Chapter 19

1845 Words
"Oh, my God! I'm sorry!" Lumarawan ang guilt sa mukha nito bago hindi magkandatutong humugot ng panyo sa bulsa nito at pinahid ang----teka, ano ang pinapahid nito sa mukha niya? Luha? Saka lang niya na-realize na nanlalabo pala ang mga mata niya dahil sa luha. Oh. Hindi aware si Hillary na umiyak na pala siya. "God. I'm sorry. Patawarin mo ako." Hinapit siya ni Seven at niyakap. "Hindi ko sinasadyang saktan ka. Patawarin mo ako," nahihirapang sabi nito. Kumawala si Mikaella." U-umalis ka na,'' malamig niyang sabi. Nagagalit siya sa sarili. Nadala siya sa halik ni Seven. May pagkakataon siya para makawala, para maipagtanggol ang sarili pero hindi niya ginawa. Mas nangibabaw ang tawag ng pagnanasa, ang resulta ng mga pagkakataong sumasagi ito sa isipan niya, lalo na sa gabing nag-iisa siya at nalulungkot. Salamat sa luha na nagsalba sa kanya sa sitwasyong iyon. "Mag-usap tayo... Pakinggan mo naman ang panig ko. I'm just desperate and I... I crazily thought that blackmailing you is my last resort. Nauubusan na kasi ako ng oras," pakiusap nito. "Damn it!" pagmumura pa nito. Alam niyang para 'yon sa sarili nito at hindi para sa kanya. Hindi maipagkakaila ang frustration sa mukha ng binata. "Oh, Hillary. I'm sorry..." "Bigyan mo siya ng pagkakataong magpaliwanag. Baka naman may rason talaga kaya nagsiguro na siya. Really? Thrilled akong malaman ang rason niya. "Kapag alam mo na ang buong kuwento at hindi ka pa rin sang-ayon then... well, hindi ko pa alam kung paano pero tutulungan kita para hindi ka na niya guluhin pa. Though mukhang mahihirapan tayo sa bagay na 'yan." Iyon ang payo kay Hillary ni Chloe. At napadali ang pagdedesisyon niya nang sa tulong ni Chloe ay malaman nila na may nakarehistro ngang kasal sa pagitan nina Seven Fuentes at Hillary Esquivel. Nag-iwan si Seven sa kanya ng number sakaling handa na raw siyang makipag-usap. Tinawagan niya ito kanina at sinabihang magkita sila sa Mendoza's coffee shop after office hours. Ngayon ay magkaharap na sila. "Ayaw mo bang um-order ng pam-partner sa kape mo? Pasta, cake, or---" Matalim ang tinging ibinato niya kay Seven. Kumukulo ang dugo niya sa sobrang galit sa ginawa nito. Sino ang matutuwa? Ang bagay na pinakaayaw-ayaw niyang mangyari ay naganap nang wala siyang kamalay-malay. Ikinasal' siya. All courtesy of the king of manipulation, Seven Fuentes. Nagngalit ang mga ngipin niya. Malapit na niyang kunin ang tasa ng mainit na kape at isaboy sa lalaking ito na akala mo kung sino. "Sabihin mo na ang dapat mong sabihin bago pa ako um-order ng isang set ng kutsilyo na itatarak sa katawan mo." "Whoa. Okay. Tulad ng sinabi ko, nagmamay-ari ako ng isang software company. Nabanggit ko na rin ba na nagmamay-ari ng computer manufacturing company ang pamilya ko? Tatong buwan na ang nakararaan nang sumali kami sa isang bidding. One month ago, nakatanggap ako ng balita na kami ang front-runner sa naganap na bidding. I was also told na isang lang ang puwedeng maging problema para hindi kami ang mapili. At iyon ay ang pagiging single ko.” "What?" napapantastikuhang bulalas niya. "Kailan pa naging problema ang status ng isang tao sa isang business dealing? Nobody can make a decision like that!" "Narinig mo na ba ang bansang Dushiana?" Umiling siya."No." Inilabas ni Seven mula sa folder na dala ang isang bond paper at ipinatong iyon sa harap niya. Isang mapa. "Heto ang Dushiana." Itinuro nito ang isang gatuldok sa bandang Pasipiko. "Isa itong maliit na bansa na nasa Pacific. See? Malapit sa Solomon Islands at Fiji. Nangangailangan ang Dushiana ng computers, programs, and technical team na magmo-modernize ng ilang public offices." "Monarchy ang sistema sa Dushiana. You know, king, queen... royal family. And they are self-governing kingdom kaya puwede silang gumawa ng kahit na anong kondisyon na gustuhin nila. Isa ang kaharian ng Dushiana sa mga matatawag nating old fashion country." "Malaki ang pagpapahalaga nila sa moral at dignidad. They are Christians. So, s*x outside of marriage is a no-no. But then lately, nagkaroon doon ng mga eskandalo. Nagkaroon daw ng affair ang isa sa mga anak na babae ng hari sa isang architect na kinomisyon nila sa isang project. Naging napakalaking isyu n'on sa Dushiana. Isyu na hindi pinalampas ng royal family.” "That architect was unmarried? At... at 'yon ang iniiwasan nilang mangyari uli?" tanong ni Hillary. Hindi na niya sasabihin na kung ganoon nga ang kaso, sa palagay niya ay pagbabawalan nga ang isang Seven Fuentes na pumasok doon dahil... well... Seven got the looks; the sensual lips, the wicked eyes, the bedroom voice, the male virility... Para itong alpha male na ihalo man sa karamihan ay mangingibabaw pa rin at kukuha ng atensiyon. Katulad ng nangyari sa Singapore. At may appeal si Seven na kayang-kayang gumising ng sensuality ng sino mang babae. Tulad niya. Halatang nasiyahan si Seven sa bilis ng pickup niya. "Ganoon na nga. Kaya nagdesisyon sila na iwasan na ang pagpapapasok sa bansa nila ng mga single na lalaki or at least iyong mga makakasalamuha nila, ng royal family. Basically, ang nature ng trabaho ay mag-a-assemble kami ng computers at mag-i-install ng mga computer programs sa mga eskuwelahan doon." "Parang dry run pa lang. For a month, ite-testing ng mga estudyante ang computer at ang program mismo. Kapag pumasa kami, kami na ang magsu-supply sa kanila ng mga computer units at programs. Sa panahon ng dry run, titira ako sa isa sa mga guest house nila. And from time to time, makakasalamuha ko ang mga member ng royal family. So you get the picture?" "Kung iwasan nila ang pagpasok ng single na lalaki na makakasalamuha ng royal family, that means, kailangan mong isama roon ang asawa mo?" Right, kailangan nitong magsama ng babaeng ang papel ay isang malaking walking signboard na may nakasulat na 'no trespassing'. Ang babaeng isasama nito ang guguwardiya sa mga potensiyal na atraksiyong mangyayari sa pagitan ni Seven at ng sino mang dalaga sa Dushiana. At siya ang napili ni Seven Fuentes sa papel na iyon. How cunning! "Yes. Kaya kailangan ko ng tulong. So please help me, Hillary. I badly need this project. Malaking pera ang ipapasok nito sa kumpanya ko, plus magiging magandang record din ito sa portfolio namin. Malaking tulong ito sa software company ko." "No. I'm sorry. Bakit hindi ka na lang humanap ng iba na magpapanggap na asawa mo? Or, wala ka bang girlfriend? I'm sure magkakandarapa pa siya sa pagpayag sa kalokohang iyan." "First, the wedding must be real dahil siguradong magtse-check sila ng records. Second, wala talaga akong girlfriend. Akala ko nabanggit ko na sa'yo na single ako?" Saglit itong huminto at nakataas ang sulok ng mga labi na pinagmasdan ang magiging reaksiyon niya. Tinaasan niya ito ng kilay bilang sagot. "And last but not the least, wala na akong oras para mag-screen at maghanap ng babaeng malinaw na naiintindihan ang sitwasyon. Iyong babaeng hindi magbibigay ng problema sa akin kapag natapos na ang kontrata. Isang buwan lang naman ang itatagal ng kontrata. Tumaas ang kilay ni Hilllary. "Problema, meaning, hindi ka mahihirapang kumawala?" "Exactly," aroganteng sagot nito, tumaas pa ang sulok ng mga labi. "I need my freedom back. At hindi ko kailangan ng babaeng ipagpipilitan, ipagsisiksikan sa akin ang sarili niya in the end. Iyong mga babaeng makakita lang ng kaunting pagkakataon, gagawin ang lahat para maitali ako sa baywang nila. And I'm afraid, ganyan lahat ng mga kakilala kong babae." Hillary snorted. Napaka-self-centered naman pala talaga ng lalaking ito. "Kung makapagsalita ka, para bang lahat ng babae nagkakandarapa sa 'yo." Umingos siya. Kahit hindi naman nga imposible kung ganoon ang sitwasyon, kung marami ngang babae ang naghahabol kay Seven. Sabi nga nila ay matabang isda ito. Bukod sa matabang bulsa ay taglay pa nito ang panlabas na anyo na pag-aagawan ng sino mang babae. So, yeah, he was a very good catch. "Maliban sa 'yo," agad na balik ni Seven at ilang saglit na hindi inalis ang paningin sa kanya. "Kaya nga alam ko na ikaw ang makakatulong sa akin. This is pure business, I assure you. I got the word the other day." "Kami na ang napili nila. Iyon nga lang, magpapadala nalang ako ng technical team. I can't allow that. Although pinagkakatiwalaan ko naman sila, mas gusto ko na personal kong ma-supervise ang project. As I've said magiging magandang record iyon sa portfolio namin." "Once you agree, I'll give you a sumptuous amount of money in return. How about seven digits?" Halos manlaki ang mga mata ni Hillary sa gulat. Seven digits? Ibig sabihin ay milyones ang pinag-uusapan nilang pera. Kung kaya siya nitong bayaran ng ganoon kalaking halaga, ibig sabihin ay hindi talaga birong pera ang halaga ng kontratang iyon? Pero hindi yon sapat na dahilan para pumayag siya. "So sa palagay mo, mapapapayag mo ako sa perang sinasabi mo na makukuha ko?" Ngumisi si Hillary na para bang hawak niya ang pinakahuling alas na magpapanalo sa kanya. "I think you are still in trouble, Seven. Eh, ano kung nagparehistro ka na ng kasal? 'Di ba nga kailangan mong maisama doon ang asawa mo? Kung ako ang asawang iyon, mabibigo ka na maisama ako. No. Hindi mo ako maisasama. Never," matigas niyang pagtanggi. "Hindi ako puppet na puwedeng kontrolin. O, gahaman na puwedeng silawin ng pera." Saglit na naging blangko ang ekspresyon ng mukha ni Seven. He stared at her. Gusto niyang kilabutan sa intensidad ng titig na iyon. "Sa palagay ko, nasabi ko na ang mga dapat kong sabihin. Good-bye." Tumayo na si Hillary. "Hillary..." mahinang sabi ni Seven sa boses na punong-puno ng babala. At sa kung anong dahilan ay hindi niya nagawang tumalikod. "Kapag hindi ko nakuha ang project na ito, pupunta ako sa nanay mo, sa lugar ninyo, at idedeklara ko na mag-asawa na tayo. Guguluhin kita, dito, sa inyo, sa opisina, o sa kahit na sang lugar na aapakan mo. I will never leave you alone. Whatever it caused me," parang sumpa na sabi nito. "Hindi mo gagawin 'yan!" She hissed. Muli siyang naupo at nakipaglaban ng titigan sa binata. "Kaya ko yong gawin at gagawin ko. Pero kung papayag ka sa project na ito, hindi na kita guguluhin pagkatapos ng kontrata. Hindi na kahit kailan. I'll avoid every road that leads to you. Besides, kapag naging matagumpay ang project na ito, balak ko na ring ilipat ang kumpanya ko sa Washington at doon na magbase. Ano'ng masasabi mo?" Magbabase na ito sa Washington pagkatapos niyon? Makukuha na ni Hillary ang katahimikan niya. Hmm. Katukso-tukso. Saglit na pinag-isipan niya ang sinabi nito. "Pano ako makakasiguro na tutuparin mo ang sinabi mo, aber?" "Oh, sweetheart, I can be a lot of things pero hindi ako nagbibitiw ng salita na hindi ko ginagawa. Puwede nating ipaloob ang mga 'yon sa isang kontrata, kung gusto mo. Pagkatapos ng kontrata natin, maghihiwalay na tayo ng landas. Nang permanente. Bibigyan kita ng dalawang araw para mag-isip. Pero sana bilisan mo. Nauubusan na ako ng oras." "Pano kung hindi pa rin ako pumayag?" hamon niya. "Kung hindi ka papayag, you just declared war. Isang digmaan na sisiguruhin kong ako ang mananalo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD