante!
"Wala nga akong sinabi," pagpipilit ko na tinawanan naman niya. Napa-cross arm siya at nginisian ako.
"Sinungaling," bulong niya.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Hindi ako sinungaling, 'no! Hindi ko ginagawa 'yon!"
"You just did, Sai," paratang niya. Sinasabi niya bang sinungaling talaga ako?
"A-ano? Hindi nga sa---"
Naputol ang dapat na sasabihin ko nang lumabas mula sa gate si Papa at Mama. Napahawak ako sa dibdib ko at marahang pinalo ito dahil sa gulat.
"Sai. Isaac," banggit ni Papa sa pangalan namin at nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Mayor Isaac. Hindi ko magawang makapagsalita at patuloy na lang sa pakikiramdam. Hindi tuloy ni Mayor Isaac na prenteng nakasandal sa poste.
"Bakit nandito ka sa labas, Sai? Sabi ni Seah ay nasa kwarto ka. At mukhang magkausap kayo ni Mayor Isaac," usisa ni Papa. Seryoso ang mukha niya at pinaniningkitan ako ng mata.
"Ah. Wala, Papa. I am just looking for... good signals. Tapos saktong nagkita kami rito sa labas," palusot ko. Bebenta ba 'yon? Hehe.
"Ganoon ba? Sige."
Tumango si Papa kahit na halata namang hindi bebenta sa kan'ya ang palusot ko. Lumipat na lang ang atensyon niya kay Mayor na prente pa ring nakasandal sa poste.
"Ikaw naman, Isaac at hindi ka man lang nagsabi na nandito ka na pala." Umalis si Mayor Isaac sa pagkakasandal at tuwid na tumayo. Nag-bow siya sa harap ni Papa.
"Kakarating ko lang po, Tit----Sir. Sorry po," paghingi niya ng paumanhin. Ako kasi gusto niyang unang makita, Papa. Ganoon talaga kapag friend.
"Mabuti pa't pumasok na tayo sa loob at medyo lumalakas na ang hangin. Mukhang uulan na at baka maabutan pa tayo rito." Tumango naman kami at sumunod na sa loob. Naunang naglakad si Papa kasabay si Mayor Isaac at mukhang nag-uusap na sila.
Iniikot ko ang paningin ko sa paligid ng Casa. Sa likod ko ay nandoon si Mama na nakatingin sa pagkadikit niyang palad. Mukhang malalim ang iniisip at walang imik. Hindi ko alam kung hindi ko lang napansin ang presensiya ni Mama dahil kay Mayor o dahil pinili niyang huwag makisali sa usapan kanina.
"Mama? Ayos ka lang ba?" tanong ko nang makalapit ako sa kan'ya.
Mukhang nagulat siya sa presensiya ko at agad na nagtaas ng tingin. "Ako? Oo, ayos lang ako. Iniisip ko lang 'yong mga gagawin ko mamaya. Ano ka ba? Lapitan mo na si Mayor doon. Alam kong kanina mo pa hinihintay..."
Kahit na hindi ako kumbinsido ay niyakap ko na lang siya. Tipid ang naging ngiti niya sa akin habang marahang tinatapik ang likod ko.
"Sai," tawag 'yon ni Papa. Ilang dipa ang layo nila ni Mayor mula sa akin.
Tinapunan ko ng tingin si Mama. Muli siyang ngumiti at nagthumbs-up sa akin, sinasabing ayos lang siya at 'wag akong mag-alala. Bahagya niya pa akong tinutulak para dulugan ang tawag ni Papa. "Sai, ayos lang ako. Tinatawag ka ng Papa mo."
Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod na lang. Naglakad ko patungo sa kinaroroonan ni Papa at Mayor Isaac. Seryoso at hindi pa rin nagbabago ang mukha ni Papa, 'di tulad ni Mayor na mapupunot na ang mukha dahil sa lawak ng ngiti niya.
"Papa."
"Sumama ka sa amin ni Isaac sa office ko para makapakinig ka ng meeting," saad ni Papa.
Ha? Bakit? Ako? Para saan? 'Yon ang tanong ko. Pero imbis na magsalita ay tumango na lang ako.
Nag-utos na lang si Papa sa mga katiwala upang dalhan kami ng makakain. Si Mama naman ay nagpaalam na mamamalagi muna sa library upang makapagpahinga at magbasa-basa.
Dumiretso kami sa office ni Papa. Umupo si Papa sa swivel chair nito, habang kami ni Mayor ay pinaupo sa magkaharap na upuan sa harapan ng mesa ni Papa.
"Bago ang lahat, I want to thank Isaac for choosing Dujerte para tulungan kayo sa charity work," panimula ni Papa. Ngumiti lang si Mayor Isaac bilang sagot, lumabas tuloy ang dimples niya.
Binalingan ako ni Papa, "Sai. So, sinama kita rito para matandaan mo ang bawat detalye na pag-uusapan namin. Tapos after that ay i-pa-finalize na natin at magbibigay ka ng idea na gusto mong idagdag."
"Sige po, Papa."
Nag-umpisang silang mag-usap tungkol sa charity. Kahit na wala akong maintindihan, tulad ng bilin ni Papa ay tinandaan ko ang bawat detalye na binabanggit nila. Lalo na ang mga bagay tungkol sa ayos, oras, paraan at lugar. Sa kalagitnaan ng usapan ay dumating ang kasambahay upang dalhan kami ng makakain, ngunit hindi ito naging hadlang para maputol ang seryosong usapan sa pagitan nila. Ako na ang nagprisintang magsalin ng tsaa para sa amin upang hindi na makaabala pa.
"So, what do you think? Any idea, Sai?" tanong ni Papa nang matapos ang diskusyon nila ni Mayor.
"Uh. Anong charity nga po ito? Anong advocacy?"
"Charity for orphans. Magdadala tayo ng mga laruan, damit at school supplies sa orphanage," sagot ni Mayor. Tumango ako at bahagyang nag-isip.
"Uh, orphanage. Maganda naman 'yong idea, makamasa. Pero sa tingin ko mas okay kung isasama natin 'yong buong San Jose del Monte. Hindi natin isasantabi 'yong sa orphanage, bagkus ay mas palalakihin lang natin. Tapos magakakaroon ng raffle, draw and prizes na mapapakinabangan ng City natin. 'Yon nga lang ay kailangan ng mahabang paghahanda," paliwanag ko.
"Sai, baka magkaproblema sa fu---" magsasalita sana si Papa nang putulin siya ni Mayor.
"Maganda," maikling usal ni Mayor.
"Isaac, that will cause too much. At isa pa, sure akong ma-me-media 'to at pagpepiyestahan na naman si Ismael," angal ni Papa.
"This is the funds of the City at hindi ng bansa. Ipapaalam ko naman 'to kay Papa. Dapat lang naman na bumalik sa bulsa ng mga San Jose del Monte ang perang pinaghirapan din nila. At sarili kong pera mula sa negosyo ko ang idadagdag kong pera," usal ni Mayor. Napahilot si Papa sa sintido niya.
"Fine. Ang tigas talaga ng ulo ng mga Saldivar. Mana ka talaga sa Papa mo at sa Tita Iana mo." Humalakhak lang si Mayor at bahagyang umiiling.
"Hindi naman. Hindi ako magpapakabaliw sa pag-ibig tulad ni Tita at mas gwapo ako kay Papa. Well, kidding aside. Settled na siguro ang lahat." Tumango si Papa.
"Sai," tawag ni Papa sa akin.
"I want you to help Isaac in planning the events. Nag-agree siya sa plano mo at ikaw naman ang naka-isip kaya mukhang matutulungan mo siya. And for further information, si Isaac na ang magpapaliwanag sa'yo," si Papa.
"Opo, 'pa." Hehe.
"So, naka-finalized na ang lahat. Pero mukhang ang mismong plano ay kayo na mismo ang dapat na mag-usap. Pupuntahan ko muna ang Mama mo, Sai."
Nang kami na lang ang maiwan ni Mayor ay namayani ang katahimikan sa loob ng office ni Papa. Kinurot at hinatak ko ang kuko ko na bahagyang napuputol na.
"Hey," usal niya habang inaayos ang bowtie ng tuxedo niya.
"Hmm. Ano?"
"Ang tahimik mo 'ata. Parang kanina lang ay sinabi mong crush mo ako," pang-aasar niya. Huminga ako nang malalim para hindi niya mahalatang napipikon ako. Ang maasar ay paniguradong talo.
"So, my plan is uumpisahan na ngayon ang paglilista ng kailangan. Bukas naman ang pamimili ng mga pamimigay tapos mag-re-re-pack agad. Then, the other day is ke-kwentahin ko naman 'yong ipapamimigay sa senior citizens, PWDs at sa orphanage. Tapos re-pack ulit and etcetera etcetera hanggang sa matapos."
"Hey, masyado kang mainit. Pinaninidigan mo pagiging hot mo. Cool down, Sai. Pwede ko namang i-move kung kukulangin sa oras, you're so fast," saad niya at bahagyang binasa ang pang-ibabang labi.
"Tapusin na agad, Mayor."
"It's Isaac not Mayor," pakiusap niya. Mababa ang tono at may halong... lambing.
"Kuya Isaac it is," pang-uurat ko. Pinanliitan niya ako ng mata. Kinamot niya ang noo. Pikon.
"I am fine with Mayor. Kuya is... nevermind. You're teasing me so bad. I just want to say that... don't rush. Take it slowly, Sai. Bakit hindi muna tayo maglakad-lakad sa Casa tapos kumuha ka ng papel at i-kwento sa akin ang mga plano mo," mahinahon niyang tugon.
"Okay," maikli kong sagot.
Nauna akong tumayo. Ramdam ko naman na nakasunod lang siya sa akin. Ilang saglit lang ay magkasabay na kaming naglalakad.
"So, care to tell me what's your plan?" si Mayor. Nakapamulsa siya at nakatingin sa malayo.
"Umupo muna tayo." Nagtungo kami sa bench na malapit sa fountain. Doon kami umupo. Inilabas ko ang papel at lapis ko para mag-umpisang makapagsulat.
"Unahin muna nating bilhin 'yong sa ipamimigay sa events, games and 'yong donations. Tapos repack sa sunod na araw. Then, game at raffles naman ang gagawin natin. Huling gagawin ay 'yong announcement at pag-aayos ng pagdadausan ng events," tuloy-tuloy kong usal
Tinapunan ko siya ng tingin. "What do you think, Mayor?"
"Hmm. Okay. Nice," walang kwenta at parang tinatamad niyang sagot. Pinanlakihan ko siya ng mata at tinaasan ng kilay.
"Anong nice? Anong okay? Paanong nice at okay?" asik ko.
"Nice, parang ikaw. Okay, parang ikaw din tapos may ako. Okay tayo kasi bagay tayo..." bulong niya.
Sa gulat ko ay napalo ko siya. Agad kong inilayo ang kamay ko nang ma-realized ang nagawa ko.
"Oo, nga... bagay tayo..." Akmang papaluin ko ulit siya nang mahawakan niya ang kamay ko. Ilalayo ko sana sa kan'ya pero ayaw niya itong pakawalan.
"Ano ba, bitawan mo nga ang kamay ko, Mayor!" angal ko.
"Bakit ka ba kasi mapanakit? Namamalo ka, eh. Sadista."
"Eh, kasi naman! Kung anu-anong sinasabi mo! Anong bagay? Paasa ka!" sagot ko.
"Paasa, huh. Bagay naman talaga tayo, ah. Bagay tayo as a friend! Ikaw kabata-bata mo pa, malisyosa ka na," paratang niya.
"Hoy, hindi! Para ka talaga 'yong lalaking unang beses kong nakilala sa Male's restroom! Creepy mo talaga!"
"Crush mo naman," mayabang at nakangisi niyang sambit.
"Crush ka diyan! Hindi ako pumapatol sa mas matanda sa akin at saka kuya kita! Kuya Isaac nga 'di ba?" pang-iinis ko. Sinamaan niya ako ng tingin at inirapan.
"Iniisin mo talaga akong bata ka! Scammer ka talaga. Marami ring highschool girl na tumatawag sa akin ng kuya tapos crush pala ako. 'Wag ako, Sai."
Sinubukan ko ulit ilayo ang braso ko pero mas humigpit pa ang hawak niya. Napangiwi ako dahil sa bahagyang pagkahatak ng buto ko. Abusado ka, Mayor!
"Aww," kunwareng pag-inda ko. Para siyang tinakasan ng kaluluwa dahil dali-dali niyang binitawan ang kamay ko. Mas ginalingan ko pa ang acting ko at marahan itong minasahe.
"D-did I hurt you, honey?" Bakas ang pag-aalala sa kan'ya. Bumaba pa siya at lumuhod para mahawakan ang kamay ko. Sweet. Honey raw, oh. Pa-fall talaga.
Napakagat ako sa labi ko habang pinapanood siyang hawakan ang pulsuhan ko. He's older than me 'di ba? Pero bakit parang mas malambot pa 'yong palad niya? Tamad, imposible.
"Mayor," tawag ko.
"Hmm?"
"A-ayos na." Iniangat niya ang tingin sa akin at ngumiti. Nakakahawa naman ngiti nito.
Tumayo siya at umupo sa tabi ko. Naka-dekwatro siya at pinipindot ang tungki ng kan'yang ilong. Napapaisip tuloy ako, bakit ba siya nag-Mayor, mas bagay pa nga siyang maging Model ng isang clothing brand. Hindi ko masasabing para siyang Greek God o anghel sa kagwapuhan na bumaba sa lupa. But his face and body built... papasa talaga pang-Model.
"Gwapo ko ba? Kaya crush mo 'no?" Mukhang ang tagal ko na pa lang nakatitig sa kan'ya. Gwapo kasi, eh...
"Hindi kita crush. Pwede rin pa lang crush... as a friend." Inirapan niya ako.
At isa pa na mapapansin mo sa kan'ya ay pagiging showy niya. Para siyang container na see through. Mababasa mo sa bawat kilos at galaw niya ang nararamdaman niya.
"Sai, cake ka ba?" Kumunot ang noo ko sa biglang pagbibitaw niya ng tanong. Joke ba 'to o pick up line?
"Bakit?" balik ko sa tanong niya.
"Kasi... mocha-ng crush na rin 'ata kita." Nalaglag ang panga ko at napahalakhak. Ganoon din siya na mukhang na-cornyhan sa binitawan niya.
And the last thing I like about him is he's not afraid to be girlish sometimes.
"Mayor, tsaa ka ba?"
"Bakit?"
Ngumiti ako sa kan'ya nang malapad. He's important to men he's a special friend. "Kasi kapag nandiyan ka, pinapakalma mo ang sistema ko. You're my comfort zone, my reflection."
-----------
Happy Thursday! Ngayon lang nakapag-update sa biglang pagkakaroon ng lagnat. Sana masiyahan kayo sa update.
Dedicated to:
Justine Rein Salamat
Noreen Samantha Celeste
Christine Aternal Cabuay
Corrien Doria
Cydel Jean Domingo