Chapter 27

2514 Words
Theodore Hererra Dumating na ang Sunday at family day na ulit naming lahat. Nasa garden kami at nakasuot lang ako ng maluwag na dress. "Taraaa laro tayoooo!" Sabi ko. Tumingin naman silang lahat sa akin na para bang nakakita sila ng baliw sa kanto. "Ano ka bata?" Pang babara ni Kuya Dwight sa sinabi ko. "Dali na kasi! Sharades lang naman!" Pagpipilit ko. "Oo nga! Pang bata lang ba yun?" Si Landon na mukhang game na game din. Wala naman silang nagawa kasi nag aya din yung mga babaita. Mga under de saya. Haha. "Ako unang magpapahula ha." Sabi ko at pumwesto na ko sa unahan. Nag start na akong mag sign language. Itinuro ko yung sarili ko. "Me?" - Landon "Ako?" - Kuya Garreth "You?" - Kuya Liam Nag sign ako ng mali. Inulit ko. "I'm?" - Jacob Tinuro ko sya, means tama. Bigla kong ifinit yung dress ko at tumambad yung maliit kong babybump. Yung mga mukha nila question marks lang lahat makikita mo. Inulit ko ulit. Sabay sabay na silang nagsalita. "I'm.... Pregnant?" Sabay sabay nilang sabi. Naglakihan mga mata nila. Si Landon, Kuya Garreth at Ate Christine mga nagtilian at nanakbo papunta sa akin na parang mga baliw. Mas excited pa sa akin? "Oh my gosh bes!!!! Buntis ka?!" "Sabi ko na may kakaiba sayo eh!" "Congrats bunso!!" Naglapitan naman sa akin yung mga lalake at niyakap ako isa isa. "Congrats Theo. Sabi ko na nga ba may darating na blessings sa inyo." Nakangiting sabi ni Kuya Liam na tila ba nagteteary eyed. Pag tingin ko sa asawa ko tulala lang sya. Kahit naman siguro matutulala hindi ba? Ganyan din naging reaksyon ko. Jacob Kaleb Ferell Totoo ba yung narinig ko? Para akong nabingi. Natining yung tenga ko. Lumapit sa akin yung asawa ko at may inabot na picture. Ultrasound picture. "4 weeks Mahal." Sabi niya ng nakangiti. Hindi ko alam pero bigla nalang akong naiyak. Sa saya? Oo sa sobrang saya. Niyakap ko sya ng mahigpit at binuhat tsaka ko inikot. Walang mapag lugaran yung saya sa buong sistema ko. Akala ko wala na kaming chance na makabuo ng anak. "I love you Mahal." Sabi ko at hinalikan ko siya sa labi. "Yesha anak halika." Tawag ko sa anak ko. "Hawakan mo tiyan ni Mama." Sabi ko at ginawa naman ni Ayesha. Nanlaki ang mga mata niya na tila ba nagets niya kaagad kung bakit ko pinahahawakan yung tiyan ng Mama niya. "M-Mama buntis ka po?" Tanong niya. Tumango naman si Theodore na nakangiti at biglang umiyak si Ayesha. We both have the same reaction. Matagal na siyang humihiling ng kapatid. At ngayon, mabibigyan na namin siya. "Yehey!!! Ate na akooooo!!!! Ate na koooo!!!" Sigaw niya habang natakbo at naiyak. Natawa naman kaming lahat. Kitang kita ko ang sobrang galak at saya ng anak ko. Na tila ba parang nakatanggap siya ng isang maganda at mamahaling regalo. Magkakaanak na ulit kami ni Theodore? Thank you Lord. Sobrang saya ko po. Halos walang mapag lagyan ang saya ko. Sa paglipas ng panahon ng pagbubuntis niya, madaming pagbabago. Isa na doon ang cravings, tantrums at kung ano ano pa. Shempre, hindi ko naman masisisi yung asawa ko dahil buntis nga siya. 12 weeks pregnant na ang misis ko. At sobra kung maglihi. Mas malala pa mag tantrums kay Ayesha. Alam nyo bang ang lakas ng toyo netong buntis na to? Isa beses. Nakaupo kaming mag anak sa salas at nanunuod. Bigla niyang kinuha yung braso ko at kinagat ng madiin. Shempre napasigaw ako. "Araaay!!" Putek ang sakit kaya! Bigla siyang umiyak ng malakas. Nataranta ako. Takte ako yung kinagat pero siya yung umiyak? "B-Bakit ka umiiyak? May masakit ba?" Tapos tinanong ko siya kung bakit siya naiyak. Sabi niya nang gigigil daw siya. Ano daw? Kapag nang gigigil kailangan umiyak? Meron pa, hating gabi. Natutulog na kaming lahat. Bigla niya akong ginising. As in niyugyog niya ako para magising. "Mahal! Mahal gising!!!" Sabi niya na parang may nasakit sa kanya. Kaya napabangon ako bigla. Halos mahulog ako sa kama dahil sa gulat. "Ano? Anong masakit?!" Taranta kong sabi. Bigla siyang nag pout. "Nagugutom ako. Gusto ko ng Carbonara." Sabi niya na nakangiti pa. Hindi ko alam kung nananadya ba siya eh. Argh! Kung hindi ko lang ito asawa. Halos mawalan na ako ng malay sa ginawa niya. Hayop na yan. Nagugutom lang pala. Kaya napababa ako ng 2AM. Good thing may mga stock pa kaming ingredients ng mga gusto niya kung hindi yare. Lalabas ako ng 2AM? May isa pa. Namasyal kaming mag anak. Bigla siyang nawala kaya naman nataranta kami ni Ayesha. Pati si Ayesha halos maiyak na sa kaba. Nakita namin si buntis nasa mga stall ng streetfoods at sayang saya sa pagkain. Walangya naman talaga oh oh. "Mama, huwag mo na pong uulitin yun ha? Nag alala po kami ni Daddy sa iyo." Pati naman kasi si Ayesha halos lumabas ang puso sa dibdib dahil sa kaba ng biglang mawala ang Mama niya. I didn't scold her. Dahil sensitive siya. Pinagsabihan ko lang na huwag nang uulitin yun dahil baka mamatay kami ni Ayesha sa sobrang pag aalala sa kanya. Tumango lang naman siya. Shempre hindi pa jan natatapos. Madami pa. Bigla bigla nalang siyang magagalit kahit wala akong ginagawa sa kanya. Iiyak siya at bigla bigla akong hahampasin at sasabihing nangbababae daw ako. Dyos ko talaga!!! Ano bang irarason ko bakit ako mang bababae? Na sa kanya na ang lahat ng gusto ko. I don't have any reasons para magloko pa. At tsaka natuto na ako sa lahat ng kasalanan na nagawa ko noon. Tama na yun. Isa pang pangyayari. Nasa work ako at super daming trabaho dahil madaming sales at imbak ang mga trabaho. Ayoko kasi talaga sa lahat yung naiimbakan ako ng mga gawain. Dagdag stress at isipin, kasabay pa ng pag aalala ko kay Theodore dahil mag isa siya sa bahay. Ayesha is attending her school kaya naman walang kasama ang Mama niya. Nang bigla siyang tumawag, at umiiyak. Ako naman nataranta nanaman at baka kung anong nangyari sa kanya. Napauwi ako ng wala sa oras. Pagdating ko si buntis naka higa sa sofa tapos nanonood ng cartoons tas tawa ng tawa. Paglapit ko tinanong ko siya kung anong nangyare. Alam nyo ba ang sagot? "Namiss kasi kita eh." Napahilamos nalang ako ng kamay ko sa mukha ko dahil sa sinabi niya. Haru juskooo!!!!! Mababaliw na ata ako. Sobrang lala maglihi. Mabilis din lumipas ang mga araw at buwan. Mahirap man ang journey na tinahak namin dahil sensitive ang pagbubuntis ng isang katulad niya, kinaya naman namin. Kasama na din doon ang pagtulong ng tropa at pag aalaga kay Theodore. Pati na din ang kanyang doctor na hindi nagkulang sa bilin at konsulta sa asawa ko. Once a week kaming may appointment sa kanya para mamonitor niya kung normal ba ang paglaki ng bata sa tiyan ni Theodore. Pati na din ang pagtingin kung normal delivery o cesarian delivery ba ang gagawin sa kanya. Habang papalapit ng papalapit ang kabuwanan ni Theodore mas lalong lumalaki ang takot sa dibdib ko. Ayoko pa din na magpaka kampante kasi na okay ang lahat. His pregnancy is very rare. We are still not sure kung magiging successful ba ang panganganak niya. Hindi nawala sa akin ang pagdadasal araw araw. Kabuwanan na niya at hindi na din muna namin inalam ang gender ng baby namin. Ewan sa trip naming dalawa. Gusto naming masurprise, as in paglabas ng baby namin malalaman kung babae ba siya o lalaki. May mga pangalan na din kaming nakahanda para sa kanya. Nag home based muna ako ng work para mabantayan ko siya. Ayoko kasing mawala siya sa paningin ko knowing anytime soon manganganak na siya. Pumayag naman sila Kuya Eliot dahil hindi ko naman pababayaan ang kumpanya. Kahit nasa bahay ako, nagagawa ko pa din ng maayos ang trabaho ko at hindi ko sila binigo. Busy ako sa pagtatrabaho sa salas ng.. Bigla ko siyang narinig na sumigaw sa taas. "Daddyyyyy!!!!!" Sigaw ni buntis kaya naman nag unahan kaming manakbo ni Ayesha pataas sa kwarto. Halos madapa ako sa pagtakbo dahil yung sigaw niya nakaka kaba. "Bakit?! Mama bakit?! Lalabas na ba si baby?!" Sigaw ko na natataranta. Bigla ko siyang nakitang nakatayo sa salamin at nakatungo. "Daddy hindi ko na makita yung paa ko!!! Yung paa ko nasaan?!" Sabi niya at tsaka umiyak. Parang naging bata ulit si Ayesha. Narinig ko naman humagikgik si Ayesha na tila ba natawa din sa asal ng Mama niya. "Mama naman. Kinabahan kami ni Daddy sayo akala namin lalabas na kapatid ko." Sabi ni Ayesga tsaka lumapit sa Mama niya at niyakap. Napakamot nalang ako sa ulo ko. "Umupo ka Ma, makikita mo paa mo." Sabi ko. Ginawa niya naman. Tinaas pa niya yung paa niyang nakasuot ang bunny slippers niya. Mahihimatay na ata talaga ako sa asawa ko. Kinabukasan, kelangan kong pumunta sa office kasi may urgent meeting. Kahit na ayoko hindi naman pwede na hindi ako aattend. I am the CEO of the company. Kailangan kong gampanan ng maayos ang posisyon ko. Habang nasa kalagitnaan ng meeting biglang tumawag si Ayesha. "Excuse me. I need to answer this. Continue what you were saying Baldemor." Sabi ko sa employee ko na nag rereport sa unahan. Lumabas muna ako ng meeting room at sinagot ang tawag. "Hello anak?" [Daddy!!!! Si Mama manganganak na!!! Daddy bilisan mooooo!!!] Napatakbo ako bigla at binilisan ko pagtakbo sa kotse ko. Tsaka ko ito pinaharurot pauwi. Pagbukas ko ng pinto. "Yesha?! Mama?! Nasan kayo?!" Sigaw ko. "Daddy!!! Nandito kami sa taas!!!" Narinig kong sigaw ni Ayesha kaya nanakbo ako pataas. "Mahaaaaal!!! Aray!!!! Yung bata lalabas na punyeta bilisan mo!!!! Aray." Sigaw ni Theodore. Dali dali ko siyang binuhat papunta sa kotse at kasunod ko si Ayesha dala dala lahat ng gamit na kelangan ng Mama niya. Pagdating sa ospital, inasikaso agad siya. "Mister, papasok po ba kayo?" Tanong sakin nung nurse. Umiling nalang ako. Ayoko makitang nahihirapan si Theodore. Kahit na alam kong gusto niya nasa tabi niya ako. At isa pa, takot ako sa dugo. Tinawagan ko sila Kuya Garreth para ibalita ang nangyari. Hihintayin ko nalang sila na dumating. Hindi ako mapaigi. Nagdadasal ako na sana maging maayos ang lagay ng mag ina ko. "Nasaan sila?" Si Kuya Garreth na halatang nagmadali din na makapunta dito. Kasama niya si Kuya Eliot. Sunod sunod na din na nagdatingan sila Landon, Kuya Dwight, Kuya Liam at Christine. "Wala pa akong balita. Nasa delivery room pa din sila. Mag dadalawang oras na." Sagot ko sa mga tanong nila na kung nasaan na sila Theodore. "Bakit hindi ka sumama sa loob?" Tanong pa ni Kuya Liam. "Takot kasi yan sa dugo kaya hindi yan pumasok." Si Kuya Eliot na ang sumagot. Balisa lang ako. Hinihintay ko na lumabas ang doctor. Ilang minuto pa, lumabas na si Doc. Caparas at sinalubong ko siya kaagad. "Doc. kumusta ang mag ina ko?" "Congratulation Mr. Ferell. Successfull ang panganganak ng misis mo. The baby is healthy. She delivered it in cesarian. Pasensya na kasi hindi pwedeng normal delivery ang mangyari." Paliwanag niya sa akin. Tumango ako ng marahan. Okay na yun kesa malagay sila sa kapahamakan kapag ipinilit na mag normal delivery si Theo. "Salamat po ng marami Doc." "Ililipat na siya sa room niya mayamaya. Mauna na ako Mr. Ferell." sabay tapik sa balikat ko. "Salamat po ulit." Nakangiti ang tropa. Ako? Naeexcite na akong makita ang anak ko. Theodore Hererra Nagising ako nakahiga na ako sa hospital bed. Nakakarinig ako ng nagkukwentuhan. "Mahal? Daddy?" Salita ko. Nakuha ko ang atensyon ng lahat ng nasa loob ng kwarto. Si Jacob naman lumapit sa akin. "Mahal? Okay kana ba? May masakit ba sayo?" Tarantang tanong niya. Umiling lang ako. Alam ko naman na mayamaya mararamdaman ko na ang sakit ng tahi ko. Sa ngayon ang gusto kong malaman kung nasaan ang anak ko. "N-Nasaan ang baby natin Mahal?" Tanong ko. Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. "Dadalhin na siya dito ng nurse." Sabi niya naman. "Nakita mo na ba siya?" Tanong ko. Umiling lang siya. "Gusto ko sabay natin siyang makikita." Sabi niya pa. Nawalan kasi agad ako ng malay nung nailabas ko yung baby sa sinapupunan ko. Kaya hindi ko na din siya nasilayan bago kunin ng mga nurse at linisan. Nainterrupt ang pag uusap namin ng pumasok sa nurse sa pintuan at kalong kalong ang isang baby. Bigla akong nakaramdam ng excitement. Kaso bawal akong maglikot. "Excuse me Mr. and Mrs. Ferell. Heto na po ang baby nyo. A healthy baby boy." Sabi nung nurse at inabot sa akin yung anak ko. "B-Baby boy?!" Manghang sabi ni Jacob at tuwang tuwa pa. Kahit ako. Halos mapunit ang labi ko sa lawak ng mga ngiti ko. Lalaki! This is all I ever wanted. Dahil nandyan naman na si Ayesha, may anak na akong babae. Ngayon naman ay may anak na kaming lalaki. "Ano pong pangalan niya?" Tanong ng nurse. "Tyron James. Tyron James Hererra Ferell." Sabi ko. Ngumiti lang si Jacob bilang pag sang ayon sa nabanggit kong pangalan. "Salamat po." Sabi nung nurse at nagpaalam na. Nagpasalamat din kami ni Jacob sa kanya. Tumingin ako kay Ayesha na tila ba hinihintay ang go signal ko na lumapit siya. "Yesha anak halika tignan mo baby brother mo." Sabi ko sa kanya. May galak at saya ang ekspresyon niya at lumapit naman siya sa amin. "Hello baby brother. Ako nga pala si Ate Yesha mo." Sabi niya habang nilalaro ang maliit na kamay ni TJ. "Congrats bunso!" Masayang pagbati sa akin ni Kuya Garreth. "Ang gwapong bata! Manang mana sa mga magulang. Ay naku. Tignan mo yung mukha niya, ang taba ng pisngi parang si Yesha lang noong baby pa." Si Landon na hindi din makontrol ang galak sa katawan. Oo nga pala. Simula noong isinilang si Yesha ni Aisha, nakita nila ang paglaki ng batang ito. Unlike me, 3 years old na siya ng makasama ako. Nakakainggit lang. Pero ngayon babawi ako. Mamahalin ko silang dalawa ng kapatid niya. Sa abot ng aking makakaya. After ilang araw nakalabas na din kami at nakauwi na sa bahay. Start na ng sleepless nights, change of diapers, padede at paligo. Dahil transwoman lang ako, wala akong gatas na napoprovide para kay TJ. But I'm always making sure na healthy pa din ang gatas na binibili namin para sa kanya. Madalas umiyak ng madaling araw si Tutoy kaya naman paligsahan kami ni Jacob sa paghele. Minsan pa si Jacob ang night shift dahil daw bawal ako mapuyat at baka mabinat ako. Isang dahilan kung bakit mas lalo akong humanga sa asawa ko. Hindi siya nagkulang sa pag aalaga saming tatlong mag iina. Kahit na pagod siya sa trabaho, lagi niyang sinisigurado na maayos kaming tatlo. Hindi din siya nagkukulang sa pagbibigay ng atensyon at pagmamahal kay Ayesha. Si Ayesha naman minsan ang nag babantay kay TJ kapag kailangan kong maghugas ng mga feeding bottles at magluto ng pagkain. Palagi ko din siyang kasama sa mga check up at pagpunta namin ni TJ sa doctor nito. --- Season 2 is waving! ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD