Napalunok na lang si Noraine nang maalala ang ginawa nila ni Andrei sa banyo. Hindi niya alam kung paano at bakit siya napapayag ni Andrei na gawin nila ang bagay na ‘yon sa loob ng banyo rito sa k’warto ni Mr. Edwards. Alam niyang paglabas nila ni Andrei ay nakita sila ni Lorebel at sa tingin niya ay may idea na ang dalaga sa nangyari sa kanila dahil hindi naman ito gano’n kainosente para hindi mapansin ang bagay na ‘yon. Nahihiya at natatakot si Noraine para sa kaniyang sarili. Baka ipagkalat ni Lorebel ang tungkol sa bagay na nakita nito pero nagdadasal pa rin siya na sana ay hindi mag-isip nang gano’n is Lorebel kahit na limang porsyento lang ang kaniyang pag-asa. Klinaro ni Andrei ang lalamunan kaya napatingin silang dalawa ni Lorebel sa binata na tutok sa kaniyang laptop at abala

