Chapter 20

1454 Words
Palakad-lakad si Hillary sa sala ng condo unit ni Chloe. Usapan na talaga nila iyon na doon siya tutuloy pagkatapos g pakikipag-meeting niya kay Seven Fuentes para mapag-usapan agad ang sunod nilang hakbang. "Kumalma ka nga. Nahihilo na ako sa kapaparoo't parito mo," saway ni Chloe. "Come here. Maybe this drink would calm your nerves." Nang sulyapan ni Hillary ang kaibigan, nakita niyang nasa likod na ito ng bar at nagsasalin ng alak sa dalawang kopita. Lumapit siya roon at inokupa ang isang high stool. Tinanggap niya ang alak. "That man is terrible, I swear! He's crazy!" "Handsome, yeah, but terrible and crazy!" Muling usal ni Hillary. Natawa si Chloe. "Sabihin mo nga, gusto mo pa rin bang magkaanak?" "Yes! Of course, gusto ko talagang magkaanak. Hundred percent! Anak lang. Walang asawa." "Eh, di kunin mo na ang chance na ito. Kapag magkasama na kayo sa malayong lugar na iyon, I'm sure as hell na may mangyayari sa pagitan ninyo and... boom! Alam mo na 'yon." Nakadama ng pag-iinit ng mga pisngi si Hillary. Ngumisi si Chloe. "Admit it, my dear, physically attracted ka pa rin sa kanya. Hindi magiging labag sa loob mo kapag... you know, may mangyari sa inyo. Like the first time. Tutal naman 'kamo, eh, nangako siya na hindi ka na niya guguluhin kahit kailan at balak na niyang mag-migrate sa ibang ibansa." "Sa palagay ko nga, pabor pa sa 'yo ang sitwasyong ito." Dugtong ni Chloe. Napaisip si Hillary. In all fairness, may punto ang kaibigan niya. Parang biglang kumalma ang nagwawala niyang puso. "So, dapat akong pumayag? At sa loob ng isang buwan na iyon ay kukunin ko ang mga pagkakataon na may maganap sa pagitan namin?" Ang alaala ng gabing iyon ay muli na namang lumitaw sa kanyang isipan. Bigla ay nakaramdam siya ng panunuyo ng lalamunan habang naiisip kung gaano kakisig at kaguwapo si Seven Fuentes. Shit! Nagtatrabaho na naman ang imahinasyon ko. Galit na sita niya sa sarili. "Hillary..." Napalunok siya. "A-ano nga uli iyon?" Isang makahulugang ngiti ang ibinato sa kanya ng kaibigan. "Sabi ko, pumayag ka. Mag-file ka ng indefinite leave sa trabaho, pagkatapos sumama ka sa kanya. Ituring mo na lang na isa iyong misyon." "Misyon para magkaanak ka. Dapat na win-win situation ang kalabasan nito. Magiging matagumpay ang project ni Seven para hindi ka na niya guluhin pa. At ikaw, dapat na mabuntis ka." "P-paano kung... p-paano kung ma-in love siya sa akin?" tanong ni Hillary, hindi isinasantabi ang posibilidad na iyon. "Kapag nangyari iyon, baka hindi niya tuparin ang sinabi niya na maghihiwalay na kami ng landas." "What if it's the other way around? Paano kung ikaw ang ma-in love? Paano kung ikaw ang ayaw bumitiw in the end?" mabilis na tanong ni Chloe. Sa kislap ng mga mata, halata na kanina pa nito iyon naiisip. "Iyon lang naman ang nakikita ko na puwedeng maging problema sa panig mo." "Hindi mangyayari iyon," siguradong sagot niya. "Kung papayag man ako, dahil lang iyon sa kagustuhan kong magkaanak." "Hillary..." sabi ng baritonong boses ni Seven sa kabilang linya nang sagutin nito ang tawag niya. "Hindi ko inaasahan na tatawag ka rin agad." Nilingon ni Hillary ang kaibigang si Chloe. Binigyan siya nito ng nang-eengganyong tango. "Mapanghahawakan mo ba ang sinabi mo na titigilan mo na ako pagkatapos?" "Yes," sagot nito. "Ibig bang sabihin, pumapayag ka na?" "Sa palagay ko wala akong ibang choice kundi tanggapin ang alok mo ng kapayapaan, 'di ba? Dahil kapag tumanggi ako, giyera ang aabutin ko. And I don't have the means to win that war. So, sabihin mo, ano ng plano?" "Puwede ba akong pumunta diyan? Para mapag-usapan natin ito nang harapan?" "Hindi. Sabihin mo na ngayon kung ano ang mga dapat gawin," matigas niyang sabi. "Hillary, sweetheart, hindi puwedeng ganyan ang tono mo sa akin kapag nasa harap nila tayo." "Don't call me sweetheart! Parang nagpapandanggo sa ilaw ang mga tainga ko kapag tinatawag mo ako ng ganyan! Of course. Marunong akong umarte. Kung ang kapalit din lang naman ay panghabang-buhay na kapayapaan, 'di ba?" "Very well. Dual citizenship, Filipino at American ang hawak ko. Actually, lately mas nasa Amerika ako kaysa dito sa Pilipinas kaya nga plano ko na ring doon na talaga mag-base. Puwede tayong sa US magpakasal" "Magpakasal?" nakakunot-noo niyang tanong. "Kailangan nating magpakasal nang totoo?" pag-ulit niya para malaman ni Chloe ang sinabi nito. Nahilot ni Hillary ang kanyang sentido. "Yes. Kailangang may kasalang maganap. Just in case they look for the documents. Hindi ko naman kayang lokohin sila sa isang marriage certificate na resulta ng pangha-hack." Sumimangot si Hillary. "Hindi mo sila kayang lokohin pero ako kaya mo? You're a jerk!" singhal niya. Sinagot lang yon ni Seven ng tawa. "Huwag kang mag-alala, sa US tayo magpapakasal dahil sa divorce. Para mas madali ang paghihiwalay natin pagkatapos. Napakahaba kasi ng proseso ng annulment dito sa Pilipinas. Pabor 'yon sa atin pareho. Kumpleto ka naman sa travel documents, right? Passport, I mean." "Y-yes. May passport ako." "Good. Ako na ang bahalang kumuha ng visa mo. May mga kilala akong tao na makakatulong sa akin para mas mapabilis ang release n'on at para mabigyan agad tayo ng marriage license." "About your work---" "Ako na ang bahala sa mga maliwan ko." Singit niya. "How about your mother? Ipapaalam mo ba sa kanya?" "Of course not!" Labas dito ang kanyang ina. "At ano ang sasabihin ko? Na kailangan ko itong gawin dahil pinagbabantaan ako ng isang lalaki? Hindi niya kailangang malaman ito. Sasabihin ko na lang na business trip ito." "Ikaw ang bahala." "Siguruhin mo lang na tutupad ka sa usapan, Seven, dahil kung hindi lalabanan talaga kita. No matter what it takes." "Sinisiguro ko sa 'yo na tutupad ako sa sinabi ko, Hillary. Maaayos mo ba ang lahat ng maiiwan mo sa loob ng isang linggo?" "If yes, pupunta na tayo sa Nevada sa Lunes para makapagpakasal. Pagkatapos n'on, lilipad naman tayo papuntang Dushiana." "Got it. Tatawagan na lang uli kita. Bye." Hindi na ito nakasagot dahil pinutol na niya ang tawag. Hillary Fuentes. Hindi pa rin siya makapaniwala na iyon na ang pangalan niya ngayon. Na nakakatitig siya sa singsing sa daliri niya na isinuot ni Seven kahapon ng umaga habang ikinakasal sila ng isang huwes sa Nevada. Lalong hindi siya makapaniwala na katabi na niya ngayon ang lalaki na ngayon ay asawa na niya---sa upuan ng isang chartered plane na maghahatid sa kanila sa Dushiana. Lihim na nagpakawala ng buntong-hininga si Hillary. Akalain ba naman niya na mangyayari din pala ang bagay na isinumpa niyang hindi mangyayari. Ang masama pa ay walang kaalam-alam doon ang kanyang pamilya. "Hey..." tawag-pansin sa kanya ni Seven. Sa tabi ng bintana siya nakaupo. Halos mataranta siya nang umabante ang lalaki papalapit sa kanya sa akto na para bang... para bang hahalikan siya. "Ano'ng ginagawa mo?" mahinang sita niya, kinokontrol ang sarili. Ngumiti si Seven. Ngiti na ayaw mang aminin ni Hillary ay lalong nagpatingkad sa taglay nitong kaguwapuhan. "Relax, sweetheart." Inabot nito ang seat belt niya. "Mukhang napakalalim ng iniisip mo at hindi mo narinig na in-announce na ng piloto na malapit na tayong mag-landing at dapat nang ikabit ang mga seat belt natin," anito habang ikinakabit ang kanyang seat belt. Ikinabit na rin nito ang sariling seat belt. "Nervous?" "Sino ang hindi nenerbiyusin?" aniya bago ipinaling ang paningin sa labas ng bintana kahit na nga ba wala siyang makita sa ibaba dahil makapal ang mga ulap. Sa gulat ni Hillary ay dahan-dahang may humawak sa kanyang kamay. The palm was hot, calming, reassuring. Nagdulot iyon ng iregularidad na pagtibok ng puso niya. At sa kung anong dahilan ay hindi niya magawang magbawi ng kamay. Dahan-dahan siyang tumingin kay Seven. "Kaya natin 'to." Ang ekspresyon sa mukha nito ay banayad at nakakapagpayapa ng kalooban. Para bang gustong pawiin ng lalaki ang nerbiyos at takot na nararamdaman niya. Kapag ganoon ay hindi magawang umatake ni Hillary. Hindi niya ito magawang sungitan. "Hindi muna tayo magbabangayan at aakto tayo na mahal na mahal natin ang isa't-isa. Kaya natin 'yon, 'di ba?" Binawi niya ang kamay. "O-of course. Hanggat hindi mo ako binibigyan ng rason para maghuramentado, kaya kong ngumiti at makipagplastikan. Kung ang katumbas n'on, eh, ang katahimikan ko mula sa 'yo." "Sige nga, testing nga. Smile at me," may bahid ng panunukso na sabi nito. "Ano?" "Sabi ko, ngitian mo ako." "Pinagkakatuwaan mo ba ako?" Kinunutan niya ito ng noo. Pilit iniignora ang kakaibang ningning ng mga mata nito. "No. Gusto ko lang makita kung paano ka ngumiti. Hindi pa kasi kita nakikitang ngumiti." Nagbawi siya ng tingin. "Hindi pinipilit ang ngiti, Seven, dahil sa ngiwi 'yon nauuwi. Wait 'til I smile naturaly, unscripted, and freely. Baka masilaw ka" "We'll see..." nakangiting sagot sa kanya ni Seven.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD