Chapter 25

2505 Words
Garreth Hererra "Tata Reth, saan po ba napunta si Mama? Palagi nalang siya umaalis. Tapos si Daddy po hindi ako binibisita. Ano po bang nangyayari?" Nagulat ako sa biglang tanong sa akin ni Yesha habang inaayusan ko siya at ihahatid ko na siya sa bago niyang school. "Um. Yesha, kasi bata ka pa para sa mga ganitong pangyayari. Hayaan mo. Ieexplain naman sayo lahat ni Mama mo to." Buong pag unawa ko sa bata. Naaawa talaga ako sa kanya. Siya ang naiipit sa nangyayari ngayon sa mga magulang niya. Alam kong malakas ang loob ni Ayesha kahit na nasa murang edad pa lamang siya. Pero iba pa din ang pag aalala ko dahil hindi dapat siya nakakaranas ng matinding lungkot. Ang bata bata pa niya. "Hiwalay na po ba si Mama at Daddy, Tata? Tsaka bakit po nila ako inilipat ng school? Dahil po ba sa nangyari nung birthday ko?" Rinig ang lungkot sa boses niya. Hindi ko alam kung paano ko ba ieexplain sa kanya lahat. Ayokong masaktan siya. Ayoko din na isipan niya ng kung ano ang mga magulang niya. May tendency na makaramdam siya ng galit it's either sa Mama niya o sa Daddy niya. "No princess." Umupo ako sa may swilver chair at hinawakan ko siya sa braso. "May mga bagay kasing nangyayari sa mga adults, especially sa mga mag aasawa like your Mama and Daddy. Pero kasi Yesha, you are too young to know whats happening. Pero isa lang ang masisiguro ko sayo. Si Mama at si Daddy mo mahal na mahal nila ang isa't isa. They just need time and space. Malapit na din kayong umuwi sa inyo. Okay? Huwag ka ng mag isip. You have to study today para pag uwi mo, naandito na si Mama mo." Nakangiti ko pa din na paliwanag sa kanya. Kahit na ang gloomy gloomy ng awra ng bata nagawa niya pa din na tumango at pilit na inintindi ang paliwanag ko. "Come on let's go. Ihahatid na kita. Garry and Ellisse will come too." Nakangiti ko pang sabi at hinawakan siya sa kamay. Nakaready na ang mga chikitings ko na inayusan ng mga yaya nila. I drove all the way to Ayesha's new school. We have no choice but to transfer her here sa malapit sa subdivision dahil na nga sa iskandalo na nangyari noong birthday niya. A twenty minutes long drive from home to Ayesha's school kaya hindi din naman ganun kahassle. Pagdating doon, napansin ko naman na may mga parents and kiddos na rin na nagdadatingan. It's a private school so kampante naman kami na safe ang mga bata dito. "Sunduin ka ulit namin later ah?" Tumango si Yesha, at hinalikan ko siya sa pisngi katulad din ng ginawa ng mga nakababata niyang pinsan at masayang nanakbo papasok sa loob ng gate ng school nila. Bago sumakay ng kotse para may nakita akong pamilyar na tao. Is that Nala? Nang tignan ko ulit, wala na siya. Maybe my eyes tricks me a lot. Napapa dalas na ang pamamalik mata ko. Hay. Bumalik na kaming mag-aama sa bahay dahil magreready na din ako ng pagkain for lunch. Pagkasundo ko mamaya kay Yesha, dadalhan ko naman ng food sila Theodore at Landon sa ospital. Hindi naman sila picky eater. Sadyang, mas gusto lang talaga nila ang mga luto ko. I cooked Sinigang na Baboy na maraming gulay at sobrang asim. Si Theodore ang mahilig sa ganitong ulam. Gusto niya yung naninigas ang mga panga niya sa sobrang asim ng Sinigang. I packed two lunch bag na may ulam at kanin para sa kanila ni Landon. Tsaka ako nag ayos ulit para umalis na. Isinama ko ulit yung dalawang anak ko sa pagsundo kay Ayesha sa school. Wala kasi si Eliot nasa trabaho kaya ako na muna ang nakatoka sa kanilang dalawa. Kahit na may Yaya ang mga anak ko, mas madalas pa din talaga na kami ni Eliot ang nag aalaga sa kanila lalo na kapag madami akong free time. Nang makarating sa school ni Yesha hindi ko na isinama yung dalawang bagets sa loob dahil ayoko din naman na madaming bata na labit. "Elisse, Garry dito lang kayo mga anak ha? Sunduin ko lang si Yesha niyo." Sabi ko sa dalawa kong anak. Tumango naman sila parehas. "Okay mommy." Sabi nila. Bumaba na ko ng kotse at naglakad papuntang classroom ni Yesha. Pagsilip ko wala ng mga bata. Yung teacher niya nalang yung nandon. "Excuse me Ma'am si Ayesha Ferell po?" Tanong ko sa kanya. "Ay nasundo na po lahat ng bata dito." Sabi niya. Nagtaka naman ako. Sino naman susundo dun? "Sino po kayang sumundo sa kanya? Wala kasi Mama niya nasa ospital. Yung Daddy niya naman naka admit." Sabi ko ulit. "Ay Ma'am, sabi po nung babae tita daw po siya ni Ayesha. Hindi ko po nakita yung mukha niya eh nakamask po kasi." Sabi niya pa. Bigla akong kinabahan. Tangina. Bakit ganito tong school na to? Basta basta nilang binibigay ang bata sa hindi magulang? Dali dali akong nagpunta sa principal's office at kinausap ko yung principal para mareview yung CCTV. "Sir, can I request to watch your CCTV footage? May sumundo daw kasi sa pamangkin ko without our notice." Kalmado ko pa din na sabi. Ayokong maghisterikal agad, kasi baka mamaya si Theodore nga yung sumundo eh. "Kaano ano po kayo nung studyante?" Tanong niya pabalik sa akin. As long as kaya kong magtimpi, ayokong mabulyawan ang isa sa kanila. "I'm her Uncle. I need to see it now Sir." May diin na yung pagkakasabi ko. Ayoko sa lahat pinasisikot sikot ako. Mabilis niyang inutusan ang secretary niya na ireview ang CCTV footage at pinapanood sa akin. Nakita ko ang isang babae na naka cap at mask. Hindi siya si Theodore. Bigla akong kinilabutan. Tangina kinidnap pamangkin ko!!! Dali dali kong tinawagan si Theodore. Ayesha Hererra Ferell Inihatid ako ni Tita Reth sa school. Hanggang ngayon iniisip k, bakit kaya laging umaalis si Mama ng bahay? Nasaan na kaya si Daddy? Hindi naman nila sinasagot mga tanong ko. Nakinig lang ako kay Teacher the whole day. Kasi sabi ni Tita Reth need ko daw mag aral ng mabuti. Isa isang sinundo ang mga classmates ko ng mga Mommy at Daddy nila. Naiinggit ako. Dati kasi, si Mama o si Daddy ang naghahatid at nagsusundo sa akin. Minsan magkasama pa silang dalawa. Ngayon lagi si Tita Reth na o kaya si Tito Eli. Ang tagal naman ni Tita. "Yesha? Wala pa ba sundo mo?" Tanong sa akin ni Teacher. Umiling iling lang ako. "Excuse me. Is this Ayesha's classroom?" Napatingin kami ni Teacher sa nagsalita. Naka sumbrero at naka face mask yung babae na nakatayo sa may pintuan. "Yes Ma'am. Ano pong maipag lilingkod ko?" Rinig kong tanong ni Teacher doon sa babae. "I'm her Auntie. Inutusan ako ng Mama niya na sunduin siya." "Ganoon po ba?" Tumingin sa akin si Teacher. "Ayesha nandyan na yung sundo mo." Sabi niya sa akin. Kinuha ko na yung mga gamit ko at lumapit sa may pintuan. Sabi niya sabi daw ni Mama sunduin niya daw ako kaya sumama naman ako. Sumama ako sa kanya at sumakay kami sa sasakyan niya. Hindi pa din tinatanggal ni Ate yung mask at sumbrero niya. Hindi ata dito ang daan pauwi sa amin? "Um ate. Saan po tayo pupunta?" Tanong ko sa babae, nagdadrive lang sya. Hindi niya ako iniimikan. Tumahimik nalang din ako. Tumigil kami sa isang bahay malayo sa school. Yung bahay nasa dulo ng parang farm. Hindi naman dito ang bahay namin ah? "Naandito na tayo sa bahay natin anak." Sabi nung babae. Anak? Pero hindi ko siya kilala. "Po? Pero hindi ko naman po kayo kilala. Tsaka hindi naman po kayo Mama ko." Sabi ko sa kanya. Hindi niya pinansin yung sinabi ko. "Halika na anak baba na tayo." Sabi pa niya ulit. "Hindi po ako sasama sa inyo! Iuwi nyo na po ako! Mama!!! Mama!!!" Sigaw ko. Bumaba siya at binuksan yung pinto ng kotse tsaka ako hinahatak. "Halika na anak wag matigas ang ulo mo. Magagalit ako." Sabi niya ulit. Natatakot na ako. "Hindi! Ayoko! Bitawan mo ako! Hindi ikaw ang Mama ko! Mama!!! Mama!!!" Sigaw ako ng sigaw. Nagpupumilit akong pumiglas pero ang sikip nang pagkaka hawak niya braso ko. Nagulat ako ng bigla niya akong sinampal. "Manahimik kang bata ka!! Sa ayaw at sa gusto mo ako na ang Mama mo ngayon!! Sumama ka sa akin bumaba ka jan!!!" Sigaw niya. Sa sobrang takot ko bumaba ako ng kotse ar sumama ako sa kanya. Kinaladkad niya ako papasok sa bahay na maliit. "Eto ang bago mong bahay anak. Hihintayin nalang natin pagdating ng Daddy mo." Sabi niya at inalis nya yung mask at cap niya. S-Siya yung babaeng nanggulo sa birthday party ko at yung inaway nila Mama. May pasa siya sa mukha. "Iuwi nyo na po ako. Hinahanap na po ako ng Mama ko." Sabi ko habang naiyak. "Tumahimik ka! Ako lang ang Mama mo!" Sigaw niya sa akin. Tumawa naman siya na parang baliw. Mama. Daddy. Natatakot po ako. Tulungan niyo po ako. "Kapag napatay ko na si Theodore magiging masaya na tayong tatlo ni Daddy mo at happy family na tayo." Sabi niya pa na parang loka loka. Maitim ang ibaba ng mata niya. Tapos ang payat niya. Yung itchura ng mga zombie? Ganon. "Ayaw ko sayo! Si Mama Theodore lang ang Mama ko!" Sigaw ko sa kanya. Bigla siyang tumingin sa akin na nanlilisik ang mga mata at hinawakan ako sa pisngi. Aray! "Manahimik ka! Mas maganda kung parehas nalang kayo ng Mama mo mamatay para wala ng asungot sa amin ni Jacob." Tumawa ulit siya. Binitawan niya na ako tsaka siya lumabas ng kwarto. "Wag kang maingay jan kung ayaw mong sunugin kita ng buhay." Banta niya sa akin. Umiyak lang ako ng umiyak habang nakayakap sa mga tuhod ko. "Mama. Daddy. Tulungan nyo po ako." Bulong ko habang nahikbi. Nakatulog ako sa papag dahil sa kakaiyak. Nagising ako dahil narinig kong may nagbukas ng pinto. "Anak kain ka na. Pinagluto ka ni Mama." Sabi nung babaing baliw. "Hindi ako gutom. Gusto ko Mama ko!" Sigaw ko sa kanya. Bigla niya kong sinakal. "Ang tigas ng ulo mo! Manang mana ka sa mga nanay mong mga abnormal!" Sabi niya sa akin tsaka ako binitawan at tumawa ng tumawa at lumabas ng kwarto. Napaubo ako dahil sa pagkakasakal nya sa akin. Naiyak nanaman ako. "Mama ko." Sabi ko habang naiyak. "Mommy Aisha." Patuloy sa pagpatak ang mga luha ko. Narinig ko naman na umalis siya dahil narinig ko yung makina ng kotse. Sumilip ako sa pintuan ng kwarto at naghanap ng malalabasan kaso nakalocked lahat. Saradong sarado ang buong paligi. Bigla akong may narinig na nagriring. Cellphone ko yun! Yung niregalo saakin ni Mama noong birthday ko nasa bag! Dali dali kong hinanap yung bag ko. Alam ko dito lang nilagay nung babaeng baliw yon eh. Nakita ko si Mama, natawag. Theodore Hererra Nakarating ako sa school ni Ayesha at nakita ko si Kuya na umiiyak kasama yung dalawa niyang anak. "Kuya? Nasaan ang anak ko?" Sabi ko habang naiyak. "M-May kumuha sa kanya. Nakita sa CCTV footage, babae." Sabi niya habang umiiyak din. Sumugod ako sa teacher at principal na nag uusap sa isang tabi. Hindi ako pwedeng kumalma! Anak ko ang nawawala! "Ano bang klaseng school to?! Binigay niyo lang agad agad yung anak ko sa kung sino?!" Sigaw ko. Nakatungo lang yung teacher. Yung principal naman ang sumagot sa akin. "Misis, pasensya na po kayo hindi naman po sinasadya ng teacher ni Ayesha ang nangyari." Sabi nung principal. "Hindi sinasadya?! Kilala mo kung sinong mga tao lang pwedeng sumundo sa anak ko!!! Napaka walang modo nyo naman pala na basta basta nyo lang ibibigay mga studyante nyo sa kung sino. Akala ko kapag dito ko pinag aral ang anak ko safe siya!" Galit ko pading sabi. Anong klaseng eskwelahan ito? Hindi nila kilala yung sumundo kay Ayesha. Nagpasulat pa sila ng mga pwedeng sumundo sa mga bata dito sa school tapos hindi nila ichecheck bago ibigay ang bata? "Ma'am willing naman po akong magbayad sa nagawa ko." Sabi nung teacher ni Ayesha habang naiyak. "Dapat lang! Sana tinawagan mo muna ako bago ka pumayag na kuhain si Ayesha!" Hindi ko magawang ibaba ang boses ko. Bigla akong hinawakan ni Kuya sa balikat. "Tama na yan bunso. Hanapin nalang natin yung anak mo at magreport na tayo sa mga police." Sabi niya. "Sir, pwede po bang makahingi ng copy ng CCTV footage nyo?" Sabi niya pa don sa principal at umu-o naman ito. Tuliro at balisa ako habang nasa byahe kami. Wala akong magawa kundi ang umiyak nalang. Iniisip ko nasaan na ba ang anak ko? Pumunta kaming police station at nireport ang buong pangyayari. "Misis, hindi po tayo maaaring mag report ng missing hanggat hindi po 24 hours na nawawala ang bata." Parang nagpantig ang tenga ko sa narinig ko. "Ano?! May kumuha sa anak ko tapos sasabihin niyo kailangan ko pa maghintay nang ilang oras bago kayo kikilos?! Anong gusto niyo?! Ibalik sa akin yung anak ko na bangkay nalang?!" Hindi ko magawang kumalma. Pati ba naman dito sa presinto iinit din ang ulo ko? "Hindi naman po sa ganoon Misis." "Ano pa bang gusto niyong ebidensya?! Ayan na yung video. Kitang kita na kinuha ng kung sino ang anak ko!" Pinipigilan ko ang umiyak. Kahit na gustong gusto kong humagulgol. Inagaw nung pinakang head nila yung pagpafile ko ng report at inaya kami sa office niya. "Misis, may nakaalitan po ba kayo?" Tanong sa akin nung police officer. Tumango ako. "Opo. Yung babaeng nagpupumilit lumapit sa asawa ko. Si Nala." Sabi ko naman. "Ilang taon na po ba anak ninyo? Baka po may cellphone siya o gamit na kahit na ano na pwedeng matrace? Tawagan po ninyo para matrace natin kung nasaan yung location nila." Sabi niya. Naalala kong lagi ko nga palang nilalagay yung cellphone na regalo ko sa bag ni Ayesha incase of emergency kaya naman dali dali ko itong dinialed. Ilang ring lang ay may sumagot agad. "Hello?!" Narinig ko yung hikbi ng anak ko. Napatakip ako ng bibig dahil sa pagpipigil na umiyak. [Mama tulungan mo ko.] "A-Anak! Yesha nasaan ka? Anak, pupuntahan ka ni Mama ha? Huwag kang matakot." Pag alo ko sa kanya. [Mama, kinuha po ako nung babaeng kaaway nyo nila Nanang. Dinala niya po ako sa malayo.] Si Nala nga. Niloud speaker ko yung cellphone ko para marinig nang lahat. Inihanda na nung police officer yung pang trace ng GPS at Location ng cellphone ni Ayesha. Sinesenyasan niya ako na magtanong pa ako ng magtanong. "Anak, pupuntahan kita jan. Nasan ka ba?" [Puro puno at bukid po yung nakita ko, hindi ko po alam kung saan---] Naputol ang sasabihin ni Ayesha. [Anong ginagawa mo ha?! Bwisit kang bata ka!] Bigla naming narinig yung boses ni Nala. Umiyak naman ng malakas si Ayesha kaya mas lalo akong binalot ng takot sa katawan. "Yesha?! Anak?! Yesha!!!!" Sigaw ko. Biglang namatay yung tawag. Umiyak lang ako ng umiyak. "Kuya yung anak ko. Baka sinasaktan na siya ni Nala." Sabi ko habang nakayakap kay Kuya Garreth. "Sssh. Kumalma ka. Mahahanap natin sila." Bulong niya sa akin. Nainterrupt ang pag uusap namin ni Kuya ng lumapit sa amin yung pulis na kausap ko kanina para itrace ang location nila Ayesha. "Ma'am, natrace na po namin yung location ng anak niyo. Malapit po sa bukirin sa may ibayo." Sabi nung police officer. Binalot ako ng tuwa. Na sa wakas kahit ilang oras na ang lumilipas makukuha ko na ulit ang anak ko. "Thank you po." Sabi ko naman. Biglang may tumawag kay Kuya Garreth kaya naman sinagot niya ito kaagad. "Hello Landon? Ano? Gising na si Jacob?" Narinig kong sabi niya. Gising na asawa ko? Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Pero mas kelangan ako ni Ayesha ngayon. Hindi ako pwedeng magpakita sa kanya ng hindi ko kasama ang anak namin. Ayesha anak hintayin mo si Mama. Gising na ang Daddy mo. At hinihintay na niya tayong dalawa. --- Thanks for reading! ❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD