PARA akong binagsakan ng langit at lupa dahil sa narinig ko mula kay Ninong Robert. I never thought this would happen to me. My tears started to fall. "Hindi ko kayang tanggapin ang nangyari." Bumuntong-hininga si Ninong Robert. “We’re not sure your mom is the same. Subukan mong tanungin sa kanya para malaman mo ang totoo." Tumango sa kanya. "Maraming salamat." Tumayo upang umalis. "Cyndi! Huwag mong kakalimutan na bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng Daddy mo. Naduwag ako noon dahil sa pagbabanta nila sa'kin at sa pamilya ko. Ikaw na lang ang magbigay ng hustisya sa kanya. Tumango ako at pagkatapos ay umalis ako sa lugar na iyon. Sumakay ako ng kotse upang umuwi ng mansyon. Kailangan malaman ni Mama Silvia ang totoo. "Kaya pala nakita ko siya sa sementeryo. Si Daddy pala ang dina

