M90: PRENO

1017 Words

“Andrei,” tawag ni Noraine sa binata nang mapagpasyahan muna nilang umuwi sa mansion upang kumuha ng mga gamit ni Mr. Edwards. Walang mauutusan si Andrei kaya nagsama na silang dalawa na umuwi sa mansion. Kailangan ng mga damit ng matanda, hindi pa ito nagigising pero mas mabuti na ‘yong handa sila at hindi na sila magahol sa oras. Tumingin si Andrei sa kaniya. Kalmado ang mukha nito at napakaaliwalas. “Yes?” kaswal na baling sa kaniya nito. Sinuri ni Noraine ang emosyon na nakaguhit sa mga mata nito. Titig na titig siya at pinag-aaralan kung ano ang magiging reaksyon nito sa mga sunod niyang sasabihin. “Bakit ang lungkot mo?” Hindi na niya napigilan pa ang sarili na tanungin ito. Hinintay ni Andrei ang magiging reaksyon ni Andrei pero nanatiling gano’n ang mukha nito. Walang nagbago.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD