CALVIN POV Nang imulat ko ang mga mata ko, panay kaagad ang tawag ko kay Jessa dahil gusto ko siyang halikan pag gising ko. Subalit hindi ko naman inaasahan na aalis siya dito. Noong una akala ko ay nasa cr lang siya kaya nag pakampante ako. Ngunit hinanap ko na siya sa buong kwarto na ito pero hindi ko siya makita. Inisip ko na lang na baka mayroon siyang family emergency dahil nabanggit niya ang tungkol sa papa niyang may sakit. Subalit ng kapain ko ang wallet ko, nagulat na lang ako dahil ang nipis na nito. Kaka withdraw ko lang ng pera para sana maipa carwash ko yung sasakyan kong isa. Pero nawala na lang ito kasabay ng pagkawala ni Jessa. Ayaw ko sana siyang pagbintangan ngunit siya lang ang bukod tanging tao dito maliban sa akin. Almost seventy thousand ang nawala sa pera ko. N

