JESSA POV Nakahiga ako sa aking kwarto, iniisip ko yung sarap ng kwentuhan naming dalawa ni Nash. Medyo ilang araw na rin kasi ang lumipas bago yung last na date namin. Nang sabihin ko nga sa kanya na nag file ako ng immediate resignation, medyo tumutol siya. Pero sinabi ko lang na mas gusto kong magtayo ng negosyo. Matagal ko na kasi gustong mag business ng barbeque dahil mahilig din magluto ang mga magulang ko. Dati rin kasi silang may ganitong business at naging patok. Yun nga lang, maraming mga tao ang naiingit sa paligid at bigla na lang gumagaya. Kaya yung iba naming mga customers ay naglipatan na lang sa kanila. At nagkasakit lang si mama noon kaya natigil na rin kami. Ngunit pilit kaming babangon ngayon. Sisipagan ko lang para mas dumami pa ang customer namin. At mago online

