Jacob Kaleb Ferell
Gusto kong ipaliwanag yung side ko sa asawa ko. Hindi totoo yung nakita niya kanina.
Si Nala ang pilit na dumidikit at lumalapit sa akin simula ng mag start ulit kaming magkatrabaho.
Pilit akong umiiwas sa lahat ng mga ginagawa niya sa akin. Isang beses pa may mga lumalabas sa bibig niya na hindi ko talaga nagugustuhan.
"Kung naagaw ka ni Theodore kay Aisha, pwes ako kaya din kitang agawin kay Theodore."
Isa yan sa mga salita niya na talagang nagpainit ng ulo ko at muntik ko ng makalimutan na babae siya.
May isa pang pagkakataon na nagkaroon kami ng bed scene at masyado niyang tinake advantage yon.
"Mukhang sumasang ayon sa akin ang tadhana Jacob." Bulong niya sa tenga sabay dinilaan niya pa.
Ayoko man na umulit yung scene naming dalawa naitulak ko siya at humingi ako ng another take kay Direk.
"Jacob, what happened?" Nagtatakang tanong ni Direk ng mapansin niya na tinulak ko ng bahagya si Nala.
"She was making a scene na wala sa script Direk. You know how much I hated a person doing things that they like at hindi sinusunod ang flow ng script." Medjo pagalit na sabi ko.
Iniiwasan kong mag init ang ulo ko sa set dahil baka masira lang ang araw ng lahat. Ugali kong napag iinitan ang ibang tao kapag totally na mainit na ang ulo ko.
Pinagsabihan naman ni Direk si Nala na akala mo walang ginawang masama at nag papaawa pa.
"I'm sorry Direk. Akala ko kasi kailangan mas daring yung scene. Hindi na mauulit." She was wearing this innocent voice of her.
Nakakakulo ng dugo.
Nagpaalam na muna ako na hindi ko kayang gawin yung scene na gusto nila dahil mainit ang ulo ko kaya naman pumayag si Direk na sa susunod na araw nalang namin ishoot yung bed scene.
Ilang beses niya akong sineduce pero hindi siya nagwagi. Sa lahat ng mga ginagawa niya kung hindi ko siya sisigawan, tinataboy ko siya.
Oo, naagaw nga ako ni Theodore sa dati kong asawa pero hindi siya ang may kagagawan non. Kusang nahulog ang loob ko kay Theodore at pinaglaban ko lang siya. Hindi katulad ni Nala na nilalandi ako, kahit alam niyang wala akong amor sa kanya.
Alam ko din nakita ni Theodore yung resibo ng alahas sa bag ko. Totoong dalawa ang binili ko pero dapat yung isa para kay Theodore pero hindi ko alam kung saan napunta. Pagkatapos ko kasi na mamili sa mall ng pang regalo ko sa kanilang dalawa ng anak ko dumaretcho na ako sa set para sa taping namin.
After ko manggaling sa set ay nawala na yung isang kwintas. Parehas sana sila ni Ayesha pero hindi ko na nakita.
Nagtanong tanong din ako sa mga tao ko kung may napansin ba silang pumasok sa dressing room ko at may nangealam ng bag ko.
"Hala Jacob hindi namin napansin ni Suzy kasi nung time ng shoot niyo mismo hindi baga naandon din kami?" Sagot sakin ni Minzy.
Tumango tango naman si Suzy.
"Oo JK. Alam ko walang tao dito kanina lahat nandoon mismo sa set." Sagot niya naman.
Napahilamos nalang ako ng kamay ko sa mukha ko. Malas talaga. Hindi din ako makaka kuha ng ebidensya kung sinong kumuha non dahil walang CCTV camera dito sa dressing room.
Unless they know everything about my things and bag.
May kumuha noon at hindi ko alam kung sino. Huwag ko lang din malalaman dahil mayayari siya sa akin.
Yung babaeng kasama ko naman sa restaurant nung araw na yon ay yung babaeng kausap ko na singer na kakanta para sa birthday ni Ayesha. Sikat siyang singer na ang kinakanta ay puro Disney theme songs. Sa mall na ko nakipag meet up sa kanya para isang alis nalang ako sa set.
Ayoko kasi ng madami pang pupuntahan. Nakakahiya pati na maabala ko pa siya kung sa malayo ako makikipag kita sa kanta. Nag insist na din ako na sa resto nalang kami mag usap para na din matreat ko siya ng makaka-kain.
Yung pag uwi ko naman ng late galing sa trabaho ay totoong galing ako sa shoot. Hindi ako nagloko. At hinding hindi ko kayang lokohin ang asawa ko.
Yung gabi namang nag away kami at nasigawan ko siya, Nag-aya yung mga kasamahan ko sa trabaho noon at muntik pa kong makagawa ng kasalanan.
Kinulong ako ni Nala sa CR kasama siya pero nakatakas ako. Kaya yung inis ko nabunton ko kay Theodore. Alam kong may mali ako don.
Kanina, nakita kong umakyat sa taas si Nala sa taas ng bahay namin kaya naman sinundan ko siya. Alam kong may binabalak nanaman siyang hindi maganda para sirain kami ni Theodore.
Alam ko ang takbo ng utak ng babae na ito. Hanggat maaari ayokong mag pang abot sila ng asawa ko dahil no match siya sa katarayan ni Theo.
Pagpasok ko ng kwarto bigla niya akong hinatak at hinalikan at yun yung saktong silip ni Theodore sa pintuan.
Hindi niya ko binigyan ng pagkakataon ipaliwanag sa kanya lahat.
Halo halo na lahat ng problema ko. Bukod sa wala na kong oras sa kanilang mag ina ko, sumabay pa si Nala na daig pa linta kung dumikit sa akin.
Nagrequest na din ako noon kay Direk na baka pwedeng palitan nalang ako para makaiwas sa kanya pero sabi ni Direk hindi na pwede dahil naumpisahan na yung project kaya no choice ako.
Ilang beses ko ng tinawagan si Theodore magmula kanina ng umalis pero declined lang lahat. Nag aalala na ako baka kung anong nangyari o mangyari sa kanya.
Nakaupo lang ako sa salas at iniintay ko pag uwi niya.
Kampante ako na nakila Kuya Garreth si Ayesha.
Biglang nagbukas ang pinto at pumasok si Theodore na pugtong pugto ang mga mata.
"Mahal." Sabi ko sa kanya pero hindi niya ko pinansin at dere deretchong umakyat sa taas.
Sinundan ko naman agad siya. Pagpasok ko ng kwarto namin, nakita kong kinuha niya yung mga maleta at nag iimpake na sya ng mga gamit niya.
"Mahal anong ginagawa mo?" Sabi ko sa kanya habang pinipigilan siyang kumuha ng mga damit niya.
"Bitiwan mo ko." Madiin niyang sabi.
"Mahal please, magpapaliwanag ako yung nakita mo kanina----" Naputol yung sasabihin ko ng sampalin niya ako bigla.
"Tama na! Wala ka ng dapat ipaliwanag kasi kitang kita ko lahat Jacob! Ano?! Ipinamumukha mo ba sa akin na kaya mong gawin sa akin yung mga ginawa mo kay Aisha noon ha?! Putangina naman! Hindi pa ba sapat lahat ng ginagawa ko para sayo?!" Sigaw niya sa akin habang umiiyak.
Parang sibat na tumusok sa puso ko lahat ng binitawan niyang salita. Alam ko naman na, na ganito ang mga sasabihin niya at iisipin niya.
"Mahal hindi. Hindi totoo yan." Namumuo na ang mga luha sa mga mata ko. Masakit oo, pero mas masakit ang nararamdaman niya ngayon.
"Bullshit! Alam mo kung noon nauuto mo pa ako pwes ngayon hindi na! Napapagod na ko! Pagod na ko! Tinanggap ko noon na maging kabit mo! Tinanggap ko lahat para sayo pero bakit pati sa akin gagawin mo to ha?! Nagkulang ba ko sayo Jacob?! Nagkulang ba ako bilang asawa mo?! Mas gusto mo ba yung totoo talagang babae at hindi katulad ko na fake lang?!"
Galit na galit siya. Hindi ko siya masisisi. Pero lahat ng sinasabi niya hindi totoo. Alam niyang mahal na mahal ko siya at hindi ko magagawang lokohin siya.
Tinuloy niya yung pag iimpake niya. At biglang siyang pumunta sa kwarto ni Ayesha at inimpake din yung mga damit ng anak ko.
"Anong ginagawa mo sa mga damit ng anak naten Theo?" Tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin ng seryoso.
"Aalis na kami ng anak mo para malaya na kayo ng kabit mo." Madiin nyang sabi.
"Hindi! Hindi kayo aalis!" Sigaw ko sa kanya. "Please Theodore, huwag mo naman gawin to." Pagmamakaawa ko sa kanya habang nakaluhod sa harap niya.
Parang wala syang narinig. Dere-deretcho siyang umalis dala dala ang mga gamit ni Ayesha at gamit niya.
Hinabol ko siya.
"Mahal please wag mo kong iwan. Please. Wag mong ilayo sa akin ang anak ko." Pagmamakaawa ko pero wala pa din siyang imik.
Dere deretcho siyang pumunta sa kotse niya at nilagay lahat ng bagahe sa trunk ng kotse niya at mabilis na pumunta sa driver seat.
"Mahal!!! Theodore!!!" Sigaw ko habang kinakatok ang bintana ng sasakyan niya pero pinakarurot niya lang ito paalis.
"Theodore." Napaluhod na lang ako sa labas ng bahay at wala akong nagawa at tuluyan na syang umalis at iniwan ako.
Paano na ako? Paano na buhay ko? Iniwan na ko ng mag ina ko.
Theodore, mahal.
Please.
Wala akong kasalanan.
Theodore Hererra
Masakit at labag man sa loob ko pero kailangan ko munang dumistansya sa kanya. Alam kong wala akong karapatang ilayo si Ayesha sa kanya dahil hindi naman ako ang totoong nanay ng bata pero kailangan.
Iniisip ko kung bakit? Kung kapalaran ko din ba ang naging kapalaran ni Aisha na maagawa ng asawa? Na kung ginamit niya lang ba ako para maka moved on? Hindi ko na talaga alam anong iisipin ko.
Walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko kahit na nagdadrive ako ng kotse.
Madaming katanungan ang pumapasok sa isip ko.
May nangyari na ba sa kanila?
Kailan pa sila nagkaroon ng relasyon?
Bakit? Saan? Paano?
Nagkulang ba ako?
Nakarating ako ng bahay namin ni Kuya Garreth at sinalubong niya naman ako habang naka suot sa mukha niya ang pag alala ng sobra.
"Kanina pa iyak ng iyak anak mo hinahanap kayo ni Jacob." Sabi niya ng makalapit sa akin.
Dumeretcho naman ako kay Ayesha na ngayon at pugtong pugto na din ang mata sa kakaiyak.
"Mama, nasan po si Daddy?" Nahikbi niyang tanong.
Ngayon palang nakokonsensya na ako bakit ko pa siya nilayo sa Daddy niya.
Hindi ko tuloy alam kung anong isasagot ko sa kanya.
"Mama nasan po ang Daddy ko?!" Nag umpisa na siyang umiyak ng mas malakas at magwala at hinanap ang Daddy niya.
Mas lalo akong nasasaktan. Patawarin mo ako anak hindi ko naman gustong mangyari to.
"Yesha anak. May nangyari lang kasi at kailangan muna natin na lumayo sa Daddy mo. Huwag kang mag alala. Magkikita naman kayo ng Daddy mo. Pero for now anak kailangan muna natin dumistansya sa kanya." Pagpapaliwanag ko.
Ayokong sabihin sa kanya na may babae ang Daddy niya dahil bukod sa ayokong masira ang pagkatao ni Jacob sa anak namin ay, ayoko din na magalit siya sa ama niya.
"Mama, ano po ba talagang nangyari? Yung sa birthday ko po sino po yung babae na hila hila niyo?" Naguguluhan na tanong niya.
Tumingin ako kay Kuya Garreth na naluluha na din habang nakatingin sa amin dalawa ni Ayesha.
"Pangken, masyado ka pang bata para sa mga ganitong pangyayari. Tsaka nalang namin ipapaliwanag sayo ha? Tara na sa kwarto mo at magpahinga ka na." Pagsalo ni Kuya sa akin.
Tinignan ako ni Kuya at ngumiti ng pilit at tumango. Hinalikan ko si Ayesha sa labi bago siya alalayan ni Kuya Garreth paakyat sa kwarto niya.
Ilang oras pa ang tinagal bago tuluyang napatahan ni Kuya Garreth si Ayesha at nakatulog na din siya. Nagpaalam na muna si Kuya na bababa.
Naandito lang din ako sa kwarto niya pero nasa veranda ako nag papahangin.
Bumaba ako para uminom ng tubig dahil hindi ko na alam kung ano pa bang mararamdaman ko.
Nakita ko si Kuya na nagtitimpla ng gatas ng dalawa niyang anak.
"Okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Kuya.
"Obviously hindi Kuya. Hindi ko alam kung tama bang iniwanan ko si Jacob at inilayo ko si Ayesha sa kanya." Sabi ko at nag uumpisa nanaman akong umiyak.
Lumapit sa akin si Kuya at niyakap ako. Sa tuwina talaga nandyan lang si Kuya para damayan ako.
"Nagpaliwanag na ba sya sayo?" Tanong niya.
Umiling ako. "Hindi ko siya pinakinggan." Natahimik lang kame. "Mali ba ako Kuya? Hindi ko manlang siya pinagpaliwanag?" Dagdag kong tanong.
Bumuntong hininga si Kuya bago sumagot sa tanong ko.
"Magpalamig muna kayo parehas. Tsaka nyo pag usapan yan. Sige na magpahinga ka na at wag kang paka stress." Sabi niya sa akin tsaka ako niyakap ulit.
Umakyat na din ako sa taas at tumabi sa anak ko.
"Anak sorry." Sabi ko habang napatak ang mga luha sa mata ko. "Malalaman mo din ang lahat kapag maiintindihan mo na." Bulong ko.
Pumikit na ako at pinilit na makatulog. Dahil siguro sa pagod at sa kakaiyak mabilis din akong binalot ng kadiliman at nakatulog.
Kinabukasan, nasa bahay ang lahat ng tropa. Ewan baka gusto lang nilang pagaanin yung loob ko.
Nakatambay lang kami dito sa may labas at nagkukwentuhan.
Walang kahit na sino ang nag oopen sa topic kapag kaharap si Ayesha at lahat ng bata. Dahil ayokong marinig ni Ayesha ang tungkol sa nangyari.
Nang umalis ang mga bata at nagka ayaan na maglaro biglang nagsalita si Bes.
"Nakakaawa naman yung bata. Siya naiipit sa nangyayari." Mahinang bulalas ni Landon habang nakatingin sa anak ko nakikipag habulan sa mga pinsan at kinakapatid niya.
"Hon, maigi na din na na kay Theodore si Yesha. Mas mapapaigi yung bata kapag nasa ina niya. Kesa naman kay Jacob." Sagot naman ni Kuya Dwight.
"Alam niyo kayong mag asawa, huwag na kayong dumagdag sa stress ni Theodore. Hintayin nalang natin na makapag usap silang mag asawa. Mas magandang sila ang makapag bigay linaw at solusyon sa nangyayari sa kanila kesa makisali pa tayo. Alalahanin niyo, kaibigan pa din natin si Jacob at asawa siya ng kapatid ko. Kaya dapat lang na wala tayong kakampihan." Mahabang sabi ni Kuya Garreth.
Natahimik naman si Landon.
"Tama si Babe. Hindi pa natin naririnig yung side ni Jacob. Kaya dapat na huwag na muna natin siyang i judge. Kung ano man ang nakita ni Theodore, alam kong may paliwanag yon. I'm not taking side here ha? Hindi ko kinakampihan si Jacob. But knowing him for so long, I know he has a explanation." Si Kuya Eliot naman ang nagsalita ngayon.
