Lingid pa rin kay Margaret na may kinikimkim na inis sa kaniya ngayon si Tamara, kaya naman nang maabutan niya itong paalis ng mansyon kasama ang ama at ang nakababatang kapatid na si Karadine ay pinabaunan pa niya ito ng gawa niyang leche flan. "Para saan 'yan?" kunot noo nitong katanungan. Napabuntong hininga naman siya. "Para sa pag-aalaga mo sa akin noong may sakit ako." Nakita naman niyang bahagyang nahabag si Tamara, na kahit kailan naman ay talagang naging malapit sa puso niya kahit na half sisters lamang sila. Ilang sandali pa ay mas napanatag ang kalooban niya nang magawa nitong tanggapin ang inaabot niyang leche flan. "Salamat," tipid nitong sabi. Napangiti naman siya at sinabi, "Sobrang nami-miss na kita, Ate Tamara. Kailan ka ba kasi ulit magiging free?" Nakita niya ang pa

