Chapter 21

2511 Words
Theodore Hererra Pag gising ko nasa kwarto padin ako ni Ayesha. Bumangon na din ako kaagad para maasikaso yung anak ko at may pasok pa siya sa school. "Yesha anak, gising na." Nagmulat naman siya ng mata at tumingin sa akin na parang nagtataka. "Mama?" "May pasok ka pa anak." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Tara na. Pagluluto kita ng favorite mong pancakes." Ngumiti ako sa kanya at tsaka ko siya binuhat at bumaba na kami. Kahit pupungas pungas pa siya. Narinig kong parang may kumikilos at nagluluto sa kusina. Pag silip ko si Jacob. Nagluluto nga siya.  Ano ito? Pangpa lubag loob? Hindi niya ako madadala sa mga padali niya na ganyan. Naramdaman niya ata na nasa likuran niya na kami kaya lumingon siya. "Oh gising na pala kayo. Nagluto ako ng breakfast natin." Sabi niya na nakangiti. Lumapit sya sa amin ni Ayesha. "Goodmorning Mahal." Hinalikan niya ko sa labi. "Goodmorning princess." Hinalikan niya naman si Ayesha sa noo. Binaba ko na yung bata at pinuwesto sa upuan niya. "Mahal, sorry nga pala kagabe ah? Pagod lang talaga ako sa trabaho." Sabi niya habang nakahawak sa kamay ko. Tumango lang ako. "Ano nga palang plano sa birthday ng prinsesa namin?" Sabi niya at nakatingin kay Ayehsa na nakangiting excited. "Okay na. Naplano na namin ni Kuya Garreth at Landon." Sabi ko naman na hindi siya tinitignan at kumakain lang ako. Inaamin ko naman na masama ang loob ko sa nangyari kagabi. Napuno na talaga ako. Hindi naman pwede na manahimik lang ako hindi ba? Asawa niya ako. Karapatan ko naman na tanungin siya kung bakit ganun ang oras ng uwi niya. "Ganun ba. Imbitahin ko na din sila Nala. Tutal mga kasamahan ko naman sila sa trabaho." Sabi pa niya. Tumango lang ulit ako. Hindi pa din ako umiimik. Alam kong nakakahalata siya sa cold treatment na ginagawa ko sa kanya pero hindi niya ako masisisi. Buong maghapon syang nasa bahay at hindi umalis. Kesyo wala daw silang shoot today. Biglang ganun. Palibhasa kasi nakatikim siya sa akin ng init ng ulo. Siya na din ang naghatid at sumundo kay Ayesha sa school. Nagquality time lang silang mag ama. Ako naman nagtrabaho lang din dahil imbak nanaman na. 2 days before birthday party ni Ayesha ay inaya ko si Kuya Garreth at Landon sa mall para mamili ng mga kakailanganin sa party. Pati na din mga pang giveaways at pang regalo sa anak ko. Habang nasa mall at naghahanap ng mga pang display sa party ni Ayesha parang napansin ko si Jacob sa isang jewelry shop. "Bes. Hindi ba asawa mo yun?" Sabi ni Landon sa akin habang nakaturo sa nakatalikod na si Jacob na nagtitingin sa mga alahas. Kilalang kilala ko siya kahit nakatalikod at oo siya nga yun. "Oo nga bunso. Akala ko ba nasa trabaho siya?" Sabi naman ni Kuya Garreth na nakatingin din sa gawi ni Jacob. "Baka namimili lang pang regalo kay Ayesha. Hayaan nyo na sya. Tara don tayo." Turo ko sa shop na pwedeng mamili ng mga pang party design. Umiwas ako na mapag usapan yung ganun na topic. Baka malaman nila na nag away kaming dalawa. At kung ano anong sabihin nila doon sa isa. "Bakit hindi mo lapitan yung asawa mo?" Tanong sa akin ni Landon. "Baka kasi pang surprise niya kay Ayesha yun ayaw ko naman sirain." Sabi ko naman. Totoo naman eh. Baka masira lang kung surprise niya yon sa anak namin. Naglakad na ako papunta sa tinuro ko na shop. Ayaw ko ng makarinig ng follow up question sa kanilang dalawa baka kasi magisa nila ako. At hindi nga ako nagkamali. "You're acting weird. Did something happen between you and your husband?" Nakatingin ng seryoso sa akin si Kuya Garreth habang ako patay malisya na namimili sa party decors. "Wala Kuya." Pag tanggi ko. Hindi pa din ako natingin sa isa sa kanila. Ramdam kong nakikiramdam din si Landon kung sasagot ba ako. "Stop acting innocent Theo. I know there is something wrong." Hinawakan niya ako sa balikat ko at iniharap sa kanya. "Sagutin mo yung tanong ko." This time alam kong galit na siya. Alam kong ayaw ni Kuya na nagsisinungaling o naglilihim ako sa kanya. Napaiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa ni Landon. "Nag away kami nung isang gabi." Sagot ko. Nagkatinginan silang dalawa ni Landon. "I knew it.." bulong ni Bes. "Anong nangyari?" Follow up question ni Kuya. "Umuwi siya ng ala una ng madaling araw. Tinanong ko siya kung bakit ganun siya umuwi ang sagot niya over time sa shoot pero amoy alak siya. Nagkataasan kami ng boses." Paliwanag ko. Ayoko na sana maalala yun eh. Nasasaktan ako. "Ano ba yan. Ngayon lang siya nagkaganyan ah? Anong nangyayari dyan sa asawa mo?" Nagiging mataray na yung boses ni Landon. "Huwag na tayo mangeelam sa problema nila Landon. Away nila mag asawa yan. Huwag na huwag ko lang talaga malalaman na sinasaktan niya kapatid ko. Physically.." seryosong sabi ng Kuya ko. Nag change topic na sila at ayaw nilang masira ang mood ko. Gusto ko din kasi na walang iniisip na problema habang nagsa-shopping. Kaya nga ako nag aya sa kanila para makalimot eh. Natapos kame sa pamimili at nagdecide kaming kumain muna. Napadaan kami sa isang resto at napansin kong nandoon nanaman si Jacob at may kasama syang babae. Nakatalikod yung babae kaya hindi ko kita ang mukha niya. Nagderederetcho lang ako. Pagtingin ko sa dalawa nagkukwentuhan lang sila at mukhang hindi din nila napansin yung nakita ko. Sino kaya yun? Ayaw ko naman sumugod basta basta kasi ayoko ding mapahiya ako. Baka kasi mamaya importante lang pinag uusapan nila. O kaya naman meeting lang about sa work. Hindi ako eskadalosa na tao. Gusto ko pa din maging professional. Inaya ko sila sa malayo layong resto sa resto kung saan ko nakita si Jacob. Para hindi mag krus ang mga landas namin. Para akong tanga no? Ako yung umiiwas sa asawa ko. Pagka tapos namin kumain nagdecide na kaming umuwi at susunduin ko na din si Ayesha sa school. Deretcho sundo na sa kanya pero kailangan itago ko muna maigi yung ireregalo ko sa kanya. Pagdating sa school nakita ko namang nakaabang na sa akiin yung anak ko. "Mama, pinamigay ko na po yung mga invitations sa mga classmates ko po at kay teacher." Sabi niya sa akin na nakangiti. "Excited ka na ba anak?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya ng sunod sunod. "Opo Mama. Super excited na po ako!" Kulang nalang magtalon talon siya sa tuwa. "Sa umaga ng birthday mo daan muna tayo kay Mommy Aisha mo ah?" Sabi ko sa kanya at tumango naman siya. Every birthday niya ganito ang ginagawa namin. Hindi pwedeng hindi namin siya dadalhin sa puntod ni Aisha. Kasama na sa paglaki niya ang pagbibigay ng malaking puwang sa puso niya para sa totoo niyang ina. Pag uwi namin inayos ko na lahat ng pinamili ko. Kukuha kami ng mga babayarang tao para magluto at mag ayos ng venue ng party para hindi din ako pagod. Ayoko din naman kasi na abalahin sila Kuya Garreth. Bisita pa din sila no. Kinagabihan, maagang umuwi si Jacob. Kaya naman nagkaroon pa siya ng time para lambingin si Ayesha. Nung natutulog na siya di ko maiwasang mag isip sa nakita ko kanina. Kaya hinalungkat ko yung mga gamit niya. Napansin kong may isang box ng kwintas. Kwintas na pangbata. Kaya for sure kay Ayesha ito. Tama nga hinala ko na namili siya ng pang regalo sa anak niya. Pero.. Pagbalik ko sa bag niya nahulog yung isang papel. Tinignan ko at resibo sya nung alahas. Pero ang pinagtataka ko bakit dalawa yung binayaran niya? Isa lang yung naandito? Narinig ko siyang umungot kaya dali dali akong bumalik sa higaan at nagpanggap na tulog. Lumipas pa ang isang araw at birthday na ni Ayesha. Nawala na din sa isip ko yung mga iniisip ko kagabe dahil sa pagkabusy. Ako kasi yung naeexcite para sa anak ko. Busy na ang lahat. Naandito na din ang tropa para tumulong sa pag aayos. Sabi ko nga sa kanila na huwag na pero makukulit eh. Yung mga bata din na anak nila Kuya Garreth at Landon nandito na din at mga naka costume din na pang prince at princess. Inayusan ko na si Ayesha at napili kong susuotin niya ay gown ni Belle. Bagay na bagay sa anak ko. Napaka ganda. Pagkatapos ko siyang ayusan ay nag ayos na din ako. Simpleng fitted dress lang na hanggang hita at flat shoes lang. Tsaka ko kinulot yung buhok kong hanggang bewang na ang haba. Simpleng make up lang dahil ayoko naman ng bongga. Nag change of mine din ako na dapat naka costume din kami ni Jacob pero nawalan ako ng gana. Si Jacob? Nasa baba ata kausap yung mga tropang lalaki. Nag umpisa na ding magdatingan ang mga bisita at nakaayos na din ang lahat. Pati na sila Nala at mga katrabaho ni Jacob nandito na. Binati ko naman sila lahat ng nakangiti. Ang cute dahil yung mga bata kanya kanyang suot mga princes and princesses na costume nila. Halatang masaya din yung mga bagets sa itchura nila pati sa tema ng party. Pumwesto kami ni Jacob sa mini stage at tinawag na nung emcee si Ayesha. "Let's all welcome the birthday girl. Ayesha Mojica Hererra Ferell." Sinundo siya ni Jacob sa may backstage at nagpalakpakan yung mga bisita. Nag start na din ang party. Nagbigayan na ng regalo.  Isa isang nag abot yung mga classmate ni Yesha sa kanya. Nakangiti naman ang anak ko habang tinatanggap yung mga regalo. Sunod naman ang mga tropa sa pagbibigay ng mga regalo. Si Kuya Garreth ang pinaka huli sa nag abot sa kanila. "It's time for the parents to gave their gifts and wish for their unica iha." Sabi nung emcee. Unang lumapit si Jacob sa anak namin na dala ang isang maliit na kahon. Ayan yung nakita ko sa bag niya nung nakaraan. "I know my gift is not that special for others, pero para sa akin anak napaka special nito. Sariling design and pinasadya ko itong necklace na ito. Kaya kapag suot mo to lagi, sana maisip mo si Daddy. Wish ko mas maging mabait at magalang kang bata. Wala ng hihilingin pa si Daddy kundi ang lumaki ka ng maayos at healthy. I love you my Yesha." Pagkatapos niya magsalita ikinabit na niya yung kwintas kay Ayesha at nagpalakpakan naman lahat ng bisita. Sumunod naman ako. Dala dala ko ang isang kahon. Actually, magagamit ito ng anak ko kahit saan kaya naman binilhan ko siya ng ganito. "Anak. Yung gift ni Mama alam kong tipikal ito. Pero magagamit mo ito everyday so kapag may emergency ka sa school o kapag wala sila Mama sa tabi mo pwede mo kaming makontak agad. I bought you cellphone. Mahal na mahal kita anak. Hindi ka man sa akin nanggaling pero buong puso kitang mamahalin." Pagkatapos ay inabot ko sa kanya yung regalo ko. Kitang kita ko ang tuwa sa mukha niya. Nag start na din ang mga palaro.  Biglang nawala si Jacob. Hinahanap din siya ng photographer dahil kelangan mag family picture. Kaya napuna kong wala nga siya sa paligid. Kaya naman hinanap ko siya. "Hi Mrs. Ferell, thank you for inviting us." Sabi sa akin ng nanay ng kaklase ni Ayesha. "Wala po yun Mrs. Reyes. Thank you din po sa pagpunta." Sabi ko na nakangiti. Umalis na din siya agad pagkatapos makipag usap sa akin saglit. Nakita ko naman si Landon na palabas galing sa kusina. "Bes nakita mo ba si Jacob?" Tanong ko sa kanya. "Parang napansin kong tumaas Bes." Sagot niya naman. "Siya sige tatawagin ko lang at magpa-family picture daw." Sabi ko sa kanya at umakyat na ko sa taas. Hindi ko alam bakit kumabog bigla yung dibdib ko dahil sa kaba habang papaakyat ako sa hagdan. Nakita kong nakaawang yung pintuan ng kwarto namin kaya sumilip ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko. Si Jacob may kahalikang babae. Nahulog ko yung dala kong baso kaya nagulat sila. Pagkakita ko sa babae. "N-Nala?" "T-Theodore, mahal teka magpapaliwanag ako." Aakmang lalapit sa akin si Jacob ng lagpasan ko siya tsaka ko hinablot yung buhok ni Nala. "Tangina mong malandi ka. Wala kang pinipiling lugar! Talagang dito pa sa pamamahay ko!" Sigaw ko habang kalakaladkad sya pababa ng hagdan. Nakita ko namang nagpasukan ang tropa sa loob. "Theodore anong nangyayari?" Nagtatakang tanong ni Kuya Garreth sa akin. Kita ang mga gulat at tanong sa mga mukha nilang lahat. Wala na akong pakealam kung maraming bisita. Kahihiyan pala ang gusto nila. Sila ang nagdala nang kahihiyan dito kaya ibibigay ko sa kanila. Dere deretcho lang ako lumabas sa garden habang hila hila ko padin ang buhok ng kirida ng asawa ko. Sinalampak ko sya sa damuhan sa gitna ng maraming tao. Sabay inagaw ko yung mic sa emcee na gulat din sa nangyayari. "Ladies and gentlemen. I introduce to you, kirida ng asawa ko. Nala. Palakpakan natin ang ahas na to. Hindi lang pala sa pagiging kabit sa eksena ang kaya niya. Bihasa din sa paglandi at pag agaw ng asawa." Pumalakpak naman ako. Nakita ko si Jacob na lumabas ng pintuan papalapit kay Nala at tinulungan niya tong tumayo. "Tama yan. Makikirampot ng kalat mo. At ginawa mo pa talagang basurahan itong bahay ko at nagdala ka ng basura? Ang kapal ng mukha mo! Sa birthday pa mismo ng anak mo? At lalong sa pamamahay ko pa at kwarto pa natin kayo nagtutukaan?! Ang kakapal ng mga muka nyo mga baboy!" Sigaw ko. Lumapit ako sa kanila at sinampal ko si Jacob. Sabay hinablot ko ulit yung buhok ni Nala. Inawat naman ako ni Jacob pero tinulak ko lang sya. "Alam mo ginagawa sa mga malalanding tulad mo hinihubadan sa harap ng maraming tao tutal marumi ka naman!" Hinila ko yung damit niya at nasira ito. Naexpose yung katawan niya. "Bagay yan sayo. Higad!" Sigaw ko. Pero hindi pa ako tapos. Kinuha ko yung malaking bowl ng juice at tinapon ko sa kanya. Nilagpasan ko silang lahat. Narinig ko naman yung iyak ng anak ko pero hindi ko pinansin. "Theodore saan ka pupunta?!" Rinig kong sigaw ni Kuya Garreth pero dere-deretcho lang akong umalis at sumakay sa kotse ko. Nagdrive ako at dinala ko yung sarili ko sa sementeryo. Kung saan nakalibing si Aisha. Nang lalambot akong lumapit sa puntod niya. "Ganito pala yung pakiramdam mo. Ganito pala yung pakiramdam na lokohin ka." Nag umpisa ng pumatak mga luha ko. "Kinakarma na ata ako sa mga kasalanang nagawa ko sayo Aisha. Mas malala pa yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Lahat ng pang gagago na ginawa ko sayo noon bumalik sa akin ng doble." Humihikbi akong umiiyak. Ang sakit sobra. Akala ko hindi kayang gawin sa akin ni Jacob yung bagay na yun pero nagkamali ako. Kung nagawa niya nga kay Aisha yung ganito sa akin pa kaya? "Pinagkaiba lang naten, lumaban ako. Sinaktan ko kirida ng asawa ko, ng asawa natin." Pumikit ako. Patuloy ang pagpatak ng mga luha ko. "Ang sakit sakit sobra. Ikaw agad unang pumasok sa isip ko ng makita ko sila kaninang naghahalikan sa kwarto namin. Ikaw agad unang gusto kong puntahan at paglabasan ng sama ng loob." Hinawakan ko yung picture niya. "Tulungan mo ko. Tulungan mo kong mas maging matatag at mas maging malakas Aisha. Para na din sa anak nating si Ayesha." Humagulgol na ako ng iyak. Sobrang sakit halos hindi ako makahinga. Hindi ko din alam kung saan ko nakuha lakas ng loob kong gawin yon kanina. Napaupo nalang ako sa tapat ng puntod ni Aisha habang patuloy na umiiyak. Kung ito na ang kabayaran sa lahat ng nagawa kong kasalanan noon tatanggapin ko ng buo. Sana lang kaya ng loob kong harapin ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD