Theodore Hererra
Nagising akong nasa loob ng isang madilim na kwarto. Wala akong makita puro itim ang paligid ko.
Nakakasuffocate.
Ang hirap huminga at kumilos.
"Kuya?! Ayesha?!" Tawag ko sa anak at kapatid ko.
Tinry kong tumayo at mangapa sa paligid. Lumakad ako ng kaunti pakanan at nahawakan ko ang pader. Sinundan ko ito at ginawang alalay.
Walang laman dito sa loob? Wala kasi akong nababanggaan na mga gamit.
Parang ang haba naman ata ng nilalakaran ko? Napansin ko sa may bandang dulo na may ilaw ang ilalim at alam kong pintuan yun.
Kahit na nahihirapan na akong kumilos sa dilim pinilit ko pa din na makalapit sa pintuan.
Pagbukas ko, liwanag ang unang suminag sa mukha ko at halos mabulag ako dito.
Nang umayos na ang paningin ko, nakita ko si Ayesha at Jacob na masayang naglalaro sa garden at may picnic matt na puro pagkain ang nakalatag sa lapag.
Masaya silang dalawa na naghahabulan.
Kaya naman nakangiti akong lumapit sa kanilang dalawa.
"Mahal? Yesha?"
Tila ba hindi nila ako naririnig at wala silang pakealam.
"Mahal! Yesha!" Nilakasan ko yung boses ko kahit na ang lapit lapit ko na sa kanila. Pero wala pa din. Patuloy sila sa paghahabulan at pagtatawanan.
Tsaka lang napukaw ang atensyon ko ng may marinig akong boses ng isang babae.
"Love. Anak! Kakain na!"
Napalingon ako ng mabilis sa kinaroroonan ng boses na yun.
N-Nala?
Anong Love?! Anong Anak?!
Hindi!
Masayang lumapit sa kanya ang mag ama ko at hinalikan siya sa pisngi at labi.
Masaya silang tatlo.
At ako? Parang wala lang ako sa harap nila. Invisible at hindi nag eexist.
Akmang lalapit ako ng mapunta sa akin ang tingin ni Nala. Nakangisi siya na tila ba isang demonyo.
"Sa akin na ang asawa at anak mo. Paano ba yan Theodore? Ako ang nanalo."
Sabay halakhak ng malakas. Kasunod din ang pagtawa ni Jacob at Ayesha.
Hindi!
"Hindi!!!!"
"Theo?! Bunso! Bunso gumising ka!!"
Napabangon ako bigla ng marinig ang boses ni Kuya Garreth. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto.
"You're having a nightmare. Kanina ka pa sumisigaw kaya napatakbo kami dito." Sabi niya na tila ba nag aalala ng sobra.
Napalingon ako sa kanan ko at nakita ko si Ayesha na parang naiiyak.
"Mama, okay lang po ba kayo?"
Hinatak ko siya ng marahan tsaka ko siya niyakap at hinalikan sa ulo.
"Oo anak. Mahal na mahal ka ni Mama." Bulong ko sa kanya.
Isang pangit na panaghinip.
"Okay ka lang ba?" Halata pa din kay Kuya ang pag aalala.
Tumango ako ng marahan.
"Halika na at bumaba na tayo. Kanina pa nakaready ang umagahan." Aya niya sa aming mag ina.
Bago bumaba, pumunta muna ako sa banyo para maghilamos at magmumog. Pati na din magbihis ng pangbahay na damit.
Pagbaba napansin ko na yung mga bata at si Kuya Garreth lang ang nasa hapag.
"Oh Kuya nasaan asawa mo?" Tanong ko.
"Um. Pinuntahan si Jacob. Ilang araw na daw niyang hindi makontak." Sagot ni Kuya habang pinagsasandok ng pagkain ang dalawang anak niya.
Bigla naman akong kinabahan.
Baka gusto lang mapag isa?
Knowing him, kapag ganito ang nangyayari sa kanya gusto niya nag iisa lang siya. Pero ang un usual naman na hindi niya sagutin si Kuya Eliot?
Pati tuloy ako kinakabahan ano ba yan.
Naalala ko nanaman yung panag hinip ko kanina.
No. Hinding hindi mangyayari yon.
Ipaglalaban ko ang pamilya ko kahit sa p*****n pa.
Eliot Alcala
Ilang araw ko ng hindi makontak si Jacob pagkatapos ng huli naming pag uusap sa labas ng gate niya.
Hindi naman sa kinakampihan ko si Theodore, sadyang ayoko lang makielam sa gulo nila. Na kung tutuusin dapat silang dalawa ang umayos at walang ibang tao dapat ang mainvolve o makielam.
Alam ko naman na kailangan niya ako, dahil ako nalang ang meron siya. Pero naipag kait ko sa kanya ang magkaroon ng kaibigan. Hindi dahil sa ayaw ko. Busy talaga ako sa trabaho. Madaming naimbak sa akin sa office kasabay pa ang trabaho ko bilang Manager niya.
Ako ang kumakausap sa mga taong naghahanap sa kanya. Hindi na din kasi siya napasok sa trabaho. Hindi ko matitiis yon dahil parang anak at kapatid ko na ang turing ko sa kanya.
Alam kong walang kasalanan si Jacob. At alam kong hindi niya kayang lokohin si Theodore. Katulad nga ng paulit ulit kong sinasabi ayoko lang makeelam sa away nilang mag asawa.
Maaga akong gumising kanina para magpaalam kay Garreth na pupuntahan ko si Jacob dahil ilang araw na din na hindi sumasagot sa mga tawag at messages ko. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na mapuntahan siya. I took a leave sa work para maasikaso ko lahat ng aasikasuhin na not related sa trabaho ko.
Kaya naman dali dali akong pumunta sa bahay ni Jacob.
Habang nagdadrive iba yung kaba na nararamdaman ko. Para bang may hindi magandang mangyayari. Dyos ko huwag naman sana tama ang mga kutob ko.
Ayoko ng mga ganitong kutob kutob. Hindi naman siguro gagawin ni Jacob yun dahil mahal niya ang sarili niya, lalo na ang pamilya niya.
Pagkarating sa bahay niya mabilis akong pumasok sa gate dahil may spare key ako ng gate ng bahay nila. Maliban sa front door. Dahil ayaw na ayaw ni Jacob na naghihintay lang ako sa labas ng gate niya kapag pumupunta ako dito ng wala siya.
Ilang beses na akong kumatok sa pintuan nila pero walang sumasagot. Nandito kaya siya?
Umikot ako sa may garden para makita ko yung loob dahil glass door lang naman yung pintuan doon na kita ang salas.
Pagsilip ko nakita ko si Jacob na nasa sahig na. Duguan ang kamay at walang malay.
Gumapang ang kilabot at matinding kaba sa buong sistema ko. Dali dali kong pinihit ang door knob pero nakalock ito.
"Jacob!!! Jacob!!!!"
Sigaw ko habang malakas na kinakalampag ang glass door.
Wala akong ibang choice kundi basagin nalang ito. Buti at may upuan dito sa labas na gawa sa bakal. Walang pag dadalawang isip ko itong inihampas sa glass door at rinig ang malakas na pagkabasag ng salamin.
Dali dali akong pumasok na natataranta. Hindi alintana ang mga bubog na kumalat sa sahig.
"Jacob!!! Jacob!!!! Tangina Jacob!!! Huwag kang ganyan!!" Pilit kong gising sa kanya.
Hindi ko lubos maisip na aabutan ko siya ng ganito. Kung lasing at lunod sa alak oo. Pero ang magpakamatay? Tangina.
Nag uumpisa ng mamuo yung luha sa mata ko. May nakita akong note sa center table. Suicide note?!
Dinampot ko ito at agad kong binuhat si Jacob at dali dali akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot papuntang ospital.
Wala akong pakialam kung mahuli man ako dahil nag oover speed driving ako.
Busina ako ng busina para makasingit sa traffic.
Tangina.
Alam kong madaming dugo na ang nawala sa kanya.
Jacob!!!
Napapasuntok ako sa manubela habang parang nababaliw na dahil sa nangyayari.
Nang makarating sa ospital mabilis ko siyang binuhat papasok sa Emergency Room.
"Nurse!!!! Nurse!!!! Yung kapatid ko please!!!" Umiiyak kong sabi.
Agad naman syang kinuha at inasikaso ng mga doctor at nurse.
Madaming dugo na yung nawala sa kanya.
Tinawagan ko kagad si Garreth.
Theodore Hererra
"Mommy!!! Daddy is calling!!!" Sabi ni Ellisse na nananakbo habang hawak yung cellphone ng Kuya ko.
"Thanks baby." Sabi ni Kuya tsaka siya hinalikan sa pisngi. Si bulilit naman nanakbo na ulit pabalik sa pinsan at kapatid niya.
"Hello babe? HA?!!! T-Teka saan?! A-Anong nangyari?!! Oo sige sige pupunta na kami jan. Teka lang kumalma ka! Pati ako natataranta eh! Sige sige." Ngayon ko lang narinig na ganito si Kuya Garreth. Parang takot na takot siya sa narinig niya.
Tumingin siya sa akin na namumuo yung luha sa mga mata. Nanginginig ang mga labi niya at parang ayaw niyang magsalita.
"J-Jacob attempted suicide. N-Nasa ospital daw sila ni Eliot." Nanginginig na sabi ni Kuya sa akin.
Para akong tinamaan ng kidlat. Y-Yung asawa ko nasa ospital? Napatulala ako.
