Theodore Hererra
"Ma'am? Sino pong sasama sa inyo?" Tanong nung police officer sa aming dalawa ni Kuya.
Tumingin ako sa kanya bago ako sumagot.
"Ako po." Sagot ko naman. At tsaka ako tumingin kay Kuya. "Kuya pumunta ka na lang muna sa ospital. Please, wag mo muna sasabihin kay Jacob yung nangyayari kasi hindi pa siya nakaka recover." Sabi ko naman.
Tumango naman si Kuya at niyakap ako. "Mag iingat ka ha? Iuwi mo si Ayesha. Bumalik kayong dalawa ng ligtas." Sabi niya tsaka umalis na.
Hindi kasi pwede na si Kuya ang sumama sa mga pulis at ako ang pumunta sa ospital. Hahanapin sa akin ni Jacob si Ayesha. Ayokong pagka gising niya malaman niya kaagad yung masamang nangyari. Baka mas lalong makasama sa kanya.
Nanginginig ako habang nasa byahe. Halos padilim na din at hindi ako mapakali. Kung ano anong pumapasok sa isip ko.
Baka sinaktan na ni Nala si Ayesha. Baka mamaya hindi lang niya basta saktan ang anak ko. Hindi ko talaga mapapatawad ang babae na iyon kapag may nangyaring masama sa anak ko.
Pagdating namin sa lugar sobrang dilim. Totoo nganga nasa isang masukal na lugar sila. Malaki nalang din talaga ang pasasalamat ko at may signal dito kaya natawagan ko si Ayesha.
Nababalot ng palayan ang paligid. Tanging isang maliit na kubo lang ang natatawan ko sa banda doon. Yung ilaw lang doon sa maliit na kubo ang tanging ilaw. Nakita ko yung kotse ni Nala.
Maingat at dahan dahan ang mga kapulisan na pumalibot sa kubo. Walang ingay o kahit na anong dahilan para malaman ng nasa loob ng kubo na naandito na kami.
Pero mali ako.
Biglang umalingawngaw ang isang putok ng baril kaya naman napatungo ako.
"Ayesha!!!" Sigaw ko.
Hindi ako pwedeng tumunganga lang dito. Lalo na at may hawak na armas ang baliw na yon.
"Mama!!!" Rinig kong sigaw ni Ayesha kaya lalo akong kinabahan at naiyak.
Lord, please. Huwag mo naman kuhain sa akin ang anak ko. Aisha, please. Huwag mo hayaan na mawala sa akin ang anak natin.
Nanginginig ako. Hindi ko alam iisipin ko sa mga oras na ito. Parang anytime soon mahihimatay na ako sa sobrang kaba at takot na baka may sugat o ano si Ayesha.
Walang pag dadalawang isip na sumugod papasok sa kubo yung mga police at nakarinig nanaman ako ng mga putukan.
Kahit na alam kong delikado hindi ko maiwasang manakbo papasok sa kubo na pinang galingan nung putukan.
Pagpasok ko nakita ko si Nala na nakahiga sa sahig at duguan ang balikat. Pero humihinga at may malay pa siya.
"Mama!!!" Narinig kong sigaw ni Ayesha at paglingon ko yung anak ko umiiyak at nananakbo papalapit sa akin.
Mahigpit na yakap ang isinalubong ko sa anak ko na halata ang takot at trauma sa maamo niyang mukha.
"Anak ko. Nandito na si Mama. Wag ka ng umiyak." Sabi ko sa kanya. Nanginginig at umiiyak ang anak kong naka yakap sa akin.
Dinampot na ng mga pulis si Nala. Nakuha sa kanya ang isang calibre kwarenta'y singko na baril.
At kami naman ay pinapunta sa police station para sa statement ng anak ko. Kahit na may trauma ang bata, nagawa pa din niyang maikwento ang lahat.
Nanginginig man at umiiyak na nagkukwento, pinaramdam ko sa anak ko na safe na safe na siya at wala nang kahit na sino pa ang makakapanakit sa kanya.
After nya magbigay ng statement ay pumunta agad kami sa ospital.
Nanginginig akong kumapit sa doorknob ng kwarto ni Jacob dito sa ospital. Pagbukas ko, bumungad sa akin ang asawa ko na nakaupo at nakasandal sa headboard habang kausap ang buong tropa.
"Daddy!!!!" Sigaw ni Ayesha at tumakbo sa Daddy niya.
Biglang umiyak ang bata na nagpapunit sa puso ko.
"Daddy. Daddy. Namiss kita. Kinuha ako nung baliw na babae. Buti kinuha agad ako ni Mama." Umiiyak na sabi ni Ayesha kay Jacob habang nakayakap siya at umiiyak.
"Mas namiss kita anak." Sagot niya naman.
Alam ko naman na alam na niya ang nangyari. Pero hindi siya nag histerikal kagaya ng iniisip.
"I know your Mama will save you. I'm sorry anak wala si Daddy para iligtas ka." May halong lungkot ang boses niya.
Nakatayo lang ako sa may pinto at umiiyak din. Hindi ko alam kung papaano ko haharapin ang asawa ko dahil sa mga ginawa ko.
Tumingin siya sa akin at ngumiti kahit na may luha sa mga mata niya.
Sumenyas niya na tila ba pinalapit niya ako sa kanya at ginawa ko naman. Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit.
"I'm sorry. I'm so sorry Mahal. Naging mahina nanaman ako. Sorry." Sabi ko habang umiiyak.
Ramdam na ramdam ko ang sakit. Akala ko mawawala na siya sa akin, kasabay pa ng pagkuha ni Nala sa anak ko. Kung siguro baka mababaliw talaga ako ng sobra.
"Ssssh. Wala kang kasalanan. Tumahan ka na." Sabi niya habang hinahagod yung likod ko at nakayakap din sa akin ng mahigpit.
"Wag ka na magsorry. Okay na. Okay na ako." Sabi pa niya.
Nakayakap lang ako sa kanya pati na din si Ayesha. Natatakot ako na baka pag bumitaw ako sa mga yakap niya ay bigla nalang siyang mawala sa akin.
Matapos ang makabagbag damdamin na reunion naming pamilya ay kaagad na nakatulog si Ayesha sa bisig ng Daddy niya na pawang tulog na din.
Sabi ng Doctor ay okay na si Jacob at ilang araw pa ay pwede na syang lumabas. May mga gamot siyang kailangang inumin at tamang pahinga.
Pina check up ko din si Ayesha dahil alam kong may nakuha na takot at natrauma ang anak ko sa nangyari sa kanya. Sa murang edad, naranasan niya ang makuha ng taong wala sa katinuan ang pag iisip. Sinaktan at binigyan siya ng paghihirap.
Goodthing malakas na bata siya kagaya ng Daddy at Mommy niya. Yun nga lang ayaw niya ng mahiwalay sa amin ni Jacob. At yun din naman ang ayaw namin ng asawa ko.
Hindi pwede na mawala siya sa paningin namin kahit na sa maikling oras lang. Napapraning ako.
Naka labas na din ng ospital si Jacob at umuwi na kami sa bahay.
Napaayos na din ni Kuya Eliot yung door glass dahil siya naman daw ang bumasag noon. Kahit na nakakatawa isipin ay pumayag na kaming dalawa.
Napakalaki ng pasasalamat ko sa bayaw ko. Kung hindi dahil sa kanya baka patay na si Jacob. Baka tuluyan na siyang nawalan ng dugo at inabutan nalang siya na bangkay.
Walang tigil ang pagpapasalamat namin ni Jacob sa kanya.
Mas naging mahigpit pa kami sa security ng bahay. Nagpalagay kami ng mga CCTV cameras sa loob at labas. Ultimo sa tapat ng gate at sa garahe.
Hindi kami basta basta tumatanggap ng bisita sa bahay simula ng mangyari ang mga insidente na yon. Isang naging isang bangungot sa aming pamilya.
Inilipat na din namin ng school si Ayesha na mas malapit sa bahay namin at same school nalang sila ng mga pinsan niya at kinakapatid. Para sa ganoon madalas na may kasama ang anak ko. Sabay sabay silang pumapasok at umuuwi.
Salitan kaming mag asawa pati na ang mag asawang si Kuya Garreth at Kuya Eliot sa pagsundo sa mga bata sa school.
Dahil na din nagdala ito ng takot sa mga bata.
Dumalaw ako sa puntod ni Aisha at nagpasalamat ako sa kanya dahil alam kong ginagabayan niya kaming pamilya niya. At nandyan lang siya sa paligid at nakamasid. Alam kong hind niya kami pababayaan.
Nalaman ko din na sa mental dinala si Nala dahil natuluyan siyang nasiraan ng bait. Pero ilang araw lang ay nabalitaan namin na patay na siya dahil napagtripan ng mga kapwa pasyente niya sa loob ng mental hospital. Hindi man kami nagka usap pagkatapos ng ginawa niya sa pamilya ko, napatawad ko na siya sa mga nagawa niya.
Hindi ako perpekto na tao, dahil nagkakamali din ako kagaya ni Nala. Hindi man naging maganda ang dahilan ng pagkawala niya, aalalahanin ko pa din na kahit ganoon siya ay naging isang tao pa din naman siya.
Alam kong hindi pa to ang huling mga pagsubok na kakaharapin namin ng magkakasama. Pero isa lang mapapangako ko hindi ako susuko at hindi na ako magiging mahina.
Hindi na ako tatakbo sa mga problema na dapat ay sinusolusyunan ko at hindi hinahayaan lang na lumaki.
Back to normal na ang buhay naming lahat. Tuluyan ng naging okay ang kalagayan ng asawa ko. Mabilis na lumilipas ang panahon na kahit na ipinagdarasal ko na huwag na muna sanang lumaki kaagad ang anak ko dahil gusto kong baby lang siya habang buhay, pero hindi naman pwede yun hindi ba?
Nakakalungkot man, pero kailangan kong tanggapin na tatanda siya at tatanda din kami ni Jacob.
8 years old na ni Ayesha. Sa bawat panahon na lumalaki siya walang pagbabago sa mga naka ugalian ng anak ko. Mabait, masipag at malambing pa din siya. Mas lalong lumaki ang pagmamahal niya sa amin ng Daddy niya. Kasabay noon ang pag hiling niya ng kapatid.
Nagkakatinginan na nga lang kami minsan ni Jacob kapag nahiling siya. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Lungkot dahil hindi ko mapagbibigyan ang hiling niya. Saya dahil kahit papaano ay may kakayanan naman ako na magawa yon. Ang kaso nga lang hindi ako o kami sigurado. Nandoon yung takot na baka umasa lang kami na makakabuo kaming dalawa ni Jacob ng anak.
Yung mga anak naman ni Kuya Garreth at Kuya Eliot ay kaka 5 years old lang. At take note bonggang bongga ang mga birthday nilang dalawa. Si Light naman 4 years old na. Super kulit na namana pa kay Landon. May awrahan din siya ni Kuya Dwight na medjo suplado kapag wala sa mood.
Umalis na din sa pag aartista ang asawa ko. Napaka toxic kasi ng mga nangyari. Ayaw na niyang maulit pa ang mga nangyari noon. Sa takot na din na baka tuluyan ng may mawala sa amin. Kaya we decided nalang na maging business partner ni Kuya Garreth at dito nalang niya ilalagay yung business niya sa Pilipinas na matagal naman na talagang nakaplano. Napurnada kasi dahil nagkaroon ng problema ang company sa States and we need to fixed it first bago kami magpatayo dito sa Pilipinas.
Kasabay noon ang paglipat ng ibang empleyado na nasa States. Most of them are pinoy at pinay kaya naman pabor sa kanila. Same salary and working hours. Mas malapit pa sa pamilya nila. The problem is yung mga foreign employees namin. Approved naman sa kanila dahil nga same salary and working hours din naman.
Pinasara na ni Kuya Garreth yung company namin sa States at ibinenta niya na rin yung bahay namin doon. Tutal we don't have a reason now para tumira pa doon.
Ako? House wife nalang same as Kuya Garreth and Landon. We are now living in a peaceful life. Sa iisang company lang din naman nagtatrabaho ang mga asawa namin. Si Jacob ang CEO ng company at si Kuya Eliot naman ang President. Si Kuya Dwight at Kuya Liam naman ay doon din nagtatrabaho as department managers.
May anak na din si Kuya Liam at Ate Christine. Imagine kambal? Kaya pala ang laki magbuntis. Mag 2 years old na yung kambal parehas pang lalaki. Kaya naman karibok kaming lahat dahil dalawa lang si Ayesha at Ellisse na babae. Nakakatuwa lang isipin na lumalaki na ang pamilya namin.
Naandito kaming lahat sa bahay ni Kuya Garreth at nag get together. Every Sunday magkakasama kami, magsisimba ng sama sama and then tatambay dito at mag fu-foodtrip.
Nakuha ang atensyon namin ng biglang mag salita si Landon na nakatitig pala sa akin kanina pa.
"Bes pansin ko nalaki balakang mo. Anong meron?" Sita niya sa akin.
Kaya naman sa akin lumipat ang tingin nilang lahat.
"Ha? Ewan ko bes. Hayaan mo nalang, babaita eh." Sabi ko kaya nagtawanan naman kaming lahat.
Wala naman talaga akong idea kung bakit. Hindi din kasi ako naggi-gym or even nag wowork out.
"Oo nga Mahal, nalaki balakang mo. Lalo ka tuloy nasexy. Baka mamaya hindi ko mapigilan sarili ko at marape kita dito." Birong sabi ni Jacob na nakikipag sabayan sa biruan ng tropa.
"Hoy Mr. Ferell!! Tigilan mo ko. May mga bata oh! Yung anak mo marunong na yan naririnig ka!" Sita ko sa kanya.
Nakita ko kasing na sa aming dalawa ni Jacob ang atensyon ni Ayesha at nakikinig sa usapan namin.
"Sorry naman misis ko." Sabi niya naman na nagkakamot sa batok.
Siraulo.
"Napakalaki na pala ng pamilya natin ano? Imagine nung una isa palang si Ayesha, tas nadagdagan ni Garry at Elisse. Tas dumagdag pa si Light. Tas ngayon nandyan na din yung kambal nila Liam. Nakakatuwa lang makita ang dami na natin." Singit ni Kuya Garreth sa usapan na nakatingin sa aming lahat na nakangiti.
Totoo. Sobrang saya dahil isang buong pamilya kami at sama sama.
Magkakasama kaming lahat sa saya at lungkot. Sa kaginhawahan ng buhay. Walang naiiwan sa amin sa ere. Disiplinado kaming lahat dahil na din sa mga pangaral namin sa isa't isa.
At walang tumatangkang manglandi o mangharot sa mga asawa namin dahil alam ng lahat na apat kaming lalampaso sa kanila.
Nakakatawa man isipin pero totoo yan. Lahat ng babae o kabaklaan sa company ay malaki ang paggalang sa amin.
Sa kalagitnaan ng kwentuhan at kasiyahan namin ay bigla nalang akong naduwal kaya naman nanakbo ako sa sink sa may dirty kitchen sa likod bahay.
"Mahal? Okay ka lang ba?" Narinig ko ang boses ni Jacob. Sumunod pala siya sa akin dito?
"Oo. Baka may nakain lang akong kakaiba Mahal." Sabi ko pero naduduwal pa din ako.
"Gusto mo bang magpacheck up?" Rinig ko sa boses niya na nag aalala siya.
Umiling lang ako.
"Hindi na Mahal. Eto naman. Okay na ako." Nagpunas na ako ng bibig. "Tara na doon. Naghihintay sila." Aya ko sa kanya.
Maghapon lang kaming nagkwentuhan. Hindi nakakasawa tong mga to kahit araw arawin ko pang makasama.
6PM umuwi na kaming mag anak.
Nagluto agad ako ng dinner dahil malakas tumibag ang mag ama ko. Lalo na kung favorite nila ang niluluto ko.
"Wow Mama. Ang bango naman ng niluluto mo." Biglang sulpot ni Ayesha at niyakap pa ako sa likod.
"Sus. Nanglalambing naman ang baby ko."
"Mama. Hindi na ako baby." Sabi niya kaya nilingon ko siya. Nakapout at tila ayaw na niyang tinatawag
"Forever ka naming baby. Bawal umangal." Sabi ko at tsaka ginulo ang buhok niya. "Paluto na to. Alam mo na gagawin." Dagdag ko pa. Mabilis siyang nanakbo at nag lagay ng mga plato sa mesa.
Sa tuwing nagluluto ako si Ayesha ang nagvo-volunteer na mag ahin at mag ayos ng mga plato, baso, kutsa at tinidor sa mesa. Na lalo ko naman ikinakatuwa. Palagi niyang sinasabi sa akin na 'Mama tutulungan na po kita kasi malaki na ako.' napapangiti nalang ako.
"Tawagin mo na si Daddy mo." Sabi ko at inihain na lahat ng pagkain at nandyan na din ang mag ama ko.
Nag kanya kanya na kaming upo sa harap ng hapag. Nagdasal at nag lead ng prayer si Ayesha. Pagkatapos ay ipinagsandok ko na sila ng kanin at ulam.
"Ano nga palang balita sa company Mahal?" Tanong ko sa asawa ko na busy sa pag namnam ng pagkain.
"Ayon okay naman Mahal. Okay din pala pag puro lalaki nagpapatakbo ng company. Natutuwa nga ako at mataas sales natin. Ilang buwan na din." Sagot niya na kita ang saya sa mukha.
"Wow. Good to know. Eh... babae? May naaligid ba?" Pabiro kong tanong.
Natawa naman siya.
"Alam mo Mahal, pag may nagpapacute sa akin sinasabihan ko kaagad na tigilan ako. Sabi ko dalawa na napapatay ng asawa ko wag na siyang dumagdag. Ayon mga natatakot." Natatawa niyang sabi.
Binatukan ko naman siya.
"Loko ka no?! Hindi ko sila pinatay. Bwiset ka." Sabi ko na natatawa na din.
Pagtapos maghapunan ay nanood muna kami ng movies para magpababa muna ng kinain. Nang makaramdam ng antok, natulog na din kami. Maaga pa pasok ng asawa ko bukas eh.
Maaga akong nagigising para mag asikaso ng umagahan nilang dalawa. Pati na din ng babaunin nilang mga pagkain. Hindi naman maselan ang mag ama ko. Sadyang mas gusto lang nila na luto ko ang kakainin nila.
Pagkaalis ni Jacob at Ayesha papasok sa trabaho at school umarya nanaman yung tiyan ko at bumaligtad nanaman.
Kaya tinawagan ko si Landon at Kuya Garreth.
[Anong meron? Bakit napapadalas ata yang pagsusuka mo? Baka mamaya may nakain ka nang kung ano.]
Si Kuya Garreth na tila nagagalit.
"Kuya, I told you wala akong nakain na kung ano. Ewan ko nga din ba bakit ako nasusuka."
[Alam mo bes. Magpa-check up ka na baka kung ano na yan.]
Si Landon naman na nasa kabilang linya. Conference call ang ginawa ko dahil ayokong magsasalita nanaman ako after ng isang call. Ang tamad lang diba?
[Landon is right. Sasamahan ka namin. You better prepared yourself now. Mag aayos na din ako. Ako na susundo sa inyo.]
Sabay end call. Wow naman..
Well, knowing my Kuya. He was always there when in terms na kailangan ko talaga silang dalawa ni Landon. Don't get me wrong, close namin si Ate Christine. Pero kasi she was also busy na mag alaga sa kambal niyang anak dahil bata pa ang mga ito. Unlike Garry and Elisse na marurunong ng makinig. And also Light na naihahabilin ni Landon sa Mama niya. Nakakahiya naman na maabala siya.
Nag ayos na ako dahil baka bigla na silang sumulpot jan.
Isang oras lang ako naghintay at dumating na silang dalawa. Sumakay na ako sa passenger seat katabi ni Kuya Garreth.
"May kakaiba talaga sayo bes." Pagpuna nanaman ni Landon sa akin.
I just shrugged. Wala naman kasi akong napapansin sa changes sa katawan ko.
Naandito na kami sa ospital dahil hindi ko na keri pagbaligtad ng sikmura ko. Natatakot ako baka kung ano na ito. Hindi ko lang pinahahalata sa kanila dahil ayokong mag alala pa silang lahat sa akin.
Tinest lahat sa akin. Ihi at dugo. Kaya inintay namin yung resulta. Dahil sabi din naman na isang oras lang ang hihintayin namin. After 1 hour tinawag na ako nung doctor.
"Mrs. Jeon, nakita naming may pagbabago sa hormonal balance mo sa katawan at yun yung dahilan kung bakit lumalaki yung balakang mo. Actually, this is a rare case for a transwoman like you pero you're so lucky. Congratulations Mrs. Jeon you are 3 weeks pregnant." Sabi nung Doctor.
Hindi agad nag function sa utak ko yung mga sinabi niya.
"P-Po?" Hindi pa din ako makapaniwala. Para akong nabibingi.
"As you can see Mrs. Jeon, meron po kayong private part ng babae na hindi active. Dahil nagtetake kayo ng pills, nagawa niyang i active yung parts na yon and ayan po ang resulta. You're 3 weeks pregnant Mrs. Jeon." Sabi ulit nung doctor.
Para akong tanga. Hindi ako nakasagot. Natulala ako at parang naestatwa. Panaghinip ba ito?
"Here, vitamins yan para maging healthy yung baby sa tiyan mo. Need mo din pumunta dito every week for follow up check up dahil hindi normal na pang babae ang womb mo kaya may mga pagbabago pading mangyayare at need imonitor." Sabi pa niya.
Napatango nalang ako sabay abot ng mga gamot na inaabot niya sa akin.
"T-Thank you doc."
After kong makausap yung doctor ay lumabas na ako at sinalubong naman ako nila Kuya.
"Anong balita bunso?" Bungad na tanong ni Kuya Garreth.
"A-Ah ano may nakain lang akong masama kaya daw ganito. Pero binigyan na ako ng gamot. Tara na?" Aya ko sa kanila.
"Sure ka?" Medjo nag aalinlangan na tanong ni Landon sa akin.
Tumango ako. "Oo bes. Huwag na daw tayong mag alala." Nakangiti kong sabi.
Mukang kumagat naman sila sa palusot ko.
Balak ko kasing sabay sabay ko ng sabihin sa kanila na buntis ako. Para naman mas maganda.
Pinaghalong saya at kaba yung nararamdaman ko. Hindi ko alam pero natatakot ako. Dahil sabi nga ng doctor hindi to normal.
Pero mag iingat nalang ako para samin ng baby ko.
Bumalik ako sa ospital after 5 days para magpa ultra sound. Magfo-4 weeks na yung tiyan ko at hindi pa ganun kalaki yung baby bump pero halata na.
Ilang araw din ako nag bubble gum at candy para hindi ako masuka. Ilang araw ko na din gamit yung mga tshirt ng asawa ko kasi ang comfy. Hindi naman sya nagtatanong. Tuwang tuwa pa nga at baliw na baliw daw ako sa kanya. Lakas amats.