"Ano?" Tumawa si Seven. "Wala. At tungkol sa pagkainip mo, well, kaya nga ako nandito, babawi ako sa yo. I took the rest of the day off. Wala namang pasok bukas. So, ikaw, ano'ng gusto mong gawin? Swimming? Mamasyal? Mag-picnic? Mag-shopping? Mag-food trip?" excited na tanong nito. Nahawa siya sa kasiglahan nito. "Kung gawin natin ang lahat ng iyon? Wait, sasamahan mo naman ako, 'di ba?" "Kung magmamakaawa ka,'' sagot ni Seven. Pero ang mga mata na mismo nito ang nakikiusap na hayaan niya ito na makasama niya. "Sa palagay mo gagawin ko 'yon?" ani Hillary, sinisikil ang ngiti kahit alam niyang nakangiti na ang kanyang mga mata. "Siyempre," mayabang na sabi nito. "Sino ba ang ayaw makasama ako?" "Ako. Remember?" "Oo nga pala," nakangiwing sabi nito. Hindi na napigilan ni Hillary ang