S-Si Jacob?!
Para akong nabingi. Hindi nag sisink in sa utak ko yung mga sinabi ni Kuya.
"Theo!!!" Napapitlag ako sa mataas na boses ni Kuya sa pagtawag sa akin.
"Mama? What's happening?" Si Ayesha na nastartled sa malakas na sigaw ni Kuya.
Lumapit ako sa kanya.
"May emergency lang anak. You have to stay here with your cousins okay? Babalik din kami agad."
Tsaka ko siya hinalikan sa ulo.
Dali dali kaming nanakbo sa kotse namin at iniwan muna namin yung mga bata sa mga kasambahay namin at yaya nila.
"Kuya bilisan mo! Yung asawa ko!" Umiiyak kong sabi habang hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.
"Teka nga kumalma ka!!! Wag kang mataranta. Natataranta din ako!!! Baka mapano pa tayo niyan eh." Sabi niya naman.
"Kuya yung asawa ko." Sabi ko padin habang naiyak.
"Kumalma ka." Kalmadong sabi ni Kuya habang patuloy sa pagdadrive.
Mabilis kaming nakarating ng ospital. Dali dali akong bumaba sa kotse at nanakbo papasok sa loob. Alam kong nasa emergency room si Kuya Eliot kaya doon na ako dumaretcho. Nakasunod sa akin si Kuya Garreth.
Nakita ko si Kuya Eliot na nakaupo sa upuan at umiiyak ng tahimik.
"Kuya Eliot nasan si Jacob?!" Sigaw ko.
"Nasa ER pa siya. Kumalma ka muna." Sabi niya at may inabot siya saken. "He slit his pulse. Madaming dugo ang nawala sa kanya."
Nanginginig akong inabot yung papel na hawak niya. May dugo pa ng kaunti ang papel.
Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Para akong matutuliro.
Pagtingin ko sulat. Hand written ni Jacob ito. Kahit na wala ako sa sarili para basahin ito, inumpisahan ko pa din na basahin.
Mahal,
Alam kong mababasa mo to kahit wala na ko dito sa mundo. Mahal na mahal ko kayo ng anak natin. Palagi mong tatandaan yan na simula noon, ikaw lang minahal ko ng sobra. Malaki ang paggalang ko sayo lalo na sa pangakong binitawan natin sa isa't isa.
Sorry. I'm so sorry sa lahat ng sakit na nabigay ko sayo mula noon pati ngayon. Yung sa amin ni Nala wala kaming relasyon. Walang namamagitan sa aming dalawa. Sya lang yung nagpipilit na dumikit sa akin. Hindi ko masabi sayo dahil ayokong dumagdag pa sa mga isipin mo sa bahay. Sinubukan ko siyang iwasan.
Alam kong nakita mo yung resibo na nasa bag ko. Totoong dalawang necklace yon dahil tig isa kayo ni Ayesha. Pero nung pauwi na ako galing sa shooting wala na yung kwintas na para sayo. Hinanap ko Mahal, pero wala di ko na nakita.
Nakita din kita don sa mall na pinagbilhan ko nung kwintas. Alam kong nakita mo din na may kasama akong babae sa isang resto. Hinintay kitang lumapit pero hindi ka lumapit. Pag habol ko wala na kayo. Kilala mo siya. Siya si Rita. Oo siya, yung surprise singer sa birthday ni Ayesha. Hindi ko din sinabi sayo dahil surprise nga.
Yung nakita mo sa kwarto natin. Nakita kong umakyat si Nala sa taas kaya sinundan ko siya. Alam ko kasing may binabalak nanaman syang masama. Saktong pagbukas mo ng pinto hinalikan niya ako. Yun na yung nakita mo.
Hindi kita pipiliting maniwala sa akin Mahal. Pero isa lang ang totoong alam kong alam mo. Mahal na mahal kita at di ko kayang mawala kayo sa akin kaya ako nalang ang mas maiging mawala. Wag kang iiyak ha? Alagaan mo si Ayesha. Mahal na mahal ko kayo.
Jacob
Napaupo ako sa sahig dahil nanglambot yung tuhod ko sa nabasa ko. Humagulgol ako ng iyak habang yakap yakap yung sulat na ginawa ng asawa ko.
Sorry Mahal. Sorry. Pinangunahan ko nanaman lahat.
"Theo, tumayo ka dyan." Sabi ni Kuya Garreth at inaalalayan ako.
"Kuya, nagkamali nanaman ako." Humihikbi kong sabi. "Hindi ko nanaman pinakinggan yung asawa ko at pinangunahan ko nanaman lahat." Halos hindi na ako makahinga sa kakaiyak.
"Kasalanan ko tong lahat." Sabi ko. Hinihimas naman ni Kuya yung likod ko. "Ssshhh wala kang kasalanan. Kumalma ka na. Magiging okay din yung asawa mo." Sabi niya.
Biglang lumabas yung doctor sa ER. Kaya dali dali akong lumapit sa kanya. Wala akong pakialam kung magmukha akong baliw dito. Basta malaman ko lang na okay si Jacob.
"Doc, ano na pong nangyari sa asawa ko?" Sabi ko habang nakahawak sa lab coat niya.
"Misis, madaming dugo ang nawala sa asawa mo. Kailangan pa namin ng dalawang bag ng dugo para masalinan siya. But don't worry, may makukuha kaming blood bag tomorrow kaya masasalinan siya as soon as possible. Ililipat na po namin siya sa private room for now." Sabi nung Doctor.
I felt relieve.
"Maraming salamat po." Sabi ko naman.
"Excuse me Ma'am, Sir." Sabi nung Doctor at umalis na.
Ilang minuto lang at nadala na din siya sa private room niya.
Dumating na din sila Landon dahil malamang ay tinawagan sila ng mag asawang si Kuya Garreth at Kuya Landon.
Nakaupo ako sa gilid ng hospital bed niya at nakahawak ako sa kanang kamay niya. Ang sakit na makita siyang nakahiga dito at walang malay.
Kasalanan ko ito kung bakit nangyari pa ito sa kanya.
"Mahal, gising ka na nandito na ako." Sabi ko habang umiiyak.
Hindi ko mapigilan na hindi maiyak. Ang sikip sa dibdib.
"Bes, kami na muna bahala dito umuwi ka na muna. Magpahinga ka nalang din at hinahanap ka na ng anak mo." Sabi sa sakin ni Landon habang nakapatong ang parehas niyang kamay sa mga balikat ko.
Umiling lang ako ng marahan.
"Hindi ako aalis dito hanggat hindi pa nagigising si Jacob." Pagmamatigas ko.
"Theodore, huwag ng matigas yang ulo mo. Pag nagkasakit ka mas lalong mahirap. Paano na anak niyo? Sige na magpahinga ka na muna sa bahay nyo. Tatawagan ka namin agad pag nagising na si Jacob." Sabi naman ni Kuya Dwight.
Wala na kong nagawa. Umuwi muna ako. Nagpahatid ako kay Kuya Eliot pauwi nang bahay.
Nasa kwarto at nakahiga na ako at lahat pero hindi ako makatulog kakaisip. Sana magising na ang asawa ko.
Hindi ko din namalayan na dahil sa pagod at hapdi ng mata ay nakatulog na ako.
Umaga na din ako nagising. Ganun naging kahaba tulog ko? Bumangon na ako at nag asikaso ng mga damit ko.
"Saan ka pupunta?" Biglang sulpot ni Kuya Garreth sa pintuan ng kwarto ko.
"Kuya pupunta ulit ako sa ospital. Ikaw nalang muna bahala kay Ayesha. Okay lang ba na ikaw na maghatid at sundo sa kanya sa school?" Sabi ko.
Tumingin muna siya ng matagal sa akin bago sumagot.
"Sigurado ka ba na okay ka na? Magpahinga ka pa."
Umiling ako.
"I'm good Kuya. Hindi din ako mapapakali kung wala ako sa tabi ni Jacob."
"Siya sige ako na bahala. Mag iingat ka. Oo nga pala nagluto ako ng pagkain, magbaon ka nalang para na din mabigyan mo sila Landon doon." Sabi niya.
Tumango lang ako.
Pagkatapos ko iayos mga gamit ko, bumaba na ako at kinuha ang nakaready na mga pagkain na niluto ni Kuya Garreth. Nag paalam na din ako kay Ayesha na nagpupumilit na sumama, pero sabi ko may pasok pa siya sa school.
Dumaan muna ako sa bahay naming mag asawa. Napansin ko yung basag na glass door. Papagawa ko nalang ito. Kumuha ako ng mga gamit ni Jacob at tsaka bumalik ako sa ospital.
"Oh bes. Nakapag pahinga ka ba?" Bungad sa akin ni Landon.
"Oo bes. Salamat ha? Pasensya na din naabala ko pa kayo." Sabi ko naman.
"Okay lang to naman. Di naman kayo bago sa amin eh." Sabi niya na nakangiti ng maliit.
"Si Light nga pala nasaan?" Tanong ko.
"Nandoon kala Mama. Pinaalagaan ko muna doon." Sagot niya.
Lumapit ako kay Jacob at tulog padin siya. Hinalikan ko siya sa labi.
"Miss na kita. Gumising ka na." Bulong ko sa kanya.
Maghapon akong nakabantay sa kanya. Kasama ko si Landon. Umuwi na din muna si Kuya Dwight para maicheck si Light.
Biglang tumawag si Kuya Garreth sa akin.
---
Thanks for reading! ❤️