Tama siya. Siya ang kasa-kasama ni Jacob sapul noon. Pero sa ngayon hindi pa ako ready na harapin siya. Nasaktan pa din ako ng sobra sa mga nakita ko.
Magsasalita sana ako ng biglang may magdoorbell.
Ako na din ang nagprisintang magbukas.
Pagbukas ko....
Si Nala.
"Anong ginagawa mo dito?" Mataray kong sabi sa kanya.
Ang kapal naman ata ng mukha niya na pumunta dito?
"Theodore, hiwalayan mo na si Jacob at hayaan mo na kaming maging masaya." Deretchahan at walang prenong sabi niya sa akin.
Aba at ang kapal nga talaga ng mukha niya ha? Tinaasan ko siya ng kilay.
"At sino ka para utusan ako? Kapal din naman ng muka mong humarap sa akin at sabihin yan? Saan ka kumukuha ng lakas ng loob at kapal ng apog para utusan ako ng ganyan?" Nagumpisa na ding tumaray yung mukha niya.
"Kung ako sayo hahayaan ko nalang si Jacob. Ako na ang mahal niya." Sabi niya na palaban din naman.
Tumawa ako ng malakas. Baliw na talaga itong babae na ito. Mahal?
"Mahal? Wow. Bukod sa ahas ka, napaka ilusyunada mo pala ano?" Sinampal ko siya ng malakas. "Aray ang sakit." At tinignan ko yung kamay ko. "Nakalimutan kong matigas nga pala iyang pagmumukha mo."
"Bes sino yang---- ay puta may puta pala dito?" Narinig kong sabi ni Landon na nakalapit na din sa may gate.
"Hoy bawal ahas dito. Bakit ka ba nakapasok dito sa subdivision ha?! Layas! Bawal basura dito!" Sigaw sa kanya ni Landon
"Theodore, please. Ipaubaya mo na sa akin si Jacob. Hayaan mo na kaming dalawa. Wag kang magmalinis dahil inagaw mo lang din naman siya kay Aisha." Sabi niya. Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko.
Kaya naman sinabunutan ko siya at tinulungan naman ako ni Landon
"Ang kapal ng mukha mong sabihin yan sa bestfriend ko hayop ka." Sabi ni Landon habang hila hila ang buhok niya..
"Gaga ka ba ha?! Ako may basbas ako ni Aisha at ipinaubaya niya sa akin ng buong puso ang asawa ko. Eh ikaw?! Ang kapal ng mukha mo! Ang kapal kapal ng mukha mong sabihin yan sa akin!!" Gigil na gigil na sabi ko habang hawak hawak ko din ang buhok niya.
"Bitawan nyo ko!" Sigaw niya.
Naglabasan naman ang mga tropa at inawat kami.
"Tama na. Theo! Landon! Stop it!" Sigaw ni Kuya Garreth samin.
Bumitaw kami ni Landon sa pagkakahawak sa buhok niya at hinarap namin ang itchura niyang sabog sabog ang buhok at may kalmot pa siya sa pisngi.
"Umalis ka na Nala. Hanggat kaya ko pang magtimpi sayo. Ang kapal ng mukha mong pumunta dito sa pamamahay ko at guluhin ang kapatid ko. Subukan mo pa ulit na lumapit sa kanya, hindi ako magdadalawang isip na patikimin ka kahit babae ka pa." Galit na sabi ni Kuya Garreth kay Nala habang hawak hawak ako sa magkabilang braso.
"Oo! Wag na wag ka ng magpapakita sa amin ha?! Papaputukin ko talaga yang bunganga mo!" Sigaw pa ni Landon na naghihimuton pa din sa galit. "Layas ahas! Layas!" Dagdag pa niya.
Umalis namang nanlilisik ang mata si Nala.
Ang kapal ng mukha nya.
Anong akala niya sa asawa ko?
Laruan na pag hiningi niya ibibigay ko nalang basta basta?