ALAS TRESS nang madaling araw ako Hinatid ni Claude pauwi. Hindi siya nagpakita sa kahit sinong tao sa bahay. Binuksan ko ang gate pagkatapos ay pumasok na ako sa loob ng bahay. Nakita ko si David sa may sala na nakahigang natutulog. Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan ko siya marahil ay nakatulog na siya kahihintay sa'kin. Napansin ko rin ang isang tasa ng kape na bagong timpla dahil umuusok pa ito. Dahan-dahan kong hinaplos ang kanyang buhok kaya't nagising ito. "Cyndi?" Biglang itong bumangon. "Thanks God you're safe." niyakap niya ako ng mahigpit. Tinapik ko ang balikat niya. "Huwag ka ng mag-alala nandito na ako." Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin at hinawakan niya ang mukha ko. Bakas sa mukha niya ang takot. "I'm scared to lose you" nakipagtitigan pa siya sa'kin. I s